HINDI masukat ang sayang nararamdaman ngayon ni Ema habang naglulunoy sa batis. Kasama niya ngayon si Shanny. Naalala niyang pinalitan niya ang palayaw na tawag niya rito. Nagsabi ito na kung maaari ay Nicholas o mag-isip siya ng ibang itatawag rito at hangga't maaari ayaw nito ang palayaw na Shanny. Mabilis niyang naisip ang palayaw na 'Nikoy' para rito. Ang akala niya ay maiirita ito ngunit natuwa siya dahil hindi ito humindi. "This place is beyond beautiful," narinig niyang pagpuri ng binata sa lugar. Lumangoy siya palapit sa likuran nito at saktong humarap ang binata. Muntik tuloy tumama ang mukha niya sa matipuno nitong dibdib. "Hey? Watch out," nag-aalalang turan nito. "Sorry," paghingi niya ng tawad. "Bakit ka nga pala nandito?" nagtanong ito kapagkuwan. "Tuwing araw ng Ling

