bc

It's Okay that's Love

book_age16+
31
FOLLOW
1K
READ
forbidden
family
fated
friends to lovers
goodgirl
independent
sweet
bxg
friendship
foodie
like
intro-logo
Blurb

"Oo na. Sinasagot na kita," mahinang tungon ko sa tanong niya.

"Ano 'yon? Pakiulit nga hindi ko narinig,"

"Ayaw mo? E 'di 'wag,"

Mga salitang hinding hindi ko makakalimutan. Tanong na kay tagal kong hinintay. Pakiramdam na kay tagal kong inasam na maramdaman.

Hanggang kailan ko mararamdaman ang ganitong kaligayahan?

Hanggang kailan mananatili ang matatamis kong mga ngiti sa labi?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Disclaimer: A true to life story. I have tried to recreate events, locales and conversations from my memories of them. In order to maintain their anonymity in some instances I have changed the names of individuals and places, I may have changed some identifying characteristics and details such as physical properties, occupations and places of residence. Copyright© 2020 By: iamdreamer28 Chapter 1 Hi! "Hi!" Bati ni Jackie sa nagmamadaling lalaki na pababa ng hagdanan. Patungo ito ng ground floor. Tumingala ito saka bahagyang ngumiti nang makitang si Jackie pala ang bumati sa kanya. Nasa first floor naman kami at pababa rin papuntang ground floor. Agad din itong nagbaba ng tingin at akmang magpapatuloy na sana sa pagbaba ng hagdanan nang bigla ulit itong tumingala sa amin. Sa pagkakataong iyon, hindi na kay Jackie nakatutok ang mga mata nito. Kundi sa akin na. Those brown eyes na tila laging umiiyak. Sinamahan pa ng mga pilikmata niyang tinalo pa ang pilikmata ko sa haba. Ang guwapo niyang tingnan. Katamtaman din ang tangos ng kanyang ilong na tama lang sa maliit at bilugan niyang mukha. Ngumiti ako sa kanya. Matamis na mga ngiti rin ang iginanti niya sa akin. Nakasuot ito ng brown na sombrero. All white rin ang suot niyang uniform kaya, napaka linis niyang tingnan. Itim na sapatos naman ang gamit nito pampaa. Monday morning ngayon. Gaya ng suot kong puting uniporme, all white rin ang suot nitong uniform kaya napakalinis niyang tingnan. Itim naman na sapatos ang gamit nito pampaa. Bachelor in Science Marine and Transportation o BSMT ang kurso niya. Nursing aide naman ako. Two years lang ang kurso ko. Sa awa ni Lord, magtatapos na rin ako ngayong taon. Kami pala ng mga kaibigan ko. Kung---hindi magloloko ang mga instructors namin hahaha! "Sige, alis na ako," paalam niya sa amin. Kumaway si Jackie at tango naman ang isinagot ko. Nagpatuloy na rin kami sa pagbaba ng hagdanan ni Jackie. Papunta rin kasi kami ng ground floor dahil naroon ang library ng eskuwelahan. "Nakita mo ba kung paano ka titigan ni Erwin, kanina?" Erwin Reynes. Iyan ang buo niyang pangalan. Kaklase namin siya sa Filipino subject. Nahuli raw kasi siyang nagpa-enroll kaya naubusan na siya ng minor subject at sa department na namin kumuha. Nakilala namin siya last semester. Intramurals day namin 'yon. Magkasama kami sa isang team. Ang red team. Simula noon, naging malapit na siya sa amin. Hindi lang siya, pati na ang iba pa niyang mga kaibigan na 'di nagtagal naging kaibigan na rin namin. "Tumigil ka nga, Jackie. Kung anu-ano na naman 'yang pumapasok sa utak mo. Baka nakakalimutan mong may girlfriend 'yong tao." Oo. May girlfriend siya. Si Ariza Mendez. Isa sa apat na matalik kong kaibigan. "Iwan ko lang. Pero bilang babae, sa tingin ko may gusto sa 'yon." Umiling na lang ako saka itinulak ang glass door ng library. Pagpasok namin sa loob, parang hindi library ang pinasukan namin. Maingay at magulo. Nagsama na naman kasi ang mga future Marino, Nurse, at Nursing aide ng bansa. Lagi ng ganoon ang eksena sa loob ng library kapag nag pang-abot ang tatlong kursong iyon. Nagawan na nga rin ng mga estudyante ng kasabihan na ang mga nursing students daw ay para sa mga Marino. Ewan ko nga kung sino ang nagpasimuno ng kasabihang iyon. Siguro dahil halos ng mga babaeng Nursing student, mga BSMT ang mga naging boyfriend maliban na lang sa akin. "Jen, si Mark, o. Kayo pa ba?" tanong ni Jackie sa akin sabay nguso niya sa kaliwa kung saan naroon si Mark kasama ang mga kaklase nito. Umupo kami sa kanan kung saan pinili kong humarap kay Mark Suarez, ang boyfriend ko. Isang buwan pa lang kaming mag-on. Pero parang hindi kami. Bakit? Dahil hindi kami nagpapansinan kapag nakasalubong namin ang isa't isa sa hallway. Hindi rin kami sabay kung kumain. Minsan lang din siya kung mag-text. Wala namang problema sa akin 'yon. Pero nitong mga nakaraang araw, napag-isip-isip ko rin kung ano nga ba talaga kami? Meron pa nga bang kami? "Hindi ka man lang niya pinansin?" Ano ba talaga? Kayo pa ba? O, hindi na?" Hindi ko na pinansin ang pangungulit ni Jackie sa akin dahil ako mismo, hindi ko rin alam ang sagot. Kami pa nga ba? *** Lunch time na. Para na namang nakawala sa mga hawla ang mga kaklase ko. Nag-uunahan na namang lumabas ang mga mokong. Sigurado kasing punuan na naman ang mga kainan sa labas ng school namin. Mahal kasi kumain sa canteen kaya mas pinipili naming lumabas ng campus kahit mainit. Dahil mura na ang pagkain, siguradong busog ka pa at may free sabaw pa! "Puti! Pautang naman! Babayaran kita kapag dumating na ang allowance ko. Mauuna na ako sa rati. Hintayin ko na lang kayo ro'n," sabi ni Reymond sa akin bago patakbong umalis. Hanep din 'yong isang 'yon a! May pinatagong pera lang? Bulong ko sa sarili sabay iling. Puti ang tawag sa akin ng mga kaklase ko imbes na Jenelyn, o 'di naman kaya ay last name kong Marquez . Minsan pa nga kamahalan. Usong-uso kasi ang mga Korean drama na kamahalan ang tawag sa mga prinsipe at prinsesa. Hindi naman ako prinsesa. Simple lang akong babae na may simpleng pangarap para sa pamilya. "Kamahalan, pautang naman, o. Bukas pa kasi magpapadala si Mama," bulong ni Jev sa akin. Naka-akbay pa ang isang kamay nito sa balikat ko habang pababa kami ng hagdanan. "Inom pa! Kung gumastos kasi kayo akala ninyo madali lang maghanap ng pera," sermon ko sa kanya. Ngumiti lang ang loko-loko. Halos lahat kasi ng mga kaklase ko, nagmula sa malalayong lugar. Ako naman ay nakatira sa bahay ng lolo't lola ko. Mga magulang iyon ng aking Mama. Pagkatapos ko ng elementarya, kinuha na nila ako at dinala na rito sa Davao. Tubong Koronadal ako. Isang lugar sa rin Mindanao. Apat na oras ang biyahe patungong Davao. Pangalawa sa apat na magkakapatid. Magsasaka ang mga magulang ko at iyon ang ikinabubuhay namin. Hindi katulad nitong mga kaklase ko. Palibhasa, lumaking hindi na kailangan ang magbanat ng buto. Kaya napakadali lang para sa kanila ang gumastos nang pera. Nandito na kami ngayon sa tindahan ng suki na namin kung tawagin. Dito na kasi kami kumakain araw-araw. Gaya ng sinabi ni Reymond, may mesa ng naghihintay sa amin. Pito kaming lahat na magkaibigan. Limang babae at dalawang lalaki. Kanya-kanya na kami nang upo. Magkatabi kami ni Jackie, Dianne, at Bhem. Sina Jev at Reymond naman ang nasa harapan namin. Kulang kami. Wala kasi si Riza. Nagkasakit raw sabi ng pinsan niyang kaklase ni Mark na boyfriend ko. Kanya-kanya na kaming labas ng mga baon naming kanin. Ang dalawang lalaki naman ang pumunta sa counter at pumili ng uulamin naming lahat. "Go! Kumain ka na?" Rinig kong tanong ni Reymond sa kung sinumang kakilala nito. Nakatalikod kasi ako sa pinaglalagyan ng mga ulam. Kaya hindi ko agad nakita kung sino iyon. Go ang tawagan ng mga kaklase naming lalaki sa mga kaibigan nila. "Puwede bang sumabay sa inyo?" Nang marinig kong sumagot ang kausap ni Reymond alam ko na kung sino iyon. At kinumpirma pa mismo ni Dianne nang tawagin niya ito dahil lumingon siya kay Jev nang tawagin siya ng lalaki upang itanong kung okay lang sa amin ang may atay. "Ayaw ni puti ng may atay!" Sabay sabing, "Friend! Ikaw pala 'yan! Sabay ka na sa amin!" Hindi na ako nag-abala pang lumingon. Sigurado naman kasi akong sasabay siya sa amin sa pagkain. Saktong umupo siya sa harapan ko. Ito namang si Jackie, parang may bulate sa p'wet. Hindi mapakali. Napakunot-noo tuloy si Dianne. Tawa kasi ito nang tawa. "Hi! Sasabay ulit ako sa inyo, okay lang ba?" Sabay upo niya sa harapan ko. "Sus! Nagtanong ka pa? E, umupo ka na nga." Sagot ni Bhem sabay tawa nang mahina. Ngumiti na lang din siya saka wala sa oras na napakamot sa skin head niyang buhok. Nang magtama ang mga mata namin, bahagya lang akong ngumiti sabay taas ng dalawa kong kilay sabay sabi ng,  "Hi." Itutuloy _____

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)

read
383.0K
bc

Pregnant By The Ultimate Womanizer (Tagalog/Taglish)

read
598.7K
bc

Marrying My Fiancee

read
461.1K
bc

Married By Mistake

read
171.2K
bc

Doctor's Secret Affair (Completed)

read
816.8K
bc

Seducing The CEO - (COMPLETED) Filipino

read
550.2K
bc

PLEASURE (R—**8)

read
57.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook