Chapter 7

2257 Words

PAGSAPIT ng alas siyete ng umaga, araw ng Lunes, ay saktong handa na ang mga paninda ni Ema. Maayos na nakalagay at magkakasama ang magkakaparehong klase ng kakanin. Sa kanang bahagi ng bilao nakalagay ang mga puto, sa kaliwa naman ang mga kutsinta, habang nasa itaas ang mga biko at sa ibabang bahagi ang suman. Nakagayak na rin si Ema at handa na siyang ipaglako ang kanyang mga niluto sa bawat baryo. Akmang ipapatong niya ang bilao sa kanyang ulo noong marinig niya ang tatlong magkakasunod na katok sa kanilang pintuan. Narinig niya ang pagtawag ni Nikoy sa kanyang pangalan. "Ema? This is Nicholas," boses iyon ng binata. Binitawan niya ang bilao na nakapatong sa kanilang mesa atsaka siya tumungo sa sala. Pinagbuksan niya ang binata at nakita niyang hindi lamang ito nag-iisa. "N-Nikoy?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD