Twelve

1013 Words
Nagkita-kita ang magkakaibigan sa Pink Ocean, ang restaurant ng mga Nash. Naisipan lang kasi ni Seofy na magyaya since matagal na rin silang hindi nagkikita-kita. Busy kasi silang lahat. Yung iba, nagsisimula ng mag-aral sa pagmamanage ng kanya-kanyang negosyo. Yung iba naman ahem, Rianne Ayun, nagworld tour. Kung saan-saan naggagagala kasama ang ina. "Tinalo mo pa ako, Rianne. FYI, ako yung model!" reklamo ni Jessica. "Hands up. Talo na. Hahaha. Sumasama lang naman ako kay Mama eh. Go lang din naman siya. Edi fine!" paliwanag naman nito. Naunang dumating sina Jessica at Rianne. Sunod naman ay sina Tiffany, Taesha at Solenn. Ayun nagkamustahan sila. Si Tiffany araw-araw sa bar. Syempre yun yung business nila. Pero sa ngayon nagpapatayo siya ng isang bistro. Just for her start daw. Taesha is a volunteer at Red Cross. Gala din since kung saan-saang probinsya siya napunta. Si Solenn, well alam niyo na, busy sa Purpaholic at sa .... "What?! May boyfriend ka na?!" reaksyon ni Jessica sa balita. "O.A Bhebs? Chill ka lang. Oo, meron na. Pero shh lang muna kayo please." pakiusap naman ni Solenn. "Okay, pero kailan pa?" tanong naman ni Tiffany. "March pa. Nakakaloka di ba? Pati nga ako naloloka eh." matapos ay ikinwento nito ang mga nangyari. Nang dumating naman si Sunny ay back to start ang kwento ni Solenn. Ang kulit nga lang eh. Nakibalita na rin sila kay Sunny. Sa ngayon daw ay naka-focus siya sa pagd-dj niya. Maganda kasi sobra ang boses ni Sunny. Singer din siya at ngayon nga ay dj for experience. Nakaka-isang oras na ang magkakaibigan pero wala pa rin si Seofiel. "Kung sino pa ang nag-aya, siya pa late." -Sunny "Nagsalita ang hindi late." -Tiffany "Atleast mas late siya." Nagtawanan na lang yung iba. Dumating naman na humahangos si Seofiel. "I'm sorry talaga guys. Hindi ko matakasan si Mudrakels." sabi niya at pabagsak na umupo. "Sanay na kami. " -Jessica Sinamaan niya na lang ng tingin ito pero hindi siya pinansin. Umorder na lang sila. Nakakahiya, isang oras na sila doon ngayon palang sila oorder. Paalis na sila ng makarecieve ng text si Sunny galing sa Manager niya na pumunta daw sila sa Bright Light Inc. ngayon. "Kasama talaga kami?" tanong naman ni Seofy. "Hmm. Nasabi ko kasi na magkikita tayo ngayon. Pero bakit kaya?" "Tara na't alamin!" -Jessica Magkakatabi ang kotse nila sa parking lot. Sunod sunod din na umalis ang rainbow nilang mga kotse. Pero walang kulay indigo kaya white yung isang kotse nila. Black naman yung kay Yzzy pero dahil wala siya ngayon, edi wala. Di nagtagal ay dumating na rin sila sa BLInc. "Kainis. Epal yung black Chevy na yun." reklamo ni Seofy habang nasa elevator sila. Hindi kasi siya nakatabi sa kotse ng iba dahil may nakapark na Chevy. "Hayaan na. Di naman atin yung parking lot." -Tiffany Si Sunny ang kumausap sa receptionist, since siya naman yung talent doon. Tapos noon ay pumunta na sila sa conference hall. "Hello, girls. Welcome back." bati ni Chief Leo sa kanila. "Hi Chief. May project ba kami?" bungad ni Sunny. "Yes. At kakailagan ko kayong walo." "Uhm, sorry pero wala si Yzzy ngayon." -Rianne “I know. That's why we called someone.” nakangiting sabi nito. "The who?" -Seofy Pero bago paman makasagot ang lalaki ay may narinig silang ingay mula sa labas. "Sino bang nagpatawag sakin? Si Tito Alvin ba? Ha? Ngayon they're calling for me after they rejected me. How fun-" "Hello Cindy." bati ni Chief Leo sa babaeng pumasok. Nagulat ang grupo. Mukhang nagulat din naman si Cindy. Well, Yzzy hate her, kasi dikit ng dikit kay Reid. THEY hate her, kasi ang plastik, nuknukan pa ng arte. "Hi! I'm Cindy Lim. I think you know me na rin naman." she smiled. 'Tch. Yabang. Di naman maganda.' Nasa isip ni Seofy 'Mukhang paa. Pangit ng make-up.' Isip naman ni Solenn "Well, aren't you going to introduce yourselves?" -Cindy "I'm Sunny. And these are my friends." nakipagkamay si Sunny pero ngumiti lang ang iba. Panandaliang nagka-World Peace dahil walang nagsasalita. Pero binasag din agad ito ni Chief Leo. "So, as I was saying, girls meet Cindy. She will be working with you for Time Warp." "Time Warp? Yung sa relo?" - Jessica "Of course, stupid. whoo!" mahinang comment naman ni Cindy pero narinig ng lahat. 'Bangasan ko kaya tong hipon na to?' Napangiwi na lang si Jessica sa inis. 'Ugh! Kainis!' "Yes, Jessica. and I want you to free your schedules this Friday. I'll text you the location. You can leave now." yun lang at lumabas na sila. Naunang lumabas si Cindy, pero ibangan niya pala ang grupo sa may elevator. "Hey girls!" bati niya rito. Tiningnan lang siya ng mga ito. "Why so rude? Wala man lang Hi/Hello?" "Hi Cindy! What the h*ll do you want?" Solenn said in her sweetest voice that even she despised. Napatawa naman si Cindy sa pinakamaarteng paraan na pwede bago siya tumayo ng tuwid para harapin ang grupo ng mga babae sa harap niya. "I want you to back out from that promotion." diretsong sabi niya with a serious face. Which Seofiel find very disturbing at the same time very funny. "Give us a valid reason why, Ms. Lim." ooh! Take that from a real Model. Jessica Villanueva, people! "First of all, masasapawan ko lang naman kayo dun. So why bother di ba? Second, hindi naman kayo sikat. Bakit kinuha pa nila kayo? Pangatlo, mas bagay sakin ang promotion na yun. So keep out." litanya ni Cindy. Napatawa silang lahat. Halos lahat kasi sila, mga business minded person. Bata pa lang sila, alam na nila how to play the business game. Nakakatawa lang kasi wala kahit isang valid sa sinabi ng babaeng kaharap nila. "You're speaking nonsense. Let's go." - Tiffany. At iniwan nga nilang nakatayo doon si Cindy. Sa elevator, tinawanan nila ng bongga si Cindy. Hindi sila makapaniwalang nasa show business ang babaeng yun. Samantalang si Cindy naman ay naiiritang pumasok sa elevator. Tsaka nito kinuha ang cellphone mula sa bag. "Hello. It's me, Cindy. May ipapagawa ako sayo. Some background check."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD