Chapter 15: Alak

1568 Words
CAMILLA Buwisit 'to. Tinubuan na ako ng lumot sa kahihintay sa kanya, ngayon pala eh nandoon lang siya sa gilid ng kuwarto ng mga babae. Namboboso ba siya? "Kaya pala walang bumabalik na Tonio sa akin, ngayon pala... Magka-kuliti ka sana!" Pamukmok kong sambit sa kanya. Tinawanan na naman niya ako. Dito ako nanggagalaiti sa asar sa kanya dahil hindi siya napipikon sa akin. Kahit na anong nakakainis na salita ang ibato ko sa kanya, tawa lang ang tinutugon niya sa akin. "Ano'ng tinatawa-tawa mo na naman dyan?" Asar-talo kong pangungulit sa kanya. "Oh, nakita mo na ako. Bumalik na ang Tonio mo sayo. Kuntento ka na?" Tugon niya sa akin ng may mahinang pagtawa. Natigilan ako. Aba't pilosopong ito. Hindi naman iyong ang ibig kong sabihin! "Tabi. Haharang-harang ka sa daanan ko. Baka maapakan pa kita. Bubwit pa naman ang size mo." Dagdag pa niya. Sinadya niyang iwasiwas ang case sa akin at napatalon ako palayo. Pagkatapos ay naglakad siya paikot sa bar para ipasok ang mga boteng iniutos sa akin. Mapang-asar na nga, ang pangit pa ng tabas ng dila. --- “Kung may lisensya lang ang akong manakit ngayong gabi, baka naipasok ko na sa kubeta ang dalawang babaeng ito. Ang sarap imudmod sa urinal!” Wika ko. Hinayaan ko talaga ang bibig kong ibuhos ng malakas ang nararamdaman ko. Sinabayan ko ang tugtog ng musika sa loob ng bar para walang makarinig sa akin. Nagpapanting ang mga tenga ko sa tuwing naririnig ko ang maharot na halakhak ng mga ka-table ni Tonio. “Isa pa ito. Akala ko pa naman… Nakuuuu!” Sigaw ng isip ko. Umuusok ang ulo ko sa kanya. Palagay pa naman ang loob ko kanina na bumisita siya rito ng mag-isa para aliwin ang sarili. Nakakapagod nga naman ang umawat ng nag-aaway gabi-gabi at nakatayo ng ilang oras. Ngayon pala ay may akay siyang dalawang kolehiyala na kinulang sa tela ang mga suot! Hindi ako makapag-isip ng maayos. Bumabalik ang mga mata ko sa kanilang mesa sa tuwing naghahatid ako ng orders sa mga costumers. Bumalik ako sa tabi ng kahera nang maihain ko na ang lahat ng mga orders. Palihim kong pinagmamasdan itong si Tonio sa kanyang mga ikinikilos. Nagtatawanan sila ng kanyang mga kasama. Tila biniro siya at nahiya sa kanyang narinig. Kinamot niya ang kanyang batok at pagkatapos ay ipinatong niya ang kamay niya sa sandalan. Sumiksik naman ang isang babae sa kanyang tagiliran at mula sa aking kinatatayuan—para siyang nakaakbay sa babae. Paminsan-minsan ay hinahaplos siya sa dibdib ng isa pa. Bagamat halata naman kay Tonio na hinahawi niya ng may paggalang ang malikot na kamay ng kanyang ka-table ay parang nagugustuhan naman niya ang nangyayari. Hindi matanggal ang ngiti sa kanyang mga labi. Heto na naman ako. Naghihimutok ng walang dahilan. Naiinis sa taong hindi naman dapat kainisan. Dahil sino ba naman ako sa buhay ni Tonio, wala. Isang ka-trabaho lamang. “Tangina, Camilla. Iba talaga kapag guwapo. Lakas ng kamandag ni pareng Tonio. Dalawang estudyante ang kasama.” Wika ni Kikay. Dinaklot ko ang panyo ko sa bag. Pinampunas ko ito sa nagpapawis kong leeg. Hindi nakakatulong si Kikay. Lalo lang niyang pinaliliyab ang apoy ng iritasyon ko. “Oh, oh, tignan mo. Hahaha! Jackpot! Kung ako kay Tonio, gagapangin ko ang bebot na ‘to! Hahaha!” Mapang-asar na halakhak ni Kikay. Nagpalinga-linga ako sa counter. Naghanap ako ng puwedeng maiinom. Para akong nasa impyerno sa init. Kinalabit ako ni Kikay. “Oh.” Wika niya. May hawak siyang isang bote ng San Miguel Light. Kinaskas niya ang nagyeyelong inumin sa braso ko. “Huwag mo akong isumbong kay Ma’am Lerma, ha? Atin-atin lang ito. Inom ka na. Tatabingan kita. Basta yumuko ka.” Paalala ni Kikay. Mariing ipinagbabawal ni Ma’am Lerma sa aming mga hindi entertainer ang uminom habang naka-duty. Pero sa mga oras na ito, gusto kong magpadala sa tukso ng mali. Umuusok ang ibabaw ng bote sa lamig at parang kaysarap niyang lasapin. Hindi na ako nakatiis pa. Umupo ako at nagtago sa counter, tsaka ininom ang alok ni Kikay. “Huy, gago ka huwag mong ubusin!” Paimpit na sigaw ni Kikay sa akin. Naibsan ang init na gumagapang sa mga kalamnan ko. Para akong bagong ligo. Hindi ko masyadong nalasahan ang pait ng alak. Iba ito sa ininom namin ni Tonio noong isang gabi. Pagtayo ko ay parang umikot ng bahagya ang paligid. Natawa ako sa sarili ko. Lumingon ako kay Kikay. Hindi ko mapigilan talaga. Natatawa ako. “Masarap, diba? Hahaha!” “Oo, Kikay! Hala! Hahaha! Ang saya!” Sagot ko. Muli akong sumulyap sa mesa nina Tonio. Nakatakip ang braso ni Tonio sa kanyang bibig at humahagikgik. Tinampal siya ng pabiro ng isang babae at tinulak pa ng may lambing. Uminit na naman ang pakiramdam ko. “Ano’ng nangyayari? Kani-kanina lang ay okay na ako? Mainit na naman.” Usal ko kay Kikay. Parang namamanhid ang leeg ko sa init. Bigla akong nakaramdam ng pangangati sa kuwelyo ng blouse ko. Tinanggal ko ang dalawang butones ng aking suot at pinaypayan ko ang aking sarili. “Huy! Shhhhit! Camilla! Anu’ng ginagawa mo?” Aburidong sambit ni Kikay sa akin. Sinakmal niya ang aking mga kamay para pigilan ako sa pagtatanggal ko pa sa natitirang butones ng saplot ko. “Hindi pa sapat, Kikay! Mainit pa rin!” “Ha? A-Ano’ng—hoooy!” Tinungga ko ang natitirang alak sa bote. Sinimot ko ang laman nito. Ang saraaaap talaga! Gumuhit ang lamig sa aking lalamunan. Grabe! Heaven! “Camilla! Sisig! Table number three!” Sigaw ng tagaluto. Bigla akong sininok. Natawa na naman ako sa sarili ko. “Kikay, wait lang, ha?” Habilin ko kay Kikay at kinuha ko ang order sa kusina. --- TONIO Nagkamali ako. Dapat pala ay tumambay na lang ako sa loob ng counter. Kung ginawa ko ito ay sana, nakausap ko na ngayon si Camilla at napayuhan na mag-ingat kay Violet. Iniwasan ko nga sa likod ng bar ang mga G.R.O. namin, nakulong naman ako sa dalawang mga college students na laging umiinom dito. Nakikisakay lang ako sa kanilang mga biro noong una. Pero habang lumalalim ang gabi at napaparami kami ng inom, lumilikot na ang kanilang mga kamay. Kahit anong iwas ko sa kanila ay hindi ko mapigilan na tablan ng libog. Lalaki ako na nakainom na rin. Habang hinihimas nila ang katawan ko ay unti-unting tumatayo ang p*********i ko. Saan ba tumambay itong si Camilla? Tinutukan ko ang counter. Medyo madilim ang loob ng club at masakit sa mata ang galaw ng mga ilaw. Habang pinipilit kong kilalanin kung sino ang nasa harapan ng kahera ay may dumaan na babae sa aking harapan. Nawala ang atensyon ko sa tinitignan ko dahil ninakaw ng mapuputing mga papaya na nakasilip sa blouse ng babae ang mga mata ko. Sinundan ko ng tingin ang babae. Napatayo ako sa gulat nang makilala ko kung sino ito. SI CAMILLA! “Sir, sisig po! Maraming salamat po sa order!” Maaliwalas na ngiting wika ni Camilla sa lalaki sa kabilang table. Lumuwa ang mga mata ng mga costumer. Napako ang mga mata nila sa malulusog na dibdib ni Camilla, lalo na nang bahagya itong yumuko para linisin ang mga nagkalat na tissue sa harapan ng mga parokyano. “Hahaha! Okay lang. Ano’ng pangalan mo, iha?” Ngiting-asong tanong ng isang costumer. “Camilla po, Sir. Basta tumawag lang po kayo kapag may order kayo, ha? Thank youuuuuu!” Sagot naman nito. Naagaw na naman ang atensyon ko nang makita ko ang mga entertainers na nagsilabasan sa dressing room. Nabigla si Violet sa ikinikilos ni Camilla. Tinulak siya ng kanyang mga kasama para saluhin si Camilla sa panganib pero hindi natinag si Violet. Tawang-tawa ito sa inaasal ng kanyang ka-bahay. Kumalansing ang kutsara sa semento. Napalingon ulit ako sa kabilang table. “Ay sorry, nahulog!” Usal ng lalaki. “Ay, ako na ho!” Mabilis na tugon naman ni Camilla. Umupo ito sa semento at kinapa ang kutsara. Lahat ng mga lalaki sa table na iyon ay yumuko at dumungaw sa nakakatakam na s*so ni Camilla. Gumapang ang galit sa mga kalamnan ko. Binobosohan ang babaeng gusto ko! Tinulak ko ang mesa para makadaan ako sa harapan ng estudyanteng katabi ko. Hindi na ako nakuhang pigilan pa ng mga ka-table ko sa takot nila sa akin. Tumabi ako kay Camilla at hinila siya patayo sa kanyang kinalalagyan. Nagulat siya sa akin at sininok. “T-Tonio?” Nakamulagat niyang tanong sa akin. Bumaba ang mga mata ko. Napalunok ako sa kanyang mga upo. Para silang mga namumulang mamon na gumegewang sa lambot. Nakatukso talagang hawakan. “Tonio, ikaw ba ‘yan?” Usal niya. Naningkit ang kanyang mga mata at lumapit sa akin. Tinutok niya ang kanyang mukha sa aking mga labi. Naamoy ko ang alak sa kanyang hininga. Tangina naman, Camilla. Kaya pala. Nakainom ang ungas. Hinila ko ang kamay niya para dalhin siya sa likuran ko. Pagkatapos ay hinarap ko ang mga costumers na nanininilip sa kanya. “Mga tol, pasensya na. Girlfriend ko ‘to. Nalasing lang. Sorry.” Pakiusap ko. “Ha? Ano’ng girlfriend? Hoy—” Hindi ko na siya pinatapos pa sa kanyang pagrereklamo. Hinatak ko siya palabas ng bar. May puwersa ang aking mga kamay pero hindi ko siya kinaladkad. “Hoy, Tonio! Teka lang! Nagtatrabaho pa ako!” “Lasing ka na, Camilla.” Usal ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD