MARAHANG hinahaplos ni Teissa ang ulo ni Islaw habang may nakaguhit na matipid na ngiti sa kanyang mga labi. Na-miss niya ito nang sobra. Kung siguro ay pwede niya lamang itong bitbitin sa Maynila ay ginawa niya na nang lagi niya itong makasama.
Umihip ang malakas na hangin at tumabon ang kanyang buhok sa mukha kaya nang gumawa ng ingay si Islaw na tila sinasabing mukha siyang bruha ay mahinang natawa si Teissa.
"Oo na, Islaw itatali ko na."
She removed the small ribbon on her wrist she wrapped around it in case she finds a bunch of flowers she can harvest. Ngunit dahil wala pa namang nahahanap ay nagdesisyon siyang ipantali na muna ang ribbon sa kanyang buhok.
Akmang aayusin na ni Teissa ang kanyang buhok nang maramdaman ang paglapit ng isang bulto. Nang tumingin siya sa likod at nakitang si Armani ang papalapit, matipid niya itong nginitian habang pinanonood na maglakad.
Mukhang kagagaling lamang nito sa pagligo base sa basa pang buhok. His manly aftershave lingered in her nose, and Teissa is going to lie if she will say she didn't find him more attractive because he smells so good.
"Napasyal ka rito. Akala ko ay mag-aayos kayo ng mga kwadra?" tanong niya nang tuluyan itong makalapit.
Islaw made a sound when Armani rubbed its head as if the carabao was saying hi to him. Sa isip-isip tuloy ni Teissa ay mukhang bati na talaga ang dalawa.
The corners of his lips lifted for a slight smile. "We're almost done so I decided to look for you. Baka kako gusto mong makita ang mga kabayo."
Islaw made another sound before it turned its back on them. Sabay tuloy silang natawa ni Armani lalo nang lumusong itong muli sa maputik na tubig saka pumwesto nang patalikod sa kanilang animo'y nagselos sa sinabi ni Armani.
"Hey, don't get jealous. You're still our baby carabao," ani Armani rito ngunit ginalaw lamang ang buntot kaya muntik na silang matalsikan ng tubig. Kumabog naman nang husto ang puso ni Teissa at ang magkabila niyang pisngi ay uminit dahil sa terminong ginamit ni Armani.
Armani pursed his lips together after he noticed Teissa's blushing cheeks. Tumikhim ito at kinuha ang ribbon mula sa kanyang kamay. Tila nais pawiin ang pagkailang niya.
"Let me help you. I saw you trying to tie it earlier."
Magpoprotesta pa sana siya nang hawakan na nito ang kanyang balikat saka siya pinatalikod. Wala na tuloy siyang nagawa nang maestatwa na ang katawan niya habang ang puso niya ay mas lalo nang nagwala matapos hawiin ni Armani ang kanyang buhok.
She even had to purse her lips tightly as Armani stroked her hair to fix it. Napapadasal na lamang siya na sana ay hindi nito mapansin ang epekto ng ginagawa nito sa buhok niya kung hindi ay talagang magpapalamon na lamang siya sa lupa.
She held her breath but almost gasped when Armani's fingertips touched her nape. May kung anong kuryenteng dumaloy sa kanyang katawan. Tila bawat himaymay ng kalamnan niya ay nagsimulang magningas sa simpleng haplos nito.
Pinaharap siya nitong muli saka inayos ang ilang hiblang naiwan sa harap. He even tightened the ribbon while he's in front of her. Naamoy tuloy niya ang mabango nitong kili-kili. Parang ang sarap singhutin!
God, she almost sniffed him already. Bakit naman kasi napakabango nito? Tila napakasarap maamoy pagkagising sa umaga at tuwing matutulog sa gabi.
She gasped when she felt Armani's fingers on her chin, lifting her head up. "What's wrong?"
"Hmm?" Napakurap siya at biglang tinamaan ng hiya dahil wala siyang ideya kung bakit ganoon ang tanong nito sa kanya. "What do you mean?"
He slightly lifted a brow. "Natahimik ka, Teissa. What are you thinking?"
Lumunok siya at mahinang umiling habang hirap na salubungin ang tingin nito "W--Wala naman. Wala lang akong masabi."
Matipid itong ngumisi saka nagpatuloy sa pag-ayos sa kanyang baby hair na nagmukha nang bangs. "I love talking to you especially at night when I'm so tired--" Bigla na lamang itong napahinto at tumikhim. "I mean when we are talking via video call."
Napakurap siya. "It's been a while since we last spoke via video call. You don't chat that much, too and I don't send you messages because I know you were busy."
"Right, right." Alanganin itong ngumiti. "Yeah, I got really busy with uhm, lots of stuff." Hinimas nito ang batok bago tumikhim. "Should we go see the horses now?"
Nagtataka man sa biglang ikinilos nito ay hindi na lamang pinansin pa ni Teissa.
"Islaw, aalis muna kami!" paalam niya sa kalabaw.
Islaw made a sound then hit the water with its tail. Napailing na lamang silang pareho ni Armani.
"Let's pretend he's not acting like a jealous teenager," Armani joked before he placed his palm on her lower back to support her as they walked.
Nakagat tuloy ni Teissa ang ibaba niyang labi upang pigilan ang kilig niya. Mali na maramdaman niya iyon kaya lang ay masyadong pasaway ang mga paru-paro sa kanyang tiyan.
Nilakad nila mula sa sapa hanggang sa mga bagong tayo na kwadra. Mabuti na lamang at makulimlim kaya kahit alas tres pa lamang ng hapon ay hindi sila natutusta ni Armani sa init.
Teissa was amazed by the stallion horses. Mukhang matibay rin ang pagkakagawa sa kwadra. Ang sabi ni Armani ay kukumpletuhin ang lahat ng kakailanganin ng mga kabayo para maging maayos ang mga ito sa kanya-kanyang kulungan.
"There are twelve horses here already. Six are for breeding, five are already undergoing trainings."
Tumingin siya kay Armani. "What about the other one?"
Armani flashed an inward smile before he pointed the last horse. A white Friesian horse with braided hair . . .
"That one is the most special horse we have here, baby--I mean Teissa." He cleared his throat and tried to hide his blushing cheek. Pati rin si Teissa ay pinamulahan ng pisngi dahil sa sinabi nito kaya itinuon na lamang niya ang kanyang atensyon sa puting kabayo.
"W--What's its name?"
"I uh, haven't named it yet. It's a boy. You can name it."
Her face lightened up. "Really? But it's not mine bakit ako ang magpapangalan?"
Ngumiti itong muli sa kanya saka sumandal sa kahoy na poste. Itiniklop nito ang matipunong mga braso sa tapat ng hulmadong dibdib na bahagyang bumabakat sa suot na asul na t-shirt. "I bought it so it's yours. Whatever belongs to me is yours, too."
Muling namula ang kanyang pisngi at ang dibdib niya ay nagwala nang husto kaya hindi niya magawang tingnan nang maayos si Armani. "B--Bakit naman?"
Imbes na sagutin siya ay humugot lamang ito ng malalim na hininga. "So what should we name this big boy, hmm?"
Sandali siyang nag-isip. "How about Andres Bonifacio?"
Napakunot nang husto ng noo si Armani. "Out of all the names in the world, you picked a name that matches your nickname for your husband? That's not fair."
She chuckled softly when she noticed his expression. "Hindi niya naman siguro malalaman. Saka bagay naman, hindi ba? Andres has a very beautiful voice, I bet he's also a beautiful man." Tinitigan niya ang kabayo. "This horse is gorgeous."
Napatikhim si Armani. "R--Really? You love his voice?"
Tumango-tango siya. "Somehow, his voice calms me whenever we are talking. Medyo hawig nga kayo ng boses, eh pero imposible namang ikaw si Andres kasi hindi ka naman papayag makasal nang basta lang." Nginitian niya ito. "So yeah, I love my husband's voice so much."
Napansin niyang kumislap ang mga mata nitong nakatitig sa kanya habang ang mga labi ay hindi na nito namalayang kumurba para sa isang matamis na ngiti. Tila ba naging masaya ito sa kanyang sagot kaya bago pa man niya isipin na namang ito at si Andres ay iisa, humugot na si Teissa ng malalim na hininga saka niya hinaplos ang ilong ng kabayo.
"Pwede, 'Andres Bonifacio na lang ang itawag ko sa kanya?" tanong niya saka sinulyapan si Armani.
Napakamot ito ng patilya. Nang tila may naisip ay tumingin ito sa kabayo saka bumuntonghininga habang pigil ang pagngisi. "Sige na nga tutal pareho mo rin namang sasakyan," he murmured.
Napakunot siya ng noo. "Ano kamo?"
Armani chuckled softly pero hindi niya naintindihan kung bakit. Nang mapansing confused na talaga siya ay nagpigil ito ng tawa saka tumikhim.
"Don't mind me, Teissa my mind isn't thinking straight right now." He bit his lower lip when he almost chuckled again.
Napailing tuloy si Teissa. "Alam mo masama 'yan, Armani. Sabi nila kapag natatawa sa sarili masamang senyales 'yan. Baka naman masyado mong ini-stress ang sarili mo sa pag-aaral kaya ka nagkakaganyan?"
Tuluyan na naman itong natawa. "Oh, God how will I explain this?" He blew out some air. "Just . . . Just don't mind me, Teissa. You'll understand soon. Saka ko na lang ipaliliwanag sayo kapag . . ." Tumigil ito kaya nalukot ang noo ni Teissa.
"Kapag?" naguguluhan niyang tanong sa namumulang si Armani.
Tumikhim ito. "Kapag pwede nang i-demo." He laughed again, only this time, he turned around and clutched onto his hair. Lalo lamang tuloy na-weirduhan si Teissa rito kaya napakunot siya ng noo nang husto.
"Nagiging Sisa na ba 'tong si Armani sa sobrang talino?" she murmured to herself.
"Ah, your innocence sometimes drive me insane," dinig niyang bulong nito sa sarili bago tumikhim na tila pinakakalma ang sarili.
Napailing na lamang si Teissa saka niya tinuon ang atensyon sa kabayo. "Don't worry, Andres. I'm going to learn how to ride you properly. I'm going to be good at it."
Muling bumungisngis ng tawa si Armani sa hindi malamang dahilan kaya lalong napakunot ng noo si Teissa. Sobra ang pagtataka kung bakit ba ito tawa ng tawa eh wala namang nakakatawa sa sinabi niya.
"Napapa'no ka ba, Armani? Bakit ba tawa ka nang tawa? May nakakatawa ba sa sinabi kong pag-aaralan ko kung paano sakyan si Andres para maging magaling ako sa pangangabayo?"
Imbes na tumigil sa pagtawa ay lalo lamang lumutong ang tawa nito kaya napairap siya rito saka bumuntong hininga. Minsan talaga hindi niya maintindihan si Armani. Mas mahirap pang espelengin kaysa kay Islaw.
Napailing na lamang tuloy si Teissa saka kinausap ang walang muwang na kabayo.
"Tama nga. Baby niya nga si Islaw. Pareho silang hindi maintindihan minsan . . ."