CHAPTER ONE

2945 Words
CHAPTER ONE MILES “CALINGA NUMBER FOUR!” Napangiwi ako noong umalingawngaw sa buong gym ang boses ni Paps. Tinignan ko ang nangyayaring komosyon sa may gitna ng court. Nakita ko si Ares na nagkakamot ng ulo. “Coach sorry late nagising. Tapos wala pang masakyan,” nagkakamot sa ulo niyang sabi. Mas lalo lang tuloy nalukot ang pagmumukha ni Paps. “Anong late nagising? Alam mong alas sais ng madaling araw ang oras ng training natin! Hindi ka na baguhan.” Ang ibang players ay naghahanda na para sa kanilang warm up game. Kakatapos lang kasi nilang mag warm up exercise noong saktong dumating si Ares. Hindi pa sumisikat ang araw ay andito na kaming lahat sa gym. Oo, kasali ako kasi ako ang assistant coach ni Paps. Hindi naman hassle sa part namin ni Paps yon dahil malapit lang ang bahay namin dito sa gym ng Monteverde University o MU for short. Lahat kami ay nag-aaral sa MU, iba iba nga lang ng course. Maaga naman kasi talaga ang oras ng trainings. Ang sabi ni Paps ay early birds are the champions kaya naman gusto niyang matuto ang team at pati na rin ako sa pagiging maaga. “Sorry na coach. Hindi na po mauulit. Promise. Cross my heart. Hope you d—ahem.” Nabalik ko ang atensyon ko sa panenermon ni Paps kay Ares. Sa lahat ng players, si Ares kasi talaga ang laging nale-late at napapagalitan. “Ano? Anong hindi na mauulit? Ilang beses ko na bang narinig yan. May pangako ka pang nalalaman. Ilang beses na siyang na-late Miles?” Lumingon sila sa gawi ko at napatalon ako dahil sa gulat. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Pati na rin siya. Dahil sa biglang paglingon nila ay nataranta ako. Bakit naman ganoon? Hindi ako nainform. Paano ba naman kasi pati rin siya nakatingin. Akala ko ba kinuha niya yung bola sa sports room! Bakit ang bilis naman niyang bumalik? “Ah… eh… wait lang coach.” Kapag sa harap ng ibang estudyante at nasa MU kami, coach ang tawag ko sakanya. Sa bahay ko lang siya tinatawag na Paps o kaya naman kapag kaming dalawa lang ang nag-uusap. Mabilis kong kinapa ang cellphone ko na nasa bulsa ng shorts ko at mabilis na binuksan ang app na notes kung saan ko inililista ang mga lates at absences ng basketball team. Iyon kasi ang utos ni Paps. “Tatlong beses na po coach,” medyo malakas kong sabi kasi nasa gitna sila ng court tapos ako ay nasa gilid. Inaayos ko ang mga mug dahil may pa hot chocolate sila na maiinom mamaya para sa snack nila. Istrikto man na coach si Paps ay mabait naman siya. Hindi nga lang masyadong halata. Mukha kasi siyang seryoso palagi. Miski ako natatakot kapag ganito siya eh. Mabilis na tumalikod si Paps sa akin at humarap kay Ares. Si Ares naman ay nakasimangot na nakatingin sa akin. “Tignan mo na. Pangatlong beses na pala. Umayos ka Ares kung ayaw mong matanggal sa team. Alalahanin mo graduating ka na,” istriktong sabi ni Paps at tumano naman si Ares. Nag peace sign ako kay Ares bago tinungo ang daan palabas ng gym. “Okay sige. 50 squats and 10 jumping jacks bilang punishment. Lakasan mo magbilang.” “Yes coach.” Huli kong narinig bago ako tuluyang lumabas ng gymnasium. POPOY “KUNG natulog ka kasi ng maaga at hindi nagpakalasing eh di sana hindi ka nag 50/10.” Inismiran lang ako ng gago bago humiga sa court. Kakatapos lang namin ng warm up game habang siya ay kakatapos niyang gawin ang punishment ni coach na tinatawag naming 50/10. “Pucha ang sakit ng ulo ko. Nakakabadtrip talaga ang hangover,” reklamo niya pa pero gusting-gusto niya namang uminom. “Ayan! Sige, inom pa. Inom pa ng inom hanggang sa hind mo na makaya at nang sunduin ka na ni St. Peter,” binato ni Kurt si Ares ng towel kaya napabalikwas siya ng tayo. “Alam mo ikaw Apollo inggit ka lang. Wala ka kasing chix,” bwelta naman ni Ares. Silang dalawa talaga ang pinaka maingay sa team. Akala mo naman para silang grade one section c na nag-aaway dahil lang sa isang lapis. “Tss.” “Oh? Problema mo naman jan sobrang genius? Magbasa ka lang jan wag kang ano dito,” masungit na sabi ni Ares. “Alam mo ang ingay ingay mo,” biglang tumayo si Loki tapos lumipat doon sa mga bench na nasa gilid. Muli niyang binuklat ang librong hawak hawak niya tapos nagsimulang magbasa ulit. “Masakit ulo mo?” tanong ko kay Ares at mabilis siyang tumango. “Tanggalin natin para hindi sumakit?” ngisi ko at napalayo siya agad sa akin. “Grabe ka naman captain! Sobrang thoughtful mo talaga no?” sarkastiko niyang sabi. Napailing nalang ako. Inayos ko ang sintas ng sapatos ko pati na rin ang supporter na nakalagay sa tuhod ko. Hindi naman seryosong kompetisyon tong ginagawa namin at training lang naman ito pero nakasanayan ko na talagang maglagay ng mga supporters. Ang arte ko nga daw eh sabi ni Ares. “Isa pa yang si Mario. Nilaglag ako. Sabi ko sakanya gawing isang beses lang yung record ko sa late eh,” reklamo ulit ni Ares na nakatayo na tapos nakatingin sa may bandang pintuan kung saan kakapasok lang ni Miles. “Gago ka ba? Malamang hindi niya gagawin yun. Tatay niya si coach. Eh sino ka ba sakanya? Hindi ka naman niya jowa,” sabi ni Kurt. May hawak na ngang mug eh. Panigurado, yan yung hot chocolate na inaayos ni Miles kanina. Kapag talaga pagkain ang bilis ng isang to. “Eh never naman nagkaroon yan ng jowa na lalaki eh. Mas tigasin pa nga siya kesa sa akin,” nakasimangot si Ares at nakapameywang. Tinignan ko si Miles na seryoso na ngayong nakikipag-usap kay coach. Nakasuot siya ng jersey shorts na lagpas tuhod. Sobrang laki rin ng suot niyang tshirt tapos ay nakapusod ang kanyang mahabang buhok. “Imbes na may manligaw sakanya, eh walang nagbabalak. Eh paano ba naman kasi magtatanong ka pa lang kung puwede manligaw nabato ka na ng bola sa mukha,” sabi ni Kurt tapos humaglpak silang dalawa ni Ares. “Tapos… tapos… imbes na mag dinner date kayo ay mapupunta pa kayo sa basketball court. Inaya ka na pala niyang magbasketball. One on one kayo,” sumingit naman si Benj, ka-teammate ko. “Ano captain may isisingit ka rin?” Lahat sila napatingin sa akin pero umiling lang ako sa kanila. “Puro talaga kayo kalokohan. Hindi maganda yung mga galaw niyo kanina habang naglalaro tayo. Ikaw Kurt dapat sa gilid kita pero bakit nasa harapan ka kanina ni Joey?” seryosong tanong ko. Buhay ko ang basketball kaya naman ayaw na ayaw ko ang natatalo. Kaya habang nagtre-training palang kami ay sinasanay ko na sila. “Ah eh.. hehehe.. maling liko lang captain,” nagkamot siya sa ulo habang ako ay napailing nalang. “Tara na. Pwesto. Umayos kayo,” sabi ko at tumayo na. “Yes Captain.” MILES “FOUL!” Mabilis kong sabi noong makita kong na foul ni Joey si Popoy. “Castillo, free throw.” Tumayo si Popoy sa may free throw line. Drinibble niya muna ang bola bago niya hinawakan ang dibdib na para bang hinahaplos niya iyon, pababa at pataas bago shinoot ang bola. Palagi niya iyong ginagawa, mapa training man o game. Swabeng na-shoot ang free throw niya. At noong ma-shoot iyon ay mabilis siyang tumakbo sa kabilang parte ng court. Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko habang pinapanood ko siya. Ilang beses ko na siyang napanood maglaro pero yung impact niya sa akin ay ganoon pa rin. Para pa rin akong kinakapos ng hininga kapag pnapanood ko siya tumakbo at maglaro. “ASSEMBLY muna rito,” sabi ni Paps at lahat sila nagpunta sa direction naming dalawa. Magkatabi kami ni Paps at hawak-hawak ko ang record. “Sige stop na muna ngayon ang training. Mamayang alas tres nalang ulit. Alam kong may klase na kayo. Wag male-late. Lalong lalo na ikaw Calinga,” tinignan niya si Ares tapos nagtawanan lang yung ibang players. Natigil lang ang tawanan noong nagtaas si Popoy ng kamay para makuha ang atensyon ni Paps. “Coach, overnight po ba kami mamaya?” seryosong tanong niya. Kumabog ang dibdib ko. Napatingin ako kaagad kay Paps. Kapag sinabi nilang overnight, ibig sabihin nun ay matutulog sila sa bahay. Hindi naman ito ang unang beses na matutulog sila sa bahay pero kasi naman eh! Sobrang excited ako! “Oo. Overnight tayo.” “Yes!” Lahat sila napatingin sa akin lalong lalo na si Popoy. Nanlaki ang mga mata ko. Akala ko ay sa isip ko lang yon pero naisigaw ko pala talaga. Nakakahiya! “Yes. Madaming foods mamaya hehehehe,” sabi ko tapos nag-peace sign. Napatango naman silang lahat na para bang naintindihan nila ang ibig kong sabihin. Phew, safe. “WAAAAAAHHH MARIAAAAAAAAAAA” Parang gusto ko nalang busalan ang bibig ni Kath dahil sa sobrang lakas eh. Lahat tuloy ng estudyante na nasa hallway ay napatingin sa amin. “Ang ingay mo naman Katherine. Saka Miles nalang hindi Maria. Sobrang girly naman non,” naiirita kong sabi. Hinampas ko pa siya ng bag ko pero mabilis siyang nakaiwas. “Duh. Bakit ko naman gagawin yon? Mary Miles Fernandez naman ang pangalan mo ah,” sabi niya tapos nagsimula ng maglakad. Papunta kami sa building namin. Same year kasi kami at same course rin. Hindi ko alam sa babaeng yan. Ang sabi niya sa akin hindi niya alam kung anong course talaga ang gusto niya kaya naman kung saan nalang daw ako ay doon nalang din siya. Kaya heto nga kami, parehong archi student. “Tatahimik ka o liligawan kita?” bigla ko siyang hinila sa palapulsuhan at mariin ko siyang tinitigan. “H-A-H-A. Funny ka no? So funny,” sarkastikong niyang sabi bago ako hinila papunta sa may hagdan para maka-akyat na kami. “If hindi ko alam na may feelings ka kay Pop—asdfghjkkl.” Mabilis kong tinakpan ang bibig niya bago niya pa matapos ang sasabihin niya at lumingon ako sa paligid. “Ang ingay mo Kath!” natataranta kong sabi. Hinila ko siya papasok sa room at umupo kami. Doon ako sa may gilid, sa tabi ng bintana habang si Kath naman ay gitna tapos si Maxine na malapit sa aisle ng room ay wala pa. Hindi pa siguro yon nakakauwi galing France. “Bakit ba kase? Uy you’re so arte ha. Hindi mo bagay.” Inilabas niya ang kanyang salamin at suklay pati na rin ang liptint niya tapos naglagay siya sa kanyang labi. Sobrang pula pa. Magkaibang magkaiba kaming dalawa ni Kath. Sobrang arte niya at sobrang kikay. Kapag nga magkasama kami pinagkakamalan pa nila kaming magjowa. Natatawa nalang kaming dalawa kung may nagsasabi sa aming good couple daw kami. If they only know. “Alam mo naman diba?” sabi ko. Inilabas ko ang sketchpad ko para tapusin ang drawing ko na hindi pa natatapos. Building ng Architecture department yon. “Yeah yeah I know naman. Na may gusto ka kay MVP guy tapos hindi ka umaamin dahil paulit-ulit na sinasabi ni fatherbels mo na you’re all a family,” sarkastiko niyang sabi habang naglalagay naman ngayon ng blush on gamit yung liptint niya. “Kath alam mo minsan gusto ko ng umamin,” sabi ko. Ibinaba ko ang hawak kong lapis at tumingin sa labas ng bintana. Kitang kita ko ang buong MU. Nasa fourth floor kami at wala pa ang prof namin. Hindi ko pa nararanasang ma-late dahil takot ko nalang no. Sa fourth floor pa building ko tapos male-late pa ako? Sanay akong tumakbo kasi ganoon ang trainings ni Paps pero ibang usapan naman kapag acads. Hindi ko puwedeng i-rason ang pagiging assistant coach ko. “Oh my gieee! Sige na umamin ka na to Popoy tapos when he feels the same way pakisabi sakanya na ipakilala niya ako kay Castillo number 5!” hinawakan niya ako sa braso tapos hinatak hatak niya pa ako. “Kath naman. Ang creepy mo ah. Saka bakit ko naman sasabihin kay Popoy yon? Ikaw mismo magsabi. Hindi ko naman ka-close si kuya Pio.” Binaklas ko ang kamay niyang nakapulupot sa akin. Ayoko kaya yung pinapagawa niya. If ever man na aamin nga ako kay Popoy, hindi ko talaga sasabihin at gagawin yon. Bahala siya jan. Kung gaano kabait si Popoy, ganoon naman kasuplado si kuya Pio. Pinaglihi ata yun sa sama ng loob eh. “But Popoy is the team captain of basketball?” maktol niya. Iniligpit ko nalang ang sketchpad ko pati na ang lapis ko. Hindi ko rin naman matatapos to dito sa school lalong lalo na dito sa room kung ganito si Kath. May balat ata to sa pwet eh, sobrang kulit. “Oh? Ano lang?” “You two are close!” sigaw na niya. Tinignan ko ang ibang mga classmates ko at mabuti nalang hindi sila nakatingin at wala silang pakialam sa pinaggagawa naming dalawa. Mind your own business nga talaga kami rito. “Hindi kami close. Casual lang kaming nag-uusap tapos puro basketball pa ang pinag-uusapan namin,” sabi ko naman. Hindi ko alam kung matutuwa ako o maiinis. Kung nag-uusap kaming dalawa ni Popoy tungkol lang talaga sa basketball. Wala ng iba. “Oh bakit nanghihinayang ka? Ikaw ah you want to talk to him na hindi about sa basketball no?” pinaningkitan niya ako ng mata. Magsasalita na sana ako noong biglang pumasok ang prof namin. Phew. Safe. PAGKATAPOS ng unang class namin sa umaga ay nagtungo kami ni Kath sa canteen dahil pareho kaming gutom. Nakaka drain ang discussion kanina dahil konting konti nalang talaga ay maglalatag na kami ng banig sa room. Ang bagal kasi talaga magsalita ni Mr. Ruiz tapos hindi ko pa gets yung explanation niya. Tsk! Hawak ko ang mga nabili kong pagkain. Naghahanap kami ng mesang mauupuan noong biglang may kumaway tapos tinawag ako. “Hoy Mario!” umalingawngaw sa buong canteen ang boses ni Ares. Kumakaway pa siya. Kasama niya ang buong team sa mesa. Tinignan ko si Kath na ngayon ay nakangiwi na. “Okay lang ba sayo? Wala na kasing mesa. Puno na lahat.” “My ghad! Ako ang nai-stress dahil sa konting table and chairs ng MU. Let’s go na nga. I am so gutom na talaga. Basta tell them that we’re mag jowa so that the Ares guy will stop talking to me. Kairita siya,” at umirap pa nga siya. Napabuntong hininga nalang ako bago naglakad papunta sa mesa nila Ares. Nasanay na ako kay Kath. Ang arte at ang conyo niya talaga pero mabuti siyang tao. Hindi nga lang halata. At sa pagpapanggap naman naming dalawa na magjowa kami ay normal nalang din. Hindi naman kasi ito yung unang beses na naki-share kaming dalawa ng table sa basketball team. Gustong gusto nga niya minsan eh kasi napapadaan ang baseball team tapos tumitigil si kuya Pio para kausapin si Popoy. Kilig na kilig siya kapag ganoon habang ang mga hita ko ay kawawang kawawa. Hinahampas niya kasi sa ilalim ng mesa dahil sa sobrang kilig niya. Pero kung wala naman si kuya Pio ay halos isumpa na niya ang buong basketball team. Paano ba naman kasi panay sila tanong kay Kath. Lalong lalo na si Ares. Playboy kasi yun. “Wow. Ganda mo naman miss.” Pagkaupo palang namin ay umatake na nga si Ares. Kaya lagi tong napapagalitan kay Paps eh. Umirap lang si Kath bago niya ibinaba ang hawak niyang pagkain. Umupo na rin ako sa tabi niya. Ang gulo ng mesa nila. Ano pa bang inexpect ko sa basketball team? “You shut up ah. Kasama ko yung baby ko,” sabi ni Kath tapos bigla siyang sumandal sa akin patagilid. Nagkanchawan ang buong team kasali na doon si Popoy na nasa side ko. Tatlong tao lang ang pagitan namin. Tuwang tuwa pala talaga siya ano? Eh siya naman yung gusto kong maging jowa. “Yiee. Si Mario may jowa na,” si Kurt. Ngumisi lang ako at hindi na nagsalita. Nagugutom na talaga ako. Mario ang tawag nila sa akin dahil mas bagay ko daw ang pangalan na yun. Hindi daw dapat Mary. Masyado daw akong tigasin para sa pangalan na Mary. “Ang gulo niyo. Uy kain tayo,” maangas kong sabi. Tumango lang sila at hindi na kami pinansin. Nag-uusap na sila tungkol sa overnight mamaya. Pinag-uusapan na nga nila yung kung sino na ang magluluto at maghuhugas ng pinggan mamaya eh. Kaya rin siguro ako ganito ay dahil si Paps lang ang kasama ko habang lumalaki. Ayoko ng masyadong kumikintab. Hindi rin ako mahilig sa mga alahas lalong lalo na ang make-up. Kung bubuksan mo ang closet ko ay puru mga oversized shirts at pantalon lang ang makikita mo. May mga shorts naman pero halos lahat yun ay mga jersey shorts na below the knee. Meron rin naman akong dress na galing kina Maxine at Kath. Gustong gusto nila akong regaluhan ng ganon kasi alam nilang maiinis ako. Gustong gusto kasi nilang makita ang reaction ko. Naalala ko pa nung una nila akong binigyan ng dress. Halos matumba na ako sa upuan noong makita ko ang sleeveless na above the knee na pulang dress tapos may kasama pa yun na isang bikini na kulay pula. Gustong gusto ko silang kalbuhing dalawa dahil dun. “Why so tagal naman ni crush? Bagalan mo kumain para maabutan natin siya,” bulong sa akin ni Kath. Tapos na siya kumain pero ako ay hindi pa. Lumapit ako sakanya at nakita kong natigilan ang mga players na nasa mesa tapos nangingiti silang nakatingin sa aming dalawa ni Kath. Hindi ko nalang yon pinansin dahil para sa aming dalawa ni Kath, walang malisya don dahil hindi kami talo. “Hindi ko rin alam. Bakit mo ba sakin tinatanong eh hindi nga kami close ni kuya Pio. At oo, babagalan ko kumain,” bulong ko pabalik. Nagkanchanwan na ang buong basketball team. Lahat ng estudyante ay sa parte na namin nakatingin. “Oh my ghad!” biglang napatayo si Kath. Dahil nakasandal pa ako sakanya ay hindi ako kaagad nakabawi ng pwesto. Alam kong matutumba ako pero bago iyon mangyari ay hinila ko yung nakatayong tao sa gilid ko. Wala na akong panahon para isipin pa kung sino yun. Magso-sorry nalang ako mamaya. Napapikit ako at hinintay ko nalang ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig pero bakit ang tagal naman ata? Dahil sa pagtataka ay mabilis kong binuksan ang mga mata ko. Una kong nakita ang gulat na gulat na mukha ni Kath tapos ang nakangangang mga basketball players. Pero wait, asan si Popoy? End of Chapter One. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD