SIMULA
I WAS RUNNING fast so I couldn’t imagine my body can still able to manage to get away from the barn house. Ang mga sanga ng kahoy, bato at matitinik na bagay sa lupa, idagdag pa ang mga insektong dumadapo sa aking katawan. I was wearing a white dress in the middle of the forest while running away from people trying to kill me without anything to cover my feet.
Habol ang paghinga ko hindi lang dahil sa haba ng aking tinakbo, kundi sa takot para sa aking buhay. Ang mga luha ay patuloy sa pagpatak sa aking pisngi, ilan ay natuyo na lamang sa aking mukha. Huminto ako panandalian hindi para magpahinga, kundi tignan ang daang tinatahak ko. Kung nasaan na ba ako. Kung naliligaw na ba ako at kung paano makalabas sa gitna ng madilim na gubat na ito.
I was silently crying for my life while murmuring Vincent’s name. I am more concerned about him rather than my welfare right now. Siya ang mas nagpapalakas ng loob ko.
Pinunit ko ang dulo ng mahaba kong dress dahil nagiging balakid iyun sa aking pagtakbo. I started running again, hindi alintana ang sakit at dugo sa aking mga paa. Makaalis lang sa mga taong gusto akong patayin.
I shriek when someone grabbed my waist. Mas bumilis ang paghinga ko ng makita ang lalaking matangkad, madilim ang mga titig sa akin, seryoso at malamig ang mukha. Nonetheless, I feel safe somehow at that moment.
“Faye,” he murmured in his familiar tone. The voice that made my body shiver. Kahit papaano ay nakahinga ako ng makita siya. Someone I know that will save me in this place.
“Where is Vincent?” paos kong bulong sa kanya. Siya ang huling kasama ko rito bago ako nadakip. Naalala ko pa na nasa isla kami at masaya kanina lang kasama ang aming pamilya. “Where is he?! We need to find him!” Napahagulhol kong sambit habang hinihila ang kanyang damit. I felt his huge palm behind me, gentle caressing it before he hugged me tighter.
NAPABALIKTAWAS AKO sa kinahihigaan matapos ang panaginip na iyun. Napabaling ako sa bintana at sa labas kung saan kita ang madilim na paligid. Naririnig ko ang tunog ng mga insekto, ang lamig ng hating gabi, at ang hampas ng mga sanga.
“Nanaginip ka ulit?” Umupo sa tabi ko si Siv at pinulupot ang kanyang palad sa aking baywang. Hindi muna ako umimik dahil sa lakas ng tambol ng aking dibdib. “Panaginip lang yun Faye,” he whispered hoarsely on my ears.
Napayakap ako sa aking tuhod at hindi mapigilan ang takot sa aking nararamdaman.
My husband is my hero in my dreams, gaano man ito nakakatakot. Gaano man ito nakakakilabot. Tinulungan niya ako at niligtas. Siv, he is the man of my life. Pero ang buhay namin dito sa probinsya ang siyang hindi nagpapatahimik sa akin. The memory in this province makes that memory alive. My memory of when I was about to die.
“Siv…” tawag ko sa kanya. Niyakap niya ako mula sa aking likod at pinatong ang kanyang baba sa aking balikat. “Umalis na tayo rito. Natatakot ako.”
“Panaginip lang yun.”
“Pero totoo yun. Nangyari iyun sa akin, hindi ba? Hindi lang siya basta panaginip.” Sinubukan ko siyang tignan at harapin ngunit pinirmi niya ang puwesto namin.
“Hindi mo ba gusto ang buhay na kaya kong ibigay sayo?” Kumunot ang nuo ko at nahihirapan na napalunok. “Ito lang ang kaya ko, Faye. Nandito ang hanap buhay ko. Nandito ang buhay natin. Ang pagsisimula natin ay baka hindi natin kayanin.”
Napayuko ako at sinuri ang paligid.
“Masaya ako hangga’t kasama kita. Masaya ako sa simpleng buhay. Pero…”
“Kaya kita dinala rito para protektahan. Para mailayo sa mga taong dumukot at muntikan kang patayin. This is the only safe place I can give you, Faye. Hindi pa natin alam kung sino ang mga taong gustong saktan ka. At dito, ligtas ka, Mahal.”
Natahimik ako. Simpleng pamumuhay, simple lang ngunit hindi naman ako nakaramdam ng kakulangan. Pero… katanungan, marami. Maraming tanong.
I can hear the gentle sound of the waves, sa harapan ng aming munting bahay ay ang dagat. It feels like paradise here, but as the darkness settle down and night slowly falls… I can’t help but feel a chill of fear wrapping around me. It could be the memory of my past that has bring trauma to me. I know my life is in danger, so I have to hide until everything becomes safe again. At sa istorya ng buhay ko, wala akong ibang mapagkakatiwalaan kung si Siv lamang. Ang asawa ko.
Dahil nasa tabi ko ang asawa ko, nasa tabi ko si Siv. Naiibsan nun ang takot ko. Nawawala ang pangamba ko. But still, like a dark forest in the middle of the night. The mystery remains unsolved. And Siv, he is the mystery of my forgotten memories. Tila ba marami pa akong bagay na hindi alam sa kanya. At hindi sapat na nagmamahalan kami para masagot ang aking mga tanong.
“Matulog kana, Fayette.”
Marahan akong napatango at sinunod rin siya. Humiga ako sa kanyang tabi at hinilig ang aking mukha sa kanyang dibdib. Mahigpit niya akong niyakap at dahil doon ay ay napangiti ako at muling nakatulog sa kanyang bisig.
Life goes on, but what if the only person who can protect you suddenly dissapear? Now you are facing life with discomfort and fear. Sa pagkawala ng asawa ko, sa paglaho bigla ni Siv. Napilitan akong lumuwas ng isla at maghanap ng trabaho sa syudad. Delikado, lalo pa at bilin sa akin ni Siv na may mga taong gustong pumatay sa akin. Pero pipiliin ko bang mamatay sa gutom at lungkot?
HINIHINGAL AKO habang tinatakbo ang eskinita ng madilim na daan. Galing sa trabaho ako nung gabing iyun nung maramdaman ko ang pagsunod sa akin ng mga kalalakihan. Magulo ang buhok ko at pinagpapawisan. Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang hikbi.
Mas binilisan ko ang takbo, kasing bilis na ng t***k ng puso ko. Nilingon ko sila at nakita kong naligaw ko ang mga ito. Nanginginig kong kinuha ang cellphone para tawagan ang kaibigan ko. Pero nung lumiko ako ay namilog ang mga mata ko nung may humila sa akin, bago pa ako makasigaw ay natakpan na ng panyo ang bibig ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
Kalaunan ay nagising ako sa ingay ng mga lalaki.
“Tama ba tayo ng nadakip? Siya yun diba? Siya yung pinapahanap ni Boss?”
“Hindi ko alam! Ayusin mo at baka malintikan na naman tayo nito! Bakit tunog hindi sigurado ka?! Gago!”
Napadaing ako at nahihilo pa rin. Minulat ko ang mga mata at nasa silid ako. Nakatali sa upuan ang kamay at paa. May tape ang bibig kaya napahagulhol na ako. Nagpupumilit akong makawala.
“Hayaan niyo na yan, mapapagod rin yan.”
Mariin akong pumikit at inalala ang mga sinabi ni Siv sa akin. Kaya mas lalo akong ginapangan ng takot.
“May mga taong… susubukang pagtangkaan ang buhay mo. Kapag dumating ang araw na yun, huwag kang magtitiwala sa kanila. Huwag kang magtitiwala kahit kanino. Doon ka magiging ligtas.”
“Boss!” Narinig kong bati ng mga kalalakihan.
Basa ang pisngi at mga mata ko sa luha. Hindi ko makita kung nasaan ang lalaki, madilim sa bandang gilid na tanging ilaw lang ay nasa itaas na parte kung saan ako nakaupo. Ang katahimikan nila ay nagpakalabog ng dibdib ko.
“Blindfold her,” matigas na boses galing sa hindi pamilyar na lalaki.
Mabilis na gumalaw ang mga tauhan nito. Nagsimula akong pumiglas, magmakaawa at umiyak. Pero wala rin naging silbi iyun. Until they finally covered my eyes and I stilled when they removed the cover on my mouth.
“Sino kayo! Anong ka-kailangan niyo?” nanginginig kong sambit at kalagitnaan ng hikbi. “Maawa kayo, please pakawalan niyo ako.”
Walang nagsalita, wala akong marinig na ingay. Pero ang paghabol ng paghinga ko ay agaw pansin. Napalunok ako nung marinig ang paglapit sa akin, mabibigat na yabag.
“Please…” paos kong pakiusap, kung wala lang akong gapos ngayon sa kamay ay magmamakaawa ako sa kanya at luluhod.
“Boss… si-siya yun diba? Yung… hinahanap natin?”
Kumunot ang nuo ko.
“Let her go, she is not I am looking for,” mariin na boses galing sa lalaki, malalim at may lamig iyun. Natigilan ako ngunit hindi pa rin nagbunyi, dahil baka mamaya ay may masama pa rin silang balak sa akin. “Palpak na naman kayo!” dagdag nito sa galit na boses.