Chapter 57 SHARINA “Ay puting kalabaw!” malakas na sigaw sa gulat ng lagyan ni Skylar ang tenga ko ng feather ng manok. Kasama niya si Mama na may dalang merienda naming tatlo. “Nagulat kaba Mommy?” tanong ng anak ko. Niyakap niya ako at hinalikan ganito ang ginagawa ng anak ko pag naglalambing siya sa akin. “Medyo anak. Ang kulit kulit mo kasi, nasigaw tuloy ko tuloy ang puting kalabaw.” Sabi ko sa anak ko. “Mommy gusto kung makita ng puting kalabaw at kalabaw na itim.” Nagkatinginan kami ni Mama at tumawa si Mama. “Anak dito sa Manila ay walang kalabaw dito bakit naisip mo na gusto mong makita ng kalabaw?” tanong ko sa anak ko. “Gusto ko lang mommy. Saan po tayong makakita ng kalabaw Mommy?” Nag isip ako kung saan ba. “Hmmm sa Manila Zoo.” Sagot ko. "Yehey mag Manila Zoo ulit k

