Chapter 5
SHARINA
Nang nasa tapat na kami ng Burger King ay sabay kaming lumabas ng sasakyan ni Billy. Pagkita ko sa litrato ng burger ay natatakam na ako, Minsan ko rin kasi ito nakakain. Kapag pumupunta kami ni ate at Vina sa City ng Davao burger talaga ang target ko. Mcdo at Jollibee lang kasi meron sa nayan namin walang burger King.
Pagpasok namin sa loob ay sabay kaming napa-ouch ni Billy dahil sa daming tao at walang bakante na upuan.
Much better take out na lang natin mukha na abutin tayo ng gabi nito,” sabi sa akin ni Billy.
“Oo nga, kung maraming nakapila na mga tao next na lang tayo mag burger king.” Bulong ko kay Billy.
“Mabilis lang ito order lang ako," hindi ako nag reklamo pa.
Ang ibang lalaki ay nahuli ko na nakatingin sila sa akin. Nakita ko na siniko ng babae ang katabi niyang lalaki at tinaasan ako ng babae. Asawa o baka jowa niya ang lalaki na nakatingin sa akin kanina.
“Ang ganda nyo po ate,’’ nagulat ako sa sinabi ng batang babae.
“Mas maganda ka sa akin baby girl.” Nag-blush ang batang babae.
“Really po?” parang hindi pa siya naniniwala sa sinabi ko.
Honestly ang pretty niya ang cute ng pagka-pointed ng maliit niyang ilong at ganda ng blonde curly hair niya siguro ay may lahi ang bata na'to.
‘Ate ganda maraming nakatitig sa sa'yo, I think nagagandahan din sila sa'yo.” Nakangiting niya sa akin hanggang sa nagpaalam na siya at bumalik sa upuan niya.
Ang cute niya at madaldal parang matagal na niya akong kilala hindi ko man lang naitanong ang kanyang pangalan.
Lumingon si Billy sa kinaroroonan at ngumuso siya tila may tinuturo ang labi niya sa akin. Umiling-iling na lang ako at hindi ko pinansin ang kaibigan ko.
Ilang sandali ay lumabas na kami ni Billy na bitbit namin ang paper bag na may lamang burger lalong kumalam ang simura ko namiss ko tuloy sila mama at ate.
Pagpindot ni Billy ng susi ng sasakyan niya ay napalingon kami sa may babae na sumisigaw humihingi ng saklolo.
“Tulungan nyo ako tinangay ng magnanakaw ang bag ko!” malakas na sigaw niya.
“Billy habulin natin ang magnanakaw.” sabi ko kay Billy ang security guard ng Burger King ay nakatingin lang at hindi niya maiiwan ang kanyang trabaho.
Hanggang sa muling ni-lock ni Billy ang sasakyan niya at hinabol niya ang lalaki at sumunod ako na tumakbo sa likod niya. Wala akong pakialam kung nakatingin sa akin ang ibang tao. Hanggang sa may nasipa ako na bato o bakal. Hindi ko ma balance ang katawan ko at lumaki ang mga mata ko na lalaki nwma lumabas ng sasakyan. Ang hawak ko na paper bag na burger at soft drinks ay nahagis ko sa mukha ng lalaki na nakasuot ng shade. Bumagsak ang katawan ko sa lupa at nahihirapan akong bumangon ang isip ko ay sa burger na natapon ko.
“Aray," sambit ko ay nakaramdam ako ng hapdi sa siko ko at braso.
Pagtayo ko ay napaawang ang labi ko at namilog ang dalawang mata ko. Ang lakas ng kabog ng ko at hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon.
“Sharina anong ginawa mo?” tanong ko sa sarili ko.”
Hindi ko maigalaw ang katawan ko at nawala agad ang hapdi na nararamdaman ko sa braso at siko ng napagtanto ko kung sino ang lalaking puro sauce ng burgers na nagkalat sa damit niya at sa kanyang mukha.
Hindi lang sa kanya nagkalat ang burgers na binili ni ni Billy. Napatakip ako ng mukha at bibig ko ng makita ko naligo ng mayonnaise, barbecue sauce at soft drinks ang kulay dilaw na Lamborghini ni Rafael Cortez.
Parang gusto ko ng magpalamun ng lupa sa kinatatayuan ko. Unang araw palang ako dito sa Manila ay parang malas na ang sumalubong sa akin.
“Sorry po Sir hindi ko sinasadya hindi ko po kasi nakita na may bato po." Nanginginig ang tuhod ko at boses sa paumanhin ko sa kanya.
Para akong lalamunin ng lupa sa malalim niyang mata. Yumuko ako at hindi ko alam ang gagawin ko, lalong nanginginig tuloy ang tuhod ko at kamay ko.
Narinig ko siyang bumuntong hininga naramdaman ko ang ang mainit niyang hininga na tinangay ng hangin papunta sa mukha ko. Inangat ko muli ang mukha ko at tiningnan ko siya ulit. Kahit na puro sauce ng burger ang mukha at ang kanyang suot gwapo pa rin niya siguro kahit basahan ang isuot ng lalaki na'to ay gwapo pa rin.
“Rafael what happened?” tanong ng lalaki isa tin gwapo at may isa pang gwapo na dumating.
Isa-isa ko silang tiningnan walang tapon ang taglay nilang karisma. Ganito ba talaga dito sa Maynila mga gwapo ang mga lalaki. Pero para sa akin si Rafael pa rin ang gwapo para sa akin. My love ko na yata siya.
“Sir hindi ko po talaga sinasadya humihingi po ako ulit sayo ng pasensya.” Paumanhin ko ulit.
Narinig ko na tumawa ang isa na asul ang kulay ng mga mata. Ang tatangkad nila para may mga lahi rin siguro ito.
“Siya pala ay may kagagawan sa'yo, hindi naman niya sinasadya bakit hindi ka umiimik ka d'yan." Sabi ng isa.
"Miss bakit ano ba ang nangyari at natapon mo siya ng burger? Alam mo na may date yan siya kaya?" tanong sa akin ng kulay asul ang mata.
“Kasi po Sir hinahabol po namin ng kaibigan ko ang lalaking magnanakaw tapos hindi ko po nakita na may nasipa akong bato at na timing po na siya ang nahagisan ko ng burger.” Sabi ko, tumango lang ang lalaki at inikot niya ang mga mata.
“Sa presinto ka na magpaliwanag.” Ma-awtoridad na sabi niya.
“Po, Sir maawa po kayo sa akin bakit kailangan pang aabot sa presinto po. Kararating ko lang po dito sa Maynila galing pa po ako ng probinsya. Ipagawa n'yo lang po sa akin ang gusto n'yo." Sabi ko.
"Get in the car!” utos niya.
"Sir natapon ko lang kayo ng burger at wala akong ginawa na masama sa'yo. Hindi ako papasok sa sasakyan mo at hindi rin akong sasama sa presinto.” Tinalikuran ko siya.
Hinatak niya ang kamay ko at narinig ko na inutusan niya ang dalawang gwapo na buksan ang pintuan ng sasakyan.
“Miss sumama ka na lang sa kanya wala yan gagawin sa'yo. May ipapagawa lang yan sayo dahil sinira mo ang araw ng kaibigan namin pero sa ganda mo na yan hindi ka niyan dadalhin sa presinto.” Sabi ng lalaki sa akin.
“Hindi ako sasama sa kanya!” matapang na sagot ko.
“Hindi kita dadalhin sa presinto kundi ipapalinis ko sa'yo ang car ko. Kabayaran mo sa ginawa mo at sinira mo pa ang araw ko.”
Nakahinga ako ng maluwag akala ko talaga ay sa presinto na niya ako dadalhin. Hindi ko namalayan ay hinila niya ako pinasok sa loob ng sasakyan niya. Ang bango ng loob ng sasakyan niya at ang lamig.
Pinunasan niya ang ng tissue ang nagkalat na ketchup sa mukha niya. Napamura ako ng dilaan niya ang kanyang labi at lumunok siya. Nakita na pinagtawanan siya ng kanyang dalawang kaibigan.
Hanggang sa pumasok na siya sa loob ng sasakyan at seryoso na lumingon sa akin.
Sir pwede ba hintayin muna natin ang kaibigan ko dahil wala pa po ako experience dito sa Manila at hindi ko pa po alam kung saan nakatira ang kaibigan ko. Baka po mawala ako at wala po akong kilala dito.” Sabi ko.
“Call her," sagot niya.
"Lalaki po ang kaibigan ko." Saad ko.
“Fine, call him!” bigla niyang pinaandar ang manibela ng sasakyan niya at mabilis na pinatakbo.
Nabitawan ko ang phone ko dahil parang galit siya na nagmamaneho. Hindi ko tuloy makita ang phone ko.
“Sir, ang phone ko hindi makita pwede po ba dahan-dahan lang ang pagmamaneho wala naman pong humahabol sa atin. Isa pa po hindi naman ako tatakas at lilinisin ko naman po ang sasakyan n'yo.” Sabi ko.
Hanggang sa nakaramdam ako ng pagkahilo wag sana ako mag suka sa loob ng sasakyan niya kundi lalo akong malalagot sa kanya.
“You talk too much,” he said.
“Sir nahihilo po ako.” Sabi ko.
Lumingon sa akin at dina dahan-dahan na niya ang pagmamaneho.
“Thank you, baka sumuka ako Sir Kung mabilis ang pagpapatakbo mo ng sasakyan.” Sabi ko Napahawak ako sa dibdib ko.
“Shït! yan ang huwag na huwag mong gawin sa loob ng sasakyan ko!” mura niya.
Tumahimik na lang ako dahil para may nararamdaman ako sa sikmura ko.
“Sir nasusuka ako,” sabi ko
“f****d!” malutong na mura niya.