Chapter 56 SHARINA FLASHBACK CONTINUES… Ang tatlong pregnancy test na binili ko ay pareho ang resulta na may dalawang guhit na pula. Buntis ako buntis positive na na nagdadalang tao ako. Hinawakan ko ang maliit na tiyan nakangiti ako habang hinaplos ko ang ang tiyan ko. Nilagay ko sa bag ko ang tatlong pregnancy test. Gustong-gusto kong sasabihin kay Rafael na buntis ako ay hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya na nagdadalang tao. Kanina ay maagang umalis si Billy dahil marami siyang trabaho hindi niya raw natapos gawin kahapon. Kanina nagtataka siya bakit ang tahimik ko habang kumakain kami ng almusal Kung hindi siguro siya nagmamadali ay hindi niya ako tantanan. Kinuha ko ang phone ko at dinayal ko ang number ni Ate pero hindi ko tinuloy idayal ang number ni ate. Natatako

