Chapter 2
SHARINA
Hindi rin rin sila nagtagal sa aming pwesto. Dahil may isang babaeng tumawag sa kanila. Ang mata ko ay hindi ko inalis sa kanya.
"Sharina anak aalis muna ako may nakalimutan ako sa bahay." Sabi sa akin ni Mama.
"Sige kami na po ni ate ang bahala rito."
"Galingan n'yo baka tayo ang palarin ng 100k. Malaking tulong yan para sa atin." Sabi ni Mama sa amin ni Ate Cynthia.
Ilang sandali ay lalong dumadami ang mga tao. Naging maingay ang paligid sa dami ng tao. Hindi ko na rin nakita ang mga bilyonaryo na bisita ni Mayor. Siguro ay umuwi na sila or nag-ikot ikot sila sa dito sa bayan namin.
"Sharina kumusta ang tinda n'yo?" tanong ni Vina sa akin.
"Ayos paubos na rin kayo kumusta ang mga paninda mo?" nakangiting tanong ko sa kaibigan ko.
"Okay naman malapit na rin maubos. Sino kaya ang mananalo ng 100k pesos?" tanong ko.
"Yan din ang pinag-uusapan namin kanina sino ang papalarin ng 100k. Pero sa totoo lang kung isa mga bachelor ang ma-jaxlckpatan natin naku magpa-party talaga ako ng bongga to the max dito sa barangay natin. Tulad ng party in the Las Vegas yung hindi natin nararanasan dito sa bayan natin." Masayang sabi sa akin ni Vina.
Laking probinsya kasi kami. Kahit probinsyana na kami ay nakikisabay din kami sa uso tulad ng mga trending sa social media na nakikita namin. Kaya hindi rin kami masasabihan ng taga city na ignorante kami.
''Ano,Vina, Sabrina at Cynthia mamayang gabi may beauty contest nagpalista na ba kayong tatlo sayang ang ganda n'yo baka kayo ang manalo ng 50k. Bonggang bongga ang piyesta natin dahil balita ko ang mga bisita ni Mayor ang magbibigay reward. Marami silang binigay na tulong at nagbigay din sila ng scholarship. Yamanin as in sana all may dollars!" balita sa amin ni Gab.
Nagkatinginan kaming tatlo si ate ay wala siyang balak na sumali. Pero kami ni Vina ay hindi kami magpapahuli pera is life. Nag-apir kami ni Vina at hinila ko naman ang kamay ni Gab para samahan kami kung saan mag palista ng pangalan para sa beauty contest.
"I'm sorry girls, completed na ang nasa list 50 head lang ang kailangan." Sabi ni ma'am Dolores elementary teacher siya.
"Sayang naman teacher. Wala bang balak na mag blackout?" Biro ni Vina.
"Wala e, hindi lang kayong dalawa ang nahuli marami. Try next time." Hanggang sa nagpaalam na kami ni Vina.
"Sige baka hinahanap na ako ni Nanay hindi yata pang barangay ang beauty natin."
"Pang Miss Universe or World ba ang beauty natin." Tinawanan ako ni Gab.
"Pwedeng-pwede," sabi ni Gab at iniwan na kami ni Vina.
"Sharina!" napalingon kung sino ang tumawag sa akin dahil familiar ang boses niya si Billy ang isa kung bakla na kaibigan na sa Maynila nagtatrabaho.
"Billy," sambit ko. Niyakap niya ako almost mahigit isang taon din kami hindi nagkita.
"Kumusta kana, single pa rin hanggang ngayon?"
"Grabi, yan talaga ang una mong itatanong sa akin kung single ako." Ngumuso ako na parang bata.
"Aba syempre girl, remember ko noong 18 years ka lang nagka-jowa then after heartbreak n'yo hindi ko na narinig na nagka-jowa ka. 22 years old fresh na single." Sabi sa akin ni Billy. Kahit kailan ang laging pinoproblema ang relationship ko.
"Change topic, biglaan yata ang uwi mo hindi mo man lang kami ini-inform." Sabi ni Gab.
"Surprised," masayang sabi sa amin ni Billy.
Nang tawagin ako ni Ate ay nagpaalam muna ako sa kanila. May time pa naman kami sa chikhan. Inutusan ako ni ate na iligpit ang ibang gamit. Nilagay ko sa basket ang empty plates at si ate sinalubong si Mama na may bitbit na basket na may mga bulaklak. Galing siguro si Mama sa maliit na flower shop namin.
Napansin ko gustong-gusto ni Mama na kami ang manalo malaking points din kasi kung sino ang unang naubos ang paninda. Extra points din kapag may additional na paninda sa ibabaw ng mesa. May ilang judges ang umikot-ikot para echeck ang tent ng bawat isa.
Mamayang gabi malalaman kung sino ang mananalo. Si ate ay tahimik na nakaupo siniko ko siya dahil mukhang nasa Mars na ang narating ng utak niya.
"Ate, may problema ba?" umiling siya pagod lang.
Niyakap ko siya at Hinalikan ko ang makinis niyang pisngi. Hindi lang magkapatid ni ate kundi friend, best friend at enemy din minsan.
"I love you bunso." mas hinigpitan ko ang pagyakap sa ate ko.
"I love you more, ate ko."
Mabilis lumipas ang mga oras nandito kami ngayon sa gym. Lahat ay excited kung sino ang mananalo ng 100k. Excited din kung sino rin ang mananalo sa beauty contest.
Nanghinayang din kami ni Vina dahil hindi kami nakasali. Pero babawi kami next time siguraduhin namin na kami ang nangunguna sa list.
Tiningnan ko ang mga judges wala roon ang lalaking hinahanap ko mula kaninang umaga. Nasaan kaya siya dahil iba niyang kaibigan nasa harapan ng stage na nakaupo at judge ang iba. Excited din ako bukas dahil magalaro sila football.
"May hinahanap ka ba?" tanong sa akin ni Billy.
"Wala, tinitingnan ko lang ang mga billionaire na galing Maynila na bisita ni Mayor." Saad ko.
Nasa tabi ko naman si Vina at si Gab siguro ay kasama ang pinsan na sumali sa beauty pageant.
"Ang pangarap mo girl parang hindi pa rin nabubura sa ispan mo?" bahagyang tanong sa akin ni Billy.
"Oo, soon as possible ay magbabago rin ang buhay namin. Alam mo naman abot langit ang pangarap ko, kahit sa panaginip lang minsan nangyayari sa akin ang saya ko dahil iniisip ko once na makapag asawa ako ng billionaire mabibili ko lahat ng gusto ko. Maging buhay princess ako magkaroon ako ng Brand New car luxury apartment. Si Mommy at ate ay matutulungan ko rin sila lalo na si Mommy." Confident na sagot ko.
"Your dream come true girl kung isa sa kanila ang makuha mo." Tinuro ni Vina ang kinaroroonan ng mga binata na billionaire.
"Malay mo ba Vina na mga taken ang mga yan. Mga Manila boy yan sila sa daming maganda at kapareho nilang estado ng buhay Manila. Iba na lang pangarapin n'yo. Hindi ko matatanggap na isa sa inyo paiiyakin ng mga yan baka makalimutan ko na bakla kung lolokohin kayo."
"Overthink ka naman darling libre ang mangarap." Saad ko. Sumang-ayon naman si Vina sa sinabi ko kay Billy.
"Look OMG!" sigaw ni Vina ng makita niyang tumayo ang isa mga gwapong billionaire. Kilig na kilig siya kahit si Billy ay kinikilig ng makita ang kaakit-akit na mukha ng binata tila ako ang hindi kinikilig.
"Sharina saan lupalop ka ba ng mundo bakit ang tahimik mo? Hindi ka ba kinikilig?" tanong ni Billy sa akin.
"Parang pera ang mas nagpapakilig sa akin," sabi ko hinampas niya ang braso ko.
"One day matutupad din ang nasa isip mo. Tutulungan kita hanapan ng 4M."
"4 million piso?" tila kumislap ang mata ko sa sinabi ni Billy na 4M."
"In your dream girl. Matandang Mayaman Madaling Mamatay iyon ang kahulugan ng 4M."
"Loko ka!"
"Afam ang kailangan ni Sharina!" malakas na sabi ni Vina. Napalingon ang katabi ng upuan namin.
"Psss, tatawagin na sino ang winner." Saway ng babae sa amin tumahimik naman kami.
Excited din akong malaman kung sino ang mananalo sana si Mama para maplitan ang pagod niya kanina. Nag-effort pa naman si Mama. Isa sa dahilan gusto kong yumaman dahil gusto ko tulungan at maibigay ko ang mga kailangan ni Mama.
Ilang sandali ay tinawag na sino-sino ang mga nanalo. 5th place si Mama nakatanggap siya ng 25k not bad at least hindi kami uwian natalo malaking tulong din kay Mama ang pinalunan niya.
Nang nasa bahay na kami ay alas dyes na kami nakauwi. Kitang-kita ko ang ngiti sa mga mata ni Mama. Sinabihan niya kami ni ate na mag-shopping kami bukas.
"Ma, itabi mo na lang ang pera. Huwag mo kaming intindihin." Sabi ni ate.
"Tama si ate mama." Hanggang sa niyakap kami ni Mama at isa-isa kami niyang hinalikan.
Nagulat kami ng biglang bumagsak ang malakas na ulan. Malakas ang hangin sa labas sabayan pa ng malakas kulog at kidlat. Hindi naman sinabi sa balita na may bagyo na darating.
"Ang flowers shop natin!" sabi ni Mama kinakabahan ang boses.
Nagkatinginan kami ni Ate dahil baka tamaan ng malakas na hangin ang flower shop namin. Nilingon ko si Mama natatakot siya na baka masira ng malakas na hangin ang flower shop. Gustuhin man namin ni ate na lumabas para tingnan ang flowers shop ay hindi namin magawa dahil sa lakas ng ulan. Baka kami ni ate ang tangayin ng malakas na hangin at ulan.
Lalong lumalakas ang hangin at ulan. Wala rin kaming magawa kundi hintayin tumigil ang malakas na ulan. Pinapasok na ni ate si Mama sa kwarto para makapag pahinga rin sya dahil almost 12 na ay hindi pa kami natutulog.
Kinabukasan ay paggising ko ay nagmamadali akong bumangon. Pumasok agad ako sa banyo naghilamos ako ng malamig na tubig.
"Sharina, Sharina!" narinig ko na tawag ni ate sa pangalan ko.
"Ate nasa banyo ako," sabi ko pinunasan ko ang mukha ng tuwalya.
Pagbukas ko ng pinto ay si ate ang bumungad sa akin sa labas ng pintuan. Suot niya ang kanyang hoodie na kulay pink.
"Hindi ka ba papasok ngayon ate?" tanong ko.
"Hindi Sharina masakit ang tiyan ko at parang lalagnatin ako." Saad sa akin ni ate.
"That's good sa bahay ka na lang muna ngayon tawagan mo na lang ang boss mo. Isa pq kailangan kong puntahan ang flowers shop ni Mama sana hindi tinamaan ng malakas na hangin kagabi."
"Kung hindi lang masama ang pakiramdam ko ay sinamahan na kita."
"Ayos lang ate, kaya ko naman si gising na ba siya?"
"Hindi ko alam," saad ni ate.
Pinuntahan ko si Mama sa silid niya. Pagbukas ko ng pinto ay maayos na ang kanyang kama. Pumasok ako sa loob pero wala si Mama.
"Ate, umalis ba si Mama, wala siya sa kwarto niya?" tanong ko kay ate.
Mabilis na a dinayal ni ate ang number ni Mama. Narinig kong nag-ring sa loob ng kusina. Pumasok ako iniwan ni Mama ang kanyang phone.
"Ate, baka si Mama nasa flower shop na siya."
Nagmamadali akong nagpalit ng damit at sinuot ko ang gray na rubber shoes ko. Hanggang sa nagpaalam ako kay ate. Paglabas ko ng bahay ay madilim ang po paligid tila babagsak ulit ang malakas na ulan.
Tumakbo ako papunta sa flowers shop namin. Hindi pa ako nakarating ay bumagsak na ang malakas na ulan sa lakas ng hangin ay muntik na akong matangay. Nakita kong bumagsak ang isang poste ng kuryente. Nilakasan ko ang sarili ko nakasalubong ko si Manong Tio.
"Sharina anong ginagawa mo sa labas?"
"Pupunta po ako sa flowershop namin Manong nandoon kasi si Mama." Sabi ko.
"Saharina pinuntahan ko sana kayo dahil nakita ko ang flowershop n'yo tinamaan ng malakas na hangin ang Mama umiiyak." Sabi sa akin ni Alfie.
Tumakbo ako at hindi ko kasama ko si Alfie at Manong Tio. Pagdating ko ng Flowershop ay walang natira sa mga paninda ni Mama ang bubong at dingding ay tinangay lahat ng hangin. Nasa lupa si Mama na nakaluhod na umiiyak.
"Mama," tawag ko kay Mama.
"Anak nawala na ang flower shop natin."
Niyakap ko si Mama hindi ko na pigilan ang sarili ko na hindi umiyak dahil ito lang pinagkakakitaan ni Mama. Hindi ko alam kung paano namin maibalik ang flowers shop namin. Dahil malaking halaga rin ang kailangan.
Sa lakas ng hangin at ulan ay hindi namin nararamdaman ni Mama. Kung hindi pa kami sinabihan ni Manong Tio at Alfie na tumayo ay nawala sa isip ko ang malakas na ulan.
"Saan tayo ngayon kukuha ng pera anak? Paano tayo ngayon. Hindi natin pwedeng iasa lahat sa ate mo ang mga pangangailangan natin." Sabi ni Mama.
"Huwag po tayo ma mawalan ng pag-asa. May awa ang panginoon sa atin."Sabi ko.
"Kailangan natin umalis dito Shereen dahil lalong lumalakas ang hangin at ulan. Bukas na nyo ng isipin ang flowers shop. Baka magkasakit pa kayo mahalaga ang kalusugan."
"Tama si Manong ma, umuwi muna tayo." Sabi ko at inalayanan ni Alfie at Manong si Mama.