Chapter 20: Tunay na Dahilan

1552 Words
VIOLET "Kikay, Kikay!" "Shhh! Ate, teka lang! Huwag kang magulo! Uulit na naman ako nito." Tumingin ako sa aking likuran. Nasa dressing room na ang lahat ng mga entertainers. Si Ma'am Lerma ay nakikipaglandian sa dalawang bouncer, habang ang mga tagalinis ay abala sa kanilang mga tungkulin. Sumampa ako sa upuan malapit sa tellering machine. Inobserbahan ko ang mga tig-iisang libong piso na kinakalkula ni Kikay. Day-off ni Camilla ngayon at walang tagapagbantay. Si Ma'am Lerma ang tumao sa bar counter kanina dahil wala siyang pinagkakatiwalaan sa aming lahat dito. Tanging siya lang o si Camilla ang may alam ng passcode ng vault. Nangangamot ng ulo ang tomboy naming kahera habang kinakalkula niya ang mga resibo at perang hawak niya. "Magkano ang kinita natin ngayong gabi, Kikay?" Tanong ko. Nagsalubong ang kanyang mga kilay at nagpatuloy sa pagbibilang. Mukhang ayaw talagang magpa-istorbo sa akin. Pinagmasdan ko ang mga papel na pera habang nilalapag ni Kikay ang mga ito isa-isa sa lamesa. Sa tantya ko ay mahigit sa tatlumpung-libong piso na naman ang kinita ng bar. Malakas talaga kami tuwing Sabado at Linggo. "Kung ganito kadami ang nilalagay ni Camilla sa bawat araw, kahit isang-daang piso ay papasok sa lalagyanan ni Ma'am Lerma sa loob lamang ng tatlong araw." Isip ko. Limpak-limpak na salapi ang nasa loob ng vault na iyon. Magmula nang makita ko ang mga nakabastang pera noong isang gabi, nang ipinapasok ni Camilla ang kinita ng bar, hindi na nabura sa isipan ko ang mahawakan ang mga perang iyon. Dati-rati ay wala naman akong interes sa kuwartong iyon. Tumagal ng mahigit sa isang taon si Roger sa Pilipinas at inakala kong siya na ang huling dayuhan na gagatasan ko sa buong buhay ko. Pero nang sumambulat sa akin ang balita ng kanyang paglisan, parang nagiba ang kalahati ng pundasyon ng aking buhay. Pagod na akong maghanap ng bagong mabibiktima. Tumatanda na rin ako at kumokonti na ang mga lalaking pumapansin sa akin na may pera. Kung aabutin pa ako sa susunod na taon sa bar, baka tuluyan na akong mawalan ng costumer. Kailangan kong makalikom ng malaking halaga sa kahit na anong paraan. Kapag nagawa ko ito, lilipat ako ng ibang bayan at magsisimula na lang ng negosyo doon. Gagawin kong disente ang aking imahe upang makakilala ako ng lalaking mayaman na magpapakasal sa akin. Iyon lamang ang susi ko para magkaroon pa ng pag-asa ang lumulutang kong kinabukasan. Nang makita kong naayos na ni Kikay ang mga pera ay muli ko siyang kinulit. "Kikay." "Oh." "Ikaw ba ang maglalagay ng mga 'yan sa kuwarto?" "Siyempre hindi. Kita mo ba sa likod mo ang may-ari?" Umismid ako. Ano pa bang aasahan ko sa tomboy na ito kundi ang makatikim ng salitang kanto. Tumador kasi ito sa kalye. "Naranasan mo na bang maglagay ng pera doon?" Usisa ko. “Oh, tapos na ba, Kikay?” Pasok ni Ma’am Lerma. Mabilis akong bumaba sa upuan. Ayokong mahuli sa aming pinuno na nakikiusyoso ako sa kita ng club. Nagkunwari akong tumungo sa dressing room, ngunit nagtago talaga ako sa isang kuwarto na pinag-iimbakan ng mga lumang gamit. Kahit na maalikabok dito ay nagtiis ako para makita ko ang paglalagay ni Ma’am Lerma ng pera sa vault. Makalipas ang ilang minuto ay nakarinig ako ng mga yapak sa pasilyo. Lumapit ako sa pinto para sumilip. Binuksan ni Ma’am Lerma ang kuwarto at tumuloy siya doon. Bubuksan ko sana ang pintuan na iyon ngunit mabilis kong narinig ang pag-lock ng pintuan. Tangina. Bakit ba napakailap ng kombinasyon ng mga numero na iyon. Isinusumpa ko, sa oras na malaman ko ang passcode, wala akong ititira ni isang kusing sa laman. --- CAMILLA Magkalayo kami ni Tonio sa kuwarto. Nakaupo siya doon sa mahabang upuan at tumitingin sa kanyang cellphone. Nakabalot naman ako ng kumot na nakaluklok sa kama. Walang may gustong sumubok na kausapin ang isa’t isa. Pareho kaming hiyang-hiya sa nangyari. Bumukas ang pintuan sa kabilang kuwarto. Mukhang tapos na ang tatlong oras na pagtatalik ng mga maiingay na mag-syota doon. Hindi puwede ito. Pareho kaming mapupuyat kung magpapatuloy ang ganito naming pakikitungo sa isa’t isa. Lagpas hatinggabi na at alam kong may pasok pa si Tonio sa club mamayang hapon. Pinagpag niya ang naka-arkong hugis ng kanyang inuupuan. Mukhang balak na niyang humiga doon. Hindi ako makakapayag. Takot ako sa katotohanang siya ay lalaki at maaari niya akong galawin anumang oras, pero gusto ko siyang matulog na malapit sa akin. Gusto kong mahawakan ang kanyang katawan. Nananabik ang mga kamay ko na maramdaman ang init ng kanyang balat. “D-Dito ka na mahiga.” Mahinang boses na sambit ko. Lalo siyang tumalikod sa akin. Inilapat niya ang kanyang katawan sa bangko. Pero dahil naka-arko nga ito ay hindi niya mapuwesto ng tama ang kanyang katawan. Kailangan niyang humilata para hindi mabali ang buto niya sa pagkakahiga. Ngunit alam kong hindi niya magagawa ito dahil nga iniiwasan niya ang aking mga mata. “Tonio… Hindi naman ako galit.” Usal ko. Kinamot niya ang kanyang batok at huminga ng malalim. “…Nakakahiya, Camilla.” Sagot niya. Hindi ko alam kung ano ang itutugon ko. Madalas akong makakita ng may nagtatalik sa club at sa tuwing sinisilip ko sina Violet at Roger, pero ito ang unang beses na makakita ng lalaking nagsasarili. “…M-Makakalimutan ko naman iyon. Halika na.” Binaluktot niya ang kanyang mga paa. Sinikap niyang ipagkasya ang kanyang malaking katawan sa pahukay na parte ng bangko. Naalala ko ang katigasan ng ulo ng aking mga kapatid. Ganitong-ganito sila, gaya ni Tonio. Habang sinasaway mo sila ay lalong sumisige sa gustong gawin. Tumayo na ako para hikayating bumalik sa kama ang lalaking kasama ko sa kuwarto. “Hal—lika na!” Sambit ko at hinatak ko siya paharap sa akin. Gumulong ito sa bangko at umupo sa sahig ng tinatakpan niya ang kanyang mga mata at alaga. “Hoy. Anu ba! Para kang bata!” Paimpit kong sigaw. Pilit ko siyang tinatayo. Nang makulitan siya sa akin ay bigla siyang tumindig at ako naman ang napaurong. Namumula ang kanyang mga pisngi at natatawa sa sarili. Paanong hindi ka matatawa, pagkatapos ng kanyang pagbabalabas kanina ay buhay na naman ang kanyang ahas! Nakaturok ito patagilid sa kanyang hita. “Tonioooo!” Nakatakip sa mata kong sabi sa kanya. “Eh, ano’ng magagawa ko? Kulang pa kasi talaga! Sorry na!” Natatawa niyang tugon sa akin. Hinila ko ang braso niya pabalik ng kama habang iniiwas ko ang mga mata ko sa kanyang katawan. Sumampa ako sa kama at pinilit ko siyang pumatong din dito. “Dyan ka lang. Huwag ka nang aalis pa dyan.” “M-Matulog ka na. Babalik ako sa banyo.” “Haist! Hayaan mo na ‘yan! Nakaisa ka na!” “Bitin! Hindi ako makakatulog!” Ganoon din naman ako. Tinitiyak kong maglalawa muna ako sa likido kapag dinadalaw ako ng libog bago ako makatulog. Kaya hindi ko siya masisisi kung ganoon nga ang kanyang nararamdaman. Hinimod ko ng maraming beses ang mukha ko. Hindi ko alam kung matatawa din ako o mandidiri sa lalaking nagugustuhan ko. Napakalibog! Kinuha ko ang bag ko at naghanap ng tissue. Pagkatapos ay hinagis ko ito sa kanyang katawan. “Gamitin mo ‘yan! Tatalikod ako. B-Basta dito ka na magpalabas! Huwag mo lang masyadong yunyugin ang kama.” “Camilla, nakakahiya! Doon na ako!” “Dyan ka na!” Sigaw ko. --- TONIO Sa dinami-dami naman ng pagkakataon, bakit ba ngayon pa ako sinumpong ng matinding libog! Sirang-sira na ang imahe ko sa taong gusto ko. Biruin mong pinayagan pa akong mag-jakol sa tabi niya! Napakabait talaga niya! Pero paano ko magagawa iyon kung alam kong nasa tabi ko lang siya na siyang tunay na dahilan kung bakit nagpupumiglas sa tigas ang alaga ko? Pareho kaming nakatulog kanina. Ang problema nga lang ay nakaramdam ako ng lamig dahil wala akong saplot. Naalimpungatan ako at gusto kong makihati sa kumot. Pero nang imulat ko ang aking mga mata, nakita kong nakaharap siya sa akin. Nakabuka ng kaunti ang kanyang mga labi. Iilang dangkal lang ang layo ng kanyang mukha sa akin at dumadampi ang mainit niyang hininga sa akin. Bumaba ang aking mga mata. Napamulagat ako nang masilayan kong naka-bra at panty lang pala siyang natulog! Kitang-kita ko ang guhit ng kanyang malulusog na dibdib. Konting baba pa ay dudungaw na ang kanyang mga u***g sa lusog ng kanyang mga papaya. Mabilis na nanuyo ang lalamunan ko. Nailabas ko ang dila ko at dinilaan ko ang aking mga labi. Napakasarap niya. Makinis, maputi at mukhang malambot. Patag ang kanyang tyan at malinis ang pusod. Sinakmal ko ang kamao ko. Nangangati itong hawakan ang mga s*so ni Camilla. Gusto kong ipasok ang kamay ko sa nakasilip na dilim sa kanyang suot na panty. Lugmok ako sa pagkadarang at inuudyukan ako ng libog na kapain ang kanyang kuweba. Humilata ako. Kinaya kong pigilan ang aking sarili. Ayoko samantalahin ang kanyang pagtulog para matikman ko siya. Ngunit talagang hindi ko maawat ang pagdudura ng paunang likido ko sa aking alaga. Kailangan kong mailabas ang init. Doon ko naisipang mag-jakol. Ingat na ingat ako sa pagkilos. Lumayo ako sa kanyang katawan pero hindi ako bumaba ng kama. Kailangan kong makita ng malapitan ang nakakatakam niyang mga labi, pati na rin ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD