Chapter 36 SHARINA Balak ko sanang buksan ang pintuan ay narinig ko ang malakas na boses ni Rafael sa living room halos gumuho ang loob ng bahay sa lakas ng kanyang boses. Hindi kami tinuruan ni Mama na makinig sa pinag-uusapan ng ibang tao. Pero parang may tumulak sa likod ko na buksan ko ang pintuan ng kwarto ni Rafael. Hanggang sa dahan-dahan kung binuksan ang doorknob ng pintuan. Humakbang ako palabas ng pintuan maingat ko na sinilip sila Rafael sa living room. Likod lang ng babae ang nakikita ko. Hindi ko naririnig ang sinasabi niya kay Rafael. Hanggang sa hinawakan siya ni Rafael sa braso palabas ng bahay. Si Rafael din ang nagbukas ng malaking pintuan ng main door. Blonde hair ang kulay ng buhok ng babae kahit hindi ko nakita ang kanyang mukha nakaramdam ako ng kaba sa dibdib

