Chapter 6
SHARINA
Automatic na bumukas ang gate at may mga armadong lalaki sa labas ng gate. Pagpasok namin sa loob kahit saan ako lumingon ay mga armadong lalaki rin. Napaisip ako kung anong trabaho ni Rafael ako. Nakita ko na hinagis ni Rafael ang susi sa isang lalaki mukhang mas bata ito sa kanya.
“Channing e car wash n'yong mabuti ang sasakyan ko.” Ma-awtoridad na utos ni Rafael.
“Sir, akala ko po ba ay ipapalinis moa ng sasakyan mo?” tanong ko. Matalim niya akong tiningnan.
“I changed my mind, young lady.” Madiin na sagot niya sa akin. Kung maka-young lady sa akin ay wagas.
“Kung nagbago na ang isip mo baka pwede muna akong ibalik?” tanong ko at huminto ako sa paglalakad.
“Just follow me makakauwi ka lang kung sasabihin ko.” Sagot niya sa akin.
Magsasalita sana ako ay tumunog ang cellphone ko at sabay na bumukas din ang malaking pintuan. Nang tingnan ko ang screen ng phone ko ang kaibigan ko na si Billy ang nasa linya. Pagsagot ko ay na lowbat ang phone ko sa inis ko ay gusto kung sumigaw pero hindi ko magawa dahil nandito ako sa bahay ng ibang tao kasama ko pa si Rafael.
“Good afternoon Sir, matagal-tagal din kayo hindi naparito.” Sabi ng may edad na babae.
“Busy po manang sa trabaho.” Sagot ni Rafael sa babae.
“Magandang hapon po,” magalang na bati ko.
“Magandang hapon din hija.” Nginitian niya ako.
“Sir anong nangyari sa inyo?" tanong ni Manang ng makita ang itsura ni Rafael.
“Dahil sa kanya Manang." Sagot ni Rafael, yumuko ako.
Hindi na nagsalita si Manang. Instead ay nagpaalam ito sa amin, ng nasa loob na kami ng malaking bahay ay para akong na shock sa ganda ng loob ng bahay. Sa tanang ng buhay ko ay ngayon lang ako nakapasok ng ganitong kaganda ng loob ng bahay.
Parang palasyo ang loob ng bahay ang mga gamit ay tila mula pa sa ibang bansa. Napatakip ako ng bibig ng tumingala ako sa kisame parang mga bituin na kumikislap at parang mga brilyante na kumikinang-kinang ang mga chandelier.
“Palasyo nga ang bahay na'to?” bulong ko sa sarili ko.
Nakatulala sa mata ang loob ng bahay kung gaano ako kaganda ang mga gamit ganun din kamahal ang mga halaga nito. Nang tumikhim si Rafael ay saka pa bumalik ang ulirat ko. Tumayo ako ng tuwid at magalang ko siyang hinarap.
“Sir wala ka bang balakin na alamin ang pangalan ko. Kung wala ako na lang ang magpakilala sayo kasi pakiramdam ko para ang stranger ako. Sharina Valdez is 22 years old,” sabi ko.
“Stay here,” tinalikuran ako ang suplado naman hindi ba niya ako naalala kung titigan niya ang labi ko sa Davao ng pumunta siya doon ay hindi na niya maalis ang mata sa labi ko. Akala niya siguro hindi ko iyong napansin.
“Sir ano po ba ang pangalan n'yo?” tanong ko.
“Rafael.” Tila nanghihinayang pang sabihin ang pangalan niya sa akin. Wala naman mawawala sa kanya kung sasabihin niya ang pangalan niya hindi ko naman kakainin.
Hanggang sa umakyat na siya sa taas. Lumaki ang mata ko ng biglang kumulo ang tiyan ko at parang nasusuka ako. Nang makita ko si Manang na may bitbit na tray na may lamang tubig at iba pa ay lumapit ako sa kanya.
“Manang maaari po ba akong maka-gamit ng comfort room,” sabi ko.
“Oo naman hija.” Nilagay ni Manang ang tray sa ibabaw ng mesa at sinamahan niya ako sa comfort room.
Nang nasa loob na ako ng banyo ay kahit loob ng banyo parang loob ng luxury apartment. Nahihiya tuloy ako gumamit pero wala akong choice dahil mainit ang nararamdaman ko sa sikmura ko.
Hanggang sa sumuka na ako sa kulay ginto na toilet. Nang mailabas ko na ay gumaan ang pakiramdam ko. Tumayo ako at pinindot ko ang button ng toilet.
“Hija ayos ka lang ba?” tanong ni Manang nasa labas siya ng pintuan.
“Opo Manang.” Sagot ko.
Naghugas ako ng kamay at naghilamos ako ng malamig na tubig. Pinunasan ko ang kamay ko at mukha ng tuwalya. Nilinis ko ng warm water ang maliit na sugat ko sa siko at braso. Paglabas ko ng comfort room ay si Manang ang nakita ko na hinintay niya ako.
“Pasensya na po manang nadumihan ko ang guest bathroom,” paumanhin ko.
“Wala yun hija para naman talaga yan sa bisita.”
“Si sir Rafael po?" tanong ko.
‘‘Nasa taas pa siya hija maya-maya ay baba rin yun. Halika para maka-merienda ka muna.” Sumunod ako kay manang papunta ng living room.
Nang makita ko ang chocolate cake ay lalo akong nakaramdam ng gutom. Kaninang umaga lang ako kumain kaya nakaramdam ng pagkahilo nalipasan na siguro ako ng gutom. Nakatingin si Manang sa akin nagtataka siya siguro na tatlong subo ko lang ang cake.
“Pasensya na po manang gutom po ako galing pa po ako kasi ako ng probinsya hindi pa po kasi ako nakakain ng lunch.” Sabi ko.
Nagtataka ang mga mata ni Manang sa akin. Nang sabihin ko nangyari sa amin ni Rafael ay nagulat siya walang preno rin ang bibig ko minsan.
“Manang hihiram po sana ako ng charger na lowbat po kasi ang phone ko.”
‘‘Oo naman hija ibigay mo sa akin ang phone mo at ipahanda rin kita ng makain mo dahil hindi sapat ang cake nayan.”
“Okay lang po manang sa bahay na po ako kakain." Sabi ko.
"Me too Manang.’’ Baritono na boses ni Rafael.
My lips parted ng makita ko siya parang model ang ayos ang neat niyang tingnan ang gwapo as in. Sigurado na may girlfriend siya swerte ng babae na girlfriend niya pero parang cold naman ni Rafael. Oo nga sabi ng kaibigan niya may date siya it means tama ang nasa isip ko na may nagmamay-ari na sa kanya.
Nakatingin siya sa hawak ko na plato hindi ko napansin na ang cake na pala niya ang kinakain ko. Umupo siya sa harapan ko lalo akong nakaramdam ng hiya nanginginig ang kamay ko na binaba ko sa tray ang patito na may cake.
“Eat it all para tumaba ka.”
“Busog na ako,’’ sabi ko.
“I don't think so,” seryoso niyang sagot.
“Promise busog na ako,” umupo ako ng maayos at hindi ko na ginalaw ang cake kung isubo ko ulit baka hindi ko makontrol ang katakawan ko. Gusto ko sana e open sa kanya kung naalala ba niya ako pero nahihiya ako.
“Sir ano po ba ang ipapagawa nyo po sa akin para mahatid n'yo na po ako?” tanong ko.
“Let's eat first.” Sagot ang mata niya ay sa akin.
Naiilang tuloy ako sa titig niya sa akin ng kagatin niya ang ibabang labi niya para sumipa ang puso ko. I can't explain ang nararamdaman ko ne-nervous din ako. Gusto ko tumayo para umiwas sa mga mata niya parang pinako ko ang pwet ko sa upuan.
“Sir…” hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya sa loob ng bulsa ng jeans na suot niya.
Tumayo siya at sinagot ang linya sumund ang mata ko malapad niya na likod. Ang macho sure na may malaking pandesal din siya. Nang pumasok sa kokote ko ang harapan niya kinurot ko ang sarili ko.
“Aray!” malakas na sigaw ko.
Napalingon si Rafael sa akin kumunot ang noo at nag salubung ang kanyang kilay. Nag peace of sign ako at nginitian ko siya.
Bakit kasi bigla kung naisip kung malaki rin ba ang kaibigan niya. Kung malalaman ito ng kaibigan ko na si Vina ang mga pumapasok sa kokote sigurado na kakantiyawan niya ako.
Ilang sandali ay natapos din si Rafael na kausapin ang nasa linya tumayo ako ng makita ko si Manang at may dalawang babae siya na kasama sinabihan niya kami ni Rafael na handa na ang pagkain namin.
Manang sa kusina na lang po ako kakain. Hindi po ako karapat-dapat na magkasalo kami ni Sir Rafael sa hapagkainan nakakahiya po. Langit siya lupa ako.” Sabi ko hindi sumagot si Manang.
“Upo!" mariin na utos sa akin ni Rafael.
"Sundin muna hija ang utos ni Sir." Hinawakan ni Manang ang kamay ko.
Hanggang sa umupo na ako. Sinabi ko kay manang na kahit hindi full battery ang phone ko ay okay lang kailangan ko lang kasi makausap ang kaibigan ko baka nag-alala na siya sa akin.
“Eat first, bago mo tawagan ang kaibigan mo don't worry he knows that are you with me.”
“Po,” gulat na sabi ko.
“Eat!” he said.
Tanging kutsara, tinidor lang ang nagbibigay ingay walang salitang lumabas sa bibig naming dalawa. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong ideya kung ano ang purpose ni Rafael sa akin. Una ay dadalhin niya ako sa presinto pangalawa ay ipapalinis niya sa akin ang kanyang sasakyan pero sa huli ito kasabay ko siyang kumakain. Bawat subo niya ay nakatingin ako sa kanya ang seryoso niyang kumain isa pa ang mga pagkain sa harapan ko ay hindi ako sanay na kainin.
Ibang-iba sa mga kinakain ko sa probinsya simpleng adobong kangkong ay sulit na sa amin. Gusto ko sanang kainin ang hipon na kamay sx hindi ko na tinuloy dahil nakakahiya si Rafael ay kutsilyo at tinidor ang gamit napakadali sa kanya. Malalim akong huminga.
“Are you done?” he asked me.
“Yes sir!” mabilis na sagot parang nasa CAT ako. Nakita ko na lihim na ngumiti.
“Army ka ba or police?” tanong niya.
“Hindi po,” umiling lang siya.
Pagkalipas ng kalahating oras ay umalis din kami. Nag-send lang ako ng message kay Billy na on the way na ako tila kinikilig to the max si Billy ng mabasa ko ang message niya.
Hindi rin kami nag-uusap ni Rafael sa loob ng sasakyan niya. Hanggang sa tumigil siya sa pagmamaneho at sinabihan niya ako na bumaba ng sasakyan.
“Sir iiwan mo ako dito?” tanong ko.
“Nope I'm not stupid na iiwan ka, nakita mo ba ang isang sasakyan na yun doon ka sasakay at sila ang maghahatid sa'yo.”
“Pero sir baka kung saan nila ako dalhin,” sabi ko.
“Mga tauhan ko sila.” Sagot niya.
Hanggang sa walang ka-energy na lumabas ako ng sasakyan niya. Dalawang armadong lalaki ang lumabas sa itim na van.
Binuksan nila ang pintuan ng sasakyan at nginitian nila ako medyo kinakabahan pa ako pero ng napansin ko na mabait naman sila at nabawasan ang kaba ko.
“Galing ka pa daw ng probinsya hija matagal mo na bang kilala si bossing. Siguro especial ka sa kanya dahil ikaw pa lang ang babae na dinala niya sa hidden house niya tanging mga kaibigan lang niya ay dinala niya sa bagong bahay niya.” Sabi ng lalaki na may tattoo sa leeg.
“Talaga po?”:Sabi ko nakaramdam ako ng saya sa puso sana nga totoo ang sinasabi ng lalaki na espesyal ako. Napangiti ako ng lihim feeling ko namula ang pisngi ko.
RAFAEL CORTEZ POV
“Tita, I'm busy. Bukas na lang tayo magkikita. No ilang araw din kami hindi nagkita ni Mommy wala naman siyang pakialam sa akin mas okay na ang ganito.” Sabi ko kay Tita Claudia sa linya kapatid siya ng aking ina.
“Promise mo hijo na dalawin mo ako I miss you so much.”
“Promise Tita.” Sabi ko hanggang sa binaba ko ang libya.
Mula ng ako ang CEO ng Cortez Company holdings ay lagi na lang ako busy sa trabaho kung magkikita kami ng mga kaibigan ko ay sa bar ni Rex o sa bar ni Levon.
Pagdating ko ng kumpanya ay sa conference room ako dumi-retso late na ako ng ilang minuto. Pagkatapos kung kausapin ang mga board of directors ng company ay lumabas din ako kaagad. Tinawagan ko si Sam na private assistant ko. Dahil may ipapagawa ako sa kanya.
“Sir nasa baba ng sasakyan mo si Ivanka.” Sabi ni Sam sa akin.
“What?” tanong ko.
Si Ivanka ka siya ang solution kapag kailangan ko ng nagpapainit ng katawan ko.
Hanggang sa bumaba ako sinabi ko sa sekretarya ko na may importanteng lakad ako siya na ang gumawa ng rason kung may maghahanap sa akin. Long day ang araw ko ngayon. Almost one week din na hindi ko na gamit ang alaga ko.
Pagdating ko sa sasakyan ko si Ivanka ang nakita ko na nakasandal sa sasakyan ko kinagat niya ang kanyang labi.
Fücked!” mura ko. Nang maalala ko ang mukha ni Sharina ay bigla akong natahimik. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ko siya dinala sa hidden house ko. Iba ang dating niya sa akin, I shook my head she's too young 22 years old.
“No, no, hindi pwede." Sabi ko.
Hanggang sa sinalubong ako ng halik ni Ivanka. She's wild woman pinisil niya ang sandata ko.
“I missed you, papaligayahin kita ngayon Rafael.” Malandi niyang bulong sa akin.