Chapter 37 THIRD PERSON POV Nakatulog si Sharina sa kakahintay niya kay Rafael hanggang sa paggising niya ay wala pa rin si Rafael. Nang tingnan niya ang kanyang phone ay wala rin message mula kay Rafael. Habang kumakain ng almusal si Sharina ay nagdadalawang isip siya na tanungin si Manang tungkol kay Rafael. Dahil hindi mawala sa isip niya ang napag-usapan nila ni Donny. Hindi rin siyang handa na puntahan ang address na binigay ni Donny sa kanya. “Manang…” Hindi natuloy ni Sharina ang sasabihin ng lingunin siya ni Manang. “Ano yun hija?” tanong ni manang. “Wala po manang maraming salamat sa almusal.” “Nag-alala ka ba hija kay Rafael kung bakit siya hindi nakauwi?” tumigil si Sharina sa pagsubo ng pagkain. “Opo pero sanay naman po ako manang.” “Ganyan talaga si Rafael hija intin

