Chapter 3
SHARINA
ONE WEEK LATER…
Isang Linggo na ang lumipas. Araw-araw na lang si Mama pabalik-balik sa maliit na flower shop namin umaasa pa rin siya na babalik sa dati ang flowershop namin. Pero kailangan namin ng malaking halaga sa ngayon ay saan kami kukuha ng pera hindi naman malaki ang naipon ni Mama Ang naipon naipon naman ni ate ay nagamirlt namin sa pagpaayos ng bahay namin. Everytime na nakikita si mama na nalulungkot ay nalulungkot din ako.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya matanggap na nawala sa amin ang flowers shop namin isa pa at hanggang ngayon ay hindi pa rin namin napaayosbm ang bubong namin sa kusina dahil hindi nagkakasya ang pera ni ate. Minsan napapansin ko si ate ay malungkot at minsan ay tahimik lang si ate.
Marami din nasalanta ng malakas na ulan at hangin dito sa province namin sa Davao. Nakakaawa rin ang mga magsasaka dahil tinangay ng malakas na ulan ang mga pananim nila na palay at mais.
"Sharina ang Mama mo na saan siya?" malakas na sigaw ni Aling Lumen.
"Nasa loob po siya aling Lumen."
"Pina-patawag ni Kapitan at Mayor ang mga nasalanta ng bagyo ang pangkabuhayan nila magbibigay daw sila ng ayuda ng tag 25k." Sabi ni Aling Lumen.
Nang marinig ni Mama ang malakas na boses ni Aling Lumen.
Nang sabihin ni Aling Lumen ang pakay niya ay mabilis silang dalawa na umalis. Sasama sana ako ay hindi na ako pinasama ni Mama.
"Sharina," Si Vina naman ang dumating.
"Bakit parang hinahabol ka ng aso anong meron?" tanong ko.
"Sharina hindi ba gusto mong maghanap ng trabaho? Alam mo ba ang isa sa restaurant ng asawa ni Mayor naghahanap sila ng limang waitress pinalista ko ang pangalan nating dalawa."
"Talaga, salamat Vina malaking tulong din yan sa atin. Kailan daw pwede tayong mag-umpisa magtrabaho?" tanong ko.
"Bukas tatawagan nila tayo doon pa natin malalaman."
"Sana matanggap tayo," sabi ko.
Huwag tayong mawalan ng pag-asa sure na matatanggap tayo."
"Sana nga Vina kung hindi ay luluwas na ako ng Maynila. Malaki raw ang sahod sa Mall na pinagtatrabahuhan ni Billy."
"Ako rin Sharina baka tanggapin ko rin ang alok ni Tiya namamasukan na kasambahay sa mansion na pinagtatrabahuhan din niya sa Manila. Mabait daw ang mga amo niya. Kilalang pamilya daw amo ni Tiya."
"Sigurado na malaking sahod doon. Baka may bakante handa rin akong mamasukan malay natin na bachelor na billionaire ang anak ng amo ng tita mo sa Manila baka maging buhay natin tulad ng mga nobela na nababasa ko." Sabi ko at tinawanan ako ni Vina.
"Girl, parang opposite na yata dati ako ang nagde-day dreaming sa mga billionaire ngayon ikaw na rin." Sabi sa akin ni Vina.
"Nagbago na ang ihip ng hangin mula ng tinangay ng tinamaan ng hangin ang flowers shop namin ay tinamaan naman ng dollar ang pag iisip ko." Saad ko.
Ilang sandali ay umalis din si Vina. Ako naman ay pumasok ako sa loob ng bahay namin. Binuksan ko ang TV at umupo ako balita agad ang nabungaran ng mata ko sa TV. May kailangan daw maghanda ang mga nabanggit na lugar dito sa Mindanao kasama ang lugar namin dahil may bagyong Marites na darating.
Sana hindi malakas ang bagyong Marites. Hindi pa namin naayos sariling pangkabuhayan namin ay may bagyo na naman na darating. Narinig ko na bumukas ang pintuan paglingon ko ay si ate ang dumating.
"Ate bakit napaaga ang uwi mo?" tanong ko.
"Sharina, wala na akong trabaho," naiiyak na sabi ni ate sa akin.
"Anong nangyari ate?" tanong ko kay ate pinaupo ko siya. Nagmamadali akong kumuha ng tubig sa kusina namin.
Binigay ko kay ateb ang basong tubig para inumin niya at tinanong ko siya ulit kung ano ang dahilan bakit bigla siyang nawalan ng trabaho. Magsasalita sana si Ate nakita namin na pumasok si Mama. Masaya ang mukha ni Mama makikita sa kilos ni Mama na may maganda siyang balita para sa amin.
"Anak ang aga mo ngayon?" nagtataka rin si Mama bakit naka,-uwi ng maaga si Ate. Nagkatinginan kami ni Ate.
"Ma, kumusta naman ang lakad mo sa barangay?" nakangiting tanong ko pero ang mata ni Mama qy kay ate.
"Cynthia anak may problema ka ba? Bakit ganyan ang mukha mo? Umiiyak ka ba anak?" tanong ni Mama kay Ate.
"Mama," sambit ni ate at niyakap niya si Mama.
"Anak bakit ka umiiyak?" nakatingin sa akin si Mama nagtatanong ang mga mata ni Mama sa akin.
Nang sabihin ni Ate kay Mama na wala na siyang trabaho ay lalong lumakas ang hikbi ni ate. Kahit sinabihan na siya ni Mama na huwag siyang mag-alala dahil magsisimula ulit kami ay umiiyak pa rin si ate hanggang sa nagyakapan kaming tatlo.
"Don't lose hope mga anak, alam ko na darating din ang araw na makamit n'yo ang pangarap n'yo sa buhay. Pagsubok lang ito para sa atin, makakaraos din tayo at babalik din sa atin ang mga bagay na nawala sa atin." Sabi sa amin ni Mama at isa-isa niya kaming hinalikan sa pisngi ni ate.
"Hayaan n'yo feeling ko darating din ang panahon na lahat ng hindi natin na naranasan sa ating buhay soon as possible ay maranasan natin. Hindi ba ate pangarap mo na magkaroon ng sasakyan bibilhin ko sa'yo ang dream car mo. Si Mama naman lahat ng hiling ni Mama ay maibigay ko rin." Sabi ko.
"To the moon na yata ang pangarap mo Rina." Sabi ni ate. Kanina para kaming nasa lamay ngayon ay daig pa namin na nanalo sa Lotto ng marinig nila ang pangarap ko.
Kinabukasan ay magkasama kami ni Vina sa maliit na sala nila. Naghihintay kami ng tawag mula sa restaurant hanggang sa may message na dumating sa amin ni Vina na hindi kami ang napili. Tumawa lang kami ni Vina. Dahil hindi talaga para sa amin ang trabaho na'yun.
"Anak, pumayag ka na kasi sa gusto ng tiya mo na mgstrabo kasama siya sa mansion ng pamilyang Guillermo. Baka may bakante pwede mong kunin si Sharina. Imagine mo anak 45k ang sahod mo. Huwag mo kaming isipin ng Tatay mo rito kaya namin ang sarili naming dalawa." Parang nag hugis dollar ang mata ko ng marinig ko ang sahod. Siniko ko si Vina.
"Girl ang sahod, go ka na mataas pa sa teacher ang sahod mo!" madiin na sabi ko kay Vina.
"Pag-iisipan ko pa." Sagot sa akin ng kaibigan ko.
Limang araw ang lumipas ay tinawagan ako ni Billy kung nakapag desisyon na ako kung luluwas na ba ako ng Maynila.
"Billy, tatawagan kita pero palagay ko ay pupunta na ako d'yan dahil kailangan ko na talaga ang trabaho sa ngayon." Sabi ko.
"Anytime huwag kang mag-alala at wag mo rin isipin ang ticket mo dahil ako na ang bahala." Sabi sa akin ni Billy.
Nang matapos na kami mag-usap ni Billy ay narinig ko si ate na nagsusuka sa loob ng banyo. Malaking hakbang ang ginawa ko. Hanggang sa kinatok ko ang pintuan.
"Ate, ate buksan mo ang pinto anong nangyayari sayo?" tanong ko.
Nang buksan ni ate ang pinto ay nakita ko si ate na nakaupo sa sahig at naliligo ng pawis at Maputla ang kanyang mukha at wala ng dugo ang mapula niyang labi.
"Sharina hindi ko na kaya, sa sobrang sakit na," naiiyak na sabi sa akin ni Ate. Tumayo ako para kumuha ng tuwalya.
Nang makita ang sink ay may dugo ito. Nilingon ko si ate na nahihirapan huminga hanggang sa nawalan na siya ng malay. Napasigaw ako ng malakas at nanginginig ako sa takot.
"Mama, mama!" malakas na tawag ko kay Mama.
"Anong nangyayari?" tanong ni Mama ng makita niya si ate ay natulala si Mama.
"Mama, tingnan mo si Ate tatawag ako ng makatulong sa atin. Lumabas ako ng bahay paglabas ko ay may dumaan na tricycle.
"Para po Kuya, tulungan n'yo po kami!" malakas na sigaw ko pati ang mga kapitbahay namin ay nagulat sa sigaw ko.
"Sharina anong meron?" tanong nila sa akin.
"Si ate," sabi ko.
Hanggang sa niyaya ko ang tricycle driver na pumasok sa loob. Nang makita niya si ate na walang malay ay binuhat niya itong palabas ng bahay at sinakay na namin sa tricycle si ate. Pareho kami ni Mama na umiiyak at natatakot.
Nang nasa Province hospital na kami pinasok agad sa emergency room si ate. Nanghihina si Mama at walang tigil ang iyak namin.
"Bakit ganito na lang lagi ang nangyayari sa buhay natin? Wala naman tayong ginawa na masama." Sabi ni Mama. Hinawakan ko sa kamay si Mama na umiiyak. Nang Makita namin na lumabas ang ang doktor sabay kaming tumayo ni Mama.
"Kamusta ang anak ko dok?" tanong ni Mama sa doktor.
"Gising na siya ngayon, naubusan ng tubig ang katawan niya. May sakit sa puso ang anak n'yo. Kailangan po natin siya ma x-ray." Sabi ng doktor tumango si Mama. Pagkalipas ng ilang oras ay nakita namin si ate.
"Anak bakit mo inilihim na may sakit ka sa puso?" umiiyak si Mama at ate.
"I'm sorry Mama dahil ayaw ko na pong dagdagan ang problema natin."
"Anak mali ang ginagawa mo mas mahalaga ang kalusugan." Hinaplos ni Mama ang pisngi ni Ate. Ilang sandali ay pumasok na ang doktora.
"Ma'am Valdez gusto kitang kausapin." Sabi ng doktor kay Mama.
Lumabas si Mama kasama ang doctor, nagpaalam ako saglit kay ate para sundan ko sila Mama. Nang nasa loob na kami ng opisina ng doctor ay umupo ako sa tabi ni Mama.
"May ugat malapit sa puso ng anak niyo Mrs. Valdez kailangan sa madaling panahon at mas surgery ang anak n'yo." Malungkot na boses ng doctor.
Lalong nanghina si Mama sa narinig niya. Kahit ako ay naguguluhan hindi ko alam ang gagawin. Surgery sigurado na malaking halaga ng pera ang kailangan namin.
"Kailangan malipat natin siya sa private hospital kung nakahanda na kayo ipa-surgery ay dalhin n'yo agad siya sa hospital at may kalakihan din po ang kailangan. Heto ang mga gamot na dapat na mamentain niya araw-araw hangga't hindi pa siya na surgery." Inabot ni doctor ang reseta.
Ilang sandali ay lumabas ako, pinuntahan namin ni Mama si ate. Nadatnan namin si ate na nakatulog na basa ang gilid ng kanyang mga mata.
"Mama sa pharmacy muna ako para mabili ang mga gamot ni ate." Tumango si mama.
Nang nasa pharmacy na ako at tinanong ko kung magkano ang mga gamot na nasa reseta.
Nagulat ako ng sabihin ng babae nasa 17k lahat. Gamot pa lang ni ate ay sobrang laki ng halaga. I don't have a choice kundi kausapin ko ang kaibigan sa Maynila. Dinayal ko ang number ni Billy.
"Hello Billy handa na akong luluwas ng Maynila." Sinabi ko kay Billy ang kalagayan ni ate.
"Sabihin mo kailan mo gusto para mapa-booking kita ng ticket. Pag dito ka na free ang lahat sa'yo bahay, tubig at kuryente." Sabi ni Billy sa akin.
"Kapag makalabas na si ate pupunta na ako d'yan. Billy baka pwede makahiram muna ng pera sa'yo." Sabi ko.
"Oo naman sabihin mo magkano dahil pag nandito kana ay sure na mababayaran mo rin ako agad baka double pa. Biro lang!"
"30k Billy," saad ko.
"Sige mamaya pag break time ko sa work ipapadala ko sa pangalan mo."
"Maraming salamat Billy."
Hanggang sa pinatay na namin ang linya. Tila na curious ako sa kakaibang sinabi ni Billy sa akin. Ang mahalaga sa akin ngayon at pera.