Chapter 32 SHARINA “Daddy Sharina Valdez my girlfriend, sweetheart ang aking ama si Raymond Cortez,” pakilala sa amin ni Rafael. Lalong hindi ako mapakali at uminit ang magkabilang pisngi ng tawagin ako ni Rafael sa harapan ng kanyang ama na sweetheart. Instead na naki-pagkamay ako ay tinaas ni Don Raymond ang kanyang kamay para magmano ako sa kanya. “Magandang hapon po Don Raymond.” Magalang na bati ko sa ama ni Rafael. “Magandang hapon hija.” Saad niya sa akin. Nakaramdam ako ng saya sa puso at may kasamang lungkot din ako na nararamdaman ng magmano ako sa ama ni Rafael. Pinigilan ko ang luha ko na hindi tumulo sa gilid ng mga mata ko. Kung buhay sana si Papa hanggang ngayon ay siguro ay ganito rin ang gagawin namin ni Ate Cynthia. “Kaya pala napansin ko sa anak ko na may kakaib

