bc

Kaizen Academy 1: Waiz Catalinuhan

book_age16+
1.8K
FOLLOW
5.2K
READ
comedy
twisted
sweet
humorous
lighthearted
mystery
like
intro-logo
Blurb

Madalas mapag-trip-an si Waiz Catalinuhan dahil sa hina ng kanyang kokote.

Palagi niyang hinihiling na maging matalino para irespeto kaya nagpupursige siyang mag-aral nang mabuti at mapatunayan ang sarili. Ngunit paulit-ulit pa rin siyang bumabagsak.

Bago matapos ang huling taon bilang junior high school student ay bumisita sa kanilang paaralan ang mga tauhan ng kilalang school na Kaizen Academy.

Nagpa-exam ang mga ito para mabigyan ng tsansa ang makakapasang estudyante na makapasok sa sikat na paaralan.

Sa hindi inaasahang resulta, siya lang ang nag-iisang nakapasa.

Napuno ng mga tanong ang isip ni Waiz ngunit mas nadagdagan pa ito nang nakapasok na siya sa loob ng Kaizen Academy.

Nagulantang siya nang malaman na matatalino ang kanyang magiging mga kaklase at may natatanging kakayahan na hindi nagagawa ng isang normal na tao.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
Chapter 1 “Catalinuhan umaga na.” Boses na narinig ko. Hindi ko ‘to pinansin at nanatili lang sa mahimbing na pagtulog. “Catalinuhan.” “5 minutes pa po,” sagot ko habang nakapikit. Hindi ko pa kayang gumising. “Catalinuhan, gigising ka o ibabagsak kita?” Ano raw? Mabilis kong idinilat ang mga mata ko at umayos nang pag-upo. Napakusot ako ng mata at gulat na tumingin kay ma’am nang makita siyang nasa harapan ko. “Good morning, Waiz Catalinuhan! Naistorbo ko ba ang pagtulog mo?” mariing pagkakasabi niya. Narinig ko naman ang tawanan ng mga kaklase ko sa paligid. Bakit ganito? Normal lang bang bangungutin ng gising? Hindi na ako nakapagsalita dahil sa kahihiyan. “Catalinuhan, stand up!” Naglakad siya pabalik sa harap at kinuha ang marker. Tumayo naman ako at tumingin sa whiteboard para basahin kung anong tinatalakay niya. Sa kasamaang palad, wala akong naiintindihan na kahit isa. “What is the element of a person that enables them to be aware of the world and their experiences, to think, and to feel and also the faculty of consciousness and thought?” Napahawak ako sa ‘king ilong para i-check kung mayroon bang dugo na tumulo mula rito. Tumingin ako sa mga kaklase ko. Baka may magmagandang loob na magturo sa akin ng sagot pero tanging pagtitig lang ang ginawa nila sa ‘kin. Paano ‘to? Ano’ng isasagot ko? Alam ko na. Binalik ko ang tingin kay ma’am at ngumiti. “Girl po,” buong kumpiyansa kong sagot. Nabalot ang room ng tawanan mula sa mga kaklase ko. Hindi naman maipinta ang naging hitsura ni ma’am. “Class quite,” saway niya. Binalik ni Ma’am ang tingin sa akin. “Bakit naging girl ang sagot?” naiinis niyang tanong. “Imposible pong mali ang sagot ko, dahil palaging tama ang mga babae.” Mas lumakas pa ang tawanan ng mga kaklase. Napansin ko naman ang pagsapo ni ma’am sa kanyang noo at umiling. “Waiz Catalinuhan pa naman ang pangalan mo pero bakit ganyan ka mag isip?” nadidismaya niyang wika. “Ma’am, baka kasi walang isip!” pagsabat ni Xyrus na nagpainit ng dugo ko. “Oy! Sinong walang isip?” napipikon kong tanong. “Ikaw! Hindi mo nga alam ang english ng walang isip,” nakangisi niyang sagot. Aba! Namumuro na ‘to ah. Walang englishan, suntukan na lang. Lugi ako sa English. “See? Pati ‘yon di niya alam,” pagyayabang niya. Hinahamon ako ng loko, pakitaan ko nga ng pangmalupitang English ‘to. “Alam ko ‘yon, ang English ng walang isip ay never mind,” buong kumpiyansa kong sagot. “Never mind daw?” Nagtawanan na naman sila ng parang wala ng bukas. Nakaramdam ako ng sakit habang pinapanood ko ang mapang-insulto nilang tawa. Ako si Waiz Catalinuhan. Ang lakas maka-genius ng pangalan ko pero inaamin ko, kabaliktaran ako nito. Hindi ko alam kung bobo ba talaga ako o kaya tamad lang mag-isip. Napabuntonghininga ako habang nakatingin sa asul na kalangitan. Tamang higa lang sa bench habang pinapakiramdaman ang mapayapang kapaligiran. Vacant namin ngayon. Mas gusto ko pa rito sa labas kaysa tumambay sa room. Free rin ito sa pangtitrip ng mga kaklase ko sa ‘kin. Ako ang pangunahing subject nila sa mga prank at iba pang klase ng kalokohan. Ganito talaga ‘pag mahina ang utak, madalas mapagtripan. Ilang beses ko sila sinubukang pahintuin pero hindi sila nakikinig kaya ako na lang ang nag-adjust na umiwas. Bakit ba kasi ganito ako? Bakit kasi hindi na lang ako naging matalino? Maraming tanong ang pumapasok sa isip ko pero hindi ko ito magawang sagutan. Kung matalino lang sana ako... Sana matalino na lang ako... Napalingon akio sa direksyon ng admin building nang matanaw ang mga lalaking nakasuot ng black suit na papunta roon. Bumangon ako para tingnan silang mabuti. “Hoy, Waiz!” Napatingala ako nang marinig ang pagtawag sa ‘kin. Kumakaway mula sa Fourth floor ang mga kaibigan ni Xyrus. Hindi maganda ang pakiramdam ko dahil pinapansin lang nila ako kapag may gagawin silang kalokohan sa akin. “Papaulanan ka namin ng talino!” Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang makakapal na libro ang babagsak sa akin. Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako nakaiwas pa. Hanggang sa magdilim dilim ang buong paligid. Mabilis akong napadilat at tumingin sa paligid. Nagkalat ang mga libro sa pwesto ko. “Aray...” daing ko habang nakahawak ako sa ‘king ulo na napuruhan ng mga librong bumagsak. Mukhang lalo pang hihina ang utak ko. “Anong oras na ba?” Tumingin ako sa wristwatch ko. F*ck! Late na ako! Napakamalas na araw naman ‘to! Agad kong kinuha ang makakapal na libro at tumakbo papunta sa classroom. “Catalinuhan,” bungad ni ma’am nang makarating ako. Hinihingal akong pumasok sa room at umupo sa ‘king pwesto. Napatingin ako ang lalaking naka-black suit na may ‘KA’ logo sa harap. Isa siya sa mga lalaking nakita ko kanina sa direksyon ng admin building. Tumingin ako sa mga kaklase ko, may sinasagutan sila na kung ano. Lumapit sa akin si Ma’am at binigyan ako ng papel. Isang test paper. Huhulaan ko na lang ‘to. Hinanda ko na ang ballpen para magsulat ng kahit ano pero natigil ako nang makita ang mga tanong. Ano’ng nangyayari sa akin? Bakit ganito? Sa hindi malaman na dahilan, ang lahat ng sagot at explanation ay bigla na lang pumasok sa isip ko. At mukhang tama ang lahat ng ito. Parang... Parang... Bigla na lang akong tumalino. HINDI ko maintindihan kung anong nangyari sa akin noong araw na ‘yon. Pagkatapos ng test ay nakaramdam ako ng pagkahilo at nagdugo pa ang ilong ko. Parang bumalik ulit ako sa pagiging bugok. Isang linggo na rin ang nakalipas mula nang mangyari ‘yon. Balik ulit sa normal ang lahat. “May maswerte kaya sa atin na makakapasok sa Kaizen Academy?” Napatingin ako sa mga kaklase ko na nag-uusap. “Kahit sinong estudyante ay pangarap ng mapabilang doon.” Kaizen Academy? “Anong pinag uusapan nila?” tanong ko sa katabi ko. “Hindi mo ba alam? Kaizen Academy, kilalang school ‘yon kung saan nag-aaral ang mga estudyanteng nangunguna sa lahat. Pumunta sila sa school noong nakaraan para magbigay ng chance sa mga estudyante na makapasok doon,” pagmamalaki niyang saad. “Tapos?” kunot-noo kong tanong. “Anong tapos? Kapag napasama ka sa KA, parang nagkaroon ka na rin ng kapangyarihan, dahil lahat ng estudyante na kabilang doon ay halos tinitingala.” Hindi ko maiwasang mamangha nang marinig ang sinabi niya. “Bakit ba sinasabi mo pa ‘yan kay Waiz? Hindi naman siya makakapasok doon.” Kumulo ang dugo ko nang marinig ang boses ni Xyrus. Nakangisi siyang lumapit sa ‘kin. “Ano ba’ng problema mo?” Inis kong tanong sa kanya. “Ikaw at ang mahina mong utak!” pagtuturo niya sa akin. Tumayo ako at binalak siyang lapitan pero humarang naman agad sa gitna namin ang Class Rep. “Tumigil ka na, Waiz,” inis na saway sa ‘kin ng Class Rep. Bakit ako? Hindi naman ako ang nauna! “Class.” Napalingon kami sa pintuan nang marinig ang boses ni Ma’am. Natigil kami nang makita ang kasama niyang na-kablack suit. Nagtinginan muna kami ng masama ni Xyrus bago bumalik sa upuan. Pumasok si ma’am sa loob kasama ang lalaki, tumahimik kami para pakinggan ang kanyang sasabihin. “May isang maswerteng estudyante ang makakapasok sa Kaizen Academy...” Nabalot ng pagkamangha at excitement ang mga klase ko. Hindi na ako nakinig at itinuon ang atensyon sa labas. “At ‘yon ay walang iba kundi si Waiz Catalinuhan.” Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na napalingon sa harap. Nakatingin silang lahat sa ‘kin na bakas ang gulat sa kanilang mga mukha. Hala? Bakit ako?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.0K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.5K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook