Six

528 Words
Yzzy'z P.O.V 1 week ago, ipinatapon ako ng mga magulang ko dito sa Swan Island dahil sa nanganganib ang buhay ko sa Manila. 1 week ago din ng malaman kong makakasama ko sa iisang bahay ang idol at pinakamamahal kong si Reid Senares na leader ng grupong Neon Green. Hay grabe, kung alam niyo lang kung gaano kahirap magtimpi at kumalma habang kausap at kasama ko si Reid. Nakakaloka! Tulad na lang nung second day namin. ~ FLASHBACK ~ Ang sarap ng tulog ko ah? Hmm. Pumasok sa bahay gamit ang doggie door si Dearest at pumunta sa akin. "Good Morning Dearest! " bati ko sa kanya. Sumampa naman siya sa kama ko at nagpa-cuddle. "Ako walang Good Morning?" napatingin ako sa nagsalita. Si Reid lang pala. Ahihi. Ngumiti ako at pumunta sa kanya. Pinisil ko ang pisngi niya at niyakap siya ng mahigpit. Ang bango bango talaga ni Reid ko. "Eto naman tampo agad. Hahaha. Goodmorning Hubby Reid! " sabi ko with my very beautiful smile. Pero bakit ganoon yung mukha niya? Ang weird ng itsura niya ngayon ah? "Ah... Yzzy..." "Hmm?" Oh gosh. "SORRY!" naitulak ko siya ng malakas pero ako yung muntik ng matumba dahil natapakan ko yung laruan ni Dearest. Pero bago ako tuluyang bumagsak ay may humatak sa akin tsaka ako bumagsak sa isang firm na bagay. Nang buksan ko ang mata ko ay nakita ko ang mukha ni Reid. Oh gosh talaga. Nasa ibabaw niya ako. Feeling ko nagtransform ako sa isang kamatis! ~ END OF FLASHBACK ~ Nakakahiya talaga yun! After nun hindi ko na siya pinansin buong araw. Sinusubukan niya akong kausapin pero ang awkward talaga eh. "Yzzy, tingnan mo 'to, bilis!" tawag sa akin ni Reid. Nga pala, naglalakbay kami ngayon. Bored na daw siya eh. Wala din namang magawa sa bahay kaya sige lang. At eto kami ngayon, nasa gitna ng gubat. "WOAH! Ang ganda!" Nakakita si Reid ng isang parang spring! Galing yung tubig sa gitna nung mataas na bato tapos pababa sa isang pool. Ang ganda talaga. "Mag-wish tayo." "Bakit?" tanong ko sa kanya habang siya naman naghahanap ng barya. "Wala lang. Malay mo wishing spring pala 'to di ba?" "Sige!" Binigyan niya ako ng piso tapos yung kanya naman limang piso. "Ba't lima yung sayo, yung akin piso lang?" reklamo ko. "Eh wala ng iba eh. Pwede na yan!" psh. Fine. Tumalikod na kami at nagsimulang mag-wish. After ng ilang segundo ay tinapon ko yung piso ko. Nang buksan ko ang mata ko ay tapos na rin si Reid. Ngumiti siya sa akin at nagtanong. "Anong wish mo?" "Secret! ?" "Daya! Damot mo." "Eh ikaw, anong wish mo?" "Magkagusto sayo...." "Ha?" "Wala. Secret din yun noh!" tapos naglakad na siya palayo. Problema nun? Ang wish ko sana... Magkagusto din sa akin si Reid. Kahit hindi malalim, basta magustuhan din niya ako. Ang ilusyunada ko na ba? Hahaha. Bahala na. Isang nakakatakot na dahilan ang dulo kung bakit ako nandito sa lugar na to. Isang himala naman na kasama ko si Reid dito sa kahon na dapat ay pinagtataguan ko. Kaya susulitin ko na din no. It's a wishful thinking but it's not wrong, is it?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD