Chapter 9
SHARINA
Nagtataka ako at hindi makapaniwala sa mga narinig ko na sinasabi sa akin ni Mrs. Camdas. Laking gulat ko rin na ang babaeng tinulungan ko ay siya pala ang may ari ng Mall na ito.
“Alam ko hija na may malaking problema ka ngayon at isa pa ay magaan ang loob ko sa'yo. Nararamdaman ko sa'yo at nababasa ko sa mga mata mo na may busilak ang puso mo. Sasagutin ko ang lahat ng gastos sa pagpapagamot sa ate mo at ibang gastusin nila hija. Mula sa puso ko na tulong ko para sa'yo hija kapalit ng pagtulong mo sa akin. Ikaw lang ang nag-iisang gumawa no’n sa akin.” I feel frozen sa sinabi sa akin ni ma'am Camdas.
“Wala akong masabi ma'am Camdas kundi maraming salamat po sa inyo. Isa pa po ma'am sobrang laking halaga po ang itutulong n'yo po sa ako sa akin.” Naiiyak ako sa harapan ni Camdas.
“Pero may isang malaking alok ako sa'yo hija. Kung tatanggapin mo ito ay magbabago ang takbo ng buhay mo matulungan mo ang Mama mo at ate mo. May ipapagawa ako sa'yo hija at sa tingin ko ikaw lang ang makakagawa para sa pamangkin ko. Dalawang milyong piso, bagong apartment at higit sa lahat ay bagong sasakyan. Alam ko na pangarap mong magkaroon ng ganitong bagay. Kapag magagawa mo ang ipapagawa ko sa'yo hija lahat ng sinabi ko ay mapasa-kamay mo at bibigyan din kita ng bagong trabaho sa pag-aari ko na hotel. Hindi ba HRM ang natapos mo?” tumango ako kay ma'am Camdas.
Nagtataka pa rin ako na hanggang ngayon ay bakit alam niya ang tungkol sa pagkatao ko. Nakangiting nakatingin sa akin si ma'am Camdas sa akin hinihintay niya ang sagot ko.
“Pero ma'am, bakit ako?” tanong ko.
“Dahil may tiwala ako sa'yo hija.” Mahinahon na sagot niya sa akin.
“Ano po ba ang ipapagawa nyo sa akin kung sakali na tatanggapin ko ang alok mo ma'am?” She smiled at me.
Tumayo siya sa kinauupuan niya at upo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang kamay ko na nanlalamig.
“Pagsilbihan mo lang ang pamangkin ko at ikaw ang personal maid niya. Kung mapatibok mo ang puso niya o mahulog ang loob niya sayo ikasisiya ko. May konting kasungitan lang ang alagaan mo palagay ko ay makakaya mo siyang pasayahin at paamuhin.” Mahabang sabi sa akin ni ma'am Camdas.
“Ibig sabihin po lalaki po siya?” tanong ko
“Oo hija may edad na rin ang pamangkin ko.” Napatakip ako ng bibig ibig sabihin ay may edad ang pamangkin ni ma'am Camdas.
“Pag-iisipan mo hija sa lalong madaling panahon. Pero huwag kang mag-alala sa mga gastos para sa ate mo. Ngayon pinapunta ko na ang sekretarya ko sa probinsya mo sa Davao at inutusan ko siya na ayusin ang operation ng ate Cynthia mo.” Sabi sa akin ni ma'am Camdas.
“Pero ma'am hindi ko pa po tinatanggap ang alok mo sa akin.”
“Tulad ng sinabi ko hija mula sa puso ko ang pagtulong ko sa'yo at sa ate walang kapalit iyon tanggapin mo man o hindi ay tutulungan kita sa pagpapagamot sa ate mo. Iba ang alok ko sa'yo na pag-iisipan mo heto ang card ko kung makapag desisyon ka na anytime mo ako na pwede mong tawagan. Sige na hija tawagan mo na ang Mama sabihin muna may taong mag aayos ng operation ng ate mo. Kung ano man ang desisyon mo sa alok ko hinihintay ko ang tawag mo sa akin hija.”
Niyakap ko si Ma'am Camdas sa pagtulong niya sa problema ko. Sa kakaiyak ko ay walang salitang lumabas sa bibig ko. Hulog talaga siya ng langit sa akin wala akong masabi sa kanya. Pinahid niya ang mga luhang pumapatak sa pisngi ko.
“Huwag ka nang umiyak hija, gusto kong makita ka na nakangiti ka isa pa namumugto na ang mga mata mo sa kakaiyak. Sige na tawagan mo na ang Mama mo at sa operation ng ate mo dapat nasa tabi ka ng mama mo bukas na bukas ay uuwi ka muna sa probinsya para sa ate mo. Ang napag-usapan natin ay maghihintay ako.” Sabi sa akin ni ma'am Camdas sa tono ng pananalita niya parang gustong-gusto niya na sumang-ayon ako sa alok niya sa akin.
Nakalipas ang ilang oras ay sabay out na namin sa trabaho kinukulit ako ni Ella at Rowan kung bakit ako pinatawag ng manager ng mall. Gumawa na lang ako ng kasinungalingan na kung gusto ko maging kasambahay ng may ari ng mall ay double ang sahod ko. Sinabi ko na tinanggap ko ang alok nila dahil nangangailangan ako ng pera. Masaya sila para sa akin.
Nang makausap ko si Mama kung sino ang mabait na tumulong sa akin ay hindi siya makapaniwala at laking pasasalamat naman ni Mama at ate. Sinabihan ko rin sila bukas ay uuwi ako para sa operation ni Ate.
“Are you serious? Totoo ba ang naririnig ko Sharina sampalin mo nga ako ng mag-asawa na sampal baka nanaginip ako.” Lalabas na ang dalawang mata ni Billy ng sabihin ko ang napag-usapan namin ni Ma'am Camdas.
“Baliw ka talaga Billy.” Biro ko.
“Hindi kasi ako makapaniwala sa balita mo sa akin. Alam mo ba na ikaw pa lang ang nakakita sa may ari ng Camdas Mall nayan. Swerte mo talaga girl, ako sa'yo pag-iisipan mo ng mabuti ang offer sa'yo.”
“Nakapag-isip na ako Billy, pero hindi ko muna sasabihin kay ma'am Camdas after na lang ng operation ni ate.”
“Sigurado ka ba Sharina? Ang bilis mo naman na mag-isip,” siniko ako ni Billy.
“Oo Billy, sigurado na ako. Nandito na ako, hindi ko na ito papakawalan sa kamay ko dahil kusang lumapit na sa akin ang grasya. Pera ang ngayon ang umiiral sa mundong ito kaya desidido na ako Billy. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko at matutulungan ko rin si Mama at ate.” Sabi ko sa kaibigan ko malalim akong huminga.
“Paano kung matandang binata ang pagsisilbihan mo o baka ubod ng sungit ang maging amo boss mo?” tanong sa akin ni Billy.
“Ano ka ba bakla, may solution d'yan kung masungit ang maging amo ko at isa pa hindi naman siya ang big boss ko kundi si ma'am Camdas.” I sighed.
“Oh… Don't tell me na,” tinakpan ni Billy ng dalawang kamay niya ang kanyang bibig. Tinaasan ko siya ng kilay.
“Mali ang nasa isip mo nag-o-overthinking ka naman.”
“Uulitin ko Sharina sigurado ka ba sa desisyon mo?”
“Trust me Billy, si Sharina ito para sa pangarap ko kaya ginagawa ko ito.”
“May tiwala ako sa'yo girl. Malaking halaga din ang alok sa'yo. Yayaman ka na wala sa oras.” Aniya.
“Tama ka Billy, baka maging bato pa ang dalawang milyong piso kung tatangginghan ko.” Saad ko.
Kinabukasan ay maagang akong hinatid ni Billy sa airport si ma'am Camdas din ang bumili ng back and forth na ticket ko. Sadyang mabait lang talaga na nilalang si ma'am Camdas pero kapag time ako gusto kung alamin kung sino ba talaga si ma'am Camdas.
Nawala rin sa isip ko si Rafael Cortez, nakalimutan ko rin siya e-search sa sa doodle. Sure mababasa ko tungkol sa kanya ay kilalang multi billionaire dito sa Pilipinas.
Nakalipas ang apat na ay nasa Davao na ako dumiretso ako sa private hospital dito sa Davao City. Hindi ko akalain dito inilipat ni ma'am Camdas si Mama sa pinaka-mamahaling sa hospital dito sa Davao.
“Mama,” tawag ko kay Mama ng makita ko siya sa labas ng hospital na hinihintay ako. Niyakap niya ako nakikita ko sa mga mata ni mama na kulang siya sa tulog.
Pumasok kami sa loob ng hospital mabuti na lang naabutan ko bago ipasok sa operating room si ate.
“Saan ang kwarto ni ate ma?” tanong ko.
“Dito anak kanina ka pa hinihintay ng ate mo.” Binuksan ko agad ang kwarto na tinuro ni Mama.
“Sharina,” nakangiting tawag ni ate sa akin ng makita ako.
“Ate,” sambit ko at niyakap at hinalikan ko si ate na umiiyak.
‘‘Maraming salamat sa'yo Reena.” Pinahid ko ang tumulo na luha ni ate sa kanyang pisngi.
“Basta para sa'yo at kay Mama ate ay gagawin ko.”
“Reena natatakot ako."
"Huwag kang matakot ate lakasan mo ang loob at magtiwala ka sa panginoon na maayos din ang lahat." Nginitian ako ni Ate.
Lahat ng mga magagandang salita ay sinabi namin puro positive thoughts ang sinabi ko para lumakas ang kanyang loob.
Ilang sandali ay may dalawang doktor na pumasok at dalawang nurse. Sinabihan kami na kailangan na nilang ipasok sa operating room si ate ayaw bitawan ni ate ang kamay namin ni Mama. Nginitian ko siya hindi ko pinapahalata kay ate na kinakabahan din ako. Nang nasa operating room na si Ate umupo ako sa tabi ni Mama nagdadasal kami ni Mama na maganda ang resulta ng operation ni ate.
Hanggang sa limang oras na ang lumipas ay hindi pa rin natapos ang operation ni Ate hanggang sa walang oras na ay hindi pa rin tapos. Ang sekretarya ni ma'am Camdas ay hindi rin siya umalis incase na may kailangan kami ay makakatulong siya sa amin.12 or 13 hours daw matatapos ang operation.
Nang lumabas ang doctor ay sabay kami ni Mama lumapit. Nginitian kami ng doctor.
“Successful,” masayang sabi ng doctor sa amin ni Mama.
“Maraming maraming salamat sa inyo doc." naiiyak na pasasalamat namin ni Mama.
Ililipat ng intensive care si ate ng ilang araw para e-make sure na walang problema at kapag nakikita nila na nasa good condition na si ate ay pwede na ilabas ng hospital.
RAFAEL POV
“Tita, matanda na ako hindi ko kailangan ng bagong kasambahay sa apartment ko.”
“Hijo last time na dinalaw kita sa unit mo puro unhealthy ang kinakain mo. Isa pa this is the last na may ibibigay ako sa'yo na kasambahay. Isa pa hanggang ngayon ay hinihintay ko pa ang sagot niya kung available ba siya. Huwag mo naman ako tanggihan anak.”
“Okay fine Tita kung hindi niya magagawa ng maayos ang mga utos ko palayasin ko siya.”
“Don't worry anak dahil kakaiba siya sa lahat at nakakasiguro ako na magugustuhan mo siya.” I sighed hindi ko talaga na matanggihan si Tita Claudia.
Mas siya pa ang tunay na ina ko kaysa sa tunay ko na ina. Kapatid siya ni Mama sa ina. Magkapatid sila ni Mama sa ina matanda ng dalawang taon si Tita Claudia kay Mama.
Paglabas ni Tita sa opisina ko ay dumating si Jasper na malalim ang iniisip. Tungkol naman siguro ito sa Lolo niya ang kaya parang hindi ma-drawing ang mukha.
“Ano Jasper wala pa rin bang solution ang problema mo?” tanong ko.
“Wala pa rin dude,” huminga ito ng malalim.
“Ilang araw hindi ka nagparamdam sa amin. Totoo ba na may gustong pag tangkahan ang buhay mo? May mga hindi raw na kilalang tao ay bumaril sa harapan ng hidden house mo?”
“Soon as possible ay malaman ko rin kung sino sila once na tama ang nasa isip ko kahit sa ilalim pa sila ng lupa magtago ay huhukayin ko sila.” Matapang na sabi ko at umigting ang panga ko.
“Rafael, may tinatago ka ba sa amin tungkol sa iyo na hindi mo sinasabi.”
“Malalaman din n'yo.”
“Oh, come on dude kailan namin malalaman kapag may mangyaring masama sa'yo. Hindi ba walang sikreto sa atin na magkakaibigan.’’
“Jasper malalaman din n'yo isa pa ayokong madamay kayo hindi ko matatanggap na isa sa inyong mga kaibigan ko ay mapahamak dahil sa akin.” Sabi ko.
“May naka-encounter ka ba na sindikato or drug lord?” tiningnan ko ng seryoso si Jasper.
“Higit pa d'yan.” Sagot ko.
“Oh, f****d tungkol ba ito sa dating trabaho ng Daddy mo na mafia?”
“Baka may makarinig sa'yo. Kaya nga hindi ko ito sinasabi sa inyo dahil ayoko pati kayo ay madamay. Ang anak ng mafia boss na nåpatäy ni Papa ay gustong gumanti ako ang target nila.”
“Rafael ang ganitong bagay ay hindi mo dapat na tinatago sa amin. Ang pagkakaalam ko may mafia na kaibigan si Gilbert, Dominico Douglas Jr. yata ang pangalan baka makakatulong siya sayo.