Chapter 10

1982 Words
Chapter 10 SHARINA Tatlong araw ang lumipas mula bumalik na ako sa Maynila. Ngayon araw din akong susunduin ni Ma'am Claudia Camdas ihahatid kasi niya ako sa apartment ng pamangkin niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya sinasabi sa akin ang pangalan ng pamangkin niya. Pinapasok ko si ma'am Claudia sa loob pinaupo ko tinanong ko kung may gusto siyang inumin. “It's fine hija thank you,” sabi niya sa akin. Nakita ko na may papel siya na nilabas mula sa loob ng bag niya. Nang makita ni Billy ay nagpaalam siya sa akin dahil alam niya na may masinsinan kami na pag-uusapan ni ma'am Claudia. “Maraming salamat hija sa pagtanggap mo sa trabaho na alok ko sa'yo. May monthly salary ka rin na matatanggap mula sa akin at ginawan din kita ng bank account mo.” “Ma'am tila sobra-sobra na po ang tulong nyo sa akin.” “No hija this is your monthly salary at hindi naman libre ang pagtatrabaho mo. Ito rin ang kasunduan natin walang ibang makakaalam nito hija tayo lang dalawa. Kung nalaman ng kaibigan mo ang napag-usapan natin ay walang problema. May tiwala ka naman sa kanya.” Tumango ako. Kinuha ko ang puting papel sa kamay ni ma'am Claudia. Binasa ko muna ang mga nakasulat lumaki ang mata ko na instead of 2 million pesos ay naging 5 million na. ‘‘Ma'am Camdas bakit 5 million na?" tanong ko. "Okay lang hija heto ang ball pen para mapirmahan muna." Wala akong choice kundi kunin ang black pen at pinirmahan ko ang kasunduan namin ni ma'am Claudia. Alas sais na kami dumating sa mataas na building isa ito mataas na building sa Maynila. Nakangiting sinalubong kami ng receptionist magalang nilang binati si ma'am Camdas. Nginitian din nila ako ang isang tauhan ni ma'am Claudia ay likuran namin hilahila niya ang malate ko. Sa kabilang elevator sumakay ang bodyguard ni Ma'am Claudia. 25th floor ang unit ng pamangkin ni ma'am Claudia. Minsa napapangiti ako kapag naalala ko ang pangako sa'yo na drama dati kasi nakakagigil ang kontrabida na si Claudia pero ang Claudia na kasama ko ngayon ay isang fairy godmother. Nang buksan ni ma'am Claudia ang pintuan ng apartment ng pamangkin niya malamig na hangin ang sumalubong sa akin at ang bango ng loob. Kumikinang-kinang ang sahig at malinis ang loob malawak pang rich people talaga ang may ari ng unit. “Ma'am Camdas kinakabahan po ako baka sungitan lang po ako ng pamangkin n'yo.” Sabi ko. Nginitian lang ako ni ma'am Camdas at may dinayal siya sa phone niya. Kinuha ko naman ang maleta ko bodyguard ni ma'am Claudia at nilagay ko sa gilid. I took a long deep breath at nilakasan ko na lang ang loob ko. Ginusto ko ito at hindi ako pinilit ni ma'am Claudia. “Alalahanin mo self ang limang million may apartment at kotse kapa kaya bawal mag reklamo,” kausap ko ang sarili ko. “Hijo nasaan ka na ba nandito na ako sa apartment mo.” Okay hihintayin nalang kita kasama ko ngayon ang bagong makakasama mo at mag-aalaga sa'yo.” Lumaki ang mata ko sa sinabi ni ma'am Claudia hindi niya sinabi na kasambahay ako kundi mag-aalaga sa pamangkin niya. Kailangan ba talaga na alagaan ang kanyang pamangkin? Ibig sabihin nito nanny ang trabaho ko? Nanny ako ng may edad na lalaki? Bakit parang espesyal na espesyal kay ma'am Camdas ang kanyang pamangkin? Anong meron sa pamangkin niya sobra niya itong iniingatan? Baka hindi lang masungit ang kanyang pamangkin, baka may sayad ito kaya concerned siya ng husto sa kanyang pamangkin. “Ma'am nasaan na po ba ang pamangkin mo?” tanong ko. “On the way na siya hija. Traffic kaya natagalan siya.” Mahinahon na boses ni Ma'am Claudia. Tila may ibang lakad din siya dahil lagi siyang nakatingin sa suot niyang maliit na relo. Almost pm na ay hindi pa rin dumarating ang kanyang pamangkin. “Halika hija sasamahan kita sa magiging kwarto mo,” yaya niya sa akin. Nagtaka ako dahil umakyat kaming dalawa na hilahila ko ang maleta ko. Hindi naman mabigat dahil di naman gaano karami ang dinala ko na damit. Hanggang sa binuksan ni ma'am Claudia ang isang napakagandang kwarto. Pagpasok ko sa loob ay namangha ako sa ganda nito may malaking flat screen na TV at iba hindi ganito ang silid ng kasambahay. “Hija ito ang magiging kwarto mo.” Namilog ang dalawang mata ko sa sinabi sa akin ni ma'am Claudia. “Po, ma'am bakit dito?” tanong ko. “Dahil ito ang magiging kwarto mo hija incase na may kailangan ang pamangkin ko sa'yo ay malapit ka sa kanya." Sagot niya sa akin. Hindi ako makatanggi dahil siya ang big boss ko at may kasunduan kami. Akala ko ang magiging kwarto ko ay katulad sa ibang kasambahay na nasa baba na malapit sa kusina ang kwarto. Pero ako guestroom ang silid na binigay sa akin ni ma'am Claudia. Ilang sandali ay may narinig akong boses sa baba. May kausap ito sa linya kunot ang noo ko dahil parang familiar sa tenga ko ang baritono niyang boses. Bahagyang tumibok ang puso ko. “Hija dumating na yata ang pamangkin ko.” Nakangiting sabi ni ma'am sa akin. Hinawakan niya ang kamay ko palabas ng silid. Kanina feeling ko ang tapang ko ng marinig ko ang familiar na boses parang lantana na dahon ang katawan ko. Bumaba na kami ni ma'am Claudia nakasunod ako sa kanya. Hinanap ng dalawang mata ang taong dumating pero wala siya sa baba. “Baka guni-guni mo lang siya Sharina. Huwag mo kasi siyang iisipin. Paano kasi hindi siya nawawala sa isipan ko kaya siya lagi ang laman ng utak ko na'to,” nagtatalo ang diwa at isipan ko. “Are you okay?” nagulat ako sa tanong ni ma'am Claudia. “Opo ma'am naninibago lang ako." Sagot ko. "Tita, I'm so sorry I am late bigla kasing nagkagulo sa daan at traffic pa." Nanginginig ang tuhod ko at parang may kabayo na sumipa sa dibdib ko ng makita ko ang lalaking nagsasalita na may hawak na softdrinks na diet. Pumasok pala siya sa kusina kaya bigla itong nawala. Hindi pa niya ako nakikita taimtim na nakatingin ako sa kanya parang gusto kung magtago sa likod ni ma'am Claudia at sasama na lumabas ng unit ni Rafael. Pagsalubong ng mga mata namin ay titig na titig siya sa akin parang nangangain ng tao kung tumitig. Nilabanan ko na lang ang mata niya ng mata ko. “Ikaw?!” malakas na boses niya ng inangat niya ang mukha niya sa akin. “Ako nga,” mahinang sambit ko. “Magkakilala kayong dalawa?” tanong sa amin ni ma'am Claudia. Kitang-kita ko ang ngiti sa kanyang labi. “Yes, Tita.” “Opo ma'am,” sabay pa kaming sumagot. “Wow perfect, kung magkakilala kayo ay maaari ko na kayong iwan na dalawa at hindi na rin ako mahirapan anak na magpaliwanag ikaw na ang bahala sa kanya tingin ko magkasundo kayong dalawa. Hija huwag kang matakot dahil hindi naman nangangain ng tao ang pamangkin ko.” Sabi ni ma'am Claudia, anong hindi nangangain e parang lunukin na niya ako. “Pero ma'am…” Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nagmamadali na nagpaalam si ma'am Claudia. “Tita,” tawag ni Rafael tinaas lang ni ma'am Claudia ang isa niyang kamay at tuluyan na siyang lumabas ng unit ni Rafael. “I dunno sa daming babae na kunin ni Tita na magwork dito sa apartment ko ay ikaw ang kinuha niya. Aakyat ako young lady sa kwarto ko at ayokong makarinig ng kahit anong ingay. Understood!” ma-awtoridad niyang sabi sa akin. “Opo Sir,” saad ko talagang masungit nga ibang-iba ng una ko siya nakita akala ko ay mabait scam lang pala yun. Tinalikuran niya ako malaking hakbang ang ginawa niya paakyat ng hagdanan. Nakita na tumigil siya sa paglalakad seryoso na lumingon sa akin. “Anyway nasabi ba ni Tita kung ano ang dapat mong gawin at kung ano ang ayaw ko?” tanong niya sa akin. “Wala naman po siya sinabi sa akin pero narinig ko na kinausap niya ako sa linya na aalagaan ko po kayo.” Yumuko ako nahiya naman ako sa sarili ko na ang laki ng lalaki at may edad pa ang aalagaan ko. “What? Aalagaan mo?” “Opo yan po kasi ang sinabi ni ma'am Claudia at pagsilbihan ko po kayo in short personal maid at pwede rin na personal assistant.” Saad ko. Hindi siya sumagot muli siyang humakbang pumasok siya sa kwarto at malakas niyang binagsak na sinarado ang pinuntahan ng silid na pinasukan niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng dagundong nito. Nakaramdam ako ng konting pangangalay sa binti ko at umupo ako sa magarang sofa na kulay asul. Hindi ko alam kung saan ako mag-umpisa na magtrabaho palagay ko hindi magtrabaho ang apartment ni Rafael. Nang makaramdam ako ng gutom ay pumasok ako sa kusina. Malinis ang kusina ang loob ng kusina ay mas malaki pa sa bahay namin sa probinsya. Pagbukas ko ng fridge ay may already made na pagkain at parang sa drama ko na napapanood. Paininitin lang ito sa microwave ay luto na. Lalo tuloy ako nalilito kung ano ang gagawin ko. Bukas na bukas ay tatawagan ko si ma'am Claudia kung ano ang dapat kung gawin. Sa gutom ko kumuha ako ng red apple at saging umupo ako para kainin ang apple at saging. Pagkatapos kung kumain ay uminom ako ng tubig. Kinuha ko rin ang phone ko para tawagan ko si Billy sasabihin ko na si Rafael Cortez ang pamangkin ni ma'am Claudia at ang amo ko na ngayon. Pagdayal ko sa number ni Billy ay nabitawan ko sa gulat ng makita ko si Rafael na nakatayo sa pintuan mukhang may lakad ulit dahil bihis na bihis siya. Kahit masungit at parang pinaglihi sa kumukulong tubig gwapo pa rin sayang laging galit sa mundo ang itsura. “Sir may kailangan po ba kayo?” “No, I'm going out sa labas ako magdidinner. Bukas ko sasabihin ang rules ko.” “Akala ko ba Sir gusto n'yong magpahinga at ayaw nyo na nakakarinig ng kahit anong ingay?” tanong ko parang hindi niya nagustuhan ang tanong ko. “Ako ang boss dito kung ano gusto kung gawin ay wala ka na roon. Just do your work here!” madiin na sabi niya. Mukhang mahihirapan ako, hindi pa ako inabot ng dalawang oras sa apartment niya red flag niya agad ang bumungad sa akin. Kailangan ko lang tatagan ang sarili ko. Maya-maya ay umakyat na ako sa taas naiilang pa ako na umupo sa malambot na malaking kama ni minsan sa buhay ko ay hindi ko naranasan ang ganito na kaganda na kwarto.Nang makaramdam ako ng pagod ay humiga ako hanggang sa nakatulog ako. Ang himbing ng tulog dahil sa lamig ng AC ng kwarto. Bahagya akong nagising na may naririnig ako na babae na tumatawa sa baba. Kahit mabigat ang katawan ko ay bumangon ako at lumabas ako ng kwarto na parang wala pa sa sarili. Nasa hagdan pa lang ako ay may kakaiba ako na naririnig babaeng nahihirapan na umungol at nagmumura naman ang lalaki. Kanina narinig ko sa living room malakas na tawa ng babae ngayon ay ungol na para bang nahihirapan na humingal ang babae ganun din ang lalaki “Shït!" mura ko napatakip ako ng bibig ko ng makita ko ang babae na nasa ibabaw ni Sir Rafael na walang damit. Nakatingala sa itaas ang babae na hawak niya ang dalawang papaya niyang dibdib. “Ahhh Raf, ahhh…” Ungol ng babae sa pangalan ni Rafael. “Ano itong nakikita?” tanong ko sa sarili ko mabuti nalang napapikit ang babae. Walang laban ang dibdib ko sa pakwan niyang dibdib.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD