Nine

1179 Words
Reid's P.O.V Ilang araw matapos ang nangyari ay hindi makatulog ng maayos si Yzzy. Lagi na lang siyang nananaginip at nagigising sa gabi na umiiyak. Sa totoo lang, sobrang nag-aalala na ako. Di na din maganda ang itsura niya. Mukha na siyang panda dahil sa eyebags niya. "Yzzy, samahan mo naman ako." yaya ko sa kaniya. Nakatulala na naman kasi siya. Pero sa halip na sumagot ay tiningnan niya lang ako. Hay, lagi na lang ganito. Hindi to pwede! "Hay nako. Ako huwag mo kong ginaganyan ah." hinatak ko siya at sinabihang magbihis dahil aalis kami. Sa totoo lang, kailangan ko lang talaga mag-grocery. Pero dahil sa kalagayan ngayon ni Yzzy, kailangan niya na din lumabas. Matapos ang ilang minuto lang at nagsimula na kaming lumakad papunta sa kabilang side ng isla. Sinundan lang namin yung dalampasigan hanggang sa maabot namin yung mga kubo. May sakayan ng tricycle doon papunta sa mismong bayan. "Reid, saan tayo pupunta?" tanong niya sa akin. "Mago-grocery tayo. Wala na tayong stock sa bahay eh." Hindi na niya ako tinatawag na William. Hehe. Hayaan na lang. Gusto ko lang naman magpatawag noon ng ganun para maiba lang. Kaso mas sanay siya sa Reid eh. "Okay ka lang?" "Hmm." Hinawakan ko ang kamay niya at nginitian siya. "Magiging okay din ang lahat. Huwag ka na masyadong magalala okay?" Nakadating na kami sa grocery. Ano bang ginagawa sa grocery? Hmm. "Akin na yung listahan." "Anong listahan?" kailangan ba ng listahan? "Pupunta ka ng grocery ng walang listahan ng bibilhin?" reklamo niya. "Aba malay ko ba! Eh bat galit ka?!" hindi na siya sumagot. Sungit nun ah? Pero atleast di na siya tahimik. Siya na kumuha ng mga dapat daw naming bilhin. Ako naman puro chichirya kinuha ko, pero binabalik din niya ulit. "Reid! Hindi nga tayo bibili niyan eh." pinag-aawayan namin yung Flat tops. "Yzzy naman. Sige na! Binalik mo na nga yung iba eh. Yan na lang!" "Para kang bata!" "Sige na kasi!" pagmamaktol ko. Habang nag-aaway kami doon sa aisle ng mga gulay ay nakarinig kami ng nagbubulungan. Isang mag-asawang mga nasa 40+ na siguro. "Honey, tingnan mo sila oh. Ang sweet nila." comment nung babae. "Sus. Ganyan din naman tayo ah?" kontra naman nung lalaki. "Hmm. Oo nga. Para ka ring bata noon." Napangiti naman ako sa mga narinig ko. Nang tingnan ko naman si Yzzy, nagpipigil ng ngiti at namumula. Hahahahaha! "Kinilig ka naman?" sabi ko sa kanya sabay akbay. Mas lalo siyang namula. "Che! Huwag kang bibili niyang Flat tops mo ah! Bwisit!" sabi niya sabay tabing sa kamay ko at irap. Hahaha. Ang cute niya talaga. Teka, ano daw? Binayaran na namin yung pinamili namin. At hindi ko talaga nabili yung Flat tops. Dakilang epal pala tong si Yzzriel. Bad trip. "Yzzriel, kain muna tayo. Nagugutom nako." sabi ko. Nakakita kasi ako ng karinderya. "Wala ka ng ibang ginawa kundi kumain." "Hoy! Ako naman nagluluto noh!" Wala na siyang nagawa. Pumasok na lang kami sa isang karinderya at umorder. Adobo sa kanya, giniling naman sa akin. Tahimik lang kaming kumakain. Pero meron talaga akong gustong itanong eh. "Yzzriel. Pwede magtanong?" "Sige, shoot!" "Ahm, ano ba talagang nangyari?" Napatigil siya sa pagkain. Halatang ayaw niyang pagusapan. Wrong move ata. "Sige, kung ayaw mo pag-usapan okay lang nama-" "Hindi okay lang." sabi niya sabay ngumiti. Ikunwento niya sa akin yung tungkol sa death threat na natanggap niya. Sinabi niya lahat. Habang nagkukwento siya kita naman natatakot talaga siya. Matapos niyang magkwento ay walang nagsasalita. Nagpaalam siyang pupunta daw siya sa CR. Nang umalis na siya ay kinuha ko ang cellphone ko. Tatawagan ko si Tito Alvin. calling ... [hello?] "Tito, Reid to." [oh, napatawag ka? buti may signal diyan?] "Nasa bayan kami ngayon ni Yzzriel eh. May tatanong lang sana ako." [ganon ba? Sige ano yun?] "Sino ba talaga si Yzrriel, tito?" medyo matagal bago siya nakasagot. [apo siya ng kasosyo ko sa business. Bakit mo natanong?] "Malaking business ba yan, tito? Nalaman ko kasi na nakakatanggap siya ng death threats." [death threats?] "Yes. Inatake pa nga kami e-" bigla na lang sumigaw si tito. [WHAT?! sh*t! jkhgewbfggrfutygbeg... *toot toot toot*] hindi ko na naintindihan yung iba niyang sinabi tapos naputol na. Sakto naman dating ni Yzzriel. "Reid, tara na. Malayo pa lalakarin natin." Paalis na sana kami ng makarinig kami ng malakas na mga ingay. "Nandiyan na yung parada!" sigaw ng mga bata at nagtakbuhan sila papunta doon sa mga ingay. Di nagtagal ay dumating na nga ang parada. May mga drums, malaking tuba, tsaka mga marjorette. May mga batang sumasayaw din na nakasunod sa kanila. Nagsimula na ring dumami ang tao upang manuod. "Tara, tingnan lang natin." hinatak ko si Yzzy papunta sa kumpol ng mga tao at isiniksik namin ang sarili namin doon. Maliit lang na lugar ito pero bakit parang ang kapal ng tao? "Reid!" narinig kong sumigaw si Yzzy at kumalas siya sa pagkakahawak ko kaya nilingon ko siya. Pero wala na siya sa likod ko. "Yzzy? Yzzriel!" Nagpalinga-linga ako. Umaasang makita ang mukha niya sa dami ng tao sa paligid ko. Pero wala siya. "YZZRIEL!" ~ Tito Alvin's P.O.V Matapos ang convo namin ni Reid sa telepono ay agad akong pumunta sa Nash's Residence. "Nandiyan ba si Sir Paul? Pakisabi nandito si Alvin Senares." sabi ko sa telecom. Bumukas naman agad ang gate at sinalubong ako ng isang maid. "Nasa library po si Grand Master." sabi niya at itinuro ang daan. Sa library, inabutan kong nag-uusap ang pamilya. Si Sir Paul, Si Marcos at ang asawa niyang Olive. "Oh, Alvin. Kailangan mo daw akong makausap?" bati sa akin ng lolo ni Yzzriel. "Yes, sir. May importante kayong kailangan malaman." "Sige lang." Huminga muna ako ng malalim. "Tumawag sa akin si Reid kanina." pagsisimula ko. "Talaga? Kamusta naman daw si Odette?" masayang pagtatanong ni Olive. "Yun na nga. May nangyari daw kay Yzzy." Nabakas naman agad ang takot at pag-aalala sa mukha ng pamilya. "Anong nangyari sa anak ko, Alvin?" sabi ni Marcos with a very stern voice. "Nalaman ni Reid na nakakatanggap ng death threats si Yzzy at.." "At?" "Inatake daw sila, sir. Mukhang nasundan na sila." Hindi pa sila nakakapag-react ng biglang tumunog ang cellphone ko. "Excuse me lang." tiningnan ko ang cellphone ko at nakitang tumatawag ulit si Reid. "Sir, tumatawag si Reid." sabi ko sa kanila. "I-loudspeaker mo please." Umiiyak na sabi sa akin ni Olive. Sinagot ko ang tawag at ni-loudspeaker para marinig ng lahat ng nasa kwarto. "Hello Reid." [Tito...] may iba sa boses ni Reid ngayon ah? Para siyang umiiyak? "Hello Reid. Bakit?" [Tito... si Yzzy...] "Anong nangyari sa anak ko?!" sigaw ni Olive ng hablutin niya ang phone sa akin. [Tita I'm sorry.] Mukhang nalaman naman agad ni Reid kung sino ang kausap. "Anong nangyari sa anak ko, Hijo." halos nagsusumamong tanong niya. Yakap yakap naman siya ng asawa. [Tita, biglang nawala si Yzzy. Hindi ko na siya makita.] Walang nakapagsalita. Wala kang ibang maririnig kundi ang mga hikbi at pagsinghot ng mga tao sa kwarto. [Tito, paano kung may gawin siya kay Yzzy? Anong mangyayari? Anong gagawin ko?]
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD