Chapter 12 SHARINA After naming kumain ni Sir Rafael ay sinabihan niya ang kanyang driver na ihatid ako sa apartment. Sumang-ayon kaagad ang driver nito na si Boyet para akong batang maliit na sumunod ng sigawan ako ni sir Rafael na pumasok sa loob ng sasakyan. “Sir nakaka-nerbyos naman po ang boses n'yo. Mas mabuti pa na aalis na ako at maghahanap ng bagong mapasukan kaysa sa mamatay ako ng wala sa oras.” Umigting ang panga niya sa sinabi ko. “Sino may sabi na basta-basta kitang papakawalan sa teritoryo lala na isa ka na sa list na nila na hinahabol nila.” Sabi niya sa akin mukhang hindi siya nagbibiro. “Bakit nadamay ako at sino sila? Aalis na ako hindi na ako uuwi sa apartment mo kakausapin ko si ma'am Claudia para magpaalam na ako.” Sabi ko lalabas sana ako ng sasakyan ay hinarang

