MATAPOS saksihan ni Nicholas ang insidente ay mas lalo siyang nakaramdam ng awa para kay Ema. Kasalukuyang inaakay ng mga pulis ang kapatid at ama ng dalaga upang dalhin sa presinto. Doon na lamang ipagpapatuloy ang pagsiyasat sa dalawa.
Noong umalis ang mga pulis akay ang mag-ama ay kaagad siyang pumanhik sa kusina ng mansiyon. Nagpaalam siya sa mayordoma upang kumuha ng pagkain para kay Ema.
"Saan mo dadalhin iyan, Nicholas?" tanong ni Esme nang makasalubong niya ito sa pintuan palabas, tinutukoy nito ang dala niyang pagkain.
"Para kay Ema. Dadalhin ko sa bahay nila. Hindi siya nakakain kanina," sagot niya.
"Kahit naman tayo ay hindi pa nakakain dahil sa pangyayari. Dagdagan mo na iyan para doon na kayo kumaing dalawa sa bahay nila," payo ni Esme. Napaisip siya saglit at tama ito. Hindi nga sila nakakaing lahat dahil sa pangyayari.
"Okay," tipid niyang tugon. Bumalik siya sa kusina at dinagdagan ang laman ng dalawang Tupperware.
"By the way, please tell Ema na hindi na ako makakapunta sa kanila. I would love to comfort her. Pero biglang nangalay ang mga paa ko," nagbilin si Esme bago pa siya makalabas sa pintuan.
"Sure. I'll tell her."
Lumabas siya sa mansiyon at tinahak ang daan patungo sa bahay nina Ema. Gawa sa kawayan ang dingding ng bahay ng mga ito at ang bubong naman ay cheap metal roofing sheets.
Kumatok siya sa pintuan at tinawag ang pangalan ng dalaga. "Ema, it's Nicholas. Please open up the door," he called out for her.
Ilang segundo lamang ang hinintay niya. Pinagbuksan siya nito at nakita niyang umaliwalas ang maganda nitong mukha. Kahit nakangiti ito ay hindi nakaligtas sa mga mata niya ang nakitang hiya. Hindi rin nito gaanong binuksan ang pintuan.
"O? S-Shanny?" utal na tawag nito sa kanyang pangalan. "Hindi ka na dapat nag-abala pa."
"No, I want to. I told you a while ago that I'm going to bring you food, right?" he said.
"O-Oo," utal nitong sagot at nahihiyang umiiwas ng tingin. "Ang totoo niyan nahihiya akong patuluyin ka. Siguradong malalaki at magaganda ang bahay niyo sa Maynila kumpara sa maliit naming bahay," hayag nito ng iniisip. Amusement dance in his eyes when he saw her blush.
"Mukha ba akong may pakialam? Come on, nangangalay na ang mga kamay ko sa paghawak sa mga Tupperware," wika niya. Napatingin naman ito sa kamay niyang may dalang Tupperware. Kinuha nito ang mga iyon at binuksan ang pintuan.
"Halika, tuloy ka," inanyayahan siya nito sa wakas.
"By the way, Esme can't come because her legs are tired especially that she is pregnant," naalala niyang sabihin ang bilin sa kanya.
"Walang problema sa akin iyon," sabi ng dalaga at naunang pumasok sa loob ng bahay.
Pumasok din siya at isang maliit na living room ang unang bubungad. Hindi niya rin napigilang mapatingin sa kanyang paanan. Lupa ang inaapakan niya at hindi sementadong sahig.
Inilibot niya ang paningin sa buong silid, may maliit at old fashioned television, dalawang pahabang upuang gawa sa kawayan at isang mesita sa gitna ng dalawang upuan ang laman ng sala.
Sa kaliwang bahagi ng sala ay dingding habang sa kanang bahagi nito ay may dalawang pintuan. He assumes that it was their bedrooms.
"Naihanda ko na ang mga pagkain," tawag sa kanya ni Ema. Galing ito sa harapang bahagi ng sala kung saan mahabang kurtina ang nagsisilbing takip sa pintuan.
"Halika na dito sa kusina," nahihiya nitong turan.
Naglakad siya sa direksiyon nito. Nauna ito lumusot sa kurtina at sumunod siya. Sa kabilang bahagi niyon ay ang kusina. Nasa mesa ang mga pagkain at ang apat na upuan ay gawa sa kahoy na tabla. Napansin niyang nasa labas ang de-kahoy na kalan. Dito marahil nagluluto ang pamilya. Kaharap ng mesa ang lababo, at lagayan ng mga kitchen utensils at items.
"Where's your bathroom?" he cannot control his curiosity so he asked. Bago sa kanya ang ganitong klase ng bahay.
"Nasa labas. Bakit? Naiihi ka ba?" sagot nito.
"No. I just want to know," tugon niya
"Ahh. Ganoon ba," tanging nasabi nito. "Kain na tayo," yaya nito pagkatapos malagyan ng mga pagkain ang plato nilang dalawa.
"Thank you for serving me food," pasasalamat niya. Right there beside him sits a beautiful lady. He cannot help himself but stare at her while they eat.
"May dumi ba ako sa mukha?" she asked. "Kanina mo pa kasi ako tinititigan."
"Walang dumi ang mukha mo, sobrang ganda meron," he complimented her which is the truth.
Namula ang magkabilang pisngi nito at hindi alam kung ano ang sasabihin. Kanina pa siya nawiwili sa mahiyain nitong personalidad.
"Kumain na nga lang tayo," saad nito at muling ibinalik ang atensiyon sa pagkain.
The first and second time he saw this woman, he already fell for her beauty. But right now, he is starting to fall for her personality.
"Nagkaroon ka na ba ng boyfriend?" nagtanong siya kapagkuwan.
"Wala. Hindi ko pa nararanasang magkaroon kahit kailan," diretsong sagot nito.
He rejoiced silently upon knowing about it. This woman is his. He is already claiming her as his own. No one will have her except him. He is going to prove that.
"Why? That's sad, you haven't experienced it," he commented.
"Importante ba sa buhay na maranasang magkaboyfriend? Hindi ko kasi mapagtutuunan ng pansin. Pagtatrabaho ang pinagkakaabalahan ko mula pa noong pinatigil ako ni Nanay at Tatay na mag-aral," malungkot nitong pagbabahagi ng iniisip.
"Really? Pinatigil ka nilang mag-aral? They took away your right to education."
Mapait itong ngumiti, tumigil ito sa pagkain at tumingin sa kanya. "Hindi tayo pare pareho ng buhay. Mahirap kami at apat kaming magkakapatid. Grade six na sana ako noon, excited ako, pero sinabi ng mga magulang ko na tumigil muna ako sa pag-aaral dahil hindi na nila kaya. Ang panganay kasi naming kapatid, si Ate Lourdes ay nasa kolehiyo na. Kaming tatlong nakababata niyang kapatid ay kailangang magsakripisyo para mapatapos siya." She started to tell a part of her life.
"Where's your Ate Lourdes then?" he asked.
"Sinayang niya ang pagsasakripisyo namin. Maaga siyang nag-asawa. Nakatira siya ngayon at ang pamilya niya sa kabilang bayan," matamlay nitong sagot.
"And your other siblings?" muli siyang nagtanong.
"Si Kuya Adel, yung sinuntok mo kanina, nag-asawa na rin. Sa kabilang baryo naman siya nakatira ngayon at ang pamilya niya. Habang ang bunso namin ay namatay ng maaga dahil nalunod noon sa ilog." Kita ang kalungkutan sa mga mata nito habang nagkukwento.
"How about your mother?" he started asking everything already. Hindi niya mapigilan ang sarili lalo pa't interesado siya sa dalaga.
"Namatay siya apat na taon na ang nakakalipas dahil sa cancer. Wala kaming pangpagamot kaya lumala," nanunubig ang matang sagot nito.
Marami pa siyang gustong itanong pero pinigilan niya ang sarili. Masyadong emosyonal ang dalaga habang nagkukwento dahil naaalala nito ang mga pangyayari sa buhay nito. Ayaw niyang dagdagan ang paghihirap ng loob nito kaya tumigil siya sa pag-usisa.
Narito siya upang pagaanin ang loob nito at makalimutan nito ang nangyari kanina. Inakbayan niya ito sabay haplos sa balikat nito.
"You're a one strong person I met in my life. Don't worry, I'm here now. I'll make you happy while we stay here," turan niya.
"Salamat," tipid nitong tugon.
ALAS DOS ng hapon nang magpasyang umuwi si Nicholas. Pagkatapos nilang mananghalian ni Ema kanina ay pinayuhan niya itong magpahinga. Sumunod ang dalaga sa kanyang nais.
Dumating siya sa mansiyon at nadatnan niyang nagsisiyahan ang mga kaibigan niya sa sala. Tumigil lamang ang mga ito noong mapansin nila ang kanyang pagdating.
"What's up, lover boy?" bati sa kanya ni Xyne.
Nagkantiyawan pa silang lahat. Inalis niya ang tingin sa mga ito at dumiretso sa kusina upang ibalik ang dalawang Tupperware. Sanay na siyang huwag pansinin ang kaabnormalan ng mga baliw na kaibigan.
"Can you teach me your ninja moves, buddy?" lumapit sa kanya si Axel at umakbay.
"It's not ninja moves, Lewitz. It's called being genuine and honest with your actions," bara niya sa kaibigan.
"Another man is in love. Welcome to my world of married man, Brown," Terrence stood up and opened his arms widely. Animo'y nag-aaya na yakapin niya ito.
"But Terrence, isn't your marriage in disaster right now?" Laxus suddenly raised his hand and asked.
Nawala ang malapad na ngiti ni Terrence at masama ang tingin na bumaling kay Laxus. Mabilis nitong hinablot ang throw pillow upang ibato sa huli.
"Sad truth, Escobar. You should do everything now to save your marriage or you'll regret it later," Aven gave their friend a piece of advice.
Nagbuntong hininga naman si Terrence at umupo sa carpeted floor.
"Where's Legend by the way?" tanong niya para ilihis ang usapan.
"Nasa kwarto nila ng asawa niya," sagot ni Cozart.
"You know what, buddies. I'm bored," Maximus shared his thought.
"Me too," Sébastian raised his hands and agreed as well.
"I want to fvck tonight," Onix blurted out.
Sabay sabay silang tumingin sa damuho at pinagbabato ito ng unan.
"Mukha bang may bar o club dito sa liblib na lugar na 'to?" sarkastikong tanong ni Xyne.
"What's wrong if I share what I am thinking?" pinagtanggol ni Onix ang sarili mula sa kanila.
"Ugh. Shut up!" naiinis na turan ni Terrence dito.
"What if we go for a stroll around the place?" Cozart suggested.
"Good idea. Who wanna join us?" Laxus agreed to the latter.
Lahat sila ay nagsitaasan ng kamay, sumusuporta sa suhestiyon ni Cozart.
"Wait, magpapaalam lang ako sa tatay ni Esme," nagpaalam si Maximus. Hinayaan nila ito at hinintay.
Ilang saglit ang lumipas at bumalik din ito agad.
"Tara na. Huwag lang daw tayong magpapagabi at baka maligaw tayo," Maximus said and then he went out of the mansion first.
Nagsisunuran silang lahat sa kaibigan. Mga mukha silang grupo ng dayuhan na naglalakad sa maputik at maalikabok na kalsada. All of them have half foreign bloods kaya mapagkakamalan talagang mga galing sila sa ibang bansa.
May mga ilang taga-baryo na nakita sila at napansin nila ang kuryosidad sa mga mukha ng mga ito. Wala silang naging pakialam sa mga nakukuha nilang atensiyon. Ang pansin nila ay sa daan. Kung saan saan sila nagtutungo at ang lider ay sina Maximus at Onix.
Magkakalahating oras na silang naglalakad. Namangha naman sila nang marating nila ang isang gubat. Pumasok sila roon at bumungad sa kanila ang isang batis.
"Wow! What a beauty. I might not be able to get fvck tonight but I will for sure have a swim on this stream," bulalas ni Onix. Mabilis itong naghubad ng damit at tanging itinira ang shorts nito.
"Pati ako gusto ko ding magswimming. It looks refreshing," sumunod si Maximus.
Pati sila ay nahalina sa ganda ng kagubatan at ang presko nitong batis. Malawak ang batis at hanggang pusod nila ang lalim.
"Hindi ko alam na marami palang tinatagong ganda ang probinsiya," turan niya dahil sa sobrang pagkamangha.
"Worth it din pala ang pagtatali namin saiyo sa airplane seat mo," Laxus joked.
"Kaya nga. Kung hindi dahil sa brilliant minds namin para madala ka dito edi hindi ka sana nakahanap ng Ema at magandang batis?" nagbiro din si Axel.
Nagtawanan na naman ang mga kaibigan niya dahil sa pang-aasar sa kanya. Sanay na siya sa ugali ng mga itong mahilig mang-asar ngunit maaasahan naman sila.
Marami pa silang asaran, kantiyawan, kantahan at kuwentuhan habang nagbabad sila sa batis. Nagpasya lamang silang umuwi noong malapit ng dumilim. Kahit paano naibsan ang mga pagod nila sa mga nakaraang araw na pagtatrabho sa Maynila at hectic schedules.
No cellphone, no problem, and no work to think. It's him, his friends, and nature. Province life only brought to them are pure relaxation and peace of mind.
Naglalakad na sila pauwi. Sina Maximus at Onix parin ang kanilang sinusundan. Matalino ang dalawa sa direksiyon at mga lugar kaya tiwala sila sa mga ito.
Dumating sila sa mansiyon at nagsalitan silang lahat upang maligo sa mga banyo roon. Matapos maligo at magpalit ay dumiretso sila sa malawak na bakuran upang maghapunan.
Sa dami nila ay hindi sila kasyang lahat sa dining area. Nagpasya silang gawing kainan muna ang bakuran upang hindi sila makaabala. Maganda namang kumain sa labas dahil tanaw nila ang magagandang tanawin. Mas ginaganahan pa silang kumain.
"Oo nga pala. May natira pa sa mga kakanin na niluto ni Ema. Sandali at ilalabas ko," saad ng mayordoma.
Lahat ng tauhan sa mansiyon ay kasabay nilang kumain. Tila walang naiiba sa pamamahay na ito. Lahat ay nagtuturingang magkakapamilya.
"Sobrang sarap ng luto ng soon to be girlfriend mo, buddy," komento ni Xyne at siniko pa siya. Ito ang katabi niya sa hapag kainan.
Naalala niyang hindi pala niya natikman kaninang tanghali ang luto ng dalaga. Kaya naman excited siyang tikman iyon ngayong hapunan.
Dalawang klaseng kakanin na lamang ang natira mula sa niluto ng dalaga kaninang umaga. Tanging suman at biko ang laman ng bilao.
Tinikman niya ang mga iyon. Hindi siya nadismaya dahil sobrang sarap nga ng pagkakaluto sa mga ito. Mas lalo siyang napahanga ni Ema. Mas tumitindi rin ang pagnanais niyang mapasakanya ito. She is definitely the woman he is looking for.