bc

Brotherhood Billionaire Series 9: Mayor Ezekiel Larkin

book_age18+
908
FOLLOW
3.5K
READ
billionaire
possessive
sex
second chance
pregnant
drama
comedy
office/work place
passionate
shy
like
intro-logo
Blurb

Sa muling pagbabalik sa probinsya ng Quezon Province ay taas noo na si Sophia Thompson . Hindi na siya tulad ng dati na niloko at pinaglaruan sa murang edad, dahil isang palaban at magandang Sophia na ang mag babalik. Ngunit hanggang kailan ang pagiging matigas ng kaniyang puso kung muli ay ginugulo siya ng taong siyang dahilan ng kaniyang paglisan. Si Mayor Ezekiel Larkin, ang kaniyang unang minahal at unang nanakit sa kaniyang puso. Maibabalik pa ba ang dating pagmamahal o mas lalo lamang titindi ang kaniyang galit sa taong ito na walang ginawa kundi ay buntutin siya kung saan man siya magpunta.

Very Soon....

chap-preview
Free preview
Prologue
“Ang ganda mo talaga self!” puri ko sa aking sarili. Paikot-ikot ako ngayon sa harap ng salamin, suot ang bagong bestida na binili ko pa sa bayan sa halagang 150. Kulay puti ito na may design na maliliit na flowers sa himline ng dress. Hindi ito aabot hanggang tuhod ang haba. Sinuot ko din ang flat sandals ko na may paekis-ekis na aabot sa kalati ng aking binte. Ngayon kasi ang unang date namin ni Ezekiel. Isang buwan pa lang buhat nang sagutin ko siya matapos ang pagsapit ng aking kaarawan. 19 years old pa lang ako ngayon. At first boyfriend ko si Ezekiel Larkin. Na bagamat na 11 years ang agwat namin ay hindi naman naging hadlang iyon. Alam kong tutol ang mga magulang ko dahil sa agwat ng aming edad ay malayo din ang agwat ng aming estado sa buhay. Mula sa pinakamayamang angkan ang mga Larkin. At napakalawak ng kanilang lupain. Ang hacienda Larkin. Dating trabahador si Papa sa kanilang hacienda nung siya ay binata pa at si Mama naman ay isang kasambahay. Dun nagkakilala ang aking magulang. Umalis lang ang mga ito ng mag-asawa na at mag-abroad si Papa sa Saudi. Ang natira na lamang sa hacienda ay ang mag-asawang si Senyor Emmanuel at Senyora Zenaida Larkin. At mayroon silang dalawang anak na sila Zamuel at Ezekiel na lumaki sa ibang bansa. Ang kwento ng aking magulang ay mabubuting tao ang mga ito, at bukas palad sa mga mahihirap na tao. Isang beses ko pa lamang sila nakita at nasa malayo pa. Habang ang panganay na anak ay may sariling pamilya na. Si Ezekiel na bunso ay binata pa. Bali-balita nung panahong darating ang anak nito at dito sa lugar na ito maglalagi kung kaya ay isa si Mama sa ipinatawag na magluto sa pagbabalik ng anak ng mag-asawang Larkin. Dahil sa pagiging curious ay gusto ko ding sumama. Marami kasing sabi-sabi na napakagwapo daw ng anak ng mga Larkin. Kaya maraming mga kadalagahan ang gustong makakita. Ang tanging nagku-kwento sa akin ng mga ganun ay si Tanya. Ang BFF ko. Sobrang saya ko nung isama ako ni Mama, pero hindi para humanga sa pagdating ng isang Ezekiel kundi ang maghiwa ng mga gulay, dahil assistant ako ni Mama sa pagluluto. Ayaw ko din naman mapagalitan ni Mama. Unang beses ko makita ang mukha ng isang matangkad at makisig na walang iba kundi si Ezekiel Larkin. Napanganga pa nga ako unang kita ko pa lamang sa kaniya. Mukha itong masungit dahil palaging salubong ang mga kilay at parang kay mahal ng isang ngiti nito. Pakiramdam ko nga ay para akong nanalo sa lotto ng makita kong nakatingin ito sa akin. Ayaw ko na lamang sana ito bigyan ng pansin dahil nakakahiya, baka nagkataon lamang na ako ang pinakabatang naninilbihan sa kanila. Maraming mga mayayamang bisita ang pamilyang Larkin, at hindi magkamayaw ang mga tao sa paglapit kay Ezekiel hanggang sa nawala na ito sa aking paningin. Akala ko yun na din ang huling pagkikita namin. Pero nagkamali ako, dahil yun na ang umpisa ng aming pagkikita. Araw araw itong dumadaan sa aming maliit na bahay, akala ko dahil may importante lamang itong gagawin dahil mayamang tao. Yun pala ay iba na. Hanggang sa palagi na itong laman ng aming bahay, nakakahiya man sa mga kapitbahay ay pataya malisya lamang ako dahil paunti-unting nahuhulog na ang aking loob sa binatang Larkin. Hanggang sa magtapat ito ng pag-ibig sa akin na hindi ko naman agad pinatagal pa at sinagot ko na siya sa mismong araw ng aking kaarawan. Nang malaman ng aking magulang ay labis ang kanilang pagtutol dahil sa aming sitwasyon. Hanggang sa wala na din silang nagawa dahil mahal na mahal ko na si Ezekiel. Masaya akong lumabas ng bahay, sukbit ko ang sling bag na may laman na cellphone at pitaka. 250 nga lang ang laman ng aking wallet. Pero ayus na din kesa ang wala. Pumara ako ng tricycle at sumakay na. Sa isang sikat na parke kami balak mag-date ni Ezekiel. Wag na daw akong mag-abalang magdala ng kahit anu dahil siya na ang bahala. Tiwala naman ako dahil sa malaking puno ng acasia kami magpi-picnic. Nang makarating ay mabilis kong pinuntahan ang lugar na aming pinag-usapan. Napahinto ako at kunot noong nagpalinga-linga dahil walang bakas na andito si Ezekiel. Siguro ay napaaga lang ako ng bente minutos dahil ang usapan namin ay alas kwatro ng hapon. Kaya napag-pasiyahan ko na lamang na umupo sa may biak na bato sa ilalim ng puno ng acasia. Kaya ko naman maghintay. Paulit ulit na akong napapatingin sa orasan ng aking cellphone dahil pasado alas-singko na. Ilang beses ko na itong tinext at tinawagan ngunit walang sagot, out of coverage pa ang number nito. Hanggang ngayon ay walang bakas ng anino ni Ezekiel ang nagparamdam. Bigla din akong kinabahan. “Jusko wag naman sana." mahina kong bulong. Kaya napag-pasiyahan ko na lamang na sumakay ng tricycle at pupuntahan ko si Ezekiel sa kanilang mansiyon. Wala pang kinse minutos ay nakarating na ako sa kanilang hacienda. Pinapasok naman kami ng kanilang security guards nang makita ako ang sakay. Nang makarating ay bumaba ako. “Manong, wait niyo po ako ah. Titignan ko lang kung andito ang aking boyfriend. Kapag wala ay uuwi na lang din ako." Sabi ko kay Manong Driver. “Okay po Ma'am" sagot nito at nginitian ko na lamang. Naglakad ako at kumatok sa mas malaki pang gate. Nang pagbuksan ako ng isang guard ay halata sa mukha nito ang labis na pagkagulat. “M-ms Sophia?" parang kinakabahan pa ito. “Ah kuya, andiyan po ba si Ezekiel?" tanong ko dito na hindi napansin ang pagkabalisa nito. “A-anu po, k-kuwan.. ahh " nauutal pa ito. “Anu po Kuya?" seryoso kong tanong. Parang may mali kasi. “Si Senyorito Ezekiel po ba hanap niyo Ms. Sophia?" biglang singit ng isang guard. Tumango ako. “Andito po siya, ang kaso po----" nabitin ang pagsasalita nito nang binirahan ko na nang lakad. Malalaking hakbang ang aking ginawa, nagpalinga linga ako. Kilala naman ako ng ilang kasambahay dito bilang nobya ng kanilang Amo na si Ezekiel, ang iba ay natutuwa pero mas marami ang hindi. Pero wala akong pakialam sa kanila. “Si Ezekiel po?" tanong ko sa isang kasambay ng makasalubong ko. Para itong namutla nang makita ako. Maya maya pa ay mabilis niya akong nilapitan. “Nasa likod bahay, Sophia. Pasensiya kana. Pero sana ihanda mo ang iyong sarili sa iyong makikita." para itong naawa sa akin. Mas lalo tuloy na hindi napakagay ang aking kalooban. Pero kailangan ko munang makita kung tama ang aking kutob. Tumango na lamang ako at naglakad na sa likod bahay. Halos maestatwa ako sa aking nakita nang may makita akong dalawang tao na nakaupo at nagyayakapan. Parang hinihiwa ang aking puso sa nasaksihan. Pati paghinga ko ay nakalimutan ko sa aking nakikita. Halos manginig ang buong katawan ko. Mabilis na nanlabo ang aking mga mata. Hindi nila ako nakikita dahil nakatalikod sila sa akin. Pero kilalang kilala ko naman na si Ezekiel iyon. Dahil siya lamang ang may kakisigan at kagwapuhan sa buong hacienda. “E-ezekiel" mahina kong salita. Dahil pati lalamunan ko ay para bang sinasakal. Nakita ko ang mabilis na paglingon ng walang iba kundi ang lalaking masayang masaya na nakikipagyakapan sa isang babae. Nanlaki ang mga nito nang makita ako. “Sophia!" malakas nitong salita . Kaya napalingon din sa aking gawi ang babaeng yakap nito. Hindi na ako magtataka dahil sobrang Ganda ng babae. Wala akong laban dahil para itong artista sa itsura at pananamit. Hindi ko na napigilan ang aking mga luha kundi hayaan pumatak iyon. Sobrang sakit. Hindi na ako nagsalita, dahil kahit magtanong ako ay alam ko na ang sagot. “Who is that babe?" rinig kong boses ng babae. Wala naman akong narinig na sagot dito dahil halos takbuhin ko na ang labasan. Sa sobrang bilis hindi ko na nalamayang nakasakay na ako sa tricycle pauwi sa aming bahay. Binayad ko ang lahat ng perang merun ako kay Manong. Wala akong ibang ginawa kundi ang umiyak ng umiyak. Nakita ako ni Mama at sinabi ko sa kaniya ang lahat kahit sobrang sakit at halos hindi ko na maisambit ang mga salita ay naunawaan pa ako ni Mama. “Mama ayoko na muna dito. Ayokong makita si Ezekiel. Sobrang sakit ng ginawa niya sa akin" walang tigil na pagluha ko. Nahahabag na niyakap ako ni Mama. “Gusto mo na bang tumira sa tiyahin mo sa Maynila? Matagal na kitang pinapunta doon para mag-aral. Matigas kasi ang iyong ulo, dumagdag pa ng magka-nobyo ka. Tignan mo. Pumayag kana dahil tiyak mag-aalala ang iyong Papa. Alam mo naman na nasa Saudi iyon". Napatulala na lamang ako. Tama nga, ako ang may mali. Hindi kasi ako nakikinig sa aking magulang. Sa tingin ko baka hindi nga kami para sa isat-isa ni Ezekiel. Nauto niya lang ako, dahil bata pa ako. “Pwede po bang ngayon na tayo umalis Mama" Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Mama. Tinitigan pa ako nito bago sumagot. “Ikaw, para hindi kana masaktan. Mas magandang mag-move on ka na Anak ko. Ang ganda ganda mo Anak. Mas marami ka pang makikilala doon. Basta magtapos ka muna ng pag-aaral. " “Opo Ma" Nakatulog na lamang ako sa paghaplos ni Mama sa aking ulo.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.8K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.4K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook