"Teissa!"
Kaagad na nilingon ni Teissa ang kaibigang si Maia nang marinig ang pagtawag nito.
She smiled and stood up. "Wait lang, ha? Magpapaalam lang ako kila Lolo!"
"Sige!" Tumingin-tingin ito sa paligid. Tila may hinahanap.
Napailing na lamang si Teissa. She knows Maia has a big crush on her cousin Clode. Kaso malas nito dahil kanina pa umalis si Clode kasama si Alta.
Teissa went upstairs to tell her grandpa that she's leaving. Pinayagan naman na siyang pumunta ng plaza kasama si Maia at ang mga magulang nito ngunit gusto pa rin niyang magpaalam ulit bago siya umalis.
She walked the length to her grandfather's room. The room was shut and she could hear her aunt inside. Tila nagagalit tungkol sa kung ano. Pinakakalma ito ng kanyang tiyo Melchor ngunit tila galit na galit ang kanyang tiya Mylene.
"This is so unfair! She's too young for this! Why wouldn't you let her decide for herself someday?!" anang kanyang tiyahin.
Teissa could feel the pain and anger in her aunt's voice. Kaya imbes na kakatok sa pinto ay nagpasya na lamang siyang umatras.
"Oh, bakit ganyan ang itsura mo?" salubong ang mga kilay na tanong ni Maia sa kanya nang makalabas siya ng mansyon.
Bumuntonghininga si Teissa. "Wala. Parang nag-aaway kasi sina Tita Mylene at Lolo," tugon niya habang sinasabayan ng lakad si Maia.
Kumapit ito sa kanyang braso. "Payabaan mo na. Gano'n talaga. Kami nga ni Tatay nagtatalo rin."
Hindi na lamang nagkumento si Teissa. Yes, she knows that arguments happen between family members, but something is telling her that her aunt is getting furious about something serious. Her aunt was known for being a daddy's girl. Ni minsan ay hindi niya pa ito nakitang nagalit nang ganoon sa kanyang lolo kaya hindi tuloy niya maiwasang mag-alala ngayon.
"Hindi ko na naman nakita si Clode! Ang dami naman kasing pinagawa ni Nanay kanina sa bahay!" reklamo ni Maia. Tila nais ibahin ang usapan nang gumaan ang pakiramdam niya.
"Umalis siya kasama si Alta. May kikitaing ilang kababata pero baka pupunta rin 'yon mamaya sa plaza," sagot niya.
Bumuntonghininga si Maia. "Sana nga--" Kumunot ang noo nito nang may nahagip ang tingin. "Si Islaw ba 'yon?"
Teissa looked at the direction Maia was looking at. "Oo, si Islaw--"
Naputol ang sinasabi niya nang makitang tila mayroong hinahabol ang alaga niyang kalabaw. Madilim ang bahaging iyon ng hacienda kaya nahirapan siyang makita. The guy ran faster until the solar light went on after detecting his movement.
Ganoon na lamang ang pag-awang ng mga labi ni Teissa nang mapagtantong si Armani ang lalakeng hinahabol ni Islaw. Dali-dali siyang tumakbo palapit sa direksyon nito saka siya pumagitna upang pigilan si Islaw sa tangkang pagsuwag kay Armani.
"Goodness, buddy!" si Armani. Habol-habol ang hininga habang nakakalso ang mga palad sa magkabilang tuhod.
"Islaw, ano ka ba naman? Bakit mo naman siya hinabol? Hindi mo na ba natatandaang siya ang nagligtas sa'yo?" pagkausap niya sa hayop na animo'y maiintindihan siya.
Islaw made some sounds. Napakamot naman ng ulo si Teissa bago siya humarap kay Armani.
"Ano ba kasing nangyari at bakit ka hinabol-"
Naputol ang sinasabi niya nang mapagtanto kung ano ang itsura ni Armani ngayon. His polo was unbuttoned and there were lipstick marks on her neck down to his toned chest. Pati ang pisngi ay may mantsa ng lipstick habang ang belt ay hindi naka-buckle.
Armani heaved a sigh. "I don't know. I was at the barn with Tammy. I went out to get some air then I saw Islaw running towards my direction. I thought he wanted to greet me or something kaso sinusuwag na ako so I ran."
Tila binuhusan ng malamig na tubig si Teissa. "N-Nasa barn kayo n-ni ate ng g-ganitong oras?"
Of course, she already has an idea. Napalunok siya nang may maglarong mga bagay sa kanyang isip. Kasalanan ito nina Jomari. Bakit kasi ikini-kwento nito sa kanya ang mga "mahalay" na nababasa nito sa libro?
"Yeah, we were..." Natigil ang sinasabi ni Armani nang umiwas ng tingin si Teissa. "Oh, goodness it's not what you think--"
"Teissa! Tara na raw sabi ni Tatay!" sigaw ni Maia.
Teissa swallowed the pool of saliva in her mouth. "Hindi bale sisiguraduhin kong hindi ka na ulit niya mahahabol oras na makita ka niyang palabas ng kamalig na ganyan ang—" Aksidente niyang nasulyapan muli ang magandang hubog na katawan ni Armani. "Anyway, ipapatali ko siyang mabuti kina Mang Ekong bago kami pumunta sa sayawan."
Nakadalawang hakbang na siya palayo kay Armani nang magsalita ito. "Are you... going to meet Dayne at the plaza?"
Teissa pursed her lips for a moment, contemplating whether to answer him or not. She tried so hard just so her brewing jealousy wouldn't win over her rational mind. Ngunit masyado pa siyang mahina para hindi madaig ng kanyang selos.
"O-Opo." Humugot siya ng hininga't nilingon ito. "Wala naman pong masama ro'n. Magkaibigan kami tulad ng... pagiging magkaibigan ninyo ni ate Tammy."
She heard him sigh. "Teissa, please be careful with that guy. Clode said that guy isn't really as nice as you think he is. He might lure you into believing that he's a good catch, and then once you're already in love with him, he'll jump to another woman he can toy."
Malamig niya itong tinitigan. "Ganoon ka ba?"
Napakunot ito ng noo. "And what exactly does that suppose to mean, hmm?"
"Sabi ko ay ganoon ka ba kaya tingin mo ay ganoon din ang gagawin ni Dayne?" she asked. She honestly doesn't know where all of these are coming from. Ang alam niya lang ay naiirita siya sa mga kalmot at mantsa sa katawan ni Armani.
Nahilamos nito ang palad sa mukha saka ito bumuntong hininga. Nang muling magtama ang kanilang tingin ay malambot na ang ekspresyon na nakapinta sa mga mata nito. "Teissa, I'm just concern about you because—"
"You're concerned because you think I'm too young to know and understand the things you and ate Tammy do?" putol niya sa sinasabi nito.
His jaw moved. "Innocent. There are..." He exhaled the suffocating air inside his chest. "There are a lot of men who would never care about how you feel... as long as they could sate their needs."
Teissa pursed her lips and nodded. Tinalikuran na niya itong muli saka niya binilisan ang bawat hakbang niya upang makalayo sa pwesto nito. A part of her didn't want to go to the gathering anymore. Kaya lang iniisip din niyang baka makahalata si Armani kung sakaling uuwi siya at magkukulong sa kwarto.
Sakay ng SUV na ipinagamit sa kanila ng kanyang tiyo Melchor ay nagtungo sina Teissa sa plaza. A lot of people went to celebrate their fiesta. She even saw Clode near the stage with a beer in his hand. Mukhang kinukumbinsi ito ng bandang tutugtog na maki-jam kaya todo ang piga ni Maia sa kanyang braso.
"Naku, ang Clode my loves ko!" Maia squeaked.
Napailing na lamang si Teissa lalo na nang nagwala na nang tuluyan si Maia dahil umakyat na ng stage si Clode. The crowd went even crazier the moment Clode sang the first line of the song. Tila ba pakiramdam ng mga ito ay hinaharana sila ng kanyang pinsan dahil sa lamig ng boses nito.
"Dito ka lang, ha? Lalapit lang ako sandali sa harap para ma-video ko si Clode!" bilin ni Maia.
Hindi na niya ito pinigilan. She stayed at her spot and watched Maia make her way through the crowd. Ibinalik na lamang din niya ang tingin sa stage saka mahinang sinabayan ang pag-awit ng kanyang pinsan.
Clode is currently making his way up in the music industry. Balita niya ay nagbabalak itong bumuo ng banda pagka-graduate ng kolehiyo. Sa susunod na taon na iyon kaya excited din siya para rito.
Teissa hugged herself as she kept her gaze on Clode. Maya-maya ay naramdaman niya ang pag-akbay ng kung sino. She looked over her shoulder and met Dayne's eyes. He flashed his infamous smirk at her before he lowered his head to whisper on her ear.
"Akala ko hindi ka na darating. Kanina pa kita hinahanap sa buong plaza," ani Dayne. Amoy sa hininga ang alak kaya medyo nailang siya. Umiinom na pala ito?
Nahihiya siyang ngumiti. "Medyo maputik ang daan kasi umambon kanina kaya nagdahan-dahan lang si Mang Ekong sa pagmamaneho," dahilan niya.
Piniga ni Dayne ang balikat niya. "Tara, hanap tayo ng makakain. Libre kita."
Gusto niya sanang tumanggi dahil baka hanapin siya ni Maia kaya lang ay sa laki ni Dayne ay madali siya nitong nakaladkad palayo sa dagat ng mga tao.
They'd passed by the stalls of street foods. Akala niya ay bibili talaga sila ng pagkain kaya nang mapunta na sila sa bandang madilim ay nagtaka na si Teissa.
"Uh, D-Dayne? A-Anong ginagawa natin dito?"
Dayne cornered her by resting his hands on the wall. "Mag-uusap lang nang konti. Ayaw mo ba kong masolo, hmm?"
Kinakabahan na siyang tumitig pabalik kay Dayne. "I-I think I'll go back. Baka hanapin ako ni Maia--"
"Pabayaan mo na 'yon. Dito muna tayo." Hinawakan siya nito sa pisngi saka ito yumuko. "Pa-kiss lang sandali--"
"D-Dayne, please ayaw ko ng ganito--"
"Sige na, Teissa mabilis lang naman."
Her heartbeat raised. Pilit niya itong itinutulak palayo sa kanya ngunit masyado itong malakas. Nagpa-panic na siya't nanginginig sa takot dahil talagang kahit anong iwas niya ay pilit inilalapit ni Dayne ang mukha sa kanya.
"Sige na, huwag ka nang umarte--"
Takot na takot siyang umiwas sa halik nito. Her tears had already built up in the corners of her eyes out of fear. Sa isip ay walang ibang hiling kung hindi ang makaalis sa sitwasyong ito.
"Dayne, please--"
Napasinghap na lamang si Teissa nang biglang may humablot kay Dayne at hinatak ito palayo sa kanya. Maya-maya ay humandusay nang tuluyan si Dayne dahil sa malakas na suntok ng lalakeng nagligtas sa kanya.
Tumakbo si Dayne palayo nang akmang susuntuking muli ng lalake. Hindi naman nakagalaw si Teissa sa kinatatayuan. Nangangatog sa takot at walang tigil ang pagpatak ng mga luha.
"Are you okay?" a familiar voice asked.
Nag-angat ng tingin si Teissa. Nang mapagtanto niya kung sino ang lalakeng nag-aalang nakatitig ngayon sa kanya ay halos bumigay ang mga tuhod niya.
"K-Kuya Armani..."
Lumamlam ang mga mata nito nang marinig ang paghikbi niya. He took a step forward then finally pulled her for a hug as if he wanted to make her feel that she's finally safe.
Hinaplos nito ang kanyang buhok. "It's okay, Teissa. I'm here." Pinatakan nito ng halik ang tuktok ng kanyang ulo. "I won't let anyone hurt you..." He tightened his hug around her small frame. "Walang pupwedeng manakit sa'yo..."