bc

MONTE COSTA SERIES 1: SHORE OF HEARTS

book_age18+
7
FOLLOW
1K
READ
sweet
office/work place
like
intro-logo
Blurb

In order to keep her grandfather's land, Teissa Mercado needs to give up her admiration towards her childhood crush, Armani Reino De Alba and marry an anonymous man she wasn't allowed to meet until she graduates in college. But can Teissa resist the young attorney's charm and stay faithful to a husband she hasn't met yet?

chap-preview
Free preview
Simula
Betrayal is like a well-thought gift. It rarely comes from people that we don't know. Teissa learned that truth at a young age, when she paused outside a room and listened to what the two important people in her life were discussing. "We can't tell her about it. Sasama lamang ang loob niya kung malalaman niya ang totoo." "Pero kung huli niya na malaman at mahuli tayo sa akto? What would she feel anyway? She'll surely hate the both of us." Teissa heard a heavy sigh. "Don't tell her yet. Ako na lang ang hahanap ng pagkakataon para ipagtapat sa kanya." Hindi na napigilan ni Teissa ang mapahikbi kaya bago pa man malamang naririnig niya ang mga ito magmula pa sa umpisa ng pag-uusap ng mga ito ay tuluyan na siyang tumalikod. She shoved her tears and held the hem of her white dress as she ran down the stairs. Nanlalabo ang kanyang paningin dahil sa makapal na luha kaya nang makababa ay muntik na niyang mabunggo ang isa sa mga katulong sa Hacienda Mercado. "Teissa? Bakit ka umiiyak?" nag-aalala nitong tanong. Teissa sobbed as the maid cupped her wet cheeks to wipe her tears. "Ate Clara, niloko nila ako. All this time, niloloko lang pala nila ako. Pinagmukha nila akong tanga..." Kumunot ang noo ni Clara. "Naku, Teissa. Sigurado ka ba diyan? Baka naman nagkakamali ka lang?" Muling umalog ang kanyang mga balikat. "Narinig ko sila, Ate Clara. Malinaw na malinaw lahat. Narinig ko lahat ng pagsisinungaling nila." Humihikbi niyang pinunasan ang kanyang pisngi. "Bakit gano'n, ate Clara? Alam naman nilang siya lang ang gusto kong makasama. Bakit kailangan nilang gawin sa'kin 'to? Bakit siya pa talaga? Ang dami namang iba r'yan na pwede nilang piliin." Bumuntonghininga si Clara. Tila nagpipigil pa ito ng tawa na animo'y naguguluhan kung maaawa ba sa kanya o matatawa. "Ay, naku! Matanda na kasi 'yon kaya pabayaan mo na. Bata ka pa naman, Teissa may mahahanap ka pang iba--" "Hindi ho." She sobbed and took a step backwards. "Siya lang ho ang gusto ko kaya hindi ako papayag sa plano nila." Tuluyan siyang kumalas sa hawak ni Clara at nagtatatakbo palabas ng mansyon. Inis na inis pa siya sa laylayan ng damit niya dahil ilang beses siyang muntik madapa. Bakit naman kasi niya naisipang isukat iyon kahit sinabihan na siyang bawal pa niya iyong isuot dahil nakareserba iyon para sa okasyon? Nagsisisi tuloy siya ngayon! "Teissa! Bumalik ka rito! Wala ka na ring magagawa!" habol ni Clara sa kanya. She wiped her tears with the back of her hand. No. She wouldn't allow this. Hindi siya papayag na matuloy ang binabalak ng mga ito. Pipigilan niya ang mga ito. Kahit na mapalo pa siya ng kanyang Lolo sa puwet. Hindi niya inintindi ang mga nakasalubong na trabahador sa hacienda. Gamit ang bisikleta niyang kulay pink ay mabilis siyang nagtungo sa katayan. Nang marating ang katayan ay narinig niya ang pamilyar na ingay. Teissa did her best to push the wooden door open until she managed to get in. There she saw her most favorite creature in the world getting pulled by a rope and is about to be sentenced to death for a reason her innocent mind will never understand. "Islaw!" Tumakbo siya palapit sa puting kalabaw saka ito pilit na niyapos sa leeg. "Nandito na ko. Nandito na ko." The workers grunted, knowing so well how stubborn Teissa can get when it comes to her 'pet'. Well, they can't blame her? She loves Islaw more than the chickens and the piggies! Higit din doon sa matapang na baka na palagi siyang hinahabol tuwing nagsusuot siya ng pula! "Teissa, umalis ka r'yan. Kailangan nang katayin ang kalabaw. Anong oras na," dinig niyang sabi ni Mang Ekong. She looked at him with sharp eyes, mimicking her ate Tammy's way of looking at her every time she's pissing her off. "Hindi pwede, Mang Ekong." Tumingkayad siya nang mas mayakap ang leeg ng puting kalabaw. "Hindi ako papayag... po! Hindi ako papayag po!" Napakamot na ng ulo si Mang Ekong. "Pare-pareho lang tayong pagagalitan ng lolo mo niyan, Teissa." Teissa shook her head, refusing to let go. Nang maalala ang nabasa sa libro ng kasaysayan ay umakyat siya sa tablang mesa at tiningnan ang mga trabahador. "Hindi po ba kayo naaawa? Tingnan ninyo, oh? He's going to cry na! Carabaos have feelings, too! Saka islaw is a national treasure!" Nagsalubong nang husto ang kilay ng mga trabahador. "Ano raw? Paano naging national treasure? Itong batang 'to talaga." Teissa clenched her fists and looked at them. "National treasure po si Islaw kasi pambansang hayop siya. Bawal siya katayin at gawing handa sa fiesta! Sabi ni doktor Jose Rizal, ang..." She chewed her bottom lip as she tried to remember the saying. Nang hindi niya talaga naalala ay lakas-loob pa rin siyang humugot ng hininga't nagpatuloy sa madiplomasyang pakikipagkasundo. "Ang hindi marunong magmahal sa sariling alaga ay hindi makararating sa paroroonan!" She lifted a finger. "'Yon!" Napailing na lamang sina Mang Ekong, tila nai-stress na nang husto sa kanyang mga pinagsasabi. Ang iba naman ay bumungisngis ng tawa nang hindi na nakapagpigil. "Halika na nga ritong bata ka, mapapagalitan tayo sa mga kalokohan mo," problemadong sabi ni Mang Ekong saka pilit na iniabot ang kamay kay Teissa. She took a step back and shook her head. No, she woldn't back down. Si Doctor Jose Rizal hindi naman tumakbo no'ng binaril, bakit siya susuko? She has her reasons to fight for Islaw, kaya hindi siya matatakot sa pamalo ng kanyang Lolo! Bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang Tito Melchor. Kasama nito ang ate Tammy niya at isang hindi niya kilalang lalake. Her uncle's forehead immediately creased after seeing her standing on top of the table while lifting a finger. "Ano bang nangyayari rito? Bakit nagsumbong si Tommy na nanggugulo rito si Teissa?" Itinuro siya ni Mang Ekong kaya dali-daling ibinaba ni Teissa ang kamay niya. "Eh, 'yan ho kasing pamangkin ninyo, Ser Melchor, ayaw hong pumayag na katayin si Islaw. May mga banat pa ni Doktor Jose Rizal na nalalaman. Idinadaan kami sa pagrarason." Her jaw almost dropped. That's not pagrarason? That's madiplomasyang himagsikan! Naningkit ang kanyang mga mata at ang butas ng ilong niya'y lumaki. Traydor! Wala itong ipinagkaiba kay Emilio! Her uncle sighed before he walked towards the table and offered his hand. "Teissa, you can't keep doing this. Halika na. I'll just get you a dog." She pouted. "But I don't want a dog. It's not a national pet." Nakarinig siya ng halakhak mula sa lalakeng kasama ng kanyang ate Tammy. Nang tingnan niya ito ay nakikipagbulungan na sa mataray niyang kapatid. Parang siya pa nga yata ang pinag-uusapan kaya nang tingnan siya nito ay kaagad niyang ginaya kung paano umirap ang ate Tammy niya kaya lang ay aksidente niyang natitigan ang disenyo ng tee shirt nito. A thug version of Dr. José Protasio Rizal Mercado y Alonso Realonda. Pumintig yata ang ugat ni Teissa sa ulo. Napakawalang utang na loob sa bayaning nagpalaya sa Pilipinas! "Come on, Teissa. Utos na ng Papa na ipakatay si Islaw. We have to follow his orders," her uncle said before he put her down. Yumuko pa ito saka marahang pinunasan ang mantsa ng luha sa kanyang pisngi. "We want him to live a long life, right? Therefore, we should avoid giving him so much stress. You love him, right?" Ngumuso si Teissa. Ang luha ay nagsimula na namang kumislap sa sulok ng inosenteng mga mata. Her uncle gave her a fatherly smile as he tucked her hair behind her ear. "You're such a good girl, Teissa, but I'm sorry. We really can't keep doing this to Papa." Teissa felt defeated. Naiiyak na lamang siyang nakiusap na iwan muna sila ng mga ito upang makapagpaalam man lamang siya kay Islaw. Mabuti na lamang ay pumayag ang mga ito. She walked the length towards Islaw. Tumingkayad siya at niyakap ang kalabaw habang nag-uunahan sa pagpatak ang makakapal niyang luha. "Sorry, Islaw. Eleven pa lang ako, eh. Kulang pa ang barya ko sa alkansya para bilihin ka nang hindi ka na makatay." She sobbed. "Sabihin mo kay Doctor Jose Rizal kapag nagkita kayo sa heaven, short ako sa budget kasi maliit pa ako kaya hindi kita maligtas. Patawarin mo ko..." Humikbi siya nang husto habang nakayakap kay Islaw. Mayamaya ay muling bumukas ang pinto. She looked over her shoulder to see who came in, ngunit napasimangot lamang siyang muli matapos mapagtanto na ang kaibigan ng kanyang ate Tammy iyon. Naniningkit ang mga matang sinundan ni Teissa ng tingin ang lalakeng papalapit sa kanila ni Islaw. Bakit ito bumalik? Gusto ba nitong ipangalandakan ang suot nitong tee shirt? He smiled and patted Islaw's back. Lalo namang naningkit ang mga mata ni Teissa dahil sa ginawa ng lalake. "H'wag mo siyang hawakan." She slightly pushed him away from Islaw. "Traydor ka sa lahi ng mga Pilipino." Nalukot nang husto ang noo nito kasabay ng bahagyang pagbungisngis. "What?" She glared at him as she pointed his shirt. "Binabastos mo ang taong nagpabaril sa likod at inilagay sa piso para sa paglaya ng Pilipinas, tapos hahawakan mo ang national pet ng bansa?" Napakamot ito ng ulo habang pigil ang muling paglabas ng mapuputi at perpektong mga ngipin. His magnetic eyes glistened with joy as if he was having fun seeing her look at him with her sharp eyes. Mayamaya ay bumuntonghininga iti at pinindot ang kanyang ilong. "You're Teissa, right?" She looked away, pouting. Ayaw niya sanang sagutin dahil ayaw niyang makipagkaibigan sa mga kalahi nina Aguinaldo, ngunit sa huli ay labag sa loob niya pa ring itinango ang kanyang ulo. "I'm Armani." "Damit 'yon, 'di ba?" He tried not to laugh as he nodded his head. "Yeah. But that's my name." Hinaplos nito sa ulo si Islaw. "Kapag binili ko si Islaw para hindi na siya katayin, will you finally stop crying?" Umaliwalas ang mukha ni Teissa. "Isi-save mo siya?" "Yeah, para hindi ka na umiyak. Your ate Tammy said Islaw is your only friend." Ngumuso siya at nahihiyang umiwas ng tingin. "Medyo. Inaaway naman ako ng ibang bata, eh kasi hindi ako maputi parang si ate Tammy." "But you're morena, right? That's what Filipinos should look like, and you're very pretty, too so shame on them." She sniffed and looked at him. "Babayadan ko na lang kapag malaki na ako. H'wag mo siyang ibebenta or ikakatay kapag wala ka nang pera kasi mumultuhin niya tayong pareho." "Okay?" pigil ang tawa nitong sagot. "But seriously, you don't have to pay me. I'm doing this because you remind me so much of my sister." Hinawakan ito ni Teissa sa braso saka patakbong hinatak pabalik ng mansyon. Wala naman itong nagawa nang kaladkarin niya. Nang marating ang kanyang silid ay saka niya lamang ito binitiwan. "Uh, what are we doing here, Teissa?" he asked, totally confused. Tumakbo siya sa aparador at kinuha ang alkansya niya. Nang mabuksan ay ibinuhos niya sa kama ang lahat ng perang naipon niya saka niya iyon inilagay sa panyo. "Here!" she said, handing the money to him. His brows furrowed. "What's this for?" "Paunang bayad po." She forced him to hold the money before she offered her hand. "Deal na? Bawal na ibenta sa iba si Islaw?" Nagpipigil ng ngisi itong umiling-iling saka tinanggap ang kamay niya. "Well, you don't have to pay me with your savings, Teissa. Just promise me one thing." Kumunot ang kanyang noo. "Ano 'yon po?" He smiled and put the money in her hands. "That this will be the last time that I'm going to see those innocent eyes cry..." Teissa's lips curved for a sweet smile as she stared back into his honey comb eyes. If only she knew he's going to make her cry the hardest someday, right at the shores of Monte Costa

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
784.1K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
17.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
552.5K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.6K
bc

The Lone Alpha

read
123.0K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook