Chapter 10: Halik

1686 Words
VIOLET Hindi ako mapalagay. Iniisip ko ang kapakanan ko kapag nawala na sa akin si Roger. De-pamilya ang kinakasama ko sa US. Muntikan na kaming mahuli ng kanyang misis nang magsinungaling siya noon na nasa Singapore siya para sa mahalagang transaksyon sa kanyang trabaho. Pasorpresang bumisita ang kanyang asawa doon at hinanap siya. Mabuti na lamang at apat na oras lang ang biyahe mula dito at kaagad siyang nakagawa ng paraan. Walang kasiguraduhan na madadalaw pa ako ulit ni Roger kapag umuwi na siya sa US. Naka-ilang dayuhan na rin ako sa buhay ko. Ang mga kagaya kong may ganitong uri ng trabaho ay hindi sineseryoso ng mga lalaki, hindi binabalikan. Gusto kong mamuhay kagaya ng ibang mga babae na may tahimik na buhay kasama ang kanilang mga asawa. Ngunit mahirap nang balikan ang nakaraan para makapagsimula ulit. Masyado nang makapal ang mga pahina ng yugto ng buhay ko bilang isang entertainer. Hindi na madaling pilasin sa libro ng buhay ko ang bahid ng pagkatao ko. Isa pa, nasanay na ako sa buhay na nakukuha ko ang gusto ko. Sa pisikal kong anyo, hinding-hindi ako papatusin ng mga gwapong mayayaman dahil isa akong mababang uri ng babae. Mga Kano lang ang pag-asa ko para maipagpatuloy ko ang buhay na gusto ko. Kinakamot ko ang anit ko sa kakaisip habang pinagmamaneho ako ni Roger papunta sa club. Kailangan kong makaisip ng paraan. Kung ipagtapat ko kaya sa asawa niya na babae ako ni Roger? Ako kaya ang pipiliin ng kinakasama ko sa huli? Kung hindi man, saan ako pupulutin? Pagtitiisan ko na naman ba ang barya-baryang kinikita ko sa club? Eh kung lumayo na lang kaya ako at magsimula ng bagong kabanata? Saan naman ako pupunta? Isa lang naman ang alam kong gawin sa buhay—ang magpaligaya ng lalaki. Kailangan ko ng malaking halaga. Lalayo ako rito kapag nakakuha ako noon. Pero paano? Huminto ang kotse ni Roger nang abutan kami ng stop light. Lalong sumakit ang ulo ko sa bigat ng traffic. “Hey, talk to me.” Wika ni Roger. Napatingin ako sa kanya. “Yeah.” “What is bothering you?” “I was just thinking… Do you really have to go back to the US?” Tanong ko. Ngumiti si Roger. Umiling siya ng bahagya at lumingon sa akin. “We’ve talked about this before. You are aware of our situation.” Nakaramdam ako ng pangangati sa leeg. Nauulit na naman ang nakakarinding pag-uusap na ito na dati ko nang naranasan sa mga nauna kong lalaki. “When are you leaving?” Tanong ko. “Next month.” Napanganga ako. “Why so sudden? Why didn’t you tell me sooner?” Tumawa si Roger. “What for, huh? Babe, I have a wife. Don’t get your hopes up. You know I won’t stay with you for life.” Parang dinikdik ng martilyo ang puso ko. Lumagablab ang pagkasuklam sa puso ko. Pare-pareho talaga ang mga lalaki. Nginatngat ko ang kuko ko. Init na init ang mga tenga ko. “Well then, pay me. Leave me two hundred thousand dollars.” Desperado kong saad sa kanya. Nag-berde ang stop light. Kasabay ng pag-andar ng sasakyan ay ang malakas na tawa ni Roger. “Are you insane? I’ll give you a couple of grand when I leave, don’t worry. Besides, if I get the chance to come back here again, I’ll look for you. You’re the best.” Natawa ako. Ilang libong dolyar? Ilang linggo ang itatagal noon? Ganoon ba talaga kababa ang tingin niya sa akin? Parausan lang? Tapos hihirit pa ng pagbabaka-sakaling magkita kami ulit? Ano ‘to, laruan lang ako? Nang marating namin ang harapan ng bar ay agad akong bumaba ng kotse. Nagliliyab ang paningin ko sa galit. “Hey, no kiss?” Hirit pa niya. Huminga ako ng malalim ng may pagtitimpi. Binalikan ko siya at hinalikan sa labi. Ngumiti ito at tinapik pa ang puwit ko. Pagpasok ko sa bar ay para akong biglang nag-iba ng pagkatao. Kailangan ko na namang magpakita ng saya sa mga kasama ko. Ayokong mahuli nila akong naghihirap at malungkot sa buhay. Kinaiinggitan ako ng mga kapwa ko entertainers, at wala akong balak na ihayag sa kanila ang tunay kong kalagayan. Binati ako ni Camilla. Nasa harapan siya ng kahera. Napatitig ako sa lalagyanan ng pera. Desperado na talaga ako. --- CAMILLA Matiwasay ang takbo ng gabi ngayon. Walang anumang gulo ang naganap at malakas ang kita. Marami ang umiinom. Lalo pang lumakas ang daloy ng orders nang magsimula nang magtanghal sina Violet. Napasulyap ako kay Tonio. Nakaharap na naman siya sa labas ng bar. Kadalasan ko siyang napapansing tumatalikod sa tuwing lumalabas ang mga entertainers namin sa entablado na walang ibang saplot kundi panty lamang. Napaisip ako. Hindi ba talaga siya interesado sa mga babae dito? Nawawalan ba siya ng gana kapag nakakakita siya ng mga papaya? Diyos ko, baka bakla si Tonio. Humakbang siya palabas ng bar, “Sayang. Gusto ko pa naman siyang makausap.” Bulong ko sa sarili ko. Imposible naman iyon dahil ako ang kahera ngayong gabi. Naka-ugat ako sa harapan ng tellering machine. Napabaling ako sa tagiliran ko nang kalabitin ako ni Ma’am Lerma. “Ako na dyan, iha. Magpahinga ka muna.” Wika niya. “Ho? Naku, hindi po, Ma’am. Okay lang po ako.” “Apat na oras ka nang nakatayo. Ako na dyan. Balikan mo ako kapag naubos mo ito.” Nakangiti niyang sabi. Napatingin ako sa bote ng alak na hawak niya. Napamulagat ako. Muli akong lumingon sa harapan ng bar. Naroroon si Tonio at nagyoyosi. Tila nabasa ni Ma’am Lerma ang nilalaman ng aking isip. Nagbukas ulit siya ng isa pang alak at inabot sa akin ang dalawang bote. Umiling ako. “Para namang hindi ko alam na pumupuslit din siya ng pag-inom kahit naka-duty. Hello, may CCTV kaya ako.” Tumatawang dagdag ng aking amo. “P-Pero binabawal niyo po ito, Ma’am…” Usal ko. “Oo, bawal talaga. Pero kailangan mong masanay, Camilla. Bente ka na sa susunod na buwan. Pinili mo ang ganitong klase ng trabaho, dapat ay natututo ka nang dalhin ang sarili mo kahit na nakainom ka na. Tsaka hindi naman pasaway si Tonio. Alam niya ang limitasyon niya. Hindi siya nagpapakalasing. Dali na. Dalhin mo na ito sa kanya at magpahangin muna kayo sa labas. Enjoyin niyo bago pa magbago ang isip ko.” Saad niya. Nag-aalinlangan kong hinawakan ang dalawang bote. Tinulak ni Ma’am Lerma ang mga alak sa tyan ko. Wala na akong ibang magawa kundi ang tanggapin na lamang ang alok niya at ngumiti. Dumaan ako sa likod ng bar para iwasan ang mga lalaking lasing sa loob. Umikot ako papunta sa harapan para puntahan si Tonio. Napaurong ako bigla nang makita ko siyang nakatayo sa gilid ng bar. Nakapasok ang kanyang kamay sa loob ng kanyang pantalon. “Shemay! Ano’ng ginagawa niya?” Nakamulagat kong tanong sa utak ko. Sumilip ulit ako. Palinga-linga siyang tumitingin sa kalsada. Pagkatapos ay parang hinimas niya ang nakabukol sa kanyang pantalon. Napadila ako ng labi nang maaninag kong parang bakas ang mahaba niyang sandata sa zipper ng kanyang suot. Sa pagmamasid ko ay naumpog ang ulo ko sa nakausling tabla sa ibabaw ng bintana ng bar. Nagulat si Tonio. Tinanggal niya ng mabilis ang naglalaro niyang kamay at naglakad papunta sa akin. Ako naman ang nagitla nang magkasalubong kami. Nakanganga ako pero hindi ko alam ang sasabihin. Hawak-hawak ko ang dalawang bote. Napatingin ako sa ibaba niya. Hulmado ang alaga niya sa harapan niya. Alam kong matigas iyon. Nakakapanuyo ng lalamunan. “Ano ‘yan? Gusto mo bang matanggalan ng trabaho? Ibalik mo ‘yan!” Utos ni Tonio sa akin. “Ha??? Hindi! Ano, bigay ni Ma’am Lerma…” “Tukmol! Sino’ng niloloko mo!” “Hindi nga! Bigay niya. Ayaw mong maniwala? Tara, papatunayan ko sayo.” Naglakad ako papunta sa harapan ng bar. “Uy! Tekaaaaa!” Sigaw niya. Hinabol niya ako. Hinila niya ang braso ko pero hindi ako nagpaawat. Humarap ako kay Ma’am Lerma at itinaas ko ang ang mga bote. Nakita ni Tonio na nag-thumbs up ang aming amo. Napakamot ng batok si Tonio at ngumiti ng may hiya. “Sabi ko na sayo eh.” Usal ko. Binigay ko ang isang bote sa kanya. Hinila ulit niya ako sa gilid ng bar para magtago. “Baka makita tayo ng ibang bouncers. Dito tayo.” “Hindi ‘yan. Nakakandado mga mata ng mga ‘yan sa live show. Ikaw lang ang umiiwas. Bakla ka ba?” Natigilan si Tonio. Huminga siya ng malalim. Hinawakan niya ang kanyang noo at bumalikwas sa kanyang likuran. Bigla akong natakot. Parang nahukay ko yata ang matinding inis niya sa akin. “Ano’ng sabi mo? Ako? Bakla?” Umurong ako ng kaunti. Nakatutok ang kanyang mukha sa akin ng nandidilat ang mga mata. “S-Sorry… Nagbibiro lang ako.” “Saan mo napulot ‘yan? Sino’ng nagsabi sayo?” Tumataas ang boses niya. Habang umuurong ako ay lalo niya akong tinututukan sa mukha. “H-Hindi. Kasi… Kapag—sumasayaw na sila Violet… Hindi ka tumitingin… Kaya—” “Yun lang? Hinusgahan mo ako agad? Diba sabi ko sayo wala akong gusto sa kanila? Tangina, Camilla. Gusto mo yata, lahat ng lalaki maging manyak!” “H-Hindi naman sa ganoon, Kuya… S-Sorry. Hindi ko sinasadya…” “Oh, bumalik ka na naman sa Kuya! Iniinsulto mo ba talaga ako?” Bigla akong nakaramdam ng inis. Sorry ako ng sorry pero hindi niya ako pinakikinggan. Napaka-balat-sibuyas niya. Nagbiro lang naman ako. “Teka lang. Bakit ba ang init ng ulo mo sa akin parati? May nagawa ba akong mali sayo? Biniro lang naman kita ah!” “Tinawag mo akong bakla!” “Oh, eh kung hindi naman totoo, edi tawanan mo na lang! Napaka-pikon mo! Hindi ka ba marunong sumakay sa biro? Kung hindi ka bakla, hindi ka magagalit ng ganyan!” “Ah ganoon… Okay.” Uminom siya ng alak at hinimod niya ang bibig niya. Pagkatapos ay tumalikod niya. Nang humarap siya sa akin at bigla niya akong hinalikan sa labi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD