Chapter 8

2162 Words

SUMAMA si Nicholas noong ihatid nina Esme at Legend si Ema sa tutuluyan nitong guest room sa mansiyon. Ang silid na ibinigay ng mag-asawa sa dalaga ay katabi ng silid ng mga magulang ni Esme. Ibinaba niya ang bitbit niyang traveling bag ni Ema sa ibabaw ng kama. May sariling banyo sa loob at isang maliit na terasa. Kita niya ang sobrang saya sa dalaga. "Wow! Ang ganda ganda naman nitong kuwarto na ibinigay niyo sa akin," masaya nitong hayag. Umikot pa ito habang nakatitig sa kisame. Namangha ito sa simpleng puting chandelier na paru paro ang disenyo. "Para talaga sa iyo ang silid na ito, Ema. Noong pinagawa ko itong mansiyon ay ibinilin ko kina Tatay at Nanay na maglaan sila ng silid para sa iyo," kuwento ni Esme atsaka lumapit sa kaibigan. "You deserve to experience good things, Ema,"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD