Eight

912 Words
Reid's P.O.V Nagiising ako dahil kay Dearest. Bigla kasi siyang dumamba sa akin at tumahol sa mukha ko. Nang tingnan ko ang oras, alas-kwatro pa lang ng umaga. Badtrip. "Ano bang gusto mo, Dearest? Baka magising si Yzzriel sa taas." Nagpalit nga pala kami ni Yzzriel ng lugar. OO, eh sa nagandahan si Yzzriel sa taas ehn mas maganda naman siya don. Anyways, siya ngayon yung natutulog sa attic ako dito sa sala. Delikado kasi eh. Mamaya pasukin kami ( kahit kami lang naman ang tao dito sa side ng isla na ito) hindi ko mamalayan. Mapahamak siya, kasalanan ko pa. Tahol pa rin ng tahol si Dearest. Tinatahulan niya yung bintana. "Ano bang meron?" binuksan ko yung ilaw sa labas para makita kung may tao pero wala naman. "AAAAAH!!!" biglang sumigaw si Yzzriel kaya napatakbo ako sa pataas attic. Doon ay nakita ko siya na nasa lapag sa tabi ng kama niya, nasa tabi rin niya yung lampshade at umuubo siya habang umiiyak. Walang ibang tao pero bukas ang bintana na nagpapapasok sa malamig na hangin galing sa dagat. "Yzzriel..." lumapit ako sa kanya at mahina siyang tinawag. Lumuhod ako para makita ko yung mukha niya. Nagpupumiglas siya ng hawakan ko siya. "No. No. No. Please," pagmamakaawa niya sakin na layuan ko siya. "Yzzy." Tumigil siya sa pagpupumiglas at napatangin sa akin. Nang makita niya kung sino ako ay agad siyang yumakap sa akin. Sobrang higpit, halatang takot na takot siya. "Nandito siya... Reid, nandito siya..." sabi niya habang umiiyak. "Sino? Sabihin mo kung sino, Yzzriel." pero hindi niya ako sinagot. "Nandito siya... Papatayin niya ako. Papatayin niya ako." mas lalong lumakas ang iyak niya at humigpit ang kapit niya sa akin. Papatayin? Siya? Pero bakit? Niyakap ko din siya at hinagod ang likod niya. Kahit na naguguluhan pa ako ngayon, siya muna ang iisipin ko. "Okay na. Shh. Wag ka na matakot. Nandito nako, poprotektahan kita. Okay na ang lahat." Hinintay ko muna siyang kumalma bago kami tumayo at pinunta ko siya sa kama para makapagpahinga. Pumasok naman si Dearest na naka-abang lang sa dulo ng hagdan at nagmamasid. Marahil ay wala na ang masamang tao dahil hindi na siya tumatahol. "Huwag mo kong iwan, please?" makikita pa rin ang takot sa kanya pati na rin sa panginginig ng kamay niyang nakahawak sa braso ko. Ngumiti ako. Inihiga ko siya sa kama, kinumutan at umupo sa tabi niya. Kinuha ko ang kamay niya at ipinikit ang mga mata niya. Eto na lang ang magagawa ko para makatulong. "Sige matulog ka na. Babantayan kita." sabi ko sabay ngiti. Wala man akong balak magtagal ay nagising na lang ako na umaga na. Nandito pa rin ako sa attic. Nakatulala lang ako sa kisame ng maramdaman kong may nakayakap sa akin. Si Yzzriel lang pala. Tulog pa rin siya at mahigpit pa rin ang yakap sakin. Ano kayang nangyari kagabi? Sobrang takot na takot tong babaeng to eh. Di kaya chansing lang to? Hahahaha. Joke lang. Di ko muna siya ginising. Tinitigan ko lang siya. Ang ganda niya pala sa close up? Ngayon ko lang kasi siya natitigan ng ganito ka-close. Welll, except nung muntik ko na siyang halikan... Ibang usapan na yun! Nadala lang ako. "Yzzy..." tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot kaya inuga ko siya ng konti. Pero bigla na lang siyang bumalikwas paupo. "No!!!" sigaw niya at hinahabol ang hininga. "Yzzy, kalma. Nanaginip ka ata." agad siyang napatingin sa akin. Yung tingin na natatakot. Pero ng makilala niya ako at napabuntong-hininga siya at sinapo ng mga kamay ang kanyang mukha. "I'm sorry Reid. Pero pwede ba na iwan mo muna ako? Please." pakiusap niya. Hindi man lang niya ako tiningnan. "Maghahanda lang ako ng breakfast." Um-oo na lang siya at bumababa na ako. Sa baba, sobrang kalat. Lahat ng gamit ang gulo. Kelan nangyari to? Ba't parang di ko narinig? Malakas ang magagawang ingay nito kung sakali, pero wala talaga akong namalayan. Tinawag ko si Dearest na nagtatago sa ilalim ng kama ko. Agad naman siyang lumapit sa akin. Obvious ba sa aso ang natatakot? Kasi parang natatakot si Dearest ngayon, mababa ang tingin at nakababa din ang buntot.. Hay ewan. Makapagligpit na nga lang ng makagawa na rin ng almusal. Ano ba kasing nangyayari? * Yzzy's P. O.V Paglabas ni Reid ay umiyak lang ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kagabi. Kung hindi siguro ako nakasigaw ay hindi ako mapapansin ni Reid kagabi. Dumaan siya sa bintana ng attic. Inakyat niya talaga yun makapasok lang dito sa kwarto ko. Nagising na lang ako na nasa ibabaw ko na siya na may hawak na unan. Nakamask siya kaya hindi ko nakita kung anong itsura niya. Dagdag pa na madilim at lampshade lang ang ilaw ko. Tinakpan niya ako ng unan. Sobrang diin na halos di na ako makahinga. Hindi ko alam ang gagawin ko. Natatakot ako na baka dito niya ako patayin. "AAAAAH!!!" Nasipa ko siya kaya napaatras siya ng kaunti dahilan para makawala ako. Hinatak ko ang lamp shade sa tabi ng kama at iwinasiwas sa paligid. Hindi ko siya matamaan kasi triple yung paningin ko. Itinulak niya ako kaya ako napaupo. Tapos pumasok na si Reid sa eksena. Malaki ang hinala ko na nasundan na ako dito. "Mom, I'm not safe here anymore." sabi ko sa srili ko habang umiiyak. No, hindi iyak, hagulgol. Pumunta ako dito para taguan ang taong gustong pumatay sa akin. Pero mukhang masyado siyang magaling para makita ako hanggang dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD