Chapter 4
SHARINA
ONE WEEK LATER…
“Mama, huwag po kayong mag-alala kaya ko ang sarili ko at isa pa matanda na ako. Kailangan ko itong gawin para sa atin, alam mo naman ang kalagayan ni ate mama.” Niyakap ko si Mama. Hindi kasi siya sang-ayon na luluwas ako ng Maynila.
Nilapitan ko si ate na walang tigil ang buhos ng mga luha niya. Bumuntong hininga ako at nginitian si ate na umiiyak. Hanggang sa bigla akong niyakap ni ate.
“Ate naman parang sa hindi na man ako babalik at sa ibang bansa ang tunog ko e sa Manila lang naman,” sabi ko kay ate.
"Hindi kasi ako sanay na malayo ka sa amin ni Mama,” malungkot na boses ni ate.
"Ate kailangan natin sanayin ang sarili natin ginagawa ko ito para sa inyo ni Mama at para din sa akin. Please ate tama na ang kakaiyak lalong namumugto ang mata mo papangit ka niyan. Pangako ko kapag maging stable na ang work ko doon kukunin ko kayo ni Mama at sa Manila din kita ipagamot.” Niyakap ko si ate at pinunasan ko ang mga luha niya sa kanyang pisngi.
“Anak kunin mo ito itago mo incase na nagigipit ka sa Maynila may masanla ka.”
Inabot sa akin ni Mama ang bracelet niya regalo pa ito sa kanya ni Papa noong dalaga pa si Mama. Umiling-iling ako.
“Mama, regalo ito sayo ni Papa isa ito sa mga magandang alaala na iniwan sa'yo ni papa. Huwag po kayong mag-alala Mama hindi ako pababayaan ni Billy, once a month uuwi po ako dito.” Sabi ko kay Mama at hindi ko kinuha ang bracelet kay Mama.”
Ang kaibigan ko na si Vina ay parang hindi na kami magkikita halos paliguan na niya ako ng halik.
“Tawagan mo kami baka nandoon ka na hindi kami makakalimutan mo ako at may makilala kang bagong kaibigan.”
“Vina yan ka na naman ang hilig mo talaga na mag overthinking.” Biro ko as usual nayakapan din kami.
Hanggang sa nagpaalam na ako para pumasok na ako sa loob ng airport dito sa Davao.
“Ate ang mga habilin sayo ng doktor huwag mong kakalimutan mga gamot mo. Matulog ka rin ng maaga bawal magpuyat.” Para akong Nanay na sinesermunan ko si ate.
‘‘Opo Mommy,” finally nakangiti ko rin sa akin.
Alam ko na nalulungkot si ate sa kanyang nararamdaman ngayon dagdag pa ang paglayo ko sa kanila ni Mama. Hanggang sa nagpaalam na ako sa kanilang lahat pinipigilan ko na hindi umiyak sa harapan nilang lahat. Gusto ko makita nila Mama na matapang ako at matatag kahit pakiramdam ko ngayon nadudurog ang puso ko na lumayo sa kanila.
This is the first time na malayo ako sa kanila higit sa lahat ito rin ang kauna-unahan na lumuwas ng Maynila tanging sa TV or sa social media ko nakita ang Manila. Hindi na ako lumingon dere-diretso akong pumasok dahil kahit anong pigil ko sa luha ko ay pumatak talaga sa pisngi ko.
“Sorry," sambit ng matangkad na lalaki nagmamadali kasi siya hindi niya ako nakita nabangga niya ako.
“Okay ok lang po,” magalang na saad ko.
Tanging likod lang niya ang nakita ko sa kanya. Nakita ko na may kumuha sa four wheels niyang luggage. Nahiya tuloy ang maleta ko walang wala sa LV niya suitcases niya. I shook my natatawa ako ng walang dahilan paano kasi hanggang sa panaginip ko lang na magkaroon ng mamahalin na gamit tulad ng LV na nakita ko ngayon.
Ilang sandali ay ay natapos din ako na mag check in. Tinungo ko ang waiting area maraming tao at walang bakante na upuan. Sa sahig na ako umupo tulad ng iba kinuha ko ang phone ko. May message na si Mama at ate ganun din si Vina.
Dinayal ko ang number ni Mama sinabi ko na nasa waiting area na ako after 35 minutes ay papasok na ako sa eroplano. Pagkatapos naming mag usap nila Mama ay tinawagan ko ang kaibigan ko na si Billy na ilang minuto na lang ay nasa loob na ako ng eroplano.
“See you later beshy,” hanggang sa binaba na namin ang linya.
Inikot-ikot ko ang mga mata ko waiting area baka sakali na makita ko ang lalaki kanina. Hindi ko nga alam bakit gustong hanapin ng mga pasaway na mata ko. Siguro business class ang kanyang seat.
Mabilis lumipas ang mga oras ay nag landing na rin ang Philippine Airlines na eroplano ang sinakyan ko sa Terminal 2. May message sa akin si Billy na on the way na siya dahil masyadong traffic. Hanggang sa pinuntahan ko ang area kung saan ko siya hihintayin. Hindi ko rin nakita ang lalaking nakabangga sa akin kanina. Sinuway ko ang sarili ko dahil para naman ako na bata na may hinahanap na laruan.
Paglabas ko ng airport ibang-iba ang klima at simoy ng hangin sa probinsya ko. Mainit at humidity ilang minuto pa lang ako sa labas ay pakiramdam ko ay malagkit na ang katawan ko.
“Ma'am may hinihintay po ba kayo?” nagulat ako sa may biglang nagtanong sa akin.
“Ah po, opo hihintay ko po ang kaibigan ko na susundo sa akin.” Sagot nginitian ako ng security guard na nagtanong sa akin.
“Okay po ma'am galing po ba kayo probinsya?" tumango ako sa kanya.
"Opo," magalang na sagot ko sa kanya siguro ay kanina pa siya nakatingin sa akin.
Hanggang sa nagpaalam na ito sa akin. Napansin siguro niya ako na parang naninibago sa lugar na'to. Tinali ko ang buhok ko dahil sobrang naiinitan na ako. Pinunasan ko rin ang leeg at noo ko ng panyo dahil pinapawisan na ako.
Kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng sling bag ko at dinayal ko ang number ni Mama. Pagkatapos kong idayal ang number ni Mama ng sagutin niya ang tawag ko naninigas ako sa kinatatayuan ko. Napaawang ang labi ko hindi ako makapaniwala sa nakikita ng dalawang mata ko sa sasakyan na dumaan nakabukas kasi ang bintana ng magarang sasakyan niya na Lamborghini na kulay dilaw.
“Siya nga siya nga,” sabi ko sa sarili ko.
“Anak sino siya? tanong sa akin ni Mama sa linya.
Hindi pa rin ako nagsasalita dahil sinundan ng mga mata ko ang sasakyan ng bilyonaryo na binata na nakilala ko sa probinsya namin pero hindi ko man alam ang kanyang pangalan.
“Sharina!” sigaw ni ate sa linya halos mabasag na ang tenga ko.
“Ate,” pasensya na kayo nakalimutan ko na nasa linya pala si Mama."
"Ano ba ang nangyayari sayo at ano ang pinagsasabi mo na siya?" tanong ni ate.
"Ah wala po ate, parang si Diether Ocampo kasi ang nakita ko.” Pagsisinungaling ko.
“Sharina akala namin kung sino ang nakita mo kasi kanina pa kaming nagsasalita dito hindi ka nagsasalita. Sharina ibahin mo ang Maynila kaysa sa lugar natin at mag-ingat ka d'yan ah.” Sabi sa akin ni ate sa linya.
Hanggang sa nakita ko na dumating na may pumarada na sasakyan sa gilid. Binaba niya ang bintana at si Billy ang nakita ko.
“Sharina!” nakangiting tawag niya sa pangalan ko.
“Ate, mama dumating na si Billy.” Sabi ko sa kanila at nagpaalam na ako.
“I'm late, kumusta girl?” tanong sa akin ni Billy.
“Ayos lang mainit pala dito sa Manila.” Saad ko.
“Masanay ka rin." Kinuha ni Billy ang maliit na maleta ko ay nilagay niya sa likod ng sasakyan niya.
“Yamanin ka na Billy sana all,” hinampas niya ang braso ko.
“Anong mayaman ka dyan ang sasakyan ko na yan.” Sagot niya sa akin hanggang sa pumasok na kami sa loob ng sasakyan niya.
Ang tataas ng mga building at maraming mga sasakyan. Totoo nga na malaking City ang Manila. Halos lahat ng nakikita ko ay mga bagong gusali parang gusto kung puntahan ang Venice Grand Canal Mall. Sabi kasi sa amin ni Billy maganda raw ito na pasyalan parang nasa Italy ka raw.
“Gutom ka na ba?” tanong sa akin ni Billy.
Mabilis ako na tumango at nauuhaw din ako.
“Sa Burger King tayo kakain alam ko paborito mo ang smoke burger.” Sabi sa akin ni Billy.