Chapter 59 RAFAEL Pagsapit ng gabi ay tahimik kaming kumakain ng hapunan. Habang kumakain si Antonia ay ay nakatingin ako sa kanya ng lihim. Ang kanyang kilos ay tila nagbago rin magkaibang-magkaiba na sa dati. “Hindi mo ba nagustuhan ang ulam?” bahagya na tanong sa akin ni Antonia. “Masarap, I like it. Saad ko, nginitian niya ako. “Pasensya kana hijo hindi kasi namin alam kung ano ang ang lutuin namin sayo ng apo ko.” Saad ni Lola Sonya sa akin. “Okay lang po sa akin Lola. Dahil pinagluluto rin ako dati ni Antonia ng lutong probinsya.” Sagot ko nagkatinginan kami ni Antonia parang nagulat ang kanyang reaksyon sa sinabi ko. Muli kung sinubo ang kalderetang kambing. Maraming mga tanong sa akin si Lola Sonya at tahimik lang si Antonia na na nakikinig sa usapan naming dalawa ng kany

