Thirteen

675 Words
Reid's P.O.V 5 months . . . Limang buwan na ang lumipas. Wala akong balita kung ano nang nangyari kay Yzzy don sa Korea. Tinatanong ko si Tito kung may balita siya pero sabi niya wala daw. Tsk. Miss ko na si Yzzriel. "Reid, tara na daw sa stage." tawag sa akin si Vince. Kinuha ko ang gitara ko saka sumunod sa kanya. Last month, nagcomeback kami sa stage sa bago naming album na "A Summer Night". At ngayon, nasa fanmeet kami para magpromote. "Good Afternoon everyone! We are Neon Green!" sabay-sabay naming bati. Sigawan naman ang mga fans. "I'm the big Leader, Reid!" "I'm the Yummy Siopao, Paolo!” wink nabakla na ba tong lalaking to? "Ako nga pala si Marvelous Marvin. Kamusta?" "Charming Chansel here! Make some noise, Emeralds!" WHOOOOO!!! "I'm Mr. Cold Guy, Vince." Cold daw. "I'm Jc Cutie! Hellooooo!" pa-cute pa. tss. "I'm Dancing Machine, Russel. Kamusta kayo?" "Ako po si Baby Mike. HELLOOOOOOOOO?!" Bakit ang weweird ng mga intro nila? HAHA. Konting message pa tapos nagperform na kami. First song: Summer paradise by Simple Plan Hindi naman siya fast beat na kanta. Actually solemn lang ang kantang to. Pero kahit ganon, masaya naman yung beat at rhythm niya kaya nakakaenganyo pa rin. Second song: Goodbye Summer by f(x) feat EXO D.O Matapos nito ay interview na. Kung anu-anong tinanong samin. Ano daw pinagkakaabalahan namin, favorite ganyan, crush, likes at marami pa. Paminsan-minsan kumukuha sila ng tanong galing sa fans. Energetic at sincere naman namin itong sinasagot. Pero isang tanong ang nagpaalala sa akin ng isang bagay. "Kuya Reid, anong ginagawa mo pag may namimiss ka?" Napangiti ako sa tanong niya. Yumuko ako at sandaling nag-isip. Ano nga ba ... ang ginagawa ko ngayon? "Pag may namimiss ako, inaalala ko lang yung magagandang memories namin. Iisipin ko lang yun at siya hanggang sa kusa na lang yung mawala." Tama. Buong araw ko siyang aalalahanin hanggang sa makatulog na lang ako. Ganon lang. Sa loob ng 5 buwan ganon lang ang ginagawa ko. Except syempre pag may trabaho. "May namimiss ka ba ngayon, Leader Reid?" tanong ng MC. "Oo naman. Sino bang wala di ba?" "Pwede ba naming malaman kung sino siya?" Pero di ako sumagot. Sa halip ay nahihiya na lang akong yumuko at tumawa. "Ayaw umamin ng Leader natin ah? Hahahaha. Osige, ano na lang ang message mo para sa kanya ngayong namimiss mo siya?" Napataas ang ulo ko. Message? Hmmm. Tumayo ako at kinuha ang gitara sa gilid. "Pwede ba na sa halip na message ay kakantahan ko na lang siya?" naghiyawan naman ang mga fans. Pumwesto nako sa harap. "Kung naririnig mo ako, I miss you. I really do." Now playing: Without you by Aj Rafael * Cindy's P.O.V Hindi na ako magpapakilala. Kilala niyo nako, for sure no. Sa sobrang sikat ko hanggang ibang universe, kilala ako. Ha! Katatapos lang ng fan meet nila Reid Baby ko. Sayang nga at hindi ko naabutan eh. Sabi nila kumanta daw si Reid. Dedicated daw sa taong namimiss niya. Oh gosh! Di kaya ako yung namimiss niya? O.M.G!!! I'm so touched naman! Sana sinabi niya na lang sakin. Pinuntahan ko na lang siya sa dressing room nila, just to cheer him and his group. Sasabihin ko lang na ang ganling nila kanina sa performance nila even though di ko naman talaga napanuod. Kakatok na sana ako pero napansin kong medyo nakabukas ang pinto. And their conversation caught my attention that I was left standing at the door. "Sino ba kasi yun, Reid?" boses ni Mike. "Oo nga naman. Kinantahan mo pa talaga." -Russel "Hahaha. Curious talaga kayo noh?" -Reid "OO NAMAN!" sabay-sabay nilang sagot. Tumawa naman si Reid ng malakas. "Osige sige. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon eh. Pero ang pangalan niya ay Yzzriel Odette O. Hans." Yzzriel Odette O. Hans? Kinantahan? Ibig sabihin para sa kanya yung song kanina na sinasabi ng mga tao? "Do you like her, Reid?" That question of Vince was so sudden. But his answer to it was more surprising. "A lot."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD