NUNAL

3062 Words
NAPASINGHAP AKO nung makalabas sa kusina, mabilis akong naghanap ng exit sa malaking lupain na ito at mansyon. I run and hide to every corner I can see. But to my dismay, I lazily looked at the huge boundaries they have, the wall that is too impossible to reach. Mariin akong pumikit habang hinihingal, sa laki ng bahay na ito, wala akong makita kundi puro mga kasambahay. Gaano ba siya kayaman? At… may parte ako rito kung maghihiwalay kami? Am I rich? Where are my family then? Why do I have no knowledge about them? Ang sabi ni Siv, wala na akong mga magulang. Totoo kaya yun? Nagtago ako sa puno nung bumukas ang malaking gate at pumasok ang sasakyan. I saw a man wearing a formal attire went out of the car. May isa rin doon na babaeng lumabas at nakasuot ng puting damit. Probably the Doctor. Sinalubong sila ng Attorney na babae. She welcomed the tall man of a kiss and the man wrapped his hand around on the woman’s waist. “Thank you, Alejandro. I know you are busy, but Siv needs help. Is she… a Doctor?” the Attorney asked, doon sa lalaking nakayakap sa kanya. “Perhaps, specializing…” “Baby, I am a doctor who specializes in neuro. Ang kasama ko ay isang psychologist. I will try to check on her, while my friend will assess what is happening to Ely.” Napalunok ako, nalulula sa kanila at mga sinasabi nila. These people… are professionals. Not just with pretty faces and wealth. But obviously smart too. Kung titignan, itong Doctor na lalaki at babaeng Attorney ay magkasintahan. Kaibigan sila nung may-ari ng bahay na ito, may kaibigan din kaya ako? I want to stay, to know what is really happening. The picture cannot be mistaken. It is proof! Pero, mapapahamak ako rito. Nararamdaman kong nasa panganib ang buhay ko. “Let’s go, they are waiting inside.” Nung pumasok na sila ay nagmamadali akong nagtungo sa gate. Tumago lang muli nung makita ko ang kasambahay na dumaan. I breath heavily and swallowed hard. Wala na akong mapupuntahan, hindi ko rin alam kung saan nila dinala ang mga gamit ko. “I need to escape here,” I mumbled to myself. Nung makita ko ang pagkakataon na pumunta sa gate ay kumaripas ako ng takbo roon. Tagaktak ang pawis, may kalayuan pero hindi ako huminto. I was panting so hard, from exhaustion and nervousness that I feel. Hanggang sa napapikit ako at may naalala. Huminto ako sa pagtakbo nung makita ang sarili na naglalakad sa may hardin at may sigarilyong hinihithit. “f**k this life! I said I need to get that job! I need to be one of the invited people on the runway. You get that?! Siv will pay you and the f*****g organizer to include me in that event. Hindi pweding wala ako. Hindi ako papayag na wala ako!” Napasapo ako sa ulo ko. Nakita ko ang sarili na may kausap sa cellphone at binaba iyun. Tsaka ito humithit ng sigarilyong nasa daliri niya nakaipit. Bumilis ang t***k ng dibdib ko at kinapos ako sa paghinga, hanggang sa nawalan na ng malay. I WOKE UP AGAIN, feeling so exhausted that I couldn’t move properly and groaned from pain in my head. Hinawakan ko ang ulo ko pero agad rin namilog ang mga mata nung may makita swero sa aking pulsuhan. Alarmang napaupo ako at tinignan ang kamay ko. Napalinga linga ako at napahinto nung magtama ang mga mata namin nung lalaki na nakakrus ang dalawang braso. Salubong ang kilay at tila hindi na siya nagulat pa. Sa tabi niya ay ang mag-nobyo. “She is experiencing severe traumatic head injury. Kailangan natin siyang suriin dahil maaaring maging delikado ang lagay niya.” They all looked at me, and they didn’t care if I would hear their conversation. “At pweding resulta rin ang pagkawala ng memories niya?” the woman asked. “That’s why she seems… different and acting very odd.” Sabay nilang tinignan ang lalaking nakatitig lang sa akin, ang lalaking sinasabing siya si Siv. Mariin niya akong tinignan at problemadong hinilot ang sentido. “We should bring her to the hospital for thorough assessment. Baka may malalang tama ang ulo, madedelikado pa ang buhay ng asawa mo—” “I don’t have time for this, Alejandro!” he snapped angrily. Hinarap ang dalawang kaibigan na may mariing titig. “Wala akong oras sa kanya. Wala akong oras para ipaospital siya at hintayin na maging maayos siya. I f*****g need her to cooperate to process our annulment! She is not here to be taken care of, she is here so we can process the annulment.” Nanuyo ang lalamunan ko at napakurap sa sinabi niya. Para na rin niyang sinabi na wala siyang pakialam kung mamamatay na ako bukas, ang mahalaga ay maproseso na ang annulment. “Now that I have found her alive, that she is alive. My life will be a complete mess…” tinapunan niya ako ng tingin. Tsaka binalik ang tingin sa dalawang kaibigan. “I need to file an annulment. Right now. She can take care of herself.” He walked out just like that with heavy footsteps. Parang pinipiga ang dibdib ko sa sinabi nito. Kung tutuusin, he is a stranger, so why do I feel so hurt by what he said? “I will talk to him and convince him that this is a serious case.” Naiwan ako kasama ang babae. Binalingan niya ako at pinagtaasan ng isang kilay. May bara sa lalamunan ko na napaiwas ako ng tingin, pakiramdam ko… mag-isa ako. “I am Lucianda, just call me Lucy. I am Siv’s friend.” She went closer to me. Enough just to properly see my face and situation on the bed. “Glad that you are alive. The annulment didn’t push through because we thought that you were dead. Pero mukhang itutuloy na siya ngayon ni Siv. Ngayong nalaman niyang buhay ka. Anyway, he doesn’t need your approval because he can process it and be annulled to you.” “Bakit pa ako nandito kung ganun?” Her lips pressed together in a thin line. Kalaunan ay natawa siya at pinagkrus ang dalawang braso at napanguso. “Gusto niyang magkaroon na ng hatian. Masuwerte ka at hindi gumawa ng prenuptial agreement ang asawa mo. Ngayon magkakaroon ka pa ng parte sa ari-arian niya. Ayaw niya lang na may manggugulo pa sa kanya, lalo na at buhay ka pala.” Her words stung in my heart. Kung makapagsalita sila rito ay sobrang sakit, pinaparamdam na wala akong kakampi. I am hopeless, with no memories and confused about what is happening. Yet no one shows any remorse in this mansion. No one. “Magpahinga ka at dadalhin ka ng asawa ko sa ospital para… umayos ang lagay mo.” Tinalikuran niya ako at lumabas ng kuwarto. Nakaramdam ako ng matinding kalungkutan, a tears fell on my cheek because I felt so lost and no one even shows a little bit of care or kindness. Tutulungan nga ako na madala sa ospital, pero… ramdam ko na mag-isa ako. Hindi ko maramdaman na sincere sila, o na may konting awa sa aking kalagayan. Hours passed, and I was still in bed, pinching my hands. Trying to force myself to remember. “Siv…” I whispered and cried again, calling Siv, whom I know on the island. Calling the Siv made me feel comfortable and safe. I hope he is here. I hope he didn’t go to sail and just stayed beside me that day. Sana kasama ko pa siya. Suminghot ako at napaangat ng tingin nung bumukas ang pintuan, pumasok yung lalaki. Ngayon ay nakapangbahay na. Hindi na pormal ang suot at medyo basa pa ang buhok. “You can stay for a night here. If you have a plan to escape, I don’t care.” He was straightforward. He paused to check on me. “I will file an annulment. We will annul soon. At alam kong manggugulo ka pa dahil sa pera ko. That is why I want us to have an agreement. Hahatiin na natin ang lahat para hindi mo na ako guluhin.” Napatikom ako ng labi at nakatitig lang sa kanya. “Hindi ako aalis, hindi rin ako papayag na hahatiin natin ang properties natin.” Gumalaw ang panga niya at napataas ng kilay. “I need to know who I am first, I need my memories back. Once I have enough knowledge about myself, I will give you what you want. Pero ngayon, hindi ako aalis ng bahay na ito. I will stay here until my memories are back.” “Kahit wala kanang maalala, mautak ka pa rin, Elysen.” He smirked and shook his head amusedly. Nagkatinginan kami hanggang sa muli akong nagsalita. “Paano mo nasabi na ako nga ang asawa mo? Paano kung kamukha niya lang ako?” nanghahamon kong sambit. “I don’t need a proof. I memorized everything about you, Ely. At one glance, and I already know that you are my wife. I memorized you, and your body.” Kinilabutan ako sa huling sinabi niya. Bumigat ang paghinga ko. Humalakhak siya at lumapit sa akin. “Want proof?” Kumunot ang nuo ko, walang tigil siya sa paglapit sa akin. “I know where is you mole is.” He crouched and suddenly pulled my dress near my chest. Binaba niya yun kaya namilog ang mga mata ko. Napahawak ako sa kanyang braso at binagsak niya naman ang titig sa aking nunal nasa dibdib ko. My mouth parted, so shocked, especially his fingers touching my skin, my breast. Just to point out, he is right. “Want more proof?” he smirked and sit on the edge of the bed. Kumalabog ang dibdib ko at napaatras. Pero hinarang niya agad ang kamay sa kabilang banda ko. “I kissed your body, Ely. Saulo ko lahat sayo kaya hindi mo ako maloloko. Tama na ang pagpapanggap at tapusin na natin itong kasal natin.” I try to pull his hand away from gripping my dress. “I don’t really remember anything…” nakikiusap ko ng sambit at sumasakit na naman ang mga mata dahil sa nagbabadyang luha. It is so frustrating to be treated this way, where all I do is be honest with them and tell the truth. Yet he doesn’t care to believe me. “Let go,” I murmured. Dahan-dahan niyang tinanggal ang kamay sa damit ko at nilagay iyun sa kabilang banda. Now he is caging me in his arms by putting his hands on my side. “Really?” he trailed mockingly. “You want me to help you remember our first meeting?” Kumunot ang nuo ko at napalunok. Hinawakan niya ang batok ko at agad hinalikan sa labi. I was caught off guard, hindi agad ako naka-react habang siya ay patuloy sa paghalik sa labi ko. There is hunger on his kisses, longing and thirst. I put my hand on his chest to push him a bit. But he tilted his head to kiss me at a better angle. Napapikit ako at humalik pabalik sa kanya. He was stunned that it made him stop. Like kissing him back was shocking. Uminit ang pisngi ko at nahiya bigla. Naalala si Siv na nawawala, pero wala akong maramdaman na guilt, wala akong maramdaman na mali sa ginawa ko. Because he was not my real husband? Bakit? “You should not be kissing back.” Napanguso ako at napalunok sa sinabi niya. “In my memory, you didn’t kiss me back but slapped me so hard.” Umangat ang gilid ng labi niya. I did? I slapped him? “That’s a normal reaction, lalo na kung first meeting natin yun. Bakit mo ako hahalikan sa unang pagkikita natin? You are crazy!” sunod-sunod kong sambit at akusa sa kanya. He smirked and his eyes landed on my lips. Marahan niyang hinaplos ang labi ko gamit ang daliri. Namumungay ang titig na umangat sa akin. “Why did you kiss me on our first encounter? At saang lugar tayo nagkakilala?” He stared at me, weighing and figuring out if there was a reason to be suspicious. “I am not sure if you are really telling the truth. I won’t get fooled, I’m sure you are acting up just to ruin something, huh?” ngumisi siya. He gently tapped my cheek and claimed another deep kiss before he stood up. “Why do I feel like you think I am lying?” “Because you are a big-time liar, baby.” Sarkastiko niyang sambit at iritabling iniwas ang tingin. Iniwan niya ako sa silid na napaisip sa sinabi niya. I am a liar? Ganun ba ako kasama? Bakit? Hindi ba siya masama? Maybe there is a reason why I lied. Maybe there is a reason behind it. Wala na akong mapupuntahan, bakit hindi ko na lang kunin kung ano ang nararapat sa akin? Magkakaroon kami ng partehan sa ari-arian. But, is it even mine? Naghirap ba ako sa yamang nandito? I am craving to know more. Ngayon ko lang nalaman ang mga bagay na ito, all this time. Pinaniwala ako na simpli lang ang buhay ko. I have to find my family too. “Good morning, Miss Ely,” pormal na bati ng mga kasambahay. Namangha ako dahil pagkagising ko ay nakaayos na ang lahat, ang susuotin ko at mga kailangan ko. Naligo ako at nagbihis, in the room there were perfumes and other things for woman like me. Napangiti ako nung ikutin ko ang buong kuwarto. Maraming gamit, hindi lang yun, may walk-in-closet pa ako. “I feel like a princess!” sambit ko sa sarili at tinignan ang mga alahas. I gasped when I opened the cabinet made of glass. Many dresses were there, mamahalin at magaganda. I looked at myself in the mirror. Wearing a plain white dress, sleeveless and showing some skin on my chest. Kumunot ang nuo ko dahil halos ang mga damit ay ganun. Not that I don’t want it, nasusuot ko ang ganyan. Pero siguro hindi sa mga taong… hindi pa ako komportabli. “No loose shirt?” tanong ko at napanguso. May mga long sleeve pero hindi mukhang pambahay. “Miss?” dumungaw ang kasambahay at pilit akong nginitian, hindi makatingin ng diretso sa akin. “Pinapatawag na kayo ni Sir, kakain na raw.” “Do you have… a loose shirt there? I am not comfortable in this dress.” Para akong aalis, parang may lakad. Inabutan niya ako ng shirt, maluwag iyun pero yun naman ang kinasanayan ko. Kaya nung bumaba ako at pumasok sa dining area ay nasulyap si Siv sa akin. At agad binalik ang tingin tsaka tinitigan ang suot ko. “What are you up to? Wearing my shirt?” binaba niya ang tasa ng kape at inabot sa kasambahay ang tablet na hawak niya kanina na mukhang may binabasa roon nung abutan ko. “You miss me that much?” he smirked and I know that is sarcastic. “Hindi ko alam na damit mo ‘to. Magpapalit ako!” nahihiya kong sambit. “Huwag na, umupo kana at kumain. I’m done and going to work.” Tumawag siyang muli para ipakuha ang suit nito. Tumayo na siya at inayos ang damit, he fixed the cuff of his sleeve and glanced at me. “Mag-isa kong kakainin lahat ng ‘to?” kinagat ko ang labi at napangiti sa dami ng nasa hapag. Inabot na sa kanya ang suit nito at sinuot habang nakatitig sa akin. “Make sure no one will come inside. Visitors are not allowed,” nagsimula siyang magbilin sa isang lalaki roon na nagbabantay. Uminom ako ng gatas at pinapanuod sila. “Hayaan niyo siyang lumabas, pero huwag na huwag kayong magpapapasok dito. Tawagan niyo muna ako. Is that clear?” His voice is authoritative, he glanced at me and I pouted my lips to looked away. Napabaling ako sa nakahilerang kasambahay sa harapan ko. Kung bibilangin ay nasa anim sila na nakatayo. “Hindi kayo kakain? Sabayan niyo na lang akong kumain. Ang dami oh!” masaya kong alok sa kanila at lahat sila ay namilog ang mga mata sa gulat. Napabaling sa lalaki kaya napabaling na rin ako roon. He was stunned while his eyebrows furrowed in confusion. Gulat na gulat siya at hindi makagalaw. “Magagalit ba yung amo niyo?” pabulong kong tanong pero rinig niya yun. Siv rested both his hands on his waist and licked his lower lip. Amused and confused. “Sabayan niyong kumain. Call me right away if something happens. If she needs anything, just call me.” Walang tigil niyang habilin. “Ah! Wait!” I waved my hand at him to get his attention. Ngumiti ako, “Nasaan ang mga gamit ko?” “Ang mga damit mo ay nasa ipapa-laundry, ang mga gamit mo… ibibigay ko mamaya pag-uwi ko.” Nakahinga ako ng maluwag at tumango. “Okay, thank you and… take care,” I uttered politely, without any intention. Dahil lagi ko naman iyun ginagawa, kahit sa ibang tao. Pero ang mga kasambahay ay nagkatinginan at pinigilan ang ngisi. Hindi ako inimik ni Siv at tinalikuran lang tsaka umalis na. Tinignan ko ang mga kasambahay. “Upo na kayo, kain na kayo!” I feel so comfortable now that that man is already gone. Nagtulakan pa ang mga ito kung sinong unang uupo. “Ano ba kayo, huwag kayong mahiya sa akin. Ang dami ng pagkain oh! Ganito ba talaga yan dito?” Hindi sila nagsalita bagkus tumango lang. Nakuntento na rin naman ako at hindi na nangulit pa dahil kumakain na sila. "Am I allowed to check the house?" Now that I asked question, I hope they can answer me. Pero tumango lang sila at ngumiti. "Wala bang... kuwarto na bawal akong pumasok?" Nagkatinginan sila. "Sa opisina ni Sir, bawal pumasok doon kahit sino." Imbes na malungkot ay mas natuwa ako, dahil sumagot isa sa kanila. At least I have someone to talk here. Someone who doesn't look irritated at me. Hindi katulad ng mga tao na pumunta rito kahapon na ang susungit. "I will take note of that." I nodded my head and feel so excited.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD