Chapter 8

1991 Words
Chapter 8 SHARINA Nang may dumaan na taxi ay pinara ko agad. Hindi na ako lumingon sa kinaroroonan ni Sir Rafael agad kung binuksan ang pintuan ng taxi. Nang nasa loob na ako ng taxi ay tumingin ako sa maliit na salamin. Nakita ko si Rafael na nakatayo nakatingin sa likod ng taxi na sinakyan ko. Hindi ko inalis ang mata ko sa salamin ng may nakita ako na babae na lumapit sa kanya ay napahawak ako sa aking dibdib. “Dumating na tayo ma'am,” sabi sa akin ng taxi driver kumuha ako ng pera sa sling bag ko at binayaran ko ang taxi driver. Lumabas ako ng taxi. Dumiretso ako pumasok sa apartment ni Billy. Bakit kasi laging naglalaro sa isipan ko si Rafael dapat ay hindi ko siya iniisip sa dami kung pwedeng isipin bakit siya ang gumagambala sa utak ko. Ginawa ko ay pumasok ako sa loob ng kusina at naglilinis ako kahit wala naman kalat at malinis ang loob ng kusina ni Billy. Inabala ko ang sarili ko para mawala sa isipan ko si Rafael. Pagkatapos kung maglinis ay nagluto ako at nag bake din ako ng banana cake may nakita kasi ako na overripe na banana. Sinaniban ako ng espiritu ng sipag sa araw na'to hindi ko rin namalayan ang oras ay hapon na pala. Nakaidlip din ako sa sofa at hindi ko namalayan na dumating na pala si Billy. Kung hindi pa tumunog ang cellphone ko ay hindi ako magising sa pagod ko siguro kaya napasarap ang tulog ko. Nang imulat ko ang mga mata ko si Billy ang nabungaran ng mga mata ko na kumakain ng banana cake. Tataba yata ako nito Rina ang sarap mo talaga magluto. Alam mo mas gusto ko na dito ka na lang lagi sa apartment ko. Ganitong pagkain ang gusto kong kainin. Nakakain lang ako nito kapag umuuwi ako ng probinsya natin. Bumangon ka na at sagutin mo ang phone kanina pa yan tumutunog unknown number.” Bumangon at kinuha ko ang phone ko. “Sino kaya ito?” tanong ko. “Baka may secret admirer kana dito sa Maynila," tiningnan ko si Billy. "Wala naman nakakaalam ng number ko at wala rin akong naalala na binigyan ko." Saad ko kay Billy. "Hmm, sagutin mo na lang para malaman natin kung sino yan baka wrong number." Nilagay ko sa loudspeaker para dalawa kami ni Billy makarinig kung sino ang tumatawag sa number ko. “Hello,” sabi ko sa linya walang nagsasalita at pinatay niya ang linya. “Hayaan mo baka nagloloko lang yan.” “Baka nga, kumusta ang trabaho mo?” tanong ko sa kaibigan ko. Pagod, gusto ko nga matulog ng maaga kumusta ang pag-ikot-ikot mo sa Mall ready ka na ba bukas?” tumango ako. “Feeling nervous. Dahil ibang mga taong nakakasalamuha bukas.” “Kaya mo yan at masanay ka rin ganyan din ako dati minsan sa trabaho may mga taong sipsip at kailangan natin mag ingat sa mga taong nakapaligid sa atin.” May punto si Billy sa mga sinabi niya sa akin. Bigla akong kinabahan ng biglang pumasok sa isip ko si Rafael. Iba rin kasi ang nararamdaman ko sa kanya ang misteryoso niyang lalaki parang may tinatago sa madilim niyang mata kung paano siya tumitig. LUMIPAS ang mga oras, araw mag iisang lingo na ako dito sa Camdas Mall. Walang naging problema sa trabaho mabait ang co-workers ko si Ella at Rowan ang naging close ko. Kasing edad ni ate si Ella si Rowan ay kasing edad ko siya. Birthday ni Billy mamayang gabi sinabihan niya ako na pwede kung invite sa kaarawan niya si Ella at Rowan nasabi ko kasi sa kanya na mabait sila sa akin. “Saan ba gaganapin ang birthday ng kaibigan mo?” tanong ni Ella. “Sa isang sikat na bar daw kaya sabi niya kaya isuot mo ang sexy dress mo ikaw rin Rowan pang bachelor party na damit ang isuot mo. Dahil minsan lang ito.” “Ewan ko sa'yo Sharina masaya na ako nakikita kita nakakawala ng pagod ang ganda mo. Ngayon lang ako nakakita ng ganda na kakaiba ang sarap sa mga mata lalo kapag ngumingiti ka.” Hinampas ni Ella ang braso ni Rowan. Gusto kasi akong ligawan ni Rowan ay hindi ako pumayag at hindi naman siya nangulit. Pagsapit ng alas otso ng gabi ay nasa bar na kami ni Billy may apat siya na kaibigan nakita ko rin na dumating ang dalawang kaibigan ko. Darating sana si Vina ay malaking party daw amo niya. Nakanganga kaming tatlo dahil ngayon lang kami nakapasok sa ganitong bar puro mayayaman ang pumupunta sa ganitong bar. Ganitong-ganito ang bar na nasa dream namin ni Vina. Lalong lumalakas ang tugtug ng musika ang se-sexy ng mga babae na sumasayaw sa dance floor. “Billy ang ganda naman dito.” Sabi ko. Mag enjoy kayo huwag lang kayo magpakalasing dahil may pasok pa kayo bukas.” malakas na boses ni Billy. “Opo madam," sabay namin sabi tumawa ang mga kaibigan ni Billy. “Billy anong meron sa taas?" tanong ko may nakita kasi ako na dalawang lalaki na umakyat. “VIP room, ang may ari lang ng bar na'to ang makakapasok sa room nayan o mga kaibigan o kamag-anak.” Sabi sa akin ni Billy. Tumango ako “Sayaw tayo.” Yaya ni Ella hinila niya ang kamay namin ni Rowan. Sumigaw ako. Feeling ko nasa ibang planeta ako. Thank you Sharina sa pag invite sa amin kahit siguro puputi ang buhok namin hindi namin ito maranasan.” Malakas na boses ni Ella. “Ako rin naman ngayon lang ako nakapasok sa bar na'to grabi sulitin natin ang gabi na'to.” sabi ko. “Ang order nyo guys!" Sigaw ni Billy juice ang order namin si Billy Vodka. Muli kaming sumayaw ni Ella. Nang by accident kung nasagip ng mata ko ang VIP ROOM ay parang may taong nakamasid sa kinaroroonan namin ng mga kaibigan ko. “Ladies and gentlemen. Si Mr. Villanueva gustong mag pa game kung sino ang makahulae ng kanta at kantahin ng makahula may 300k pesos sagut pa niya ang gabi niya sa bar na'to.” “What narinig nyo ba ang narinig ko?” sumigaw talaga si Ella natulala naman si Rowan sa 300k pesos. “Oo naman, nag hugis dollar nga ang mata at tenga ko.” Sagot ko kay Ella. Sana ay mahulaan ko dahil nangangailangan ako ng pera at dahil sa pera kung bakit ako ngayon dito sa Maynila. Nakinig akong mabuti para ako ang unang makasagot ng tugtugin na nila ang sound ng walang lyrics. “Alam ko!” malakas na sigaw ko. “Anong title ng song?” tanong ng babae ang mga mata ng tao ay sa akin. *In your eyes the weekend po kumanta.” Nanginginig ang boses ko sa sobrang excited. “Correct, kung makanta mo mapa sa iyo ang 300k!” Sabi niya sa akin. “Go, go, go Miss kaya mo yan!” sigaw ng mga tao at nag palakpakan pa sila para sa akin. “Sharina, Sharina ang Mama mo sa linya,” lumakas ang dagundong ng dibdib ko ng ibigay ni Billy ang kanyang phone. “Mama,” sambit ko sa linya. Lumabas ako sa bar para kausapin ko si Mama sa linya. Hindi tumawag si Mama ng ganitong oras kung hindi importante Narinig ko na umiiyak si Mama sa linya. “Ang ate mo anak sinugod namin sa ospital dahil nawalan siya ng lakas at nahihirapan siyang huminga. Sabi ng doktor sa lalong madaling panahon ay kailangan niyang operahan. Pero saan tayo kukuha ng malaking halaga. 250k ang kailangan natin anak at sa Davao city dadalhin na hospital.” Malungkot na boses ni Mama sa linya. Para akong binuhusan ng malamig tubig sa sinabi ni Mama sa akin. Saan ako kukuha ng malaking halaga pera sa ngayon wala pa ako sahod? malakas na bumuhos ang mga luha ko sa aking pisngi. Nanghina ang tuhod ang bukang bibig ko si ate na nasa emergency room at hindi pa rin daw nagigising. “Sharina tumayo ka at uuwi na tayo.” Sabi sa akin ni Billy nag-alala siya sa kalagayan ko. Lumapit din sa akin ang dalawang kaibigan ko at inalayanan nila ako tumayo “Kukunin ko muna ang sasakyan ko,” si Rowan ang sumagot kay Billy. “Sharina anong nangyari?” tanong sa akin ni Ella. Hindi ko sinagot ang tanong niya sa akin. “Bumalik tayo sa loob ng bar kailangan kung kantahin ang in your eyes dahil kailangan ko sa madaling panahon ang pera.” Sabi ko hinawakan ni Rowan ang braso ko “Napunta na sa iba ang reward Sharina dahil umalis ka.” Sabi ni Rowan sa akin. “Hindi! Ako dapat ang makakuha ng 300k na'yun ako dapat!” sigaw ko. “Billy, Billy tulungan mo ako.” Naiiyak nasabi ko sa kaibigan ko. “Tutulong ako Sharina sa abot ng makakaya ko. Umuwe muna tayo para makapag-usap tayo ng mabuti,” binuksan niya ang pintuan ng sasakyan at pinasok niya ako. Nagpaalam siya sa kanyang mga kaibigan at ang dalawang kaibigan ko ay pumasok sa loob ng sasakyan ni Billy gusto nila akong samahan. Nang nasa apartment na kami ni Billy ay tahimik lang ako na nakaupo nag-iisip din si Billy kung saan siya makahiram ng pera dahil hindi sapat ang laman ng bank account niya. Marami din siyang bayarin ang dalawang kaibigan ko gipit din sila. “Ella, Rowan umuwi muna kayo baka hinahanap na kayo ng pamilya n'yo may pasok pa kayo bukas.” Sabi ni Billy sa dalawang kaibigan ko. Hanggang sa umuwi na rin sila, kinuha ko ang phone ko at tinawagan ko si Mama hindi ko alam kung sino ngayon ang kasama ni Mama sa hospital. Idadayal ko na sana ang phone ko ay si Mama ang nasa linya sinagot ko agad. “Hello Mama,” kinakabahan ang tono ng boses ko. “Ang ate mo anak nagising na siya, huwag ka ng mag-alala.” Sabi ni Mama sa linya. Nakahinga ako ng maluwag. “Billy gising na si ate.” Sabi ko. “Thank God,” saad sa akin ni Billy. “Mama, magpahinga na po kayo gumawa na kami ng paraan ni Billy na makahanap ng pera. Ma, ihalik n'yo po ako kay sabihin mo lakasan niya ang kanyang loob.” “Maraming salamat anak huwag mo rin pabayaan ang sarili mo.’’ “Opo Mama, gagawin ko ang lahat gagaling si ate. Mahal na mahal ko kayo ma.” Pinigilan ko na hindi umiyak. Kinabukasan ay pumasok din ako sa trabaho. Kahit kulang ako sa tulog at namumugto pa rin hanggang ngayon mata ko ay pumasok pa rin ako. Nilapitan agad ako ni Ella tinanong niya ako kung kumusta ako at ang ate ko. “Okay na siya Ella salamat sa inyo ni Rowan.” “Sharina Valdez, pina-patawag ka ni manager sumunod ka ngayon sa akin.” Sabi ni Miss Magno mula ng dumating ako dito siya lang ang hindi maganda ang pakikitungo sa akin. Nagkatinginan kami ni Ella huwag naman sana ang nasa isip ko. “Ella baka…” “Think positive Sharina,” niyakap ko si Ella. “Sharina bilisan mo!” madiin na boses ni Miss Magno. Nang nasa opisina na kami ng manager ay kinakabahan ako na pumasok sa loob. Pinapawisan ako sa takot parang hindi ko maigalaw ang paa ko. “Miss Valdez may gustong kumausap sa'yo. Miss Magno pwede ka ng umalis.” Sabi ng manager at nagpaalam din ito sa akin. “Have a seat hija,” boses ng babae lumingon ako sa likod ko. Nagulat ako ng makita ko ang may edad na babae na masayang nakangiti sa akin. “Ikaw?” tanong ko napaawang ang labi ko ang babae na nasa harapan ko siya yung babaeng tinulungan ko na nahihirapan maglakad. “Ako nga hija.” Nginitian ko siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD