TONIO
"Bitawan mo nga ako! Bakit ba lagi mo akong pinakikialaman?"
Kumalas si Camilla sa aking kamay nang makarating kami sa harapan ng bar. Hinimas niya ang kanyang pulsuhan na medyo nasakmal ko dahil nahila ko siya palabas.
"Dahil lasing ka na, Camilla. Nakainom ka ng alak, tama?" Sagot ko.
Kumurap siya at parang nag-alinlangang sumagot.
"Oh, eh ano naman ngayon? Ginagawa mo rin naman 'yun ah. Hindi nga kita sinusumbong kay Ma'am Lerma. Tapos ako, hindi ako puwedeng sumubok? Hindi ka patas!"
Tinamaan ng ilaw ang mga mata ni Camilla. Nangingislap ang mga ito na parang gusto niyang maiyak. Napiga ang puso ko. Hindi ko sinasadyang saktan siya at ipahiya kanina. Gusto ko lamang talaga siyang ilayo sa mga bastos na lalaki kanina.
Pinaswitan ko ang nakatokang bouncer ng club at nagpakuha ako ng tubig. Pagkatapos ay inakay ko si Camilla patungo sa gilid ng club para makaupo. Hindi naman na siya nagpumiglas pa nang akbayan ko siya.
Binuksan ko ang mineral water at inalok sa kanya. Ininom naman niya ito. Yumuko siya at suminghot. Kinabahan na naman ako. Iiyak yata talaga siya.
Ilang bote ba ng alak ang tinungga ng dalagang ito at sumidhi ng ganito ang emosyon niya?
"Lagot talaga ako nito... Isusumbong ako ng mga kasama natin kay Ma'am Lerma. Mawawalan na ako ng trabaho..." Nag-aalalang bulong ni Camilla.
"Ilang bote ba kasi ang ininom mo? Sino ang nag-alok sayo?"
"...Wala. Wala akong kasamang uminom..."
"Saan mo nakuha ang alak?"
"Ano... Inabot lang ni Kikay sa akin kasi, naiirita ako kanina. Ikaw kasi!!!" Sigaw niya.
Muntik na akong atakihin sa puso. Pumasok yata ang dalawang bayag ko paurong sa bituka ko.
"Bakit ako?" Sagot ko.
"Basta! Ang landi-landi mo kasi! Nakakainis ka! Tumtaas ang presyon ko sayo!"
Hindi ako makapaniwala na nasasabi niya sa akin ang tunay niyang saloobin. Nakanganga akong nakikinig sa kanya. Hinimas ko ang bigote ko at gusto kong matawa. Ganito pala siya kapag nalalasing.
Sasamantalahin ko ito. Gusto kong malaman ang lahat ng kanyang nararamdaman tungkol sa akin. Makikipaglaro ako habang may amats pa siya sa alak.
"Ang sama mo namang magsalita! Nakikipag-inuman lang naman ako. Ano namang masama doon?" Sagot ko.
Tumitig siya sa akin ng may magkahalong pagkamangha. Kulang na lamang ay sabihan niya akong hambog at makapal ang mukha. Pinusod niya ang kanyang buhok at may iilang bigkis ng buhok ang natira sa kanyang pisngi.
Tangina talaga. Napakaganda niya. Para siyang birhen. Namumula sa kalasingan ang pisngi at mga labi. Ang sarap niyang halikan.
Uminom ulit siya ng tubig bago nangatwiran.
"Ang daming masama doon! Biruin mo! Bakit—bakit, hala! Dalawang babae pa! Day-off mo 'yun! Dapat nag-gym ka na lang! Nakakainis ka talaga! Wala kang puso!"
Tumayo ako at tumalikod sa kanya. Sumipol ulit ako sa may bintana ng bar at nagpakuha ng beer sa bouncer na kaibigan ko. Hinimod ko ang buong mukha ko gamit ang aking braso. Baka kasi makita niyang natatawa ako sa kanya. Ang gulo ng sinasabi pero kuhang-kuha ko na ang nais niyang sabihin.
Nagseselos siya.
Kumakabog ang dibdib ko. Hindi pa ako kinilig ng ganito sa buong buhay ko.
Hinatid ni pareng Ian ang bote sa akin at nakita ang kalagayan ni Camilla. Sumenyas ako sa kanya na huwag niya itong pansinin. Tinapik niya ako sa balikat at bumulong.
"Bibigay na yan, ‘pre. Dalhin mo na sa madilim."
"Uy, gago hindi!" Saway ko.
Tinulak ko ulit siya pabalik sa bar at sinakmal ang puwit. Tawang-tawa siya sa akin.
Pag-upo ko sa tabi ni Camilla ay tumitig siya sa bote ng alak na hawak ko. Nilayo ko ito sa kanya.
"Camilla, hindi ako naka-duty. Puwede akong uminom. Ikaw, hindi. Ang gusto kong malaman ay kung ano ang pinuputok ng buchi mo? Ano bang ginawa kong mali sayo? Ako, walang puso? Paano mo nasasabi iyan?” Tuluy-tuloy kong tanong sa kanya.
"Oo! Hindi mo lang alam—Hindi mo... (lumunok) Ang tatanda mo na! Mga estudyante pa ang pinupuntirya mo! Ang manyak mo!"
Imbis na magalit ako sa panghuhusga niya sa akin ay lalo pa akong kinilig.
"Camilla, hindi ko nagugustuhan ang tabas ng dila mo. Hindi ako manyak. Sila ang lumapit sa akin, hindi ako."
"Oh bakit mo sila inakbayan? Tapos—ano—hinahayaan mo lang. Yung isa, hinahawakan pa 'yung—‘yan." Sambit niya, sabay turo sa dibdib ko.
"Yun lang ang kinagagalit mo? Oh, eh ‘di akbayan din kita. Oh, oh." Tugon ko.
Ipinatong ko ang braso ko sa kanyang balikat at pinilit ko siyang lumapit sa akin. Nagpupumiglas siya pero nakikita kong napapangiti siya ginagawa ko.
Pucha. Thank you Lord! Para na akong may nobyo nito!
Tinulak niya ako. Tinanggal ko ang aking kamay na nakapalibot sa kanya at pinagmasdan kung ano ang naging reaksyon niya. Hinawi niya ang nahuhulog na buhok sa kanyang mukha at kagat-labing yumuko.
"Ano, solve ka na? Kung gusto mo, picturan pa natin."
"Haist! Ano ka ba!"
Nilabas ko ang phone ko. Kahit na mumurahing camera phone lang ang gamit ko ay nag-selfie kami. Inakbayan ko ulit siya. Tinakpan niya ang kanyang mukha sa hiya pero itinuloy ko pa rin ang pagkukuha sa litrato.
"Nasaan na ang phone mo?" Tanong ko.
Dahan-dahan niyang nilabas ang phone niya sa bulsa. Tumagilid siya at pinunasan ng ang kanyang mukha gamit ang kanyang mga palad.
"Ayusin mo ang kuha, ha?" Nakangiting utos niya ng may kaunting hiya pa sa mukha.
Inakbayan ko ulit siya. Ngumiti na siya sa camera. Pagbaba ko sa cellphone at tinignan ko ang kuha. Tumalon sa galak ang puso ko. Para talaga kaming may relasyon.
"Ano'ng ginagawa mo?" Wika na.
"Teka lang. Huwag kang magulo. Ibu-bluetooth ko sa phone ko." Sagot ko.
"Bluetooth? Wala ka bang Share-It?"
"Hindi ko alam 'yun. Teka lang."
Paglipat ng kopya sa phone ko ay muli kong tinitigan ang larawan. Nilakihan ko pa nga ito para makita ko ng malapitan ang kanyang hitsura. Napakaganda talaga niya. Matangos ang ilong at nakakalusaw ng puso ang mga mata. Nakasilip din ang hiwa ng dalawa niyang papaya dahil hindi pa rin nakasara ang mga butones niya.
Umaapaw ang saya ko. Hindi ko na kailangan pang pumikit at isipin siya para mag-jakol. May aktwal na akong litrato niya at may bonus pang mga upo.
Tangina talaga. Lasingin ko pa kaya?
Dinaklot niya ang phone niya sa kamay ko. Inubos niya ang mineral water na hawak niya at huminga ng maluwag. Mukhang bumalik na ang katinuan niya.
"Okay ka na? Makakapagtrabaho ka na ba ng maayos niyan?" Tanong ko.
Tumango naman ito ng nakangiti.
"Hindi ka na iinom?"
"Hindi na."
"So papayag ka nang makipag-date sa akin bukas?" Biglang bira ko.
"Oo—Ha???"
Napalunok ako. Mukhang nahimasmasan na yata siya ng tuluyan. Dapat pala ay kanina ko pa siya hiniritan para masiguro kong papayag siya.
"D-Day-off mo bukas, diba? Huling araw din ng day-off ko bukas. Wala naman tayong gagawin siguro... M-Mag-date na lang tayo." Nauutal kong saad.
Nag-isip siya ng malalim. Parang iluluwa ko na sa bibig ko ang puso kong tumatalon sa kaba habang hinihintay ko siyang sumagot.
"Ano'ng oras?" Sagot niya.
Naunahan ako ng ngiti. Hindi na gumana ng maayos ang utak ko. Sumobra ako sa saya. Papayag na ba siya?
"A-Anong oras ka ba nagigising?"
"Maglilinis pa kasi ako ng bahay. Tapos, magluluto para kina Violet at sa boyfriend niya. Tapos... Siguro puwede na ako 'nun..."
"Mga alas-dos?"
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. Para akong nakabitin ng patiwarik. Hindi ako makahinga sa kahihintay sa kanyang sasabihin. Abot-kamay ko na ang gusto ko pero parang ang ilap pa.
"Tignan natin..."
Pucha. Magigiba pa yata ang plano ko.
"Ganito na lang. Kunin ko ang cellphone number mo. Para ma-text kita. Para mapaalalahanan kita."
Para-paraan na lang ito. Nakasalang na ako. Hindi ako papayag na hindi ko siya mapa-oo.
"Okay... 0915..."
Sinave ko ang kanyang numero. Pina-ring ko ang kanyang telepono. Tumingin siya sa kanyang cellphone at sinave din ang akin. Sinilip ko ang pangalang inilagay niya at medyo nadismaya ako.
TONIO SEDUCIA BAR.
Walang kalambing-lambing.
"Tonio, babalik na ako sa loob..." Sambit niya.
Umayos ako ng pag-upo. Naalala ko ang mga lalaking nambabastos kanina sa kanya, pati na rin ang mga naiwan kong mga babae sa loob. Tangina. Nawala sa isip ko ang reyalidad.
"Sige. Pero babantayan kita. Tutulong na lang ako sa trabaho mo." Tugon ko.
Naningkit ang kanyang mga mata.
"Gusto mo lang yatang balikan ang mga estudyante, eh."
“Hindi! Babantayan nga kita.”
“Hindi siguro.”
“Ayan ka na naman. Akala ko ba nagkaayos na tayo?”
“Ha? Tayo? Walang tayo, Tonio.”
Bumulalas ako sa tawa. Ang tagal na naming magkatrabaho pero ngayon lang niya ako biniro.
“Mukhang okay ka na.” Patango-tango kong sambit sa kanya.
Kinamot niya ang kanyang noo.
“Paano kung isumbong ako ng mga entertainers kay Ma’am Lerma. Ano’ng isasagot ko?”
“Huwag kang mag-alala. Ako na ang bahala sa mga ‘yun.” Paniniyak ko sa kanya.
Ngumiti na siya ng maaliwalas. Bago kami sabay na pumasok sa bar ay kinalabit ko ulit siya.
“Y-Yung date bukas, ha?” Paalala ko.
Inirapan niya ako ng may ngiti.