Chapter 1
“Isn’t it pathetic to fall for the same person over and over again even if this person caused your heartbreaks multiple times?”
A U B R E Y
"AUBREY!!!" GISING sa akin ni Mama.
"BAKIT?" sigaw ko pabalik. Kaloka naman kasi agang aga sumisigaw, sabagay hindi naman kasi nila ako magising basta basta.
"BUMABA KA NA SA SALA! ANONG ORAS NA NANDYAN KA PARIN SA KAMA!" talak pa niya. Kung hindi lang talaga kita mahal Ma naku.
Kinuha ko muna ang cellphone ko sa baba ng kama para tingnan ang oras. 9:30 na kaya pala abot langit na ang sigaw ni mama magising lang ako. Tamang inat lang muna tayo kahit na sobrang tanghali na ako nagising at highblood na si mama sa baba bahala na si Preston mag handle kay mama. Sabado ngayon kaya naman tanghali na talaga ako nagigising.
Ilang malakas na katok ang nagpagising sa diwa ko matapos titigan ang litrato namin ng kambal ko.
"Brey maligo ka na aalis tayo mamaya." boses ni Preston kaya naman tuluyan na akong napatayo sa kama at pinagbuksan siya.
"Saan naman tayo pupunta mamaya?"
"Basta maligo ka nalang tingnan mo nga 'yang mukha mo natutulog ka pa ba ng maayos?" kunot noong tanong niya.
"Maka tanong ka naman parang hindi mo alam na inaatake na naman ako ng insomnia ko." irap ko at tinalikuran ko na siya para pumunta sa banyo.
"Saan ba kasi tayo pupunta?"
"Secret." hinarap ko na at nakita ang nakakalokong ngisi niya.
"Mukha kang tanga Ton 'wag kang ngumisi ng ganyan." tinawanan lang niya ako at sabay ng pag talikod ko ay pasara na rin ng pinto.
*NP B-Day by iKON.
Syempre hindi mawawala ang soundtrip habang nagliligo. Alam niyo yun ang creepy kaya maligo kapag walang sounds feeling mo may nakatingin sayo kahit wala naman talaga. Kaya kailangan natin ng sounds tapos dapat iKON yung artist kasi sobrang nakaka-hype yung mga kanta nila at talagang mapapasayaw ka. After kong maligo nagsuot lang ako ng white loose shirt at fitted jean para komportable gumalaw then light make-up lang dahil mainit sa Pilipinas for sure hulas na ang funda mo bago ka makarating sa pupuntahan mo.
"Oh naka bihis ka saan naman ang layas mo?" wala man lang pa-goodmorning ma?
"Ewan ko diyan kay Tonton Ma pinagbibihis ako aalis daw kami eh." sabay baba naman ni Preston na naka white shirt din at black jeans. Ano couple shirt tayo?
"Saan mo naman bibitbitin iyang kapatid mo Tonton?"
"Dyan lang po gagala ng konti tutal magpapasko na naman." may pa akbay pa na nalalaman tutal favorite ni Mama.
"O siya paalam nalang kayo sa papa niyo nandun sa garahe at mamamalengke muna ako."
Matapos kong naming kumain ay lumabas na kami at kinuha ang sasakyan sa garahe at nagpaalam kay Papa. Ilang oras na rin kami sa byahe at kahit anong tanong ko dito sa magaling kong kapatid ay wala pa ring sagot. I just connected my phone to the stereo and play RHYTHM TA by iKON to eliminate my boredom jusko hype na naman ako nito. Maya-maya nakita ko yung pag tap ng mga kamay ni Ton palibhasa lagi niyang naririnig ang mga kanta ng iKON dahil sakin kaya nagugustuhan na rin ata niya.
Pinagmasdan ko si Preston at hindi mapagkakaila na kambal ko siya buhok nga lang ata pinagkaiba namin kasi yung akin kulot samantalang siya bagsak na parang sa Koreano. Nakakamiss din pala yung ganitong feeling. Yung makasama yung kambal mo ng matagal since parehas na kaming busy dahil 4th year graduating na kami ni kambal minsan nga umaga ko nalang siya nakikita dahil ginagabi na siya umuwi o di kaya naman ay ako dahil sa requirements. Mas matanda siya sa akin ng five minutes kasi sabi ni Mama nung lumabas daw si Ton ay hawak ko yung umbilical cord niya na parang ayaw ko daw mahiwalay dito kaya ginawan pa nila ng paraan kung paano pabibitawan sa akin yung pusod niya.
"Brey kapag dumating na tayo sa bahay nung kaibigan ko wag na wag mo akong tatawaging Tonton ha." seryoso niyang wika at hindi tinatanggal ang tingin sa daan.
"Aba aba may kaibigan ka pala." Biro ko pero sinamaan lang niya ako ng tingin. "Saan ba kasi yan at sinong kaibigan naman ha?" taas kilay kong tanong.
"Basta wag mo na lang akong tawaging Ton or Tonton mamaya awa mo na ha, baby girl." abat may pag gulo pa sa buhok ko na nalalaman ang walanghiya.
"Sige sige pero saan nga kasi yun? Ilang oras na din ayong naka upo sobrang sakit na ng pwet ko."
"Diyan lang sa Makati 'wag kang mag alala malapit na tayo umpisahan mo nang magpaganda para naman mag mukha kang tao pag nakilala ka ng tropa ko."
"So sinasabi mong hindi ako mukhang tao ganon? Alalahanin mo kambal tayo meaning iisa lang ang hubog ng mukha natin." tinawanan nalang niya ako at nagpatuloy na sa pagmamaneho.
"Hindi, gwapo ako at panget ka kaya mag ayos ka na dyan."
T H I R D P E R S O N
NAALIMPUNGATAN si Aubrey nang maramdaman niya ang mahinang pagtapik sa mula kay Preston.
"Brey gising na nandito na tayo."
Maagap siyang umupo bago napagmasdam ang malaking bahay sa gilid niya. Siguro ay dito nakatira yung tropa ni Tonton isip niya. Mas malaki ang bahay na ito kumpara sa kanila siguro ay tunay na napakayaman ng pamilya ng mga ito kaya nakapag pundar ng ganito kagandang mansyon.
Pinagmasdan niya ang sarili niya sa salimin at laking pasalamat niya na dahil light make-up lang ang nilagay niya dahil paniguradong kakayat talaga sa mukha niya pawisin pa naman siya lalo na kapag tulog. Mabuti nalang din at binigyan pa siya ni Preston ng oras bago sila lumabas dahil nakakahiya naman kung hindi siya mag aayos kahit konti. Nilakad lang nila ang isang mahabang pathway kung saan madadaanan ang iba't ibang uri ng mga bulaklak. Natanaw niya sa hindi kalayuan ang isang lalaking may malawak na ngiti habang kumakaway sa kanila.
"Preston my man sino s'ya?" isang matangkad na may kapal na kilay na lalaki ang sumalubong sa kanila at tila naghugis puso naman ang mga mata niya sa Nakita dahil sa angking kakisigan ng binata.
Ang makapal na kilay at malaking bibig ang unang mapapansin mo sa binata na ikinatuwa ni Aubrey dahil trip na trip niya ang ganung itsura.
"Ton..." tanging nasabi nalang ni Aubrey at hindi maalis ang pagtitig sa binatang nasa harapan niya.
Kung ganito naman pala kagwapo ang tropa ng kakambal niya ay mukhang mapapadalas siya sa pagsama dito.