Sinuntok ng Papa ni Yzzy and pader dahil sa galit.
"Ano ba kasing gusto niya?!"
Hindi umimik ang iba. Ang tito ni Reid at ang Mama ni Yzzy ang nag-aasikaso sa dalaga. Nilalapatan nila ito ng first aid. Gamit naman ni Reid ang cellphone ni Olive para tumawag ng helicopter na susundo sa kanila sa isla. Dadalhin na kasi nila si Yzzy sa ospital. Mas makabubuti daw kasi ito.
"Tita, baka raw medyo matagalan sila. Masama daw po kasi ang panahon sa Manila." sabi ni Reid.
"Ganoon ba? Kawawa naman ang anak ko. Ano na lang ang mangyayari sa kanya?" napaiyak ulit ang mama si Yzzy.
Nilapitan naman siya ng asawa at niyakap.
"Hindi ko kakayanin pag may nangyaring masa sa anak natin. Hindi ko kaya." pag-iyak ng ginang sa balikat ng asawa.
"Walang mangyayari sa kanya, Olive. Magiging maayos din ang lahat." tsaka nito hinalikan ang ulo ng asawa para patahanin ito.
Lumipas ang mga oras. Tulog na ang lahat bukod kay Reid. Mataimtim niyang binabantayan ang natutulog na si Yzzy. Hindi siya makatulog sa pag-aalala. Pakiramdam niya kasi kasalanan niya kung bakit napahamak ito. Iniisip niya na kung binantayan niya lang ng maayos ang dalaga ay hindi ito mangyayari. Kung hindi sila lumabas, kung di sila nagtagal, kung di na siya nag-ayang manuod ng parada, kung hinawakan lang niya ng mahigpit ang kamay ni Yzzy ng mga oras na iyon.
"Yzzriel, nandito lang ako. Alam mo yan. Magpagaling ka agad, okay? Pag maayos ka na, isasama kita sa mga concert tsaka tour namin. Gusto mo ba yun? Libreng tour kasama ang mga idol mo. Amazing yun! Kaya magpagaling ka na agad."
Napangiti si Reid sa ginagawa niya. Kumakausap siya ng tulog. Weird yun di ba? Pero hinigpitan na niya ang hawak sa kamay ni Yzzy at hinalikan ito.
Pero habang nakapikit siya ay narinig niyang nagsalita si Yzzy.
"Reid..." mahinang sabi niya.
"Yzzriel, kamusta ang pakiramdam mo?" mabilis naman yang sagot dito.
Pero sa halip na sumagot ito ay ngumiti lamang siya at hinawakan ang mukha ni Reid.
"Yzzriel." mahinang sabi niya at ngumiti. Hinawakan din niya ang kamay ng dalaga. "Magpahinga ka na. Babantayan kita."
Marahang tumango ang dalaga at dahan-dahang ipinikit ulit ang mga mata.
~
Nagising ang lahat sa ingay na galing sa labas. Mukhang nandiyan na ang hinihintay nilang helicopter.
Ginising ni Olive si Yzzy. Nagising naman ito at at agad na nanghihinang nginitian ang Ina.
"Get up na, baby. We're leaving." nakangiting sabi ng ina.
Inalalayan ni Reid ang mag-inang lumabas at sumakay sa helicopter. Siya na rin ang nagpa-upo dito. Pero bago siya lumipat sa upuan sa likod ay niyakap niya muna ang dalaga at hinalikan sa noo.
"I like you. Yzzriel. Maniwala ka. I really do." bulong niya dito.
Mahinang tumawa naman ang dalaga at mabagal na sumagot.
"Ako, mahal kita. Totoo, matagal na." tsaka siya ngumiti.
Abot tenga naman ang ngiti ni Reid habang umaayos ng upo sa likod.
After everything was settled, umalis na sila.
~
Bumaba sila Tito Alvin at Reid sa Helipad ng building ng Bright Light Inc. Ang agency ni Tito Alvin.
Habang ang pamilya Nash naman ay tutuloy na sa South Korea, para magtago, para makapagpahinga, para maging payapa, kahit sandali.