CAMILLA
Magkaharap kaming nakahiga sa kama ni Tonio. Nakabalot sa buong katawan ko ang nag-iisang manipis na kumot na ibinigay sa amin dahil naka-bra lang ako. Hindi naman nilalamig si Tonio sa aircon at hubo ang kanyang itaas.
Narinig ulit namin ang walang-puknat na ungol ng babae sa kabila. Tinakpan ni Tonio ang tenga ko. Nang humina ang kanyang boses ay bumulong sa akin ang lalaking kaharap ko.
“Sinusulit ang short-time, ano sa tingin mo?”
Tumawa ako. Ito ang unang beses kong pumasok sa motel pero alam ko naman kung ano ang ibig niyang sabihin. Madalas ko itong marinig sa mga entertainers sa club. Dinadala nila sa mga motel ang kanilang mga parokyanong nagbabayad ng mahal at kadalasan ay tatlong oras ang itinatagal ng mga ito.
“Tatlong oras lang ba tayo dito?” Tanong ko sa kanya.
“Mabigat ang laman nito, Camilla. Kaya nitong magpaputok ng limang beses ngayong gabi. Kulang ang tatlong oras.” Sambit niya.
“Buwisit ka!”
Tumawa ng walang boses si Tonio.
Nakakapagtataka talaga na nawala ang init na gumagapang sa katawan ko. Habang naririnig ko ang lagaslas ng tubig kanina noong siya ay naliligo, nadadarang ako. Nakakaramdam na ako ng pagkibot sa kuweba ko. Pero ngayong kaharap ko siya at magkalapit ang aming hubong mga katawan, tanging paghanga lang ang nararamdaman ko para sa kanya. Napakaganda ng hubog ng kanyang katawan. Malalaki ang dibdib at matitigas ang mga kalamnan. Kahit sa dilim ay nangingintab ang kanyang mga pandesal sa tyan.
Hinihiritan niya ako ng mga bastos na paksa pero nauunawaan ko sa kanyan mga kilos na iginagalang niya ako bilang isang babae. Kung tutuusin nga ay kanina pa niya sana ako inayang magmilagro sa kama, pero hindi niya ginawa. Hinahayaan lang niya akong nakahiga at kaharap siya. Nakatitig lang siya sa akin at pangiti-ngiti.
Marami akong nais na malaman tungkol sa kanya kaya inumpisahan ko siyang tanungin.
“Ilan kayong magkakapatid, Tonio?”
Tinanggal niya ang kanyang kamay sa aking tenga.
“Dalawa lang kami. May asawa na siya, kaya sa totoo lang, sarili ko na lamang ang binubuhay at pinagtutuunan ko ng pansin.”
“Kung ganoon, bakit hindi ka pa nag-aasawa?”
Kinamot niya ang kanyang patilya.
“Ang hina mo talagang mag-isip, Camilla. Ang akala ko pa man din ay matalino ka.”
Kinilig ako. Nararamdaman ko naman na may pagtingin siya sa akin pero ayokong umasa. Gusto kong marinig ito mula sa kanya.
“Hindi nga. Gusto kong marinig kung bakit.”
Humilata siya at ipinatong ang maskulado niyang braso sa kanyang mga mata. Para akong nanonood ng isang masarap na modelong lalaki sa isang malaswang pelikula. Ang lakas ng dating niya.
“Alaskahin mo na lang ako, Camilla. Hindi mo ako mapapaamin. Dahil nahihiya talaga ako. Basta alam mo na iyon.”
“Kulit naman neto. Hindi ko nga alam.”
Sinakmal niya ang kanyang kamao at itinutok sa pisngi ko. May panggigigil siyang nakangiti sa akin at namumula ang mga pisngi.
“Mumurahin talaga kita kapag hindi ka tumigil.”
“Gusto mo ba ako?”
Natigilan siya. Dahan-dahan niyang ibinaba ang kanyang kamay at tumalikod sa akin.
Kinalabit ko siya sa likod. Hindi niya ako pinansin.
Kinalabit ko siya sa balikat. Wala pa rin.
Kinurot ko ang kanyang pisngi at doon niya ako pinitik sa daliri.
“Aray! Ang sungit neto!” Angal ko.
“Matulog ka na. Baka kung ano pa ang magawa ko sayo. Nadadala pa man din ako sa ungol ng babae sa kabila. Ikaw din, uuwi ka bukas ng iika-ika.”
Kinilig na naman ako. Ngayon ay alam ko na ang lenggwahe ng kanyang pag-aaruga. Itinatago niya sa kabastusan ang tunay niyang nararamdaman.
“Good night, Tonio.” Sambit ko ng may lambing ang tono.
“Hmm.” Tugon niya.
Niladlad ko ang kumot at isinama ko siya sa loob. Napalingon siya ng bahagya sa kanyang likuran at nasilayan ko ang matipid niyang ngiti.
---
Naalimpungatan ako dahil parang yumuyugyog ang kama. Hinila ko ng bahagya ang kumot at naramdaman kong hindi na kasama si Tonio sa loob. Binuksan ko ng bahagya ang aking mga mata at tumingin sa kisame.
Sa malamlam na liwanag ng mga lamparang nakasindi sa itaas ng aming kama ay nakita ko sa salamin na nakanganga si Tonio at nakapikit. Hawak-hawak niya ang matigas niyang sandata at sinasalsal ito.
Parang nagyelo ang buo kong katawan. Hindi ko maigalaw ang aking leeg. Natakot ako na malaman ni Tonio na nagising ako dahil sa kanyang malaswang ginagawa.
Kumikintab sa pawis ang kanyang katawan. Pumuputok sa laki ang kanang braso niya na nakakapit sa tirik na tirik niyang alaga.
Mas mahaba ang sandata ni Roger kumpara ng kay Tonio. Pero mas nakakatakam ang ahas ng katabi ko dahil sa tigas nito. Kung ipapasok ko ito sa b****a ko ay para akong nagpasok ng isang pirasong bakal sa tigas.
Nanunuyo ang lalamunan ko. Ngayon ko naiintindihan kung bakit hayok na hayok si Violet na isubo ang sandata ni Roger. Abot-kamay ko na ang t*ti ni Tonio. Gusto kong lasahan, gusto kong tikman.
Bumilis ang pagtaas-baba ng kamay ng lalaking kasama ko. Kinagat niya ang ibaba niya labi at tumagilid ang kanyang ulo paharap sa kanan niya. Hinimas niya ang kanyang katawan pataas. Nilapirot niya ang isa niyang u***g nang marating ng kamay niya kanyang malaking dibdib.
Pigil-hininga kong pinapanood ang kanyang ginagawa. Kahit ramdam ko ang lamig ng aircon ay tumutulo ang pawis ko sa singit. Gumuguhit ang tubig sa hiwa ng b****a ko at nakikiliti ako.
Gusto ko ring gayahin si Tonio. Gusto kong himasin ang mga dibdib kong naghahanap ng atensyon at init. Kulang na lang ay igapang ko ang aking mga daliri at ipasok sa aking b****a. Nanumbalik ang libog ko dahil nasaksihan ko ang palihim na pagsalsal ni Tonio.
Siguro ay kanina pa siya nalilibugan sa akin pero pinili niyang magtimpi at hintayin ang pagtulog ko para makapagparaos.
Umangat ang kanyang balakang. Umunat ang mga daliri niya sa paa, hudyat na malapit na siyang labasan.
Lalong binilisan ni Tonio ang kilos ng pabilog na hugis ng kanyang mga daliri kung saan nakapasok ang kanyang alaga. Humukay pa ito ng laway sa kanyang dila at kinalat sa katawan nito.
Hayok na hayok na ako. Malapit na akong bumigay at pumatong sa kanya. Sumisigaw ang hiwa ko na makadama ng isang matigas na alaga.
"Hmmmp." Pigil na ungol ni Tonio.
Nilakihan ko ng kaunti ang aking mga mata para masaksihan kung paano labasan si Tonio. Ngumanga siya at tumingala. Nangisay ang kanyang mga binti, kasabay na sunud-sunod na putok ng kanyang t***d sa katawan. May tumalsik sa kanyang hita, dibdib, pati na rin sa kanyang leeg. Hindi ko na masyadong naaninag kung nalagyan din ang kumot na nakabalot sa akin.
Paimpit niyang hinabol ang kanyang hininga. Kontrolado niya ang kanyang pagkilos para hindi niya ako mabulabog sa pagtulog.
Nang humupa na ang kanyang libog ay unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata. Isinara ko naman kaagad ang akin para hindi niya mahalatang mulat ako sa buong oras niyang pagsasarili.
“Ay pakshet nahuhulog!” Paimpit niyang bulong.
Bigla niyang hinilat ang kumot. Nagulat ako at natakot na baka ipampunas niya ang kumot sa t***d niyang kumakalat sa kung saan. Hindi ko napigilan ang aking sarili at nakapagsalita ako.
“Tonio, hindi ito tissue!” Bulalas ko.
Nanlaki ang kanyang mga mata.
“C-Camilla???” Sagot niya.
Doon ko lang napagtanto na mali ang ginawa ko. Umusog siya palayo sa akin sa hiya at nawalan ng espasyo sa likod. Nahulog siya sa sahig. Narinig ko ang malakas na pag-untog ng kanyang katawan sa semento.
“Ahhhhh!” Pabulong niyang sigaw.
Tumakbo siya ng nakakuba papunta sa CR na tila sinasalo ang likido na kanyang inilabas. Siguro ay umaagos na ito sa kanyang katawan.
Mabilis niyang nai-lock ang pintuan ng banyo. Napaupo ako sa labis kong pagkataranta. Nagulat pa ako nang sumigaw siya ulit ng ‘paksyet’ sa loob.
Sinalat ko ang pisngi ng kama at ang kumot. Inalam ko kung may tumalsik na t***d sa aming higaan.
Habang tinatangka kong linisin ang kanyang puwesto ay napansin kong nasa ibaba ng kama ang kanyang pantalon at brief. Pinulot ko ang mga ito para dalhin sa paanan ng pintuan ng banyo. Batid kong magwawala na naman ito kapag napagtanto niyang naghugas siya ng katawan ng hindi niya nabibitbit ang kanyang mga damit.
Bago ko ipinatong sa semento ang mga saplot niya ay biglang sumagi sa aking isip ang ginawa noon ni Roger sa aking panty.
Dahan-dahan kong itinutok ang brief ni Tonio sa aking ilong. Sumakto naman ang pagbukas ng pintuan sa aking ginagawa. Pareho kaming nagulat ni Tonio. Nabitawan ko ang kanyang brief at napaupo naman siya sa sahig para takpan ang kanyang alaga.
Tumalon ako sa kama at nagtalukbong ng kumot. Pulang-pula ang leeg at pisngi ko sa hiya.
“Shheeeeet, Camilla! Buwisit talagaaaa!” Sigaw ng utak ko habang kinukutos ko ang gilid ng ulo ko.
Nakakahiya talaga, grabe! Sa halip na ako ang may hawak na pang-asar sa kanya, mukhang ako pa ang mapiprito sa sarili kong mantika!