Chapter 14: Day-Off

1475 Words
CAMILLA "Camilla, ipasok mo nga ang mga bote sa gilid ng bar. Tinambak na naman ng mga lasing na costumer kahapon doon. Baka magkawalaan na naman. Ikaltas pa sa sahod natin ni Ma'am Lerma ang bayad." Sumunod ako sa utos ng tagaluto sa kusina. Si Kikay ang nakatoka sa pagkakahera ngayong gabi at balik all-around na naman ako sa tungkulin. May mga mangilan-ngilan nang mga costumers sa loob. Kahit magtatakip-silim pa lang ay medyo maingay na ang bar dahil sa mga nagkakantahan sa videoke. Dinaanan ko ang mga mesa. Nginitian ko ang mga umiinom, pati na rin ang mga trabahador. Pero may kung anong kulang sa pakiramdam ko. Siguro ay dahil day-off ni Tonio ngayon at iba ang kasama naming bouncer sa club. "Saan kaya siya pumupunta kapag day-off niya? Naggy-gym siguro iyon." Bulong ko sa sarili ko. Nagkalat nga ang mga bote sa paligid ng bar. Pati sa harapan ay marami rin akong nakita. Isa-isa kong pinasok ang mga bote sa case. Medyo may tunog ng pagbagsak ang pagpalalagay ko dahil may kinaiinisan ako. Naiinis ako sa aking sarili dahil parang hinahanap-hanap ng mga mata ko si Tonio. "Nahawa na yata ako sa mga babae dito." Wika ko sa aking sarili. Ganito din kasi ang drama ng mga G.R.O. namin kapag wala si Tonio sa bar. Wala daw silang inspirasyon tuwing day-off niya. Talaga nang may kulang kapag wala siya. Paano, sa tuwing wala siyang pasok, wala din ang mga kolehiyala naming mga suki. Pihadong mga lalaki na naman ang makakasama namin buong gabi. Nang maipasok ko ang lahat ng mga basyong bote sa dalawang case ay sinubukan kong buhatin ang isa. Kahit na wala na silang laman ay nabigatan pa rin ako. Tumingkayad ako para sumilip sa bintana. Naghanap ako ng maaaring tumulong sa akin. "Kainis." Bulong ko. Kung kelan kailangan ko si Tonio ay doon pa siya wala. Hindi ko naman mahugot si Kuya Vic sa pintuan. Itinaas ko ang mga manggas ng aking blouse para humugot ng lakas. Dadaan na lang ako sa likod para mas malapit sa kusina. Binuhat ko ang unang case ng nakapikit para mabuhos ko ang enerhiya ko sa pag-aangat dito. Pero bigla akong napatayo ng mabilis. Ang gaan! Sumilip ako at nakita ko si Tonio na nakayuko. Nakasalo ang palad niya sa ibaba ng case. Nagulat ako. Naka-puti siyang t-shirt at naka-pantalon. Malinis ang pagkahati ng kanyang buhok sa gilid at halatang bagong ligo. Napaligiran ako ng kanyang pabango. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan. Nakatitig lang ako sa kanyang mukha. "Bitawan mo nga at nangangawit na ako." Sambit niya. Nabitawan ko ng mabilis ang hawakan ng case. Muntikan pang maipit ng kanyang mga daliri sa lupa. Tumingala siya para tignan ako. Mukhang nainis sa nagawa ko. "Sorry." Sambit ko. Inayos niya ang kanyang tayo. Hinila niya pataas ang kanyang pantalon para ayusin ang hapit ng pagka-tuck in ng damit niya. Pagkatapos ay binuhat niya ang dalawang case na parang nagbitbit lang ng papel sa gaan. Napatingin ako sa kanyang mga braso. Namumutok ang mga muscles niya sa laki na may bumabakat pang mahahabang ugat. Naalala ko na naman ang kanyang matipunong katawan noong huli ko siyang makitang nakahubad sa loob ng bar. "Huwag kang tumunganga dyan. Tanggalin mo ang laman ng mga bote na nandoon sa harapan para mapasok din natin. Hindi yung hinuhubaran mo na ako sa titig mo." Bitaw niya. Napatagilid ako sa hiya. Hindi ko alam na napapansin pala niya ako. --- TONIO Napapangiti ako. Nagbaka-sakali lang naman ako noon nang mag-alis ako ng damit sa harapan ni Camilla. Hindi ko inakalang makukuha ko ang atensyon niya. Simula noon ay napapansin kong palihim na siyang sumusulyap sa akin. Lumalakas ang kabog ng dibdib ko sa saya dahil dito. "Ang sarap talaga." Bulong ko sa aking sarili. Mangilan-ngilan na rin ang naging syota ko noong kabataan ko at aminado naman akong kinilig pa ako noon. Ngunit habang nagkaka-edad na ako, tila naglaho ang ganoong pakiramdam dahil kadalasan ay hayok lang sa aking katawan ang mga nakaka-date kong mga babae. Lalo pa akong nawalan ng gana nang makapagtrabaho ako dito. Naging normal sa paningin ko ang mga bagay na tinatagong gawin ng karamihan. Kung saan-saan ako nakakakita ng naghahalikan tuwing sasapit ang hatinggabi. Minsan ay may nagtatalik pa sa mesa. Pero nang dumating si Camilla sa bar, muli akong nakaramdam ng pagkahalina sa babae. Noong una ay hindi ko inaasikaso ang sarili kong nararamdaman para sa kanya dahil inosente ang hitsura. Ayoko namang manligaw ng isang bata. Ngunit nang mabanggit ni Ma'am Lerma na nasa hustong edad na siya ay hindi na ako lumubay sa kanya. Palihim ko siyang tinutulungan, binabantayan. Pero dahil takot akong masaktan, kadalasan ay nababara ko siya sa tuwing kausap niya ako para hindi lumalim ang aking pagtingin sa kanya. Sino ba naman ako para magustuhan niya. Disente, matalino at maganda si Camilla. Hindi siya papatol sa kagaya kong walang narating sa buhay. Ngunit nitong mga nagdaang araw, tila umiiba ang ihip ng hangin. Nararamdaman kong pinaglalapit kami ng tadhana at gumagaan na ang pakiramdam niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang aking sarili na umasa. Kaya heto, day-off ko na nga pero ginugol ko pa ang oras kong pumunta dito para magpapansin lang sa kanya. "Tinamaan na talaga yata ako sa kanya." Bulong ng aking puso. Pagpasok ko sa likod ng bar ay kagyat akong napatigil sa paglalakad. Narinig ko kasi ang mga entertainers namin sa dressing room. "Malas. Ang aga naman nilang dumating." Bulong ko. Nag-alinlangan akong dumiretso sa pasilyo. Baka kasi makita nila ako at landiin ng husto. Alam kasi nilang wala akong pasok ngayon at hindi ko sila matatanggihan kung ayain nila akong makipagkuwentuhan at mag-inuman. "Girl, ang aga mo naman yata." Sambit ng isang G.R.O. "Oo. Lumabas kasi ako kanina kasama ang jowa ko. Kaya maaga niya akong hinatid ngayon." Nabosesan ko si Violet. Ibinaba ko muna ang mga case ng beer. Hindi ako puwedeng basta na lang dadaan sa pintuan ng dressing room. Isa rin siya sa mga babaeng nagkakandaugaga para masakyan ang batuta ko. Kapag napansin niya ako ay baka makatikim na naman ako ng pangungulit niya. Sumandal muna ako sa dingding para maabangan ko si Camilla kung sakaling sisilip siya sa kabilang dulo ng pasilyo. Wala din akong ibang mapagpipilian kundi ang pakinggan sila para makakuha ako ng tyempo sa pagdaan. Dapat talaga ay umikot na lang ako sa harapan ng bar para hindi na ako namomroblema ng ganito. "Iba talaga! Ganda mo 'teh!" Sagot naman ng isa pa sa sinabi ni Violet. Tumawa ang ka-bahay ni Camilla. Umaapaw talaga ang kumpiyansa niya sa sarili. "Pero girl, si Camilla... Maganda din, ano? Probinsyana nga lang at mukhang aanga-anga. Pero kung papasok 'yun sa klase ng trabaho natin, pihadong makakabingwit 'yun ng malaking isda." "Naku, wag niyong isali si Camilla sa usapan. Walang alam 'yun sa pagpapatayo ng titi." Sagot ni Violet. "Ba't di mo kasi turuan? Ka-bahay mo naman. O baka takot kang malamangan? Naku ha." "Hoy, hindi ako mauungusan 'nun. Ganda lang ang meron sa kanya. Walang muwang 'yun sa mabilis na paraan ng paghahanap ng pera. Paglilinis lang ang alam niyang gawin." "Sabagay. May point ka. Pero ano namang pumasok sa kukote mo at kinupkop mo siya sa bahay mo? Imposible namang naawa ka sa kanya. Hello, ikaw pa." Tumawa na parang kalaban sa teleserye si Violet. "Hindi naman ako ganoon kasama, kayo naman. Pero may point kayo. Hahaha!" "Sabi na, eh! Kinakawawa mo ang bata sa bahay, no?" "Duh! Of course not! Siya ang mismong nagpiprisintang maglinis." "Sinisira mo ang ganda niya, girl! Nakakainggit siya. Napaka-natural. Sure naman ako na wala siyang retoke." Nanahimik ang kuwarto. Napangisi ako. Mukhang nasaktan si Violet sa kumento ng kanyang mga kasama. Totoo naman kasi ang kanilang obserbasyon. Wala pa akong nakikilalang kasing-ganda ni Camilla. "Hindi ko sinisira ang beauty niya, for your information mga tsismosang palaka. Pero hindi ko rin sinasabing pinatira ko siya ng bahay ng libre. Dahil may balak ako sa kanya." Gumalaw ang mga upuan. Gusto kong sumilip kung bakit biglang naging tahimik ang lahat. Parang nagsilapitan ang mga kasama niya sa kanya. "Hoy! Ano'ng balak mo? Huwag mong sabihing ibubugaw mo siya?" Tumawa ulit si Violet. "No. But she will play the biggest role in my grand plan." "Kaloka! May pa-grand-grand plan ka pang nalalaman! Splook mo na! Huwag kang pasabik!" "Tsaka na. Babalatuan ko na lang kayo kapag natupad na iyon. Sa ngayon, aalagaan ko muna siya ng mabuti. Kapag dumating ang tamang panahon, mapapakinabangan ko rin siya." Biglang naputol ang pakikinig ko sa usapan nila nang lumitaw si Camilla sa dulo ng pasilyo. Patakbo akong bumalik sa kanya, dala-dala ang mga case ng beer. Napagtanto ko na hindi ligtas sa mga kamay ni Violet si Camilla. Kailangan niya itong malaman. Pero paano ko sasabihin sa kanya ang narinig ko ng hindi ako nagmumukhang naninira ng tao?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD