ALAS SINGKO ng hapon nagising si Ema mula sa mahimbing na tulog. Pinayuhan siya ni Shanny kaninang tanghali matapos nilang kumain na magpahinga siya. Sinunod niya ito dahil ayaw niyang mag-alala ito para sa kanya. Hindi siya sanay na mayroong isang tao na pinag-aalala niya. "Ano ba iyan, Ema! Gutom na gutom na ako tapos madadatnan kong walang pagkain sa mesa?" narinig niya ang sigaw ng kanyang madrasta sa sala. Dumating na pala ito galing sugalan. Kaagad siyang bumalikwas ng bangon at lumabas ng kanyang silid. "O? Bakit nasa kwarto ka? Kung maaga ka palang nakaubos ng paninda mo edi sana nagluto ka na agad ng hapunan," nagsimulang bungangahan siya nito. "Sorry po, 'Nay," paghingi niya nang paumanhin. Mabilis siyang pumunta sa kanilang kusina upang magsaing. Gumawa siya ng apoy sa d

