CHAPTER TWO
MILES
HINDI ko alam kung matutuwa ako or mahihiya dahil sa sitwasyon naming dalawa ni Popoy ngayon. Hindi ko naman inexpect na siya ang makakasalo sa akin. Sana nga siya nalang yung makakasalo sa akin kase willing akong mahulog sakanya. Ay mali, hulog na pala ako sakanya. Hindi niya lang alam.
“Dude what the eff? Anong ginagawa mo dyan? Ilang isda ang nahuli mo?” si Ares ang unang bumasag sa katahimikan dahil nga gulat na gulat kaming lahat sa nangyari. Miski ako nagulat din kase ang alam ko ay ang malamig na tiles ang sasalubong sa pwet ko.
“Bwisit ka,” sabi ni Popoy na nababahiran ng inis. Tumayo siya at saka ako inalalayan.
“Ayos ka lang brad?” seryoso niyang tanong. Ang kanyang boses ay pirmi at walang bahid ng inis hindi gaya kaninang kinausap niya si Ares. Sige nga sino ang hindi magkakagusto sa isang taong katulad niya?
“Ah—oo! Salamat tol,” sabi ko nalang para maitago ang pagblu-blush ko. Noong tinignan ko ang mga taong nakapaligid sa amin ay wala na sa amin ang atensyon nila. Para ngang saglit lang nila kami binigyan ng atensyon tapos nag-usap usap na sila.
Kahit nga si Kath na dapat tanungin kung okay lang ako ay nakaupo na at parang dalagang pilipina na di makabasag pinggan habang nakatingin kay kuya Pio na nakikipag-usap kila Ares tapos napunta sa aming dalawa ni Popoy ang atensyon niya noong makita niyang naglalakad na si kuya Pio kaya naman doon lang ako tinignan ni Kath. Namilog ang mata niya.
“Oh my gosh mare! Are you okay lang ba?” sabi niya tapos natataranta pang tumayo. Inikot ko lang ang mata ko sakanya. Ngayon lang siya nag talk dahil papunta na si kuya Pio sa direction namin ni Popoy. Ang bilis talaga ng gaga!
“Ito naman sana naman nagsabi ka if aalis ka kanina. Kamuntikan pa akong mapahamak dahil lang sa tuwa mo noong makita mo si kuya,” mahina kong bulong na tanging kami lang ang makakarinig. Kung kami lang dalawa rito sasabunutan ko talaga ‘tong babaeng ‘to.
“Pasensya ka na bessyco. Eh kasi naman na-excite ako. Alam mo naman kapag na-e-excite ako pagdating kay crush diba? Walang makakapigil sa akin,” kilig na kilig niyang sabi tapos hindi pa nakuntento ay kinurot pa ako sa bewang. Napakislot tuloy ako.
“Ano ka ba Kath!”
“Sus ito naman. Sorry na nga eh. If I know bet na bet mo naman kase diba nag-skin to skin kayo ni crush mo. Sinuportahan lang naman kita sa kalandian mo bessyco. You’re welcome!” aniya at humagikgik.
Kung sabagay tama naman siya pero hindi naman ganito ang bet kong tagpo. Iyon bang may masasaktan pa sa aming dalawa para lang maglapit kami. Hindi naman dapat ganon. Hindi ba puwedeng walang masaktan ganon? Puwede naman kasi eh. Grabe lang itong si Kath.
Hindi ko nalang pinansin si Kath na panay ang bulong sa aking gilid. Na kesyo ang gwapo raw ni kuya Pio habang nakikipag-usap kay Popoy. Na kesyo willing daw siyang lumuhod para kay kuya Pio. Parang tanga talaga.
Tinignan ko ang gawi nila Popoy. Medyo lumayo kasi silang dalawa ni kuya eh kaya hindi ko naririnig ang pinag-uusapan nila pero base sa expresyon nila sa mukha, seryosong usapan ang meron sila. Ang mga kilay ni Popoy ay straight line na. Ang kanyang mga mata ay seryosong nakatingin sa kuya niya. Ang kanyang labi—
“Uy mare!”
“Ay labi!”
Napahawak ako sa aking dibdib noong sinundot ni Kath ang bewang ko. Ang hilig niyang magsundot ng bewang eh ang lakas ng kiliti ko roon.
“Ano na naman?” inis na tanong ko. Kung makasundot kase akala mo naman importante yung sasabihin niya eh.
“Tara na. May pasok na tayo. 5 minutes nalang saka mo na titigan si Popoy. Saka may f*******: naman kasi eh. Kuha ka nalang ng pictures niya don,” sabi niya. Nag-aayos na rin siya at halatang nagmamadali.
“Hala shet! Totoo?” inayos ko na rin ang bag kong nakabukas kase naman kumuha na naman si Kath ng pulbo ko. Mayroon naman siyang sariling pulbo pero ang sabi niya bet niya raw yung akin. Ang bango raw kase. Masamahan nga ‘tong bumili kapag may free time.
“Hindi mare. Prank lang yung sinabi ko. Tsk, oo nga. Halika na,” aya niya saka hila sa akin. Ni hindi na nga kami nakapagpaalaam sa mga itlog eh. Busy din kase sila mag-usap at mamaya pa matatapos sila kuya Pio sa heart to heart talk nilang magkapatid.
“HINDI KO ALAM na may pa overnight pala ang boys ngayon.”
Tinatahak na namin ang daan palabas ng building. Last class na namin kanina kaya ready to go na. Wala kasing night class this day kaya naman nagpa-overnight si Paps. Alam niya ang schedule ko eh.
“Oo nga. Hindi ba’t sinabi ko naman sayo kanina noong kumakain tayo ng lunch?” sinabi ko talaga sakanya pero ewan ko ba at hindi niya alam.
“Ay nasabi mo ba? Pasensya ka na sis ha? Busy kase ang eyes kong mag-explore sa mahal kong si Pio. “
Sinasabi ko na nga bang nasabi ko sakanya. Hindi lang talaga siya nakinig. Grabe na itong epekto ni kuya Pio kay Kath. Kahit ata aksidenteng mahampas siya ni kuya Pio ng baseball bat siya pa rin magso-sorry eh.
“Ewan ko sayo. Sige mauna na ako. Mag-aayos pa ako ng bahay. Andon ang mga itlog sa bahay mamaya.”
Hindi ko na narinig ang sinabi ni Kath pero nakita ko namang winagayway niya ang kanyang kamay. Busy kase kakaselpon. Baka nga ini-stalk na naman niya si kuya.
NAKARATING ako sa bahay. Wala pang ilaw kaya naman alam kong wala pa si Paps. Siguro ay kasabay niya ang mga boys mamaya. Noong mabuksan ang bahay ay mabilis kong kinapa ang switch at lumiwanag ang buong paligid. Nagpakawala ako ng isang buntong hininga bago umakyat sa taas, sa aking kwarto para magshower.
Noong matapos kong maglinis sa katawan ay napatingin ako sa salamin. Doon ko nakita ang isang babaeng magulo ang basang buhok na nakasuot ng isang kulay puting tshirt na may print ng mukha ni Lebron James at nakasuot ng isang shorts na kulay itim.
Ang sabi ni Paps kamukhang kamukha ko raw si Mami. Tanging mata lang ang nakuha ko kay Paps. Kaya naman kapag napapatingin si Paps sa akin ay bigla siyang ngingiti. Alam ko na iyon. Naaalala niya kasi si Mami.
Napatingin ako sa pinto noong makarinig ako ng kalabog at tawanan. Mukhang andito na sila. Mabilis kong kinuha ang suklay at nag-ayos ng buhok at sarili. Noong masiguro kong maayos na ang aking itsura ay saka ako bumaba.
Wala akong natagpuang tao sa sala. Pawang mga bag lang ang nakita ko roon. Nakarinig ako ng kanchawan at ingay sa kusina kaya naman alam kong nandoon silang lahat. Noong makapasok ako sa kusina ay napanganga ako sa nadatnan ko.
Ang gulo ng buong kusina namin at ang salarin? Walang iba kundi ang basketball team. Yung ibang harina ay nasa sahig na. Ang tubig sa lababo nag-o-overflow na kaya naman ang floor na malapit sa lababo ay basang basa. Ang sandok ay ginawang mic ni Ares dahil kumakanta siya ng baby ko si kulot.
Noong tinignan ko si Popoy ay para akong nanghina dahil sa ginagawa niya. Halo siya ng halo samantalang ang hina ng apoy. Paano ba kase iyon maluluto kung ganoon ang apoy niya? Si Kurt ay walang pakialam na nakaupo sa upuan habang kumakagat ng apple. Habang si Loki ay napameywang at halatang sasabog na sa galit. OC yan eh. Ayaw niyan sa magulo. The rest ay sumasabay na kay Ares kumanta kaya naman ang ingay at ang gulo!
“Anong nangyayari?” tanong ko at lahat sila ay napunta ang tingin sa akin. Si Popoy ay natigil sa kakahalo at gusto kong matawa sa itsura niyang parang nahuli siyang nagnanakaw. Si Ares ay nahulog ang sandok na hawak. Si Kurt wala lang, tuloy pa rin ang pagngatngat sa apple. Habang si Loki ay parang nakahinga ng maluwag.
“Nagluluto?” si Josiah ang sumagot sa tanong ko. Nakataas pa ang kamay niya na parang nag-re-recite lang sa isang recitation.
“Hindi ka sure dyan brad?” sabi ni Ares habang nakatingin kay Josiah pagkatapos ay tinignan niya ako, “Oo nagluluto kami sabay nagco-concert at nagkakalat.”
Wow buti pa siya honest. Napailing nalang ako. Nagpunta si Popoy sa harapan ko at biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Ano ba naman yan. Bakit ba kase ang lapit!
“Ano… hehe… ang sabi kase ni coach magluto na kami at puwede naming pakialaman ang kusina niyo tapos ano…” sabi niya na nagkakamot ang ulo. Nahihiya pa siyang sabihin na hindi siya marunong magluto. Yes po, opo. Ang captain ball ng basketball team ay hindi marunong magluto.
“Hay nako,” sabi ko at nagpakawala ng isang buntong hininga at nakita ko ang pagngiwi nilang lahat.
“Tabi. Ako nalang ang magluluto pero maglinis muna tayo. Ang kalat eh,” sabi ko at mabilis naman silang tumango. Nagsimula kaming maglinis at habang naglilinis ay hindi ko lang maiwasang mapatingin kay Popoy na seryosong seryosong nagpupunas ng mesa.
Mabilis din akong umiwas noong magawi ang tingin niya sa akin. Dapat kasi magfocus ka nalang sa ginagawa mo Miles! Kung saan saan ka kasi nakatingin.
Mabilis lang din naman kami natapos maglinis dahil nga madami kami. Noong malinis na ang paligid ay mabilis naman silang nagsiupo para panoorin akong magluto. Hindi naman ito ang unang beses na ginawa nila yan pero kasi hindi pa rin ako sanay lalo na’t nanonood lang din si Popoy.
“Alam mo tol kung hindi lang namin alam na tomboy ka siguro niligawan na kita,” sabi ni Ares at lahat sila ay nagsabi ng “oo nga.”
Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Nakatalikod kasi ako sakanila. Busy akong hinuhugasan ang mga shrimp na priprituhin. Kung alam lang nila kung sino ang gusto ko. Teka, kung sakali kayang alam nila tutulungan kaya nila ako kay Popoy?
“Tahimik. Hindi ako makafocus,” nasabi ko nalang para maitago ang kabang aking nararamdaman. Palagi nalang kapag malapit siya. Ganon kalakas ang epekto ng isang Popoy Castillo sa akin.
“Pero seryoso kasi brad. May nagustuhan ka na bang lalaki?” si Joshua naman ang nagtanong. Inilagay ko muna sa plato ang huling hipon bago humarap sakanila. Lahat sila ay nakatutok ang atensyon sa akin o mas magandang sabihin nakatutok silang lahat sa sagot ko.
“Oo naman. Wala naman kasi sa kasarian yan eh,” sabi ko nalang. Hindi ko kase sinabi naman talagang tomboy ako sakanila. Siguro dahil sa galaw ko at sa itsura ko ay akala nila ay tomboy ako.
“Bi ka tol?” si Popoy ang nagtanong kaya naman napatingin ako sakanya na sana pala ay hindi ko nalang ginawa. Grabeng mukha naman kasi yan. Grabe naman si Lord, napakapogi.
Hindi na ako sumagot at nagtungo nalang sa may lutuan para ihanda ang pagpri-prituhan. Kinuha ko ang platong naglalaman ng hipon at inilapag iyon sa harapan nila. Pagkatapos ay nagpunta ako sa cabinet para kunin ang mga kakailangan ko sa pagpri-prito.
Noong makabalik ako ay gusto kong humagalpak sa tawa dahil sa itsura nilang lahat. Nakapalibot sila sa hipon na para bang dinadasalan nila yon. Iyan palang ang iluluto ko pero ganyan na sila. Ano ba naman ‘to. Ako lang ang nakaka-witness sa side nilang ganito. Sinong mag-aakala na ang mga mababangis at palaban na basketball players ay parang tangang nakatingin sa hipon.
“Tara na at magprito. Gusto niyo bang subukan?” tanong ko. Mabilis na tumayo si Kurt.
“Ayoko. Takot ako sa mantika. Ayusin ko nalang yung mga tents,” aniya at mabilis na kumaripas ng takbo palabas. Tapos hindi lang siya ang lumabas. Sunod sunod silang lahat hanggang sa kami nalang dalawa ni Popoy ang natira sa kusina.
Hala, ano ba to! Mas lalo tuloy akong kinabahan. Ano ka ba Miles! Magpri-prito lang naman kayo. Wala namang ibang gagawin eh!
Nakarinig ako ng tawa at lumingon ako. Nakita ko si Popoy na hawak hawak na ang platong naglalaman ng hipon na hindi ko alam nahalo na pala ng kung sino. Siguro ay kanina yan noong umalis si Kurt.
“Paano ba ‘to brad?” tanong niya habang nakasilip sa frying pan. Sobrang feel ko siya sa aking likod. Jusko naman!
“G-ganito lang,” sabi ko at kumuha ng isang hipon para i-prito. Noong makita niya ng ginagawa ko ay tuwang niya itong sinunod. Nasa gilid nalang niya ako habang tinitignan siya. Confident akong nakatingin kase naman di siya tumitingin sa gawi ko.
“May dumi ba sa mukha ko?”
Kamuntikan na akong matumba sa kinatatayuan ko noong humarap siya sa akin habang nagtatanong ang kanyang itsura. Ayan kase Miles, titig pa!
“Ah wala naman,” sabi ko at dahil nga kinakabahan ako ay napahawak ako sa gilid ng frying pan at napahiyaw ako sa init non. Mabilis na pinatay ni Popoy ang stove at dinaluhan niya ako. Kinuha niya ang kamay kong pulang pula na.
“Uy brad anong ginagawa mo?” tanong niya habang sinusuri ang kamay kong napaso.
“Ah wala. Akala ko kasi malamig,” sabi ko at parang gusto kong suntukin ang sarili ko dahil sa sinabi ko. Anong malamig? Aware akong nagluluto kami eh. Ano ba yan Miles, ang bobo! Wala sa sarili amp.
“Teka, dito ka nga,” aniya at marahan niya akong hinila. Hawak hawak niya ang kamay ko at parang may fiesta na sa loob ng dibdib ko dahil parang drums sa fiesta parade ang dibdib ko sa lakas ng kabog.
Nakamasid lang ako sakanya habang binuksan niya ang faucet at inilagay doon ang kamay ko. Naramdaman ko ang lamig ng tubig na siyang namang nakatanggal ng kaonting sakit ng napaso kong kamay. Walang nagsasalita sa amin habang ginagawa niya yon.
Lord. Ang hirap naman pong iwasan ang ganitong kagwapong nilalang!
Ano po bang gagawin ko?
END OF CHAPTER TWO