Chapter 11

1875 Words
Chapter 11 SHARINA “Ahhh, ahhh,” ungol ng babae naririnig ko rin na puro mura ang lumabas sa bibig ni si Rafael. “May ibang tao ba dito?” tanong ng babae. “Baka ang bagong kasambahay ko, ituloy mo ang ginagawa mo ahhh.” Sagot ni sir Rafael na nahihirapan na umungol. Hanggang sa muling gumalaw ang babae sa ibabaw ni Rafael at umungol silang dalawa sa ginagawa nila. Parang may tumusok na karayom sa puso ko na nasaksihan ko. Hindi ko maintindihan ang sarili ko parang nagagalit ang puso ko na walang dahilan. Sana hindi na lang ako bumaba para hindi ko si Rafael na may katalik na babae. Wala naman ako karapatan na magalit pero nasasaktan ako na makikita ko dito pa talaga sa apartment ni Rafael makikita ko siya na nakikipagtālik. Ilang babae na kaya ang dinala niya dito? “Sharina, ano ba ang nangyayari sayo?" tanong ng diwa ko dahil tulala na ako. Tumayo ako at dahan-dahan akong humakbang na umakyat sa taas dahil hindi ko na kayang pakinggan ang ungol ni Rafael at ng babae. Nang nasa loob na ako kwarto ko ay sinarado ko pinuntahan at muli akong humiga sa ibabaw ng kama. Pagulong-gulong na ako pinatong ko sa mukha ko ang unan. U close my eyes para matulog at makalimutan ko ang nakita at nahihirapan na akong matulog dahil nawala na ang antok ko. Hindi nawawala sa pandinig ko ang ungol ni sir Rafael at ng babae. “Sharina matulog ka na!” saway ko sa sarili ko napa-hilamos ng walang tubig. Pagdating kasi sa ganun bagay na nasaksihan ay inosente ako honestly kahit na halik nga sa labi ay hindi ko pa naranasan. Hindi ko hinayaan ang ex-boyfriend ko na si Donny na halikan niya ako sa labi, pisngi, kamay ko at noo ko lang nahalika ni Donny. Speaking of Donny ay isa nakilala ko siya sa University matanda siya sa akin ng tatlong taon after ng graduation niya ay bumalik na sila sa Canada, Canadian kasi ang ama ni Donny at the same pagbalik niya ng Canada ay tinapos din niya ang namamagitan sa amin. Nasaktan ako pero naisip ko bata pa kami at baka hindi talaga siya para sa akin. Mula noon hanggang ngayon ay wala na akong balita sa kanya. “Ahhh antok ng espirito please saniban muna muna ako maawa ka naman sa akin may trabaho pa ako bukas!” bulyaw ko sa sarili ko. Tinakpan ko ng unan ang bibig ko para hindi ako marinig ng dalawang nag chuckchukan sa baba. Hanggang sa nahulog ako sa sahig sa kakulitan ko. “Oooh ouch,” sabi ko napaaray ako sa sakit. Ang tigas pa naman ng sahig. Sumakit tuloy ang balakang ko at napangiwi ang sakit. Para kasi akong hinog na langka na nahulog sa sahig. Bumangon ako na hawak-hawak ko ang balakang ko. Kasalanan ito ng dalawa sa baba kung bakit ako nahulog at hindi makatulog. Sa inis ko sa sarili ko ay padabog dabog ako na pumasok sa banyo para akong timang na pinapagalitan ko ang sarili ko. Dahil sa ibang tao ko pa talaga sinisi kung bakit ako nahulog. Kasalanan ko naman kung bakit ko sila nakita kung hindi ako bumaba eh, hindi ko sana nakita ang ginagawa ng boss ko na masungit. Kinabukasan ay nagising ako na masakit ang ulo at mabigat ang buong katawan ko dahil sa nangyari sa akin kagabi para akong binugbog sa sakit ng katawan ko Kulang ako sa tulog sa unang gabi ko baka gabi-gabi yata ako na hindi makatulog ng maayos sa apartment ni sir Rafael. “Ano ang ingay sa baba?” tanong ko. Nagmamadali ako na lumabas sa kwarto ko at bumaba may apat na babae akong nakita na naglilinis sa living room at nagva-vacuum cleaning ng carpet at isang babae at naglilinis ng sahig ang isa. Napaawang ang labi ko ng makita ko ma wala na ang mahabang sofa sa sala Nakita ko si Sir Rafael na lumabas mula sa kusina. Jogging pants ang suot niya at black hoodie ang pang itaas na Gucci ang brand ng suot niya. White sneakers ang sapatos niya. Bumaba ako at nagtataka ako na tumingin sa boss ko na parang ang hirap ngumiti pero ang hilig niyang kagatin ang labi niya. “Good morning sir,” magalang na bati ko sa kanya. ‘‘In 30 minutes kailangan ay tapos na kayo sa paglilinis,” sabi ni Sir Rafael hindi man lang niya ako sinagot. ‘‘Yes Mr. Cortez,” sagot ng babae binalingan ako ni Sir Rafael. “You Ms. Valdez saan ka natulog last night at wala ka sa kwarto mo dito sa baba?” Sir sa taas po ang kwarto malapit sa kwarto n'yo po,” sagot ko. “What!? malakas na sigaw niya ang apat na babae nakatingin sa kinatatayuan namin ni sir Rafael. “Yes Sir, yun po kasi ang binigay sa akin ni ma'am Claudia na magiging kwarto ko.” Sagot ko. Napakamot siya ng ulo magsasalita sana siya ay pinigilan niya na lang ang kanyang sarili. Narinig ko na nagmura at salubong ang kilay na nilingon ako. “Sir nasaan na ang mahabang sofa at bakit may cleaning services kayo na kinuha nandito naman ako para trabahuin ang ginagawa nila?” tanong ko. “Tinapon ko, may problema kung wala tinapon ko ang sofa.” Ang sungit talaga. “Wala pong problema sa akin baka kayo po ang may problema sir dahil tinapon n'yo sayang naman po iyon. Mukhang bago pa ang sofa na'yun.” Saad ko. “I threw it away because, because nadumihan ng ibang tao. Ngayon kampante ka masyado kang maraming tanong young lady.” “Sir, 22 na ako at nasa tamang edad na ako, sana binigay mo na lang sa ibang tao ang sofa maraming mga tao na hindi afford bilhin ang sofa.” “It's not your business kapag marumi na ang isang bagay sa akin tinatapon ko. Ms Valdez mind your own business." Halos sigawan na niya ako ang atensyon ng cleaning services ay sa amin ni Sir Rafael. Hindi na ako nagsalita. Wala namang dumi ang couch na'yun at bigla na lang natripan niya itapon. Rich nga at parang wala lang sa kanya ang pera samantala ay maraming nagugutom at ang ibang tao ay to-do ang kayod sa buong araw para may mailagay na pagkain sa mesa. Sir kaya n'yo tinapon dahil kagabi?” prangka na tanong ko. Sa huli ay napatakip ako ng bibig sa hiya. “Did you see it?” madiin na tanong. Umiling-iling ako. “Sir may nagdo-doorbell,” sabi ko. Stay," saad niya tinalikuran ako para buksan niya ang pintuan. Nakahinga ako ng maluwag pag-alis ni Sir Rafael. Hanggang sa nilapitan ako ng babae parang curious sa loob sa amin ni Sir Rafael dahil siya lang ang napansin ko kanina laging pasulyap sulap ang mata niya sa amin. “Bagong babae ka ba ni Mr. Cortez?’’ tanong ng babae. “Hindi,” sagot ng makita niya si Sir Rafael ay umalis siya. Nang kumulo ang tiyan ko ay pumasok ako sa loob ng kusina hindi ko alam kung ano ang kakainin ko dahil hindi para sikmura ko ang mga sosyal na pagkain sa loob ng fridge at hindi ako mabusog nito. Sasama ka sa akin sa labas mag breakfast,” nagulat ako sa biglang pagsulpot ni sir Rafael. “Po," sabi ko. "Fix yourself, boss mo ako kung ano ang sasabihin ko ay gagawin mo!” ma-awtoridad na sabi niya. Paglabas niya ng kusina ay sumunod ako sa kanya palabas. Hindi na ako nagreklamo pa sa sinabi niya na isasama niya ako sa labas kumain bahala na si Batman sa akin ang hirap basahin ang takbo ng masungit na amo ko. Hindi lang masungit kundi ang arte arte pa niya ako talaga ang nasayangan sa sofa na tinapon niya. Ilang sandali may bagong sofa na dumating sa veranda nila pinadaan dahil mas malaki at mahaba sa sofa na tinapon niya. Halos lumuwa ang mata ko sa ganda ng sofa feeling ko makakabili ng bagong bahay sa amin may kasama pang gamit sa loob ng bahay. Iba talaga pag mayaman dahil parang magic lang ang lahat. Pagkalipas ng isang oras ay mas maganda pa sa dating ayos ngayon ang malawak na sala ni Sir Rafael. Nahihiya tuloy ang pwet ko na umupo sa bagong sofa ni Sir Rafael. “Let's go,” sabi niya. Nang nasa loob kami ng ka ng elevator ay parang nakukuryente ako sa mainit niyang hininga kapag humihinga siya ng malalim. “Hindi ako view na pagmasdan mo.” Sabi niya at mabilis na lumabas ng elevator sumunod naman ako. Paano niya nalaman na kanina ko pa siya tinitigan sa likod niya. Nag init tuloy ang magkabilang pisngi ko. Magkatabi kami ni Sir Rafael sa loob ng sasakyan niya maingat at tahimik lang ang kanyang driver sa pagmamaneho. Hanggang sa napansin ko na lumingon si Sir Rafael sa likod ng sasakyan. “Sir may sasakyan na sumusunod sa atin.” Sabi ng driver. “Bilisan mo ang pagmamaneho." Utos ni sir Rafael. " Sir anong nangyayari?” tanong ko. “Dapa!” sigaw ni sir Rafael. Kinabahan ako sa sunud-sunod na putok ng bala. Anong buhay ang pinasukan ko. Mukhang mapaaga ang buhay ko at ayokong mamatay ako na virgin at hindi ko malahiyan ang ganda ko. “Lord please ayoko pang mamatay may pangarap pa po ako. Huwag muna n'yo akong kunin ang masamang tao lang po ang kunin n'yo.” Nanginginig ako na nagdadasal. “Anong pinagsasabi mo young lady?” tanong ni sir Rafael. Hindi ako naka sagot sa tanong niya dahil putok ulit ng baril ang narinig ko. Halos hindi ako makapagsalita sa sobrang takot naninigas ang buong katawan ko. Nang lumiko ang sasakyan ni sir Rafael ay bumagsak ang malaking katawan ni Sir Rafael sa maliit na katawan niyakap niya ako. Sa sobrang bilis ng pagpapatakbo ng driver ng sasakyan ganon din kabilis ang t***k ng puso ko. Ang higpit ng hapit ni Sir Rafael sa baywang ko. “Sir nakalayo na tayo sa kanila.” Narinig ko na sabi ng driver. Nang inangat ko ang mukha ko ay lumaki ang mata ko at nanigas ako ng biglang nagdikit ang labi namin ni Sir Rafael. Parang akong nakukuryente sa malambot na mainit na labi ng boss ko. Mabilis ko siyang tinulak at nararamdaman ako ng kaba. Parang normal lang sa kanya ng dumikit ang labi niya sa labi ko. Pero ako feeling ko mula buto ko ay nararamdaman ko na may milyong milyong boltahe ng kuryente na dumadaloy. Hinawakan ko ang dibdib ko dahil lalong lumakas ang dagundong ng dibdib ko. Kanina ang putok ng baril ang nagpakaba ng dibdib ko ngayon naman ang mainit na labi ni Sir Rafael. “Don't act like an innocent na first time mong na halikan sa labi. Isa pa hindi ko type ang bata sa akin.”Pakiramdam ko tumaas ang BP ko. Pinigilan ko lang ang sarili ko na hindi siya sagutin baka ano pa ang masasabi ko sa gurang na amo ko at ako ang itapon niya dito sa daan tulad ng pagtapon niya sa sofa niya pero gaganti rin ako pag may time.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD