Chapter 18: Una

1567 Words
CAMILLA Hindi yata ako matutunawan ng pagkain ngayong gabi. Hindi ko malasahan ng maayos ang spaghetti ng Jollibee. Habang ito namang kasama ko ay parang hinahabol ng mga gerilya kung lumamon. Napakabilis niyang sumubo ng pagkain. Tama ba talaga itong desisyon ko? Pumayag talaga ako sa gustong mangyari ni Tonio? Binitawan niya ang hawak niyang tinidor nang makita niya akong nilalaro ko lang ang noodles ng spaghetti. "Nagbago na ba ang isip mo? Ihatid na lang kita sa bahay ninyo?" Tanong niya sa akin. Umiling ako. Bakit hindi ko siya matanggihan? Ngumunguya siya habang hinihintay ang sagot ko. Pinagmasdan ko kung paano kumilos ang kanyang mga panga. Lalaking-lalaki ang hubog ng kanyang mukha. Makapal din ang buto ng kanyang pulsuhan. Matatambok ang mga dibdib na nakalapat sa kanyang hapit na polo. "Aminin mo na kasi, Camilla. Gusto mong mahawakan ang katawan niya kaya ka pumayag sa motel niyang alok." Sagot ng puso ko. Binitawan ko ang mga plastic na kutsara at tinidor. Nagulat si Tonio at napatingin sa akin. "Ano'ng gagawin natin doon?" Tanong ko. Dahan-dahang gumilid ang kanyang mga mata. Ngumisi ito at muling sumulyap sa akin. "Ano ba sa palagay mo?" Mapanukso niyang sagot sa akin. "Ay, Tonio. Hindi ko gusto 'yang iniisip mo. Ayoko." "Bakit? Ano ba sa tingin mo ang iniisip ko?" Uminit ang mga pisngi ko. Binabalik niya sa akin ang tanong. Gusto niyang sa akin manggaling kung ano mang kababalaghan ang puwedeng mangyari sa amin ngayong gabi. "Wala namang sapilitan. Sinabi ko lang naman 'yun kasi...para makumpleto ng date natin. Gusto mong bumawi sa akin, kamo. Tinanong mo ako kung ano ang gusto kong nangyari. Sinabi ko lang naman kung ano ang nais ko." "Motel talaga?" Mapanuya kong sagot sa kanya. Tumawa siya at lumingon sa mga taong kumakain sa aming paligid. Bigla akong nahiya at baka may nakarinig sa aking sinabi. "Ano nga? Gusto mong umuwi?" "Pag umuwi ako, baka hindi mo na ako kausapin sa susunod." "Hindi talaga." "Tignan mo 'to. Imudmod kaya kita dyan sa kinakain mo." "Sungit mo talaga. Oh sige, i-take out na lang natin ito. Ihatid na kita." Pinigilan ko ang pagtakip niya ng pagkain. "Teka lang naman! Minamadali mo kasi ako! Hindi pa ako handa!" "Handa saan? Ano bang dapat mong paghandaan?" Hindi ako umimik. Iniisip ko kasi kung mabango pa ang suot kong panty. Naligo naman ako ng maayos kanina pero naglakad-lakad pa kami. Wala naman akong dalang pampalit. Paano kung may mangyari sa amin at mapanghi ang... Haist! "Sige, sige tara na. Gumagabi na." Suhestyon ko. "Saan?" "...Sa motel." Sagot ko. Mabilis siyang tumayo at tumawag ng waiter. Ipinabalot niya ang aming kinakain. "Ayos!" Nakangisi niyang sambit. Nagkikiskisan pa ang kanyang mga kamay na parang sabik na sabik sa aming pupuntahan. Habang ako naman ay nangangamba sa maaaring mangyari. Inaasahan ko na ito. Sino ba namang nasa katinuan ang papayag sa imbitasyon ng isang lalaki na mag-motel ng hindi naghahanda sa mainit na bakbakan sa kama? Anu bang gagawin ko? Hindi ba ako magtatanong kung may dala siyang condom? Ayokong mabuntis sa una kong karanasan. Ni hindi nga ako mahal ng taong ito. Baka gusto lang talaga niya ng kaswal na pagtatalik gaya ng aming mga nasasaksihan sa bar. --- TONIO Kabadong-kabado talaga ako. Kanina pa palihim na sumusulyap sa amin ang taxi driver nang sabihin ko sa kanya kung saan kami magpapahatid. Mukha namang nasa tamang edad na si Camilla sa kanyang ayos at pananamit. Siguro naman ay hindi magsusumbong ang driver na ito sa pulis. Pero wala talaga akong balak na sisirin si Camilla ngayong gabi. Simula pa sa sinehan ay dumudura na ng paunang katas ang alaga ko sa pananabik, pero ginagalang ko si Camilla. Hindi siya katulad ng ibang mga babae na nakilala ko. Siya ang tipo ng tao na dapat irespeto at mahalin. Bonus na lang kung may kasamang kama. Nagulat nga ako nang kagatin niya ang biro ko. Hindi ako nakapaghanda. Matagal na akong hindi nakakatikim ng babae kaya wala akong bala ng proteksyon na dala. Hindi naman siguro kami aabot sa ganoon. Pero sino ang niloloko ko? --- “Ano’ng theme po ang gusto niyo, Sir? Yung jungle po, red room, Japanese-stye…?” “H-Ho?” Sagot ni Camilla sa receptionist. Napakamot ako ng batok. Nawala sa isip ko na may mga motel palang may tema ang kuwarto. “Kung ano na lang po ang available.” Sagot ko sa nagbabantay. “Ah, okay po. Heto po ‘yung susi.” Tugon ng babae. Kinuha ko ito sa kanyang kamay. Habang naglalakad kami sa pasilyo ay nakatingin sa akin si Camilla. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang bag at mukhang maraming tanong ang lumilipad sa isip niya. Napalunok ako. Ano kayang klaseng kuwarto ang nakuha namin? Pagbukas ko sa pintuan ay napatigil si Camilla sa pagpasok. Dalawang malalaking salamin ang tumambad sa amin—sa buong kisame at isa sa gilid ng kama. Walang takas ang aming mga katawan dito. Madilim ang kuwarto at may dalawang lampara na nakasabit sa kabilaan ng itaas ng kama. At ang malala pa, may isa itong upuang mahaba na may arko na akmang-akma sa posisyon ng nagtatalik. Umuurong ang mga paa ni Camilla. Hinawakan ko ang kanyang siko para pigilan siya sa pagtakas. Sumulyap ulit ako sa buong kuwarto. Sa istilo pa lang nito ay pumipintig na ang alaga ko sa tigas. Sari-saring imahinasyon ang naglalaro sa utak ko. “Nandito na tayo. Sayang ang bayad.” Paalala ko kay Camilla. “P-Palitan mo ang kuwarto. A-Ano’ng klaseng lugar ito?” “Pumasok ka na. Nagugutom pa ako. Kainin natin ang tinake out natin.” “Saan tayo kakain, aber? Sa—dyan ba sa upuan na iyan?” “Oo. Hihiga ako tapos papatong ka sa akin, tapos subuan mo ako.” Matinding kurot sa baywang ang inabot ko kay Camilla sa aking naging sagot. “Dyan ka matulog. Tutal gusto mong humiga dyan. Sa kama ako matutulog!” Sambit niya. --- Tahimik akong kumakain. Nakapatong sa naka-arkong sofa ang styro box ng aking spaghetti at siya naman ay palakad-lakad sa loob na parang may hinahanap. “Umupo ka nga dito. Nahihilo ako sa kakalibot mo.” Sambit ko. “Teka lang. Hinahanap ko ang remote control ng TV. Natabunan yata sa ibinigay nilang kumot.” Napatayo ako sa taranta para agawin ang remote control. Nauna niya itong natagpuan sa ilalim ng nakatuping tuwalya at hindi ko na naabutan pa ang kanyang mga kamay. Mababaliw ako. Hindi niya puwedeng buksan ang TV! “Camilla, huwag!!!” Pinindot niya ang remote control. “Ahhhhh! Ahhhhhh! Ahhhhhhhhh! f**k!” Halinghing ng isang babae. Naka-doggy style sila ng kanyang katalik at nakaharap ang modelo sa camera. Lawlaw ang dalawa niyang upo sa screen ng TV at umiindayog ang mga ito habang tinitira siya sa likod ng isang Amerikano. “Ayyyyyyyy!!!” Sigaw ni Camilla. Tinakpan ko ang kanyang bibig at hinablot ang remote control sa kanya. Sinukuban niya ng mga palad ang kanyang mga mata at tumalikod. “Ano ba’ng klaseng lugar ito? Ang laswa!” “Tumahimik ka na! Ano’ng aasahan mo, motel ito. Ganyan talaga.” “Tonio! Naku! Sisigaw talaga ako!” “Maririnig ka sa labas! Camilla, ano ba! Kumain ka na doon!” Matigas kong utos sa kanya. Walang nagawa ang inosente kong ka-date. Sumalampak siya sa sahig at napilitang kumain ng hamburger. Kumagat siya ng pagkalaki-laki para pigilan ang sarili niyang hiyaw. Gusto kong matawa sa nangyayari. Nawawala ang libog ko dahil sa kanyang walang kamuwang-muwang na pag-iisip. Tumabi ako sa kanya at ipinagpatuloy ang aking pagkain. Nagkakasalubong ang aming mga mata pero umiiwas ako. Para akong nahihiya na nadadarang na ewan. Biglang may kumalabog sa kabilang kuwarto. Nakasubo ang kutsara sa aking bibig at siya naman ay ang hamburger. Nakatitig kami sa isa’t isa habang pinakikiramdaman kung ano ang nangyayari sa kabila. “Ahhhhh! Putang ina, sige pa! Jess, kainin mo ang p*ke ko! Ahhhhh!” Napapikit ako. Suminghap siya na parang gusto nang maiyak. Bumigay ang pagpipigil ko at napahalakhak ako ng husto. Hinampas niya ng dalawang beses ang balikat ko sa inis. Sinakal niya ako at niyugyog pero hindi pa rin niya ako maawat sa kakatawa. Hindi talaga namin matatakasan ang tukso ng gabi. --- CAMILLA Tinitignan ko ang aking sarili sa malaking salamin. Nakahawak ako sa gitna ng bathrobe na suot ko para takpan ang aking katawan. Hinihintay ko si Tonio na naliligo sa CR. Para akong nakalunok ng drum. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Habang lumalalim ang gabi ay lalo akong kinakabahan. Nakaipit ang kuweba ko sa aking mga hita. Sinilipan ko ang sarili kong b****a upang alamin kung nakapag-shave ako ng maayos. Nababaliw ako dahil hindi ko alam kung bakit ako naghahanda, gayong wala naman akong alam kung ano ang mangyayari sa amin ni Tonio sa oras na matapos na kaming maligo. Inalala ko ang iba’t ibang posisyon nina Violet at Roger sa tuwing nagtatalik sila. Inalam ko ang mga parte ni Violet na mahilig kainin ng kanyang boyfriend. Kailangang malinis ako sa mga iyon. Nakakahiya talaga kay Tonio. Ginulo ko ang aking buhok. “Hala, napapano ako?” Sigaw ng utak ko. Sa tindi ng selos ko sa dalawang estudyanteng kasama ni Tonio kagabi ay ipinain ko ang aking sarili para lamang masiguro ko na sa akin nakatuon ang atensyon ng lalaking ito. Pero ngayon, parang nagsisisi na ako. Mukhang matitikman ko na ang UNANG GLORYA.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD