PAGSILAY pa lamang ng araw ay gumising at bumangon na si Ema katulad ng kanyang nakasanayan sa kanilang bahay. Pagmulat niya ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanya ang nakakapanibagong silid. Ang magarbong kuwarto kung saan siya pinatuloy sa mansiyon ng mga Argus. Muli siyang bumalik sa pagkakahiga at nag-isip ng gagawin. Hindi naman siya pinayagan kagabi ni Esme na maglako habang narito siya sa pamamahay ng mga ito. Ang buong kita niya sa isang buwan ay dinoble nito at ibinigay sa kanya ang pera. Hindi sana niya tatanggapin iyon ngunit makulit ito kung kaya't kinuha niya sa bandang huli. Umuwi siya saglit kagabi upang ibigay ang kalahating pera sa tatay niya para may panggastos ang mga ito habang tumutuloy siya kina Esme. Nagpasya siyang bumangon at inayos niya ang kanyang higaan. P

