Two

783 Words
Madami ng tao. Isa-isa o grupo-grupo kung dumating ang iba. May kanya-kanyang banners, posters, placards at may tarpaulin pa nga. Syempre pang support sa mga love of their lives di ba? Tulad naming apat. Iba-iba man ang bias, full-support naman kami sa buong grupo. Sa bandang likod ko, nagsisimula ng mag-ingay ang taong naka-red. Go guys! Fanbase ko yan! "Guys, punta lang ako dun." sabi ni Jess sabay turo dun sa grupo ng mga tao na naka-bright yellow na t-shirt. Yung mga yun naman ang fandom ni Chansel Kris. Kanya-kanya ng fandoms pero kahit na ganoon ay united pa rin kami as one shining shimmering EMERALDS. Ayan na! Nagsimula ng maglabasan ang members kasabay ng pagsisimula na din ng kanta. The whole time na kumakanta sila ay nakatingin lang ako kay Reid. Hindi ko alam kung bakit eh. Dati naman hindi lang ako sa kanya naka-focus kahit na siya yung pinaka-labs ko sa kanilang walo. May weird feeling talaga ngayon eh. Ayan, patapos na sila. At feeling ko matutunaw na rin si Reid sa mga titig ko. "It's everything about you!" -Reid Ginawa nila ang final pose at naghiyawan na lahat ng tao. Pero ako, nakatingin lang ako sa dalawang matang nakatingin din sa akin. Mula sa stage, ang mga mata ng taong nasa gitna ay direktang nakatingin sa akin. At ang taong yun ay si Reid. ~ Natapos na rin ang event. Syempre may picturan time pero sabi masama daw ang pakiramdam ni Reid kaya dumiretso na agad siya backstage. Sayang naman. Pero okay lang. sige, magpahinga ka lang Reid-baby. Pagtapos magpapicture ay dumiretso agad kami sa labas ng mall. Aabangan naming ung convoy nila. "Ang tagal naman nila? Dito ba sila lalabas?" Hmm. Frustrated na lahat ng fans. 30 mins na din kaya kaming nag-hihintay dito. "Guys, sa parking lot daw sa likod dumaan ang N.G" say ng isang girl na dumating na humahangos. Badtrip! Hindi pa ako nakaka-recover sa kabadtripang hatid ng fail na pag-aabang ay nakatanggap ako ng isang text. “Go home, hurry. He's calling for everyone. - Appa” Shoot. "Girls, I'm sorry. But I need to go home. HE called daw eh." nakita ko naman agad ang panic sa mga mukha nila. "Go na! Bye!" They kissed me Good-bye then shoo-ed me away. Sumakay ako ng taxi since I can't bring my car. "Manong, Blue Star Hotel, paki-bilis po." The "HE" we were talking about was my grandfather. He lives in Korea now since he and Seofy's grandfather were 'Kumpadres' sa business. It's a very rare occassion na ipatawag niya kaming lahat as a family. Pero everytime na ginagawa niya, ibig sabihin nandoon buong angkan namin. Fudge, kinakabahan ako. In 15 minutes, nasa tapat na ako ng hotel ni Lolo. Agad naman akong sinalubong ni Sheena, Chief Maid. "Ma'am, dinner in 15 minutes. Magbihis na po kayo." Napatingin ako sa suot ko. Naka-Neon Green na t-shirt ako na may nakasulat na Neon Green is ❤, denim shorts tapos Chuck Taylor shoes. Nice. Sabi ko nga magbibihis ako eh. I changed into a striped above the knee dress and raised my hair into a messy bun. Then I went to the rooftop. Pero nagulat ako pagdating ko doon. Usually ang family call ay binubuo ng BUONG ANGKAN TALAGA. Pero ngayon, ang nakita ko lang ay isang medyo malaking square na lamesa, dinner served and formally arranged at sina Mama, Papa at Lolo. "Hija, have a sit." "Good evening Hal-abeoji ( Grandfather)" "I want to discuss something with you, Odette." Gulps. ~ ~ ~ THIRD PERSON'S P.O.V Sa practice room ng grupong Neon Green ay naghahapunan ang mga tao. "Oy pre, sino yung tinititigan mo kanina?" tanong ni Vince sa tahimik na si Reid. "Wala naman akong tinititigan kanina ah?" Pagtanggi nito sabay kagat sa chicken inasal na kinakain. "Meron pre. Yung naka-Neon Green is heart. Yung nasa unahan." sabi naman ni Mike na umakto pang parang nag-iisip. Pero binatukan lang siya ni Joseph. "Mikael, halos lahat sila naka-ganung tshirt kanina." "Tsaka nagtakbuhan kaya lahat kanina sa harap. Ano ka ba?" Tumawa na lang si Reid sa ka-hyper-an ng mga ka-grupo. Pero sa isip niya kanina ay nakikita pa rin niya ang isang babaeng kinantahan niya kanina. Hindi man halata pero tuwing mapupunta sa kanya ang linya ay tinititigan niya ang babaeng ito. At sa hindi malamang dahilan ay napangiti siya ng sobrang laki, na agad namang napansin ng mga kagrupo. Tumigil sila sa paghaharutan at tinitigan ng masinsinan ang kaibigang ngumingiting parang timang. Di nag-tagal ay napansin na ito ni Reid. "Oh bakit?" "IN LOVE KA BA PRE?!!!" sabay-sabay na tanong ng pitong lalaki kasama niya sa kwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD