Chapter 33 SHARINA Sinandal ko ang ulo sa matigas na balikat ni Rafael ramdam ko ang malim niyang paghinga. “Saan ang Mommy mo?” bahagya na tanong ko sa kanya gusto ko lang kasi malaman. Hinawakan niya ang kamay ko bago siya nagsalita. “Bata pa ako nakipaghiwalay siya kay Daddy. Ang dahilan niya hindi siya safe sa siguridad ng buhay niya kasama si Daddy. My father is a Mafia. Sa'yo ko lang ito sasabihin sweetheart dahil malaki ang tiwala ko sa'yo isa pa tama ang sinabi mo na kailangan natin lubos na makilala ang isa't-isa sa atin.” Seryosong sabi ni Rafael. Inangat ko ang mukha ko sa kanya at tinitigan ko siya. “Kung may may kinikimkim ka ng sama ng loob handa akong makinig sa'yo at abot ng makakaya ko ay gagawin ko para sa'yo.” Nginitian niya ako hinawi niya ang buhok na nilalaro ng

