Chapter 17: Date II

1606 Words
CAMILLA Ang sakit ng ulo ko. Parang may dalawang hollow blocks na nakapatong sa noo ko. Sinabunutan ko ang sarili ko para mamanhid ito. Ano ba kasing nangyari sa akin kagabi? Ang natatandaan ko lang ay nakainom ako sa bote ni Kikay. Pagkatapos ay sinalo ako ni Tonio sa mga nambobosong mga costumers, at pagkatapos… Biglang nagising ang diwa ko. Napatayo ako sa aking naalala. CAMILLA!!!!!! Hinanap ko ang cellphone ko sa banig. Hinalungkat ko ang ilalim ng mga unat at kumot. Nang matagpuan ko ito ay kaagad kong binuksan ang text message na natanggap ko. TONIO SEDUCIA BAR—Oi, ‘yung usapan natin, huwag mong kalimutan. Alas dos. Sa harapan ng McDo. Nagpatihulog ako sa mga unan. Ang laki kong tanga. Ayoko na sa mundo. Unti-unting bumalik ang mga alaala sa isip ko. Binuksan ko ang gallery ng aking telepono. Muntikan ko nang maibalibag ang hawak ko. Nakaakbay si Tonio sa akin. Litaw pa ang bra ko sa larawan. “Camillaaaaaa!” Nanggigil kong sambit sa sarili ko. Bigla kong naisip si Violet at ang mga kasama ko sa club. Hindi naman siguro nila ako ilalaglag kay Ma’am Lerma. Malabo ang alaala ko kagabi. Ni hindi ko nga matandaan kung paano ako nakauwi ng bahay. Buwisit na alak iyon. Isang bote lang naman ang nainom ko. Ganoon ba talaga kapag first time? Lumabas ako ng kuwarto. Mag-isa ko na naman sa bahay. Tirik na kasi ang araw ang baka kumain na naman sa labas ang dalawa dahil hindi ako nakapagluto. Nilingon ko ang aking cellphone. Pasado alas-onse na ng umaga sa orasan nito. Umupo ako sa harapan ng hapag-kainan. Tulala kong inisip kung ano ang gagawin ko. Nabubuwisit talaga ako sa sarili ko. Hindi ako naiinis dahil napapayag ako ni Tonio sa date. Dahil kung bubuklatin ko ang laman ng puso ko, gusto ko rin itong mangyari. Pero hindi ako handa! Tumakbo ako papunta sa aparador. Inilabas ko ang lahat ng mga nakasabit kong damit at inilapag sa banig. Wala akong makitang disenteng maisusuot! Biglang kumalam ang tyan ko. Hindi pa rin pala ako nakakapananghalian. Walang pagkain sa kusina. Ang dami kong problema! Huminga ako ng malalim ng nakapikit para pahupain ang kabalisahan na nararamdaman ko. “Isa-isa lang, Camilla. Mahina ang kalaban. Damit muna, okay?” Paalala ko sa sarili ko. --- TONIO Tingin ako ng tingin sa relo ko. Mag-aalas-dos na ng hapon pero hindi ko pa nakikita si Camilla. Kada minuto ko ring sinusulyapan ang cellphone ko at baka makatanggap ako ng mensahe mula sa kanya. Tinitignan ako ng mga pumapasok sa McDo. Kahit na batid kong may hitsura ako ay hindi ko pa rin nagugustuhan ang pagmamasid sa akin ng mga tao. Mukha kasi akong guard ng restaurant na nakatayo sa may pintuan. Muli kong tinignan ang suot kong damit. Naka-polo ako ng kulay langit at naka-suot ng disenteng pantalon. Bigay ito ni Ma’am Lerma sa akin noong Pasko at ngayon ko pa lang sila magagamit. Siguro naman ay hindi ako magmumukhang promdi sa suot ko dahil mayaman ang nag-regalo. Limang minuto na lang at alas-dos na. Pahid ako ng pahid sa pawis ko sa leeg sa kahihintay kay Camilla. Inubos ko ang kalahati ng pabango ko para dito pero mukhang nasimot na ng mga taong dumadaan sa tagal kong nakatambay sa kinatatayuan ko. Habang binubuksan-buksan ko ang pintuan ng McDo para makasagap ng malamig na hangin sa loob ay may tumawag sa aking pangalan. “Tonio.” Sinundan ko ang boses. Nabitawan ko ang pinto. Natulala ako sa ganda ni Camilla. Naka-suot siya ng bestidang kulay itim na hanggang sa itaas ng kanyang mga tuhod. Nakahawi ang kanyang buhok sa kanan niyang balikat at nakatirintas pa ang kaunting bungkos ng kanyang buhok sa harapan. Hindi ko mapigilan ang init sa mukha ko. Napakaganda niya. Para siyang isa sa mga babaeng nakikita kong modelo sa mga notebook ko noong nasa high school ako. Naglakad ako patungo sa kanya. Manghang-mangha ako sa kanyang ayos. Sa labis kong paghanga ay naisambit ko ang maling mga salita. “Tangina ka, Camilla.” --- CAMILLA Malayo pa lang ako sa McDo ay kaagad ko nang napansin si Tonio. Matikas ang kanyang tayo at palingon-lingon sa mga dumadaan. Pabalik-balik ako sa daan. Para akong naiihi sa kaba. “Sheeet, ang guwapo naman niya!” Paimpit kong wika sa aking sarili. Pinagpag ko ang suot ko. Bigla akong nagsisi kung bakit kulay itim pa ang napili kong suotin. Magnet ng alikabok. Pinagmasdan ko siya mula sa malayo. Hindi ko mapigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi ko. Inisip ko na kung dadalhin ko siya sa probinsya namin ay tiyak na pagpipiyestahan siya ng mga kababaihan sa angkin niyang kagwapuhan. Nang muli siyang sumulyap sa kanyang relo na nakakunot ang noo ay doon ko lang napagpasyahang puntahan na siya. Baka kasi magalit na siya sa akin sa kahihintay. Tinawag ko ang kanyang pangalan. Laglag ang panga niya ng makita niya ako. Kilig na kilig ang pukelya ko sa kanya. Pero natuyo ang agos ng saya ko nang tugunan niya ang pagtawag ko sa kanya. “Tangina ka, Camilla.” --- “Sorry na. Kausapin mo naman ako, Camilla. Gandang-ganda kasi ako sayo. ‘Yun ang ibig kong sabihin kanina!” Pangungulit niya sa akin. Gaga ‘to. Tiniis kong hindi kumain ng tanghalian para lang maipagkasya ko ang tyan ko sa bestidang ito, tapos mumurahin lang ako. Sumipsip ako ng iced tea sa hawak kong malaking inumin habang papunta kami sa may sinehan. Umikot siya sa aking harapan para harangan ako pero kaagad kong iniba ang direksyon ng aking paglalakad. “Camilla, hoist! Parang kang bata! Ano na?” Tinaliman ko ang titig ko sa kanya. Napalunok siya at nangamot ng batok. “Sorry na! Kapag ako ang naasar, hahalikan talaga kita!” Pagbabanta niya. Naningkit ang mga mata ko. “Ah, ganun. Sa tingin mo ba ang maiisahan mo pa ako? Sinamantala mo ang pagkalasing ko kagabi at wala akong nagawa ngayon kundi ang makipag-date sayo. Puwes, ipapalasap ko sayo kung ano ang pakiramdam ng may ka-date kang parang bangkay sa lamig. Buwisit na ‘to, minura pa ako.” Sambit ko sa aking sarili. Pagpasok namin sa loob ng tarangkahan ay inakay niya ako papasok sa madilim na loob ng sinehan. Hinawakan niya ang aking likuran at kumembot naman ako para matanggal ang kanyang nakadantay na kami sa akin. Nagkamot na naman siya ng ulo. “Camilla, ano ba? Ano’ng klaseng date ito kung hindi mo ‘ko kakausapin—” “Shhhhh!” Saway ng mga taong nasa likuran namin. Tiim-bagang niyang tinitgan ang mga tao. Gusto kong matawa sa kanya. Mukha siyang naluging Intsik sa inis. Nang magsimula na ang palabas ay ipinatong niya sa pagitan namin ang isang malaking karton ng popcorn. Pangiti-ngiti itong kumukuha ng pagkain habang nanonood. Ang mga lalaki talaga. Pare-pareho ng istilo. Ang daling basahin ng iniisip. Akala siguro nito ay mahahawakan niya ang aking kamay. Handa kaya ako. Binuksan ko ang bag ko. Inilabas ko ang dalawang straw na kinuha ko kanina sa pinagbilhan namin ng pagkain. Pagkatapos ay ginamit ko silang pang-chopstick sa popcorn. Nalaglag na naman ang panga niya. Nawala ang atensyon niya sa palabas at tumitig sa akin. “Baliw ka ba? Ano’ng ginagawa mo?” Pigil-sigaw niyang tanong sa akin. “Shhhhhh! Ang ingaaaay! Palengke, kuya?” Naririnding reklamo ng babae sa tabi niya. Tinikom ni Tonio ang kanyang bibig at bumaling sa kanyang kaliwa. Yumuko siya sa babae at humingi ng pasensya. Gumagalaw ang mga balikat ko sa paghagikgik ko. Nakakatawa siyang pagmasdan. Natapos ang aming pinapanood ng hindi man lang niya ito na-enjoy. Nang palabas na kami ng sinehan ay nauna siyang naglakad sa akin. Bumalik na naman ang dati niyang gawi—ang maglakad ng nakasuksok ang kanyang mga kamay sa bulsa. Mukhang seryoso na ang inis niya sa akin. “Tonio, sandali. Ihi lang ako saglit.” Wika ko. Tumingin lang siya sa akin at itinuloy ang paglalakad. Pagkatapos ay tumambay siya sa harapan ng malaking TV kung saan nakikita ang mga trailer ng mga pelikula. Pagkakita niya sa akin ay ngumuso siya sa direksyon ng CR. Nakonsensya naman ako. Parang nasobrahan ko yata ng pang-aalaska ko sa kanya. Nginitian ko siya nang makabalik ako sa tabi niya. Tinanong ko siya kung saan pa niya gustong pumunta. Sumulyap siya sa kanyang relo at nilayo ang kanyang mga mata sa akin. “Alas-sais na. Ihatid na kita sa sakayan niyo. Salamat sa oras.” Usal niya. Kinabahan ako sa kanyang sinabi. Gusto ko lang namang inisin siya ng kaunti para lambingin pa niya ako. Bumabawi lang ako dahil inalok niya ako ng date ng hindi matino ang pag-iisip ko. Hinila ko ang manggas ng kanyang polo. “Huy, galit ka ba sa akin?” Tanong ko. Ngumisi siya at umiling. Napalunok ako. Galit na ang ka-date ko. “Sorry na. Ito naman. Bumabawi lang ako sayo. Ikaw kasi, sinamantala mo ang kalasingan ko kagabi at inaya mo akong makipag-date. Hindi kasi iyon tama.” Usal ko. “Ah, ganon ba. Pasensya ka na, ha? Hindi naman kasi ako nakakatanggap ng normal na sagot mula sayo kapag kausap kita sa normal na pagkakataon.” Sumbat niya sa akin. May punto naman siya. Mas madalas ko siyang nasusungitan kaysa sa kausapin ko siya ng maayos. “O-Oh sige na. Sorry. Pumayag naman na akong makipag-date, oh.” “Tsss. Date ba ang tawag mo dito?” “Ohhh… Ano’ng gusto mong gawin, aber? Sabihin mo. Saan mo gusting pumunta?” Tinitigan niya ako sa mata. Pagkatapos ay yumuko ito ng bahagya at binulungan ako sa tenga. “Sa motel.” Saad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD