Ten

1394 Words
Yzzy's P.O.V Nang makipagsiksikan na kami ni Reid sa maraming tao ay may biglang humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito at nakita ang isang malaking tao na nakamaskara ng isang matabang mukha na nakangiting nakakatakot. Hinatak niya ako sa braso. Dahil sa malaki siya at mukhang mas malakas ay napabitaw ako sa kamay ni Reid at napasunod sa kanya. "Reid!" sigaw ko. Hinatak ako nung lalaki paupo tsaka tinakpan ang ilong ko ng panyo.May kakaiba akong naamoy sa panyo bago unti-unting bumagsak ang talukap ng mga mata ko. s**t. Alam ko na 'to. Chloroform. Isang chemical na ginagamit para mawalan ng malay ang isang tao. Delikado ako nito. ~ Nagising ako sa ingay ng mga sumisigaw. Unti-unti kong binuksan ang mga mata ko at nakaramdam ng sakit sa halos lahat ng parte ng katawan ko. Ginalaw ko ang mga braso at binti ko pero masakit sila dahil sa pangangalay. Tsaka ko lang na realize na nakatali pala ako sa upuan. Ang higpit ng pagkakatali sakin kaya kumikiskis sa balat ang tali at masakit kapag gumagalaw ako. "Don't worry. This won't hurt." Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses. Kinilabutan ako at napatili sa nakita ko. May isang t.v sa harap ko at sakto sa pagtingin ko ay ang pagputol sa mga daliri nung lalaki sa palabas. Oh gosh! Nakakasuka! Tumingin-tingin ako sa paligid. Sa tingin ko ay nasa isang bahay ako, luma at sunog na bahay. Nagkalat ang mga debris sa paligid. Bumagsak na yung ibang parte ng kisame at pader, dahil din doon ay kita mula sa labas na madilim na. Gaano katagal na kaya ako dito? "Tulungan niyo ko! Tulong! May tao ba diyan? Tulong!! Tulungan niyo ko please!!!!" sigaw lang ako ng sigaw. I know, I look pathetic. Pero eto lang ang magagawa ko sa ngayon. "Gising ka na pala?" Dumating naman ang isang babaeng naninigarilyo kasama ang apat na maskuladong mga lalaki. "Sino ka? Pakawalan mo ko!" sigaw ko habang nagpupumiglas. "Sorry to say pero hindi pwede. Diyan ka lang hanggang sa malaman ko kung anong gagawin sayo." "Ano bang kailangan niyo sakin? Pera ba? Sabihin niyo lang. Magkano? Pakawalan niyo lang ako." Lumapit siya sa akin at yumuko para magkalevel na ang mga mata namin. "Pera? Hmm. Pwede rin. Pero hindi." ngumiti siya at idiniin ang sigarilyo niya sa binti ko. "AAAAAHHH!!" fvck. Tumawa naman siya sa reaksyon ko. Pinatay niya ang t.v bago ito sinipa palayo. "Ano ba kasing ginawa ko sa inyo ha? Pakawalan niyo na ako, please. Ibibigay ko lahat ng gusto niyo." Ang hirap pala ng ganito. Yung wala kang magawa, yung gusto mong ipagtanggol ang sarili mo pero hindi mo magawa, hindi mo kasi kaya. I feel so helpless. I'm such a worthless person. I'm a total loser right now. "Sa totoo lang, napag-utusan lang naman ako. Hindi ko rin alam kung anong trip nung amo ko sayo. Pero who cares? Pera ka din." sabi niya sabay buga ng usok galing sa bibig niya. Bigla namang nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya ito at lumabas siya. Naiwan ako dito kasama ang apat na mukhang bouncer. "Kuya, maawa na naman kayo sakin oh." sinubukan kong kausapin yung mga mama pero hindi nila ako pinansin. "Wala ba kayong ina, kapatid, anak? Makakaya niyo ba silang makita sa ganitong posisyon?" Wala pa rin. "Gagawin ko lahat ng gusto niyo, pakawalan niyo lang ako." At blah blah blah. Hindi pa rin nagpatinag ang apat na bouncer na kasama ko. "Psh. Fine, wag niyo kong tulungan. Kainin sana kayo ng konsensya niyo. Pag may nangyari sakin, kasalanan niyo! Mumultuhin ko kayo! Hindi ko kayo papatahimikin!" Ang tapang ko ba? HA! Kung alam niyo lang kung paano manginig ang mga tuhod ko. Nagsabi pa ako ng kung anu-anong bagay pero wala pa rin. "Manahimik ka ngang babae ka! Ltche!" bigla ba namang sumugod sakin yung babaeng naninigarilyo at sinampal ako. "Ano bang problema mo ah?!" sinigawan ko siya. Bastos eh. "Ah lalaban ka?" "AAH!" Sinipa naman niya yung upuan kaya bumagsak ako pagilid. Fck ang sakit! Humampas ang ulo ko habang sinalo naman ng balikat ko ang bigat ng buong katawan ko. "Sabi ni boss saktan, pero wag daw papatayin." "Kami ba gagalaw diyan?" tanong ng isang bouncer. Tumingin ito sa akin na tila ba nakikita na niya lahat ng pwede niyang gawin sakin. "Hindi. Nandiyan na sila Macy, sila na bahala diyan." Yun lang at lumabas na sila. Naiwan akong mag-isa. Umiiyak at mahina. Nakarinig naman ako ng mga tawanan mula sa pinto. Pumasok mula doon ang tatlong babae. Tumigil sila sa pagtawa ng makita nila ako. "Oh my gosh! Anong ginawa nila sayo?" huh? Agad silang lumapit sakin at kinalagan ako. Tinulungan din nila akong tumayo. Ngumiti sila akin habang ako naguguluhan lang. "Hi, I'm Macy." sabi nung babaeng nagsalita kanina. "I'm Joan and she's Lace." "Hi." Inabot sa akin ni Macy ang kamay niya. Kukunin ko na sana pero bigla niya akong sinampal ng malakas sabay sipa sakin sa tyan na dahilan ng pagbagsak ko. Nagulat ako sa ginawa niya. Silang tatlo naman tumawa lang. "Uto-uto ka rin noh?" - Joan "Alam mo, kaya ka namin pinakawalan ay para makalaban ka naman. Ang boring pag nakatali ka, walang thrill." sabi ni Lacey at unti-unti silang lumakad palayo ng kaunti. "Oo nga. O sya, laban na." They made a stance. It seems like laban talaga ang mangyayari at hindi torture katulad ng ginawa nung unang babae kanina na pagpaso sa akin. 3 vs. 1? Lugi ako. Pero tumayo pa din ako at sinubukang depensahan ang sarili. Nung una, naiilagan ko sila. Nakakaganti rin ako ng ilang suntok, sipa at sampal. Naghahatakan kami ng buhok at nagkakalmutan. A normal catfight. Yun nga lang tatlo sila at isa lang ako. Sooner then, pinagpapasahan na lang nila ako. Hindi nako makalaban Una, dehado ako. Mukhang sanay na sanay na sila sa ganito. Pangalawa, pagod nako. Nagugutom na rin dahil ang huling kain ko ay doon sa karendirya, at kaninang umaga pa yun. Pangatlo, masakit na talaga ang katawan ko in the first place. Talo talaga ako. Nakahiga na ako sa sahig at sinisipa-sipa na lang nilang tatlo. Umuubo nako ng dugo at puro sugat na din ako. Konting galaw ko lang, buong katawan ko kumikirot. "Sus, walang kwenta. Parang wala lang din yung pagpapakawala namin sayo. Tch." sabi nila sabay sipa sa tiyan ko na naging dahilan ng paglabas ng dugo sa bibig ko. "Kainis ka. Naputol ang kuko ko dahil sayo." iniangat niya ang ulo ko sa pamamagitan ng paghatak sa buhok ko. "Psh. Pathetic L..Losers." then I gave them a smirk. "What?!" sa galit niya at ibinagsak niya ang ulo ko sa sahig. Naramdaman ko yung impact. Malakas. Nakaramdam din ako ng mainit na bagay sa ulo ko. Maybe blood? I don't know. Napapikit na lang ako. Hindi ko na kaya. Mom, Dad, Abeoji, I’m sorry. * Third Person's P.O.V Nawalan na ng malay si Yzzy. Tinatawag siya nila Macy, sinisipa-sipa pero hindi ito sumasagot. "Patay na ba?" tanong ni Lace. "Hindi yan. Nawalan lang ng malay." sagot ni Macy. "Tandaan niyong hindi siya pwedeng mamatay. Malilintikan tayo." paalala ni Joan. "Psh. Whatever." Lumabas na sila at iniwan si Yzzy. Pumasok naman ang dalawang mukhang bouncer at binuhat ang katawan ni Yzzy. Dinala nila ito sa isang Van at nagdrive palayo. Dinala nila si Yzzy pauwi sa cabin. Inilapag nila ito sa tapat ng pinto. Kumatok sila ng mabilis pero malakas. Nag-iwan naman sila ng isang pulang envelope sa tabi ng katawan ni Yzzy bago bumukas ang pintuan. Binuksan ni Reid ang pinto pero walang tao. Nang mapatingin siya sa baba ay nakita niya ang walang malay na si Yzzy. "Yzzriel!" napasigaw siya. Dumating naman ang Tito Alvin niya at ang mga magulang ni Yzzy. "Oh my gosh! Odette!" napaiyak na lang si Olive sa nakitang galagayan ng anak. Duguan ang babae, madungis at walang malay. Chineck niya ang pulso nito, buhay pa siya. Binuhat ito ni Alvin at ipinasok sa loob. Sumunod naman ang iba sa kanya. Napansin ni Reid ang pulang envelope at pinulot ito. Binuksan niya at binasa ang nakasulat. "Tita, may sulat para kay Yzzriel." sabi niya. "Ano daw sabi?" kinuha naman ni Marcus ang envelope at siya na ang nagbasa. " DON'T WORRY. I JUST THREATENED YOU. HINDI PA KITA TATAPUSIN SA NGAYON. BUT BETTER BE READY. I'LL BE BACK. SOON. - XOXO, "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD